logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Wonders of an Introvert

Wonders of an Introvert

dasmyl


Chapter 1

Myla’s POV


“Myla!” dinig kong sigaw ni papa.

Dali-dali akong tumakbo kahit pa naka-sando nalang ako. Kagagaling ko lang kasi sa eskwelahan. Kasalukuyan na akong Grade 12 student.

“Po?” humahangos na tanong ko. Kita ko sa mukha niya ang galit. Ano nanaman bang ginawa ko?

“Ano ‘tong sabi ng teacher mo na nag-iisa ka daw palakad-lakad sa school?” Required na palang dapat may kasama pag naglalakad?

Nanahimik lang akong naka-tungo. Baka masampal pa ‘ko.

“Nakakahiya ka! Tignan mo sila Laura may kasama palagi ikaw mag-isa lang. Anong klaseng tao ka?” Alam kong ang babaw pero naiiyak ako.

Mula bata ako, ‘yan na lang lagi ang pinapamukha niya sa akin.

“Ito card mo. Ang taas taas nga ng grade wala namang kwenta. Walang silbi yang talino mo kung mahiyain ka!” huling sigaw niya saka umalis kasabay ng pag-hagis niya ng report card ko sa pagmumukha ko.

Ang tanga tanga ko. Gusto kong sisihin yung teacher na nag-sumbong pero ginawa niya lang naman yung trabaho niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, binigo ko nanaman siya.

Mula bata ako pinamukha sa akin ni papa na sobrang mahiyan ko. Hanggang ngayon pinanindigan ko na ang pagpipintas na ginawa niya. Napa-iling nalang ako ng maalala ko yung nangyari noong grade 3 palang ako. Pinahiya ako ng teacher ko sa buong klase.

“2nd Honor? Ganyan ba ang second honor? Walang alam?” hanggang sa computation ng grade hindi niya ko tinantanan at naging 4th nalang ako sa ranking.

Nung grade five naman ako, nagpabili lang ako ng walis tambo kay papa kasi kailangan nang ipasa kinabukasan. Sinampal niya lang ako ng ilang ulit kasi bakit daw hindi ko sinabi sa kanya agad kahit kakasabi lang naman ng teacher namin mismong araw bago ang pasahan.

Sa tingin ko ilan lang yan sa mga karanasang humubog sa pagiging aloof ko sa mga tao. Hindi ko alam makisalamuha at mag-umpisa ng usapan. Namamatay ang usapan kapag sumasagot na ako kaya ibinabawi ko nalang sa academics. Kaya lang mukhang hindi pa rin sapat dahil palagi paring napapansin ni papa ang mga maling nagagawa ko.

Nagtungo ako sa kwarto at nagkulong. Binuksan ko ang laptop ng ate ko. Pumunta ako sa site kung saan ako nag-apply ng college application. Tapos na rin kasi kami sa defense kaya preparation nalang lahat para sa graduation.

Pitong universities ang in-applyan ko. Luckily, pagbukas ko ay may anim na universities ang tumanggap sa akin. UST, DLSU, UP, PLM, TSU at PSU. Hindi ako natanggap sa PUP, ewan ko din kung bakit. Baka Harvard level ang standards nilla. Napa-iling nalang ako sa pinag-iisip ko.

Wala akong balak sabihin ‘to kila mama. Sa lahat ng eskwelahan na iyan iisa lang ang kursong in-applyan ko, kursong arkitektura. Oo, wala akong magandang taste pagdating sa fashion ng damit pero may taste naman ako pagdating sa mga estruktura.

“Myla! Kain na daw!” dinig kong sigaw ni ate. Isinarado ko na ang laptop bago pa ako maabutan.

Dumiretso ako sa hapag at naabutan ko doon si ate at si papa. Nasa ibang bansa si mama at nagtatrabaho bilang isang domestic helper. Dependent ang pamumuhay namin sa kanya dahil sa papa ay isang magsasaka. Minsan lang kumikita kung anihan na, madalas napupunta pa sa paglalasing.

Naupo na ako at pasimpleng nag-dasal kahit kumakain na sila papa.

“Saan kayo mag e-enroll? Pa-graduate na kayo oh, may plano na ba kayong school na papasukan?” tanong ni papa.

“Sa LNU ako pa, doon sa Dagupan. Doon din kasi mga kaklase ko. Sabay sabay nalang kaming papa-enroll,” sagot ni ate Mirna.

“Ikaw Myla?”

Sumubo muna ako bago sumagot. “N-nakapasa ako sa pinag-examan ko sa manila.”

Nagulat silang dalawa at sabay na napatingin sa akin.

“Mag-ma-manila ka? Saan ka naman titira doon?” Ito na nga ang iniisip ko. Hindi pa ako nag-eenroll may doubts na, ano bang gusto niya? Sundin ko lahat ng gusto niya? Paano naman ako?

“Kina tita po,” sagot ko ng maalala ang mga pinsan kong nasa Manila.

“Makiki-siksik ka doon? Saka mahiyain ka! Hindi ka pwede doon.” Napatungo nalang ako. Nangangarap pa nga lang may disagree na, paano ko pa ipag-papatuloy ang pangarap ko.

“Ano namang kurso mo?” tanong ni papa nang hindi ako sumagot sa mga pinagsasabi niya.

“A-architecture po,” mahinang saad ko pero naging dahilan iyon upang tumawa siya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o tawa iyon ng panghuhusga.

“Masyadong mataas ang pangarap mo. Mag-teacher ka nalang.” Mukha lang akong estatwa pero yung inner soul ko umiiyak na.

Alam ko namang wala na siyang tiwala sa kakayahan ko mula bata palang ako. Hindi niya na kailangang ipamukha sa akin iyon.

Hindi nalang ako sumagot at natapos kaming mag-hapunan ng gabing iyon. Hinugasan ko ang mga pinagkainan at saka naligo bilang paghahanda sa pagtulog.


Kinabukasan matapos naming mag-umagahan ay inutusan ako ni papa na mag-linis. Birthday kasi ni ate at dapat daw ay imbitahan ko ang mga kaibigan ko sa school.

Mamaya ko nalang sila icha-chat. Sana may pumunta. Ayoko nang magmukmok sa isang sulok habang sinisigawan ako ni papa ng mga salitang pagod na akong pakinggan mula sa kanya. Ang mga salitang “Nakakahiya ka.”

Nagwawalis ako habang nagluluto naman si ate ng handa niya. Inimbitahan niya ang mga kaklase niya at pupunta naman daw sila. Sana all.

Habang nagpu-punas ng cabinet ay tinawag ako ni ate Mirna.

“Hawakan mo nga sandali itong lagayan at sasagatin ko itong pasta.” Ginawa ko naman ang sinabi niya hanggang sa mapatalon ako ng mapaso ako sa init ng tubig. Kasabay noon ay ang pagsigaw ni papa.

“Bakit hindi niyo man lang winalis yung kalat sa sala!”

Gusto kong sumagot at sumigaw na “Sandali lang pwede ba?” pero hindi ko ginawa dahil nakaka-walang respeto iyon. Kahit ganyan 'yang si papa sa akin, pinalaki niya naman kaming may respeto at disiplina.

“Sandali lang po. May pinapagawa lang si ate.”

Tumingin lang siya sa akin saka ibinaling din agad sa papel na hawak niya.

“Bilisan mo diyan. Samahan mo ‘ko sa palengke may kulang sa rekado ng pulutan namin. Nanito ang listahan at pera, ikaw ang mamalengke dahil ipapa-ayos ko ang gulong ng tricycle.”

Napamura nalang ako sa isip ko. Shit talaga. Wala akong alam sa pamamalengke. Kahit 18 na ako, panay lang ako sa loob ng bahay kaya hindi ako gaanong nae-expose sa pakikisalamuha.

Hindi ko ipinahalata ang takot ko kay papa.

“Si ate nalang Pa. Nagwa-walis pa ako eh.” Sana gumana.

“Kita mong naglu-luto ang ate mo. Marunong kabang iluto iyan ha? Pwede mo namang balikan nalang mamaya ang paglilinis. Saka nahihiya ka ba ha?” Ayan na nga ang sinasabi ko eh. Umiwas ako ng tingin sa kanya at itinuon nalang sa ginagawa ni Ate Mirna. Tapos na pala ang trabaho ko.

“Walangya. Ayan ka nanaman–“

“Ito na po magbi—bihis na,” saad ko nalang para matapos na ang usapan.

Agad na akong nag-tungo sa kwarto para magpalit.

Suot ko ang isang maluwang na white shirt at black bib shorts. Paglabas ko ay napatingin sa akin si papa.

“Bakit ba hindi mo magaya yang mga pinsan mo diyan sa katabing bahay? Ang baduy mo.”

Pasimple ko nalang pinunasan ang luhang tumulo saka agad ng sumakay sa tricycle.

Dahil sa mga nangyari kahapon, napag-isip isip ko na, hinding hindi ko maaabot ang perpektong ideya ni papa tungkol sa isang pagiging mabuting anak.

Kahit kalian at kahit na anong achievements pa ang ipamukha ko sa kanya, puro kamalian at kamalian ko lang ang makikita niya.

Tanginang buhay…


Book Comment (30)

  • avatar
    KunTonii

    Ganda ng storya ah, nakaka relate as an Introvert HAHAHA

    14/08/2024

      0
  • avatar
    ItimJamaicah

    wow

    14/07/2024

      0
  • avatar
    TederaLyka

    thank you author

    01/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters