logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 The Old Man

Continuation
"Have you decided already while you are here? Nakapag-isip-isip ka na ba?" I asked tita Maddy. Hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kaniya.
Tumingin sa akin si Louie kaya tinanguan ko siya. Agad niyang makuha ang nais kong ipahiwatig at tinanggal ang tape sa bibig ng babaeng nakagapos.
"Hindi ko alam na kaya mong gumawa ng ganitong bagay!" nanginginig na sigaw ni tita. I just stared at her coldy, didn't giving a care. Though, her voice was so loud. If I could only cut her tongue, I would definitely do that.
"I am capable of everything. No need to be surprise."
"Like killing?" she shot back.
That caught me off guard.
Hindi ako nakapagsalita. Ang blangko kong ekspresyon ay bahagyang napalitan ng pagkaputla. I also felt my tears forming in my eyes, ilang ulit akong napalunok. Fuck. She got the hell out of me! Humithit ako ng sigarilyo at frustrated na ibinuga iyon. Pinigilan kong mamasa ang mga mata ko.
Damn. "Mukhang nagkamali akong tanggalin ang tape sa bibig mo."
Tumawa si tita. "What's with the sudden change of expression?" nanunuyang tanong nito. "You're right, my niece. You are capable of everything. Capable in killing people even... your family."
Mas lalo akong natigilan.
I don't feel pissed, nor insult. Hindi rin ako nagalit. Pero ang sakit ay gumapang sa buong sistema ko. Tumulo ang luha sa aking mga mata at bago pa man magtuloy-tuloy iyon ay sinugod ko na si tita. Gamit ang may sinding sigarilyo, idinikit ko iyon sa kaliwang pisngi niya. Nararamdaman ko na naman ang pamamanhid ng pakiramdam ko. My heart was beating fast as my hands were shaking. I want to do something more than this, I want to kill her so that she couldn't talk anymore.
Still now... I have this trauma na gusto ko nang ibaon sa lupa.
Napasigaw si tita Maddy dahil sa sakit. I suddently felt the joy inside me, tila nagdidiwang ang sistema ko dahil sa sigaw na iyon. Ang kaniyang iyak ng pagmamakaawa na animo'y isang musika sa aking pandinig. I chuckled. Hindi ko inalis ang pagkakadikit ng sigarilyo niya at mas idiniin pa iyon lalo. Patuloy na nanginginig ang kamay ko.
Kill my family, huh?
"T-tama na!" Humagulgol na si tita.
Tinitigan ko muna siya bago boring na napangiwi Lumayo ako at binitawan ang sigarilyo, tinapakan ko iyon para maupos. When I looked at tita Maddy's face, nagkaroon ito ng nangingitim na sugat. May bahagya pang umuusok doon. Tita Maddy cried because of the pain she was feeling.
I told you, don't push my buttons.
Because one more shot...
One of my boy walked closer to me and handed me a gun. Itinutok ko iyon kay tita Maddy pagkakuha. Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha dahil sa pagkaputla. Napalunok siya at bumakas ang takot sa kabuuan ng mukha.
I won't think twice to shoot it directly in your head.
"Live or death. Choose," I commanded.
Umiling ito sa kabila ng tinitiis na sakit, pilit nilalabanan ang kaba. "I love your dad." She looked up to me sharply. "Let me leave
I was about to pull the trigger of the gun pero natigilan ako. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig matapos marinig ang putok ng baril mula sa labas. Maging ang mga tauhan ko ay naalarma rin. And just that, we all heard the loud siren of the police, mukhang paparating. Ang putok ng baril ay nagsunod-sunod at umalingawngaw sa buong paligid. Mukhang nagsisimula na ring magpakawala ng bala ang mga tauhan ko sa labas.
"Bumabalik sa 'yo ang karma, Kaeah!" Humalakhak si tita Maddy.
Marahas kong ibinalik sa kaniya ang tingin at nasalubong ang nang-aasar niyang tingin. She even smiled at me as if I am that dumb to get caught. Dahil sa tarantang nararamdaman ko ay inis ko siyang pinaputukan ng baril sa kaniyang binti. She seems not to be expecting it, causing her to screamed. Mariin siyang napapikit at may kumawala pang luha sa mga mata. Sigaw siya ng sigaw habang namimilipit sa sakit.
I saw the blood coming out from her leg. Halatang sobrang nasasaktan na siya, isama mo pang nakatali ang kaniyang mga kamay.
"Shut up, bitch," I murmuned.
Makahulugan kong tiningnan ang mga tauhan ko at nagtanguan naman ito, naintindihan ako agad.
Lumapit muna sila kay tita Maddy at kinalasan iyon bago bumalik sa tabi ko nang hindi inaalintana ang sigaw ng babae. Gusto kong maawa sa kalagayan niya pero sa tuwing naiisip ko na gusto niyang palitan si mommy ay mas nangingibabaw pa ang galit ko.
Gumilid ang mga lalaki sa tabi ko habang nakatutok ang mga sariling baril sa pinto, naging alerto. I want to cussed. How the hell did they found out this building?!
We didn't wait that long, makalipas lang ang ilang segundo ay marahas nang bumukas ang kinakalawang na pinto at bumungad sa amin ang mga pulis. They all pointed their gun to us.
"Walang kikilos ng masama!"
Bago pa dumapo ang mga mata nila sa akin ay mabilis ko nang naisuot ang itim kong mask para itago ang mukha ko. We didn't give a warning, basta na lang kaming nagpaputok at hindi nagtagal ay bumagsak agad ang mga pulis. Si tita Maddy naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, iniinda ang sakit ng binti.
"Get the fuck out of here!" ma-awtoridad na utos ko. "NOW!"
Buong akala ko ay aatras na sila dahil halos napabagsak ko agad ang karamihan sa kanila pero nagulat ako dahil isang grupo ng mga pulis na naman ang pumasok. This time, mas marami na sila.
"Fuck!" I cussed. Muntik na akong matamaan ng bala kung hindi lang ako nakaiwas.
Habang tumagal ay mas dumadami pa ang mga pulis na pumapasok, habang ang mga tauhan ko naman ay unti-unting bumubulagta sa sahig. Damn! Nagsimula akong kabahan. Patuloy pa rin ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa mga pulis, pero hindi sila makalapit kay tita Maddy dahil matatamaan sila. Bakit... Bakit ang dami nila?!
"Sumuko na kayo. Ibaba niyo ang baril niyo!" one of them commanded.
Pinaputukan ko ang isang pulis na nagtutok sa akin ng baril at maya-maya'y tumumba na ito. Nagpatuloy ang palitan namin ng putok, hanggang sa may matapakan akong bakal at natumba. When I looked up, sinalubong ako ng tingin ng isang pulis. He smirked before pointing his gun at me. Bago pa tumama sa akin ang bala ay gumulong na ako dahil sa pagkakatulak ni Louie. Still, napasigaw pa rin ako dahil dumaplis iyon sa braso ko. Napabuga ako ng hangin sa sobrang hapdi, habol ang hininga.
Pinilit kong tumayo sa kabila ng nagkakagulong paligid. Ang pinto ay tuluyan nang nasira habang ang hanging cabinet na maayos pa kanina ay tumumba na sa sahig. Nagkalat ang mga pack ng sigarilyo, alak, mga baraha at ilang sache ng drugs dahil doon.
Simubukan kong magpaputok ulit pero hindi ko kinaya dahil sa nanlalambot kong braso. Hindi ko akalaing ganito ang epekto nito. I glanced at tita Maddy na ngayon ay nakasiksik sa sulok, she was looking at me as if she was telling me "You know how I feel now, my niece?" mockingly.
Pinilit kong patatagin