logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Four

π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—œ 𝗣𝗒𝗩
"Tulong! Andito kami! Tulong!" malakas na sigaw ko sa dumaang helicopter habang pakaway-kaway ang mga kamay ko sabay talon.
Sumigaw naman si Theoden at ginaya niya ang mga kilos ko. Iwinawasiwas niya pataas ang hawak niyang tanglaw upang makita kami ng piloto o kung sino man ang nakasakay dun sa aircraft. Mas malakas pa ang boses ni Theo kesa sa akin. Malalim at maingay ang sa kanya habang sa akin naman ay limitado lang at hindi na kayang abutin pa ang taas ng tono. Malapit na nga akong mapaos sa kakasigaw na halos iluluwa ko na yung lalamunan ko para lang marinig kami dito.
"Tulongan niyo kami! Hoy! Andito kami! Tulong!" Walang tigil naman sa pagsigaw itong si Theoden at pinanatili niya parin ang pagwagayway sa tanglaw.
"Teka lang." Napangiti ako ng makita kong lumiko ang direksyon ng helicopter at ito'y papunta rito sa amin. "Mukhang natagpuan nila tayo!"
"Oo nga, Nico." Natuwa naman siya ng mapansin niya rin ito.
Bigla kong naipikit ng kaunti ang aking mga mata ng inilawan kami ng helicopter gamit ang searchlight nito. Nasilawan ako sa sobrang liwanag kaya denepensahan ko agad ang aking mga paningin gamit ang isa kong kamay upang makakita ako ng maayos. Inabot ko ang braso ni Theo at niyakap ito. Inantay namin dalawa ang paparating na helicopter.
"Sa palagay ko ay taga-Arcadia sila, kung di ako nagkakamali," duda ko.
"Mukha nga, tingnan natin," tugon ni Theo.
Sana mapagkatiwalaan namin ang mga taong 'to. Kinakabahan ako. Pinakaayaw ko sa lahat ang traydorin ako katulad ng ginawa sa akin ni Jordan. Huwag sana itong maulit pa.
Paglapag ng helicopter sa tabing-dagat, bumaba ang grupo ng mga lalaki at kami ay sinalubong nila. May hawak silang mga baril. Ngayon ko lang napansin na kakaiba ang desinyo ng kanilang helicopter na tila'y gawa ito sa isang modernong teknolohiya. Napakalaki ng sasakyang 'to kaya pala marami ang nakakasakay sa loob. Bukod dito, ang kanilang mga uniform ay unique ang estilo. Dark red ang kulay at puno ng mga protective gear ang mga kasuotan nila. Maganda at nakakaakit sa paningin. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang uniform nila kesa sa uniform ng mga militante sa El Banya na simple lang at kulay Blue. Kung ang tawag sa mga sundalo sa aming lungsod ay combatant, ano naman kaya ang tawag sa kanilang mga grupo?
"Come with us, dadalhin namin kayo sa Arcadia," sabi ng isang matangkad na lalaki na may mahabang ahit sa kabilang bahagi ng kanyang ulo.
"Arcadia," sambit ko ng makumpirma kong totoo nga ang tungkol sa Island City na 'to. Akala ko naman ay isa lamang itong haka-haka.
Sinamahan kami ng dalawang lalaki at kami ay nagtungo sa helicopter. Tinapon na ni Theo ang tanglaw sa dagat at napatay yung apoy nang ito'y mabasa sa tubig. Pagpasok namin sa loob ay umupo kami sa mga upuan. Tumabi sa amin ang mga grupo at sumirado ang pinto ng sasakyan. Pagsuot namin ng seatbelt ay saka pa lumipad ang helicopter papalayo sa isla. Napakatulin ng takbo nito. Mas mabilis pa sa takbo ng humahagibis na tren.
Tumingin ako sa bintana at sumilip saglit. Habang tinatanaw ko sa malayo ang isla, may sinabi ako sa loob ng isipan ko: Paalam na, Abegaille. Mami-miss kita.
"Bakit ba kayo napadpad sa islang iyon?" mausisang tanong ng lalaki na nakaupo sa harapan namin ni Theo. Siya parin yung tao na kumausap sa amin kanina. "By the way, ako nga pala si Alexander Prescott, leader ng mga troopers. There's nothing to worry about us kasi mabubuti kaming mga tao, di namin kayo ipapahamak o sasaktan. Sa ngayon, we're doing Search and Rescue Operation. Mabuti nalang natagpuan namin kayo."
Troopers. Ito pala ang tawag sa kanilang grupo.
"Napadpad kami sa islang yun nang masira ang plane na sinasakyan namin," sagot ni Theo kay Alexander.
"Bakit naman? Anong dahilan?" pagtataka nito.
