Myla's POV Malapit na kami sa pamilihan, yung puso ko sobrang bilis na ng tibok. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong hindi naman ako kakainin ng mga tindera. Ipahiya pwede pa. Nang mai-parking na ni papa ang tricycle ay napahinga nalang ako ng malalim. "Shit." "O heto pambili at yung listahan. Sa tyangge ka bumili huwag sa mall. Ipapaayos ko lang itong gulong. Babalikan kita. Sakto lang yang pera kaya wala kang makukupit." Tangina. Pano pag nagmahal yung rekado? Wala pa naman akong extra. Tumango nalang ako saka bumaba na. Mabuti nalang dala ko ang phone ko. May pang-kwenta at may maisasangla pag kulang. "Miss san ka?" tanong nung tryk driver. Pilit ngiting umiling ako saka agad nang naglakad. Nang basahin ko ang listahan kanina ay pitong rekado lang naman ang bibilhin. Nang makakita ng patatas at carrots na nakahilera ay napahinto ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim saka lumapit. "Ate magkano po?" mahinang tanong ko pero hindi ako pinansin. Malamang dahil may dalawa pang costumers na nauna at dalawa lang yung nagtitinda. "Ate magkano po?" sinubukan kong lakasan ang boses ko pero hindi pa rin ako pinansin. Ito talaga ang ayaw ko eh. Gagawa sila ng tindahan tapos hindi naman papansinin ang mga costumer. Badtrip. "Ate!" Napayuko ako ng napatingin sa akin and dalawang babaeng tindera pati na rin ang dalawang bumibili. "Ano!" sigaw nung isa. Yung isa naman ay bumalik sa pakikipag-usap doon sa tumatawad. "M-magkano po?" mahinahong tanong ko saka itinaas ang dalawang kamay na may hawak na patatas at carrots. "Singkwenta 1/4 sa patatas. Kwarenta sa carrots," saad niya at binigyan ako ng palanggana para sukatin. Basta ko nalang nilagay doon ang sa tingin ko ay nakakain dahil hindi ako marunong pumili. "Ate ito po sa patatas," tawag pansin ko sa kanya. Salamat naman at hindi ko na kinailangan pang sumigaw. Nang tumapat sa 1/2 ay sinubukan kong tumawad. "A-ano ate pwede bang 80 nalang sa patatas?" saad ko habang nagda-dasal sa loob na sana ay pumayag siya. "Ano! Wala na nga kaming puhunan babaratin mo pa! Doon ka nalang bumili kung ganon-" "Ay hindi na po! Ito po 100," agad na putol ko sa kanya. Nagtitinginan na kasi ang ibang tao. Agad na sinunod kon ang carrots at hindi na tumawad pa. Matapos non ay umalis na ako agad. I wonder how other people do that? Paano nila nagagawang tumawad at makipag-chikahan pa sa mga tindera. O baka masungit lang talaga yung napag-bilhan ko? Pero hindi eh, kanina tinawaran siya nung isa, pumayag naman. Favoritism? Nababasa niya ba ang aura ko? Napailing nalang ako at sinunod ng bilhin ang iba pang nasa-listahan. Nang huling rekadonalang ang bibilhin ko ay 10 pesos nalang ang natira. Shit! Paano magkakasya diyan ang isang supot ng asin? Tangina daig pa ko ng bata. Yung napanood ko kasing ad, pinabili tapos pag-uwi napagkasya niya yung pera. Huminto ako sa bilihan ng asin at may lalaking nandoon din at bumibili ng asin. "Miss magkano asin niyo?" tanong ko. "Bente isang supot miss." Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kasalanan 'to nung babaeng ayaw magpatawad. Napailing nalang ako. "A-ano pwede po ba kalahati lang?" tanong ko habang kumakabog ang dibdib ko. Please lang pumayag na po kayo. Napansin ata nung lalaking katabi ko na balisa ang itsura ko. Mahina siyang tumawa saka sumagot doon sa tindera. "Miss sagot ko nalang yung kulang. Bigay mo na sa kanya ng buo," saad niya. Hulog ka ng langit. Napahinga ako ng maluwag matapos niyang sabihin 'yon. "S-salamat po," nahihiyang saad ko habang naka-tingin sa asin na isinusupot nung ale. “No worries. You don’t need to pay me back,” sagot niya. Wala naman akong sinabing babayadan ko. Sampu na nga lang natira.
