logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 Why?

HERA'S POINT OF VIEW
Huh? Anong late? "Oh, really? Bakit hindi mo tingnan?" Itinuro ko ang digital clock na nasa itaas ng blackboard—hindi pala, whiteboard. 6:59 AM pa lang so it means, hindi ako late. Napangisi ako nang bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Very good, Transferee. Are you going to introduce yourself?" Biglaan akong napalingon sa harapan nang marinig ko ang boses na iyon. Mayroon na palang teacher, bakit hindi ko napansin kanina?
Automatic na napatango ako at naglakad papunta sa tabi niya. Huminga ako nang malalim bago nagpakilala. "Good morning. My name is Hera M. Hizon." Binalot ng katahimikan ang buong classroom pagkatapos kong sabihin 'yon. "I'm 16 years old as of now. Kung may iba pa kayong gustong malaman tungkol sa akin—"
"Rank 1 ka sa dati mong school, hindi ba?" Nakatanggap ng masamang tingin mula sa akin si Joshua. Alam na nga, magtatanong pa.
"Yes, why?" Pilit kong pinakalma ang sarili ko para hindi mahalata ng teacher na nasa tabi ko.
"Wala lang." Bigla siyang binatukan ng lalaking katabi niya. Maybe, nainis na rin siguro sa ugali niyang mas malala pa sa baliw.
"Um, Hera, I'm Evangeline Cortez, your class adviser." Nginitian ako ni Ma'am Cortez sabay abot sa kanyang kanang kamay. Ang buong akala ko, makikipagkamay lang siya sa akin pero pagkaabot ko ng aking kamay, bigla niya akong hinatak palabas ng classroom.
"Ma'am, saan po tayo pupunta? Bakit po ninyo ako hinahatak?"
"Oh, sorry." Binitawan niya ang kamay ko na halos mamula na sa pagkakahawak niya. Humarap siya sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad. "Before you study here, kailangan mo munang malaman ang mga bagay-bagay na hindi mo pa nalalaman tungkol sa mundong ito." Magtatanong pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa nang bigla niya akong buhatin at sa maikling oras, nasa loob na kami ng library.
Halos wala akong makita sa paligid dahil sa sobrang bilis ni Ma'am Cortez. Nagble-blend ang mga kulay ng mga nadadaanan namin.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil parang nawalan na ako ng boses. First time kong ma-experience ang ganoon, malamang.
"Did you enjoy the ride?" tanong niya habang ibinababa ako. Napailing ako na siyang nagpakunot sa kanyang noo. "Hindi mo pa na-experience ang ganoon?"
It's obvious. "Ngayon lang po." Pilit akong ngumiti na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.
"Why?"
"I don't have wolf abilities yet. That's why my father took me here, Ma'am." Kahapon ko nga lang nalaman na Wolverian ako, eh.
"That's weird. Kahit mga bata pa lang ang mga Wolverians, may wolf abilities na."
This time, noo ko naman ang napakunot. "Seriously po? Baka hindi po ako Wolverian, baka human po—"
"That's impossible. Kung talagang ordinary human ka, invisible sa iyo ang Wolverian Territory."
"Sa mga Wolverians lang po visible ang lugar na ito?"
"Yes."
"How?"
"Nag-create ng barrier ang mga scientists at inventors sa palibot nitong lugar na tanging mga Wolverians lang ang nakakakita."
"Invisible barrier that can hide what is inside? That's cool!" I exclaimed.
"Of course. Ano? Start na natin?"
"Sige po." Nauna na siyang umupo sa isang table malapit sa akin bago ako sumunod.
"Well, ano ang gusto mong unahing malaman? Wolverian territory or about our hierarchy—"
"History na lang po," agad na sagot ko.
"Wait, wala iyon sa choices."
"Bakit po? Wala po bang history ang nga Wolverians?"
"Mayroon pero walang nakakaalam. Ngunit may sabi-sabi na tayong mga Wolverians ay nanggaling sa iisang tribo which was the Wolvers tribe."
"Wolvers tribe? It sounds weird." Hindi pinansin ni Ma'am Cortez ang comment ko. Sa halip ay nagpatuloy lamang siya sa pananalita.
"Isa itong tribo ng mga tao na may wolf blood."
"Wait, Ma'am. Kung galing ang Wolverians sa tribe na ito, so it means. . ."
"Yes. May iba pang kasali at ito ay ang Devourians and Shifters. Ang mga Devourians ay may 60% wolf blood and 40% human blood samantalang ang mga Shifters naman ay may 50% wolf blood and 50% human blood."
"Kapareho ba natin sila?" Napahawak na lang ako sa aking noo dahil sa naging tanong ko.
"Of course, not. Kaya nga tayo nahati dahil magkakaiba ang mga abilidad natin. Ang mga Devourians ay may kakayahan na maging wolf at kapag nasa human form sila, maaari nilang gamitin ang kanilang wolf abilities. Sila ang pinakadelikado sa lahat dahil kumakain sila ng mga flesh ng humans, animals, and other members of the Wolvers tribe."
"What the hell?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mag-react sa naririnig.
"Yeah, it's really hell. Sa kabilang banda, ang mga Shifters naman ay may kakayahan lang na mag-shift sa pagiging wolf."
"Ma'am, don't tell me na pati Shifters kumakain ng human." Bigla na lang siyang napatawa na lubos kong ikinagulat.
"Talagang hindi dahil hindi naman sila kumakain ng tao kundi animals lang." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil do'n. Pero teka nga, totoo ba ang mga ito?
"Totoo po ba ang Devourians at Shifters?" Dahil kung oo, we're in great trouble!
"Yeah—"
"What?!" Napatakip ako sa bibig ko noong ma-realize ko na sumigaw pala ako. "Pero sabi po ninyo, sabi-sabi lang."
"Sabi-sabi lang ang sa part na galing tayo sa Wolvers Tribe."
"Ah, got it." Hindi kasi nilinawan.
"Matagal nang wala ang lahi ng Devourians—"
"So, buhay pa po ang Shifters?"
"Yes. Sa katunayan nga, malapit lang ang territory nila sa atin dahil mga kakampi natin sila. Magkapareho rin ang technologies natin dahil na rin sa existing trade."
"Whoa! Paano po pala nawala ang mga Devourians?"
"Well, namatay silang lahat noong may naganap na secret war between our tribes."
"Ano po ang dahilan ng war?"
"Tutol kasi ang mga Shifters at Wolverians sa gawain ng mga Devourians sa pagpatay at pagkain sa mga tao."
"Ah. Kahit sino naman po, talagang tutol sa pagpatay." Because it's a crime at kahit sinumang nilalang ay walang karapatang kumitil ng buhay.
"Yes, you're right." Napabuntong-hininga na lang ako nang magtanong si Ma'am Cortez. "What's next?"
"Wolverian hierarchy na lang po. Alam ko na ang tungkol sa territory dahil sinabi na po sa akin ni Dad kahapon."
"Sino ba ang Dad mo?" Wait, interested ba siya kay Dad? Hindi na siya available, eh. May nagmamay-ari na sa puso niya, si Mom. Ugh, whatever.
"Mr. Leo Hizon po." Biglang nanlaki ang kanyang mga mata na ikinakunot ng noo ko. "Bakit po?"

Book Comment (107)

  • avatar
    Nyx Selvixis

    this story is so good

    06/06/2022

      0
  • avatar
    Lebiralc Gusi Andal

    Wow it so beautiful story aabangan ko ang book two😍😍,,keep writing author😊

    12/05/2022

      0
  • avatar
    CorcinoRicamay

    dhslownw

    1d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters