Continuation "Are you okay, Rhianne?" Jairus asked as he kneel down beside the girl. Nag-angat ng tingin sa akin ang tinawag niyang Rhianne at bakas ang galit. "Sinaktan niya ako. Sino ba ang babaeng 'yan? Hindi ko siya kilala!" nagngingitngit na sigaw nito. I mentally rolled my eyes. We're fair. Hindi rin kita kilala. Lumingon sa akin si Jairus and this time, his forehead was already furrowed. It was as if he's accusing me for something I didn't really do. Huminga ako nang malalim bago tuluyang umirap. What's with the look? "Why did you do that, Kaeah?" mahinahong tanong nito. My lips parted. What's with this guy? "Shut up," sagot ko. Why would I even explain myself? The last time I know, he's just a stranger. Iniisip niya ba na napalapit na ako sa kaniya kaya may karapatan na siyang magtanong? "Wait," pigil niya sa akin nang akma ulit akong maglalakad. Hinigit ko agad ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at pinagpagan iyon na parang nadumihan niya ako. Inis kong binalingan si Jairus. "Namumuro ka na. Why are you acting like that?!" "What? Acting what?" "That!" iritang sabi ko, itinuro siya. "You were acting like a close friend of mine. Who really are you, huh?" Hindi siya nakapagsalita. He bit his lower lip and avoided my gaze. He's hiding something from me. I hate it. He knew a lot about me while me-I looked down at my disgusting body... I can't even recognize myself. Tumingin ako sa nagtatakang tingin ng mga tao, nakapalibot na sila sa amin at mukhang nakikichismis. I scoffed. Ganito ba talaga ang mga tao rito? Hindi ko akalaing marami rin pala ang tumitira sa mapunong lugar na ito. Maraming tao... Really? I can't still forget how I laid on that trash. How did I even got there? Muli akong tumingin kay Jairus at ngayon ay mas matalim na. "Akala mo ba nakalimutan ko nang ikaw ang nagdala sa akin dito?!" I continued. "Anong ginawa mo, ha? Umamin ka na...may lahi ka bang mangkukulam?" Ibinalik niya ang tingin sa akin at nanlaki ang mga mata sa gulat, nagpalobo ng pisngi na para bang pinipigilan ang pagkawala ng tawa. "I-I'm what?" "What are you?!" He bursted out laughing. Fuck. Laughing in this fucking kind of situation?! "Damn. Where on earth did you get that idea?" Hindi siya matigil sa pagtawa. Umiwas siya ng tingin nang hindi makayanan ang talim ng titig ko. "I'm not kidding here, you asshole," seryosong sambit ko. "Just tell me. Who are you?" Tumikhim siya at makahulugang ngumiti sa akin. Tinawag siya ni Rhianne na kakatayo pa lamang pero hindi niya ito nilingon. Nagsimula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi naman ako umatras, I was just staring at his eyes. Hindi ko alam kung bakit pero... natulala ako. His hair was a little messy but he looks better than to his usual looks. I felt my heart pounding loudly. Weird. "Come with me," mas seryosong sabi nito. I blinked twice. "What?" Inaalok niya ba akong makipagtanan sa kaniya? "You don't have family, Kaeah. Have you forgotten?" he asked with a bit amuse. I don't have family? Naalala ko si dad. Gumapang ang kaba sa sistema ko. Kailangan ko na talagang umuwi. He need to hear my explanation. Paano kung nagkausap na sila ni Oliver at ibinunyag ang mga ginawa ko? My dad will... loath me! "I need to go!" nagmamadaling sabi ko. May narinig pa akong bulong mula sa babaeng nakaaway ko pero hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako paalis. I need to see my dad. Kailangan kong siyang makausap at maunahan si Oliver bago pa nito ako siraan sa sarili kong ama. Olived were more than furious at me. Kinamumuhian nitya ako at marami siyang nalalaman tungkol sa akin na maaari kong ikabagsak. Hindi ako natatakot sa pwede kong kaharapin pero ang paraan ng pagtingin sa akin ni dad... The way he looks at me proudly, iyon ang hindi ko hahayaang magbago. I will still be the best daughter for her. "Let's run together." I glanced at my side when I felt someone's presence, Jairus is now running with me. His eyebrows rose and winked at me. Hindi ko siya pinansin. "Hey, careful!" Hinawakan niya ang braso ko dahil muntik na akong matapilok. Imbes na pansinin ay binawi ko na lang ang braso ko. Patuloy ako sa pagtakbo, kung saan-saan na nagsususuot. Marami rin kasi ritong kawayanan at may mga talahib pa sa gilid. Sa kabilang dako naman, rinig ko ang agos ng ilog. Hanggang sa harangan na ako ni Jairus sa daan. "Sumama ka na lang sa 'kin," hinihingal na sabi niya. Pinagpapawisan na ito, marahil dahil sa pagtakbo. Inis ko siyang tiningala. "Bakit ba?! Bakit ako sasama sa 'yo?! Gago ka ba? Tumabi ka, sinasayang mo ang oras ko!" "Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat. Basta hindi ka na pwedeng bumalik sa-" "I'm not asking you an explanation!" singhal ko. Natanaw ko na ang kalsada 'di kalayuan, palabas na pala ako ng eskinita. "Wait, do you have phone?" He immediately shook his head. Mas mabilis pa sa mga nangyari bago ako mapunta rito. Naglikot ang mga mata niya. Hindi ako naniwala, nagbaba ako ng tingin sa bulsa ng black pants niya at nakita ang bakat na parihaba roon. Tinakpan iyon ni Jairus nang mapansing doon ako nakatingin. He stared at me, suspiciously. "I already told you, Kaeah. Hindi pa pwed-" Agresibo akong lumapit sa kaniya. Kinapa ko ang bulsa niya kaya napalayo siya pero hindi ako tumigil sa pangangapa. He's hiding his phone there! "Sandali-" "No!" "That's not a phone, okay? Oh, fuck." Sinubukan niyang hulihin ang mga kamay ko para pigilan. But me, being Kaeah, I don't give up. Mas pinilit ko pang kapain ang bulsa niya. "Baka iba na ang makapa mo-" "Shut up!" "Fine!" He finally gave up and decided to give it to me. Nakasimangot siyang gumilid. Bumubulong pa ng kung ano-ano. I also heard him saying na bastos ako. Nagtipa ako ng number sa phone ni Jairus saka sinubukang i-dial ang isa sa mga tauhan ko. Wala pang ilang segundo pero nadismaya na ako dahil wala pa lang signal. Bakit ba ang daming puno rito? I badly need to call my boys for update- Natigilan ako. My boys... Are they still alive? Naalala ko kung paano ko ihagis ang bomba sa loob ng building kung saan nangyayari ang kaguluhan. And if they are still alive... They might already caught by the police. Napapikit ako. I threw the phone I was holding and thankfully, Jairus caught it. Frustrated kong ginulo ang buhok ko. Fuck. Ang malas! "Muntik na 'yon, ah," bulong ng lalaki. Ibinalik niya agad sa kaniyang bulsa ang cellphone niya. "Wala kang kwenta!" I shouted. "Just like you," he shot back. I glared at him. Napa-peace sign ito. "Ganito na lang, sumama ka muna sa akin at magpalit ng isusuot mo. Are you even aware of your looks?" Kailan ba titigil ang lalaki na ito? Did he really like me that much? Nasapo ko ang noo. This guy were so desperate to have me with him. We somehow resembles each other. I am desperate to take Oliver while him, he's desperate of me. Para matigil na ang kaniyang pangungulit sa akin ay pumayag na ako. Nakahinga ito ng maluwag. Hindi naman ako kinakabahan. I knew how to fight if he will try to do something I wouldn't like. I can even cut one of his finger without blinking, fast as he can. Tumalikod na sa akin si Jairus at inutusan akong sumunod. I had no choice. Siguro ay mas mabuti na nga ito, at least I am more comfortable. Ayaw kong salubungin ako ni dad na ganito ang hitsura ko. He might think bad of me. I bit my lower lip. I won't ever forget my mission after this mess. To kill the old man I last saw before I ended up here. Siya ang may kasalanan ng lahat. Nakasunod lang ako kay Jairus habang naglalakad. Mabato ang aming dinaraanan kaya nakayuko ako para hindi matalapid. I'm not used to it. Pakiramdam ko ay madadapa ako oras na ihiwalay ko ang mata ko sa lupa. I mocked myself mentally. E, kung makatakbo ka kanina parang sanay na sanay ka naman. Minuto kaming naglakad at kapwa tahimik. We stopped infront of the small house. Napangiwi ako. This is their house? I wonder if he's living with his family. Hindi sila kakasya riyan sa loob sa sobrang liit. At...gawa pa iyon sa kawayan. Fresh naman tingnan pero...no. Our huge mansion are more better than it. "Let's go inside." Sinulyapan ako ni Jairus. I nodded my head. Isang matandang babae ang sumalubong sa amin. Nagmano ang lalaki rito bago bumaling sa akin. "Si Nanang Kely, lola ko. Wala pa rito si lolo Andrew, e, kaya hindi mo muna siya-" "I don't care. All I need is just to change my clothes here. You are wasting my time," walang ganang putol ko sa sinasabi niya. Anong pakialam ko sa nanang Kely at lolo Andrew niya? Naramdaman ko ang titig ng matandang babae sa akin. She's now smiling at me as if she was thinking something that connected to me. Sinabayan ko ang mga mata niya. It feels weird. She's not asking who I am. Parang kilala niya na talaga ako. "Ipaghahanda na lang muna kita ng masusuot kung gano'n..." sambit sa akin ng matanda. "Kaeah." My eyes grew bigger. She knew me? End of chapter 4.
i love the story
22/07/2024
1sobrang nakakasad
14/04/2024
0thank you
17/07/2023
0View All