Pilit nalang akong ngumiti paharap sa kanya. May itsura si kuya. Umalis na din ako agad.
Saktong pag-dating ko, nandoon na si papa naghihintay. May gana pang kumain ng bituka eh halos manginig na ako kung saan ko huhugutin yung kulang na sampu kanina.
Umuwi na rin kami agad. Pinagalitan pa ako dahil bakit daw walang natira. Kung tama ang dinig ko kanina, sakto lang daw yung pera. Ang gulo niya rin minsan.
Pagdating namin sa bahay ay nandoon na ang mga kaibigan ni ate Mirna. Naabutan naming nagtatawanan sila.
Nasa sala sila kaya dali-dali akong naglakad palagpas sa kanila diretsong kusina.
“Kain na kayo Mirna!” pagtawag sa kanya ni papa.
Sumagot naman si ate saka nagsunuran na sila papuntang kusina. Bago pa sila magumpisa ay dali-dali na akong kumuha ng pagkain ko at agad na nagtungo sa kwarto.
Hindi ko alam sa sarili ko pero habit ko na talagang magtago sa tao. Takot akong makisalamuha at ayokong makisama dahil pakiramdam ko ginagawa nila akong tanga.
Pag-pasok ko ay chinat ko si ate Mirna.
“Pahiram ng laptop.”
Hindi siya nag-reply kaya binuksan ko nalang agad. Wala namang password. Namili ako ng magandang movie na na-download ko saka nilantakan ang pagkaing kinuha ko. Nang maubos na ay kukuha na ulit sana ako kaya lang narinig kong lumakas ang tawanan nila. Pagbukas ko ng pinto ay sumilip ako sa awang. Nasa sala sila. Pwede kong takbuhin palabas.
Hinanda ko na ang plato at basong dala ko.
Tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako mapansin. Ayoko talagang nagiging sentro ako ng usapan eh. Naabutan ko doon si papa na kumukuha ng pulutan nila ng mga kainuman niya.
“Bakit hindi ka makisama doon Myla?” tanong niya.
“Eh, hindi niya naman kaklase ang mga yun eh,” sagot ng kapit-bahay naming nandoon palang nakikikain.
“Kahit na,” sumbat ni papa at iniling-ilingan ako. Dahil doon ay parang nawalan ako ng gana.
Ito nanaman yung pakiramdam na pilit kong binubura sa isip ko.
“Talo ka pa nila Dada. Nakikita ko sila kasama mga kaklase ni ate niya,” pagtukoy niya sa medyo malayong kapit-bahay namin.
“Edi sila na,” gusto kong isumbat pero nanatili akong tahimik.
“Wala ‘to. Sobra ka na. Sobra naman pagka-mahiyain mo,” umiiling na saad niya saka lumabas na bitbit ang boal na pinupuno niya kanina.
Iniwan ko nalang ang plato at baso ko saka naka-tungong dumiretso sa kwarto. Nawala yung gana kong kumain. Pinigil ko ang pag-tulo ng luha ko. Hanggang sa maisara ko ang pinto ay doon nag-situlo ang kanina ko pa pinipigil na luha.
Ganoon ba dapat?
Paano naman kung wala akong social skills? Pinapatay ko ang bawat usapan baka pagtawanan lang nila ako.
I really wonder how other people would do it flawlessly like it’s their super power. Dalang-dala nila ang usapan eh. Sana all. Ako kasi hirap na hirap bitbitin at palaguin ang isang usapan. Makikipag-usap lang talaga ako kapag may kailangan ako sa kanila. Hindi ko ma-voice out ang nararamdaman ko kaya ngiti-ngiti na lang.
Kelan ko kaya mare-reach yung point na hindi na ako mahihiya sa lahat ng gagawin ko?
Kelan kaya mawawala yung pagiging mahiyain ko? Every birthday ko, yun lang naman ang wish ko eh.
Na sana, mawala na ang pagiging mahiyain ko, para mahalin at tanggapin din ako ni papa…
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 26 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (30)
KunTonii
Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA
Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA
14/08/2024
0wow
14/07/2024
0thank you author
01/06/2024
0View All