Napansin kong galaw ng galaw ang mga mata niya. Napakalikot. Kung saan-saan ito nakatingin sa bawat parte ng katawan at mukha namin ni Theo. Para bang sinusuri ni Alexander ang bawat itsura, kilos at mga pananamit namin dalawa na para bang may kahina-hinala sa amin. Sa tingin ko ay gusto niya lang makasigurado na di kami mga armado o kaya isang mga kalaban.
"Inatake kami ng lumilipad na mutant," direktang sagot ni Theoden.
"Ang tawag sa kanila ay Nykteris na galing sa salitang griyego at ang ibig sabihin nito ay 'bat'. Kamukhan kasi nila ang mga paniki at magkasingtulad din ang kanilang mga pakpak," turo nito sa amin. "Maliban sa inyo, may iba pa kayong mga kasamahan?"
"Patay na ang mga kaibigan ko pero may kasama kaming mga bata, dalawa sila at sila'y magkakapatid. Ang isa ay babae at ang isa ay lalaki. Gusto ko sanang makiusap sa inyo na puwede bang hanapin niyo sila," tugon ko.
"Sige, no problem. We will find them immediately kapag naihatid na namin kayo sa Arcadia." Payag niya sa akin.
"Maraming salamat." Nabigyan narin ng kaluwagan ang damdamin ko. Sana mahanap nga nila ang magkapatid dahil hindi na ako makapaghintay na makasama sila at makitang buhay.
"Sabihin mo sakin kung ano ang pangalan ng mga bata. Describe their physical appearance and what they're wearing so we could recognize them," ani Alexander.
"Si Ruthie, maliit na bata siya. Maikli ang kanyang mga buhok at may katabaan ang katawan niya. Kulay pink yung kanyang damit at pula ang suot niyang short. Yung kuya naman niya, si Thomas, matangkad at payat na lalaki. Nakasuot yun ng jacket at itim na mahabang pantalon." Paglalarawan ko.
"Okay," Tumango ito. "Kaano-ano mo ba ang mga batang 'to?"
"Mga anak ko," sagot ko pero mali iyon kaya iniwasto ko. "I mean, anak naming dalawa." Tumingin ako kay Theoden at hinawakan ko ang kamay niya.
Napataas ang mga kilay ni Alexander ng makita niya ang paghawak-kamay namin at sinabing, "Wait, do you two have a relationship?"
"Oo," si Theo ang sumagot. "May relasyon kami."
"Deviants," sabi nito at siya ay napangisi.
"So ano? May balak ba kayong ipakulong kami?" striktong tanong ko sa kanya. Kung sakaling gawin nila ito sa aming dalawa, di ako magdadalawang-isip na kalabanin siya pati na ang kanyang mga kasamahan.
"Ba't naman namin kayo ipakukulong? It's nonsense," natawa si Alexander ng marahan sa akin. "Hindi kami umaaresto ng mga deviants kasi mga tao lang din kayo at mayroon kayong mga karapatan, unless nalang kung gumagawa kayo ng krimen. Mga kriminal ba kayo?"
"Hindi," umiling agad si Theoden. "Di kami mga kriminal."
"Good," sabi nito.
"Teka bakit niyo ba ginagawa ang Search and Rescue Operation?" nausisa si Theoden sa kanilang trabaho.
Binuka ni Alexander ang mga binti niya at isinandal niya ang kanyang mga siko sa magkabilang hita. Pinaghawak niya ang kanyang mga kamay saka nito sinagot ang boyfriend ko. "Ginagawa namin ang operasyong 'to kasi madalas na naming nababalitaan na marami na raw ang mga taong napapadpad sa iilang isla sa archipelago ng spratly at kadalasan sa dahilan ng kanilang paglalakbay ay hinahanap nila ang lokasyon ng Arcadia."
"So, ibig sabihin pala nito ay hindi lang kami ang nakakaalam tungkol sa inyong lugar," ani ko nang ito ay aking matanto.
"At ito din ba ang rason niyo kung bakit kayo naglakbay?" tanong ni Alexander.
"Oo, naglakbay kami ng ilang milya sa karagatan para hanapin lang ang teritoryo niyo," tugon ni Theoden sa kanya. "Gusto kasi naming makahanap ng ligtas na matitirahan dahil ayon sa aming nalalaman, ang Arcadia ay naghahandog daw ng safety and security at saka food and shelter."
"Sabi ko na nga ba, tama nga ang hinala ko," ani Alexander. "Hanggang ngayon ay nagtataka parin kami kung paano nalaman ng mga tao ang tungkol sa Arcadia. Dapat nga ay sekreto lamang ito at walang sinuman ang makakaalam. Sa hinala ko ay may nakakita sa aming teritoryo at binalita niya ito sa mga tao. Natatakot na ang head namin sa Arcadia na baka lumala ang pagkalat ng mga usap-usapan sa lungsod."
"Ano bang tinatago niyo bakit ayaw niyong ipaalam ito sa mga tao?" seryosong tanong ko. Nabahid tuloy ng pagdududa ang aking mga tingin sa kanya.
Muling tumawa si Alexander na para bang may halong biro sa sinabi ko at ako'y tinanong niya, "Ano nga palang pangalan mo, Sir?"
"Nicolai Sullivan," direktang sagot ko at kinuros ko ang aking mga braso.
"Ikaw, Sir? What is your name?" tanong naman niya sa boyfriend ko.
"Theoden Aberforth," pagpapakilala nito.
"Okay, Sullivan and Aberforth, listen," Tinitigan niya kami at inumpisahan na niya ang pagpapaliwanag. "First of all, wala kaming tinatagong sekreto. Isipin mo, daan-daang mga tao ang nakatira sa lungsod at kung magpunta silang lahat doon sa aming teritoryo, magiging overpopulated na ang Arcadia kaya ayaw naming hayaan na mangyari ito. Hindi puwedeng malaman ito ng lahat at bukod sa rason na 'to, ayaw din naming umabot ang mga usap-usapan sa El Banya kasi delikado."
"Delikado? Bakit mo nasabi yan?" napaismid ako sabay kunot-noo. Ako'y nagtataka.
"Basta," tinuwid na niya ang kanyang likod at iniwasan kami ng tingin.
"So, may tinatago nga kayong sekreto? Sinungaling." Inirapan ko siya.
Napabuntong-hininga si Alexander at sinabing, "Ngayon lang namin kayo nakilala, okay? nag-iingat lang kami at isa pa ay wala pa kaming tiwala sa inyo."
"Puwede bang aminin mo nalang sa amin ang-" naputol ang salita ni Theo ng bigla siyang sinabad ni Alexander.
"No." Umiling ito sa kanya. "Wala akong karapatan na sabihin ang mga nalalaman ko sa isang mga sibilyan na katulad niyo. If you really want to know everything, ask the head of the Arcadia upang masagot yang mga katanungan niyo. Pasensya na sa inyong dalawa, sumusunod lang kami sa aming mga alituntunin at ayaw din naming matanggalan ng trabaho, do you understand?"
"We're here," anunsiyo ng pilot nang marating na namin ang aming destinasyon kaya agad kaming sumilip ni Theoden sa bintana para tingnan kung anong meron sa labas.
Ang Arcadia. Heto na siya. Sa wakas ay narating narin namin ang Island City.
Nang matanaw ko ang syudad, ako'y napanganga at nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng lugar. Ako ay namangha at nakaramdam ng pagka-excite. Nasilayan ko ang matataas na pader na nakapaligid sa buong isla na pumuprotekta sa Arcadia. Kakaiba ang disenyo ng mga gusali at puno ito ng mga ilaw. May mga kalsada at mahahabang tulay. May mga tumatakbong kotse sa highways at mga taong naglalakad sa bawat sulok ng syudad na parang mga langgam sa paningin ko dahil sa liit at dami nila. Wala na akong masabi; napakaraming mga kahanga-hangang mga bagay sa lugar na 'to. Ang sarap naman palang tumira sa Arcadia. Maginhawa ang buhay. Para sa akin ay isa itong pangalawang bersiyon ng El Banya pero mayaman at maunlad.
Ang daming mga nakabukas na ilaw dito kahit gabi na, kung ikukumpara dun sa lungsod namin, dapat patay na lahat ng mga ito at wala ng sinuman pa ang puwedeng lumabas sa oras ng alas nuwebe. Talagang naiiba ang Arcadia. Palagay ko nga, puro mga malulusog at masigla ang mga nakatira rito. Parang hindi sila nahihirapan sa paghahanap ng pagkain. Napakasuwerte nila. Sa ibabaw ng pader, may napapansin akong mga troopers na nagbabantay sa labas ng teritoryo. May dala silang mga armas at bawat isa sa kanila ay nakatayo sa harap ng mga anti-aircraft guns.
Mayamaya ay nagtungo na ang sinasakyan naming helicopter sa runway na nasa labas lamang ng pader. Sa malayo ay may nakita akong isang kotse at isang matandang driver na nakatayo roon sa gilid ng daanan. Parang hinihintay niya kami. Paglapag ng helicopter, bumukas agad ang pinto sa likod nito at kami'y isa-isa ng lumabas. Rinig na rinig ko sa ilang metro ang busina ng mga sasakyan sa syudad. Nasasabik na tuloy akong pumasok sa loob para panoorin kung ano pa ang meron sa paligid.
"Hali kayo, dadalhin ko kayong dalawa sa health facility," ani Alexander sa amin at tinungo niya ang kotse. Sinundan naman namin siya. Napansin niya ata ang mga sugat sa katawan namin kaya gusto niya kaming dalhin sa sinabi niyang health facility.
Napansin ko yung ibang mga troopers na nagpaiwan lang sa loob ng helicopter, di na sila sumama pa sa aming tatlo. Pagpasok namin sa loob ng kotse ay umupo kami ni Theo sa back seat habang si Alexander naman ay nasa front seat. Ibiniyahe agad ng driver ang sasakyan at bumukas ang malaking gate sa pader nang hindi ko inasahan. Pagpasok namin sa syudad ay muli na naman akong sumilip ng bintana at ako'y tumingin sa labas pati narin si Theo. Para kaming mga batang musmos na nanonood ng mga palaro sa karnabal.
****
Ang sarap ng aking pakiramdam ngayon. Napakalinis ko na at napakasariwa. Kakatapos ko lang maligo sa bathroom ng pasilidad pati na si Theo. Bago na ang aming mga suot na damit at pantalon. Maayos na ang porma ko. Nakasuot narin kami ng bagong pares ng sapatos. Yung paborito kong bota ay wala na, tinapon ko na iyon kasi malapit ng matanggal yung suwelas. Puno narin ng mga gasgas ang leather. Oras na para magpalit ng sapin sa paa.
Kasalukuyang ginagamot ng nurse ang namamagang sugat sa kamay ko. Ako'y nakaupo sa reclining chair samantalang si Theo naman ay nagpapahinga sa upuan at binabantayan niya ako.
"Ano yan?" bigla akong napatanong sa nurse nang makita ko ang isang malagkit na likido na nilagay niya sa butas ng sugat ko.
"Wag po kayong mag-alala, sir. Ito po ay isang medicinal gel. Pagagalingin nito ang sugat niyo sa loob lamang ng tatlong araw." Paliwanag niya sa akin at tinakpan na niya ng bendahe ang kamay ko.
"Okay," sabi ko ng maintindihan ko na.
Di nagtagal yung nurse, umalis din siya dito sa loob ng room at pagkalabas niya sa pintoan ay si Alexander agad ang sunod na pumasok. Bilis akong napabangon sa kinahihigaan ko at ako ay tumingin sa kanya.
Paglapit niya sakin ay kinausap ko siya, "Nasaan ang head niyo sa Arcadia? Puwede ko ba siyang kausapin kahit sandali lang?"
"Why are you so curious about this, huh?" Napaismid si Alexander.
"Pinipigilan mo ba ako?" sikmat ko naman sa kanya. "May mali ba sa pagiging mausisa? Nais ko lang naman makilala kung sino ang namumuno sa teritoryo niyo para malaman ko kung anong klaseng lider siya. Gusto ko lang malaman kung isa ba siyang kalaban o hindi."
"What are you talking about? Alisin mo yang negatibo sa loob ng isip mo," sikmat niya sakin. "You cannot talk to him right now, he's busy. Huwag mo muna siyang disturbohin sa ngayon, okay?"
"O baka kaya nagsisinungaling ka lang para di ako makalapit sa kanya. Hindi mo ako maluluko," ani ko.
"If you don't believe me, puntahan mo siya sa kanyang office. Kayo na po sir ang bahala kung maniniwala kayo sakin o hindi," tugon niya at mainit ang kanyang mga tingin sakin. "Anyway, I have to go. Hahanapin pa namin ang mga anak niyo. Babalitaan nalang namin kayong dalawa kapag natagpuan na namin sila."
"Salamat, Alexander," sabi ni Theoden sa kanya at tumango lang ito saka siya tumalikod sa amin at lumabas sa pintoan.
Nakasimangot akong humiga pabalik sa reclining chair.
"Nico," sambit sa akin ni Theo.
"Ano?" tanong ko.
"Wala ka naman sigurong dapat na ipagduda. Kung masasama sila ay bakit sila tutulong ng ibang tao, diba? Mukha naman silang mga mababait at wala akong nakikitang problema sa mga tao dito," sabi niya sakin.
"Hindi, Theo." Pinilig ko ang ulo ko. "May masama talaga akong nararamdaman sa kung sino man ang head ng Arcadia. Wag tayong magpakabahala lalong lalo na na hindi pa natin siya kilala ng husto. Kailangan kong tiyakin na hindi siya isang kaaway katulad ni Benedict."
"Sa bagay, may punto ka naman. Ikaw na ang bahala basta ako, naniniwala ako kay Alexander," aniya.
Wala akong magagawa kung pumapanig si Theoden sa lalaking iyon. Mas paniniwalaan ko pa ang sarili kong opinyon. Bukas, may gagawin ako. Aalis ako sa health facility na 'to pero babalik din ako agad.

Book Comment (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

    Β Β 0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

    Β Β 0
  • avatar
    AyeshaAkiko MeΓ±oza

    i like it

    29/07

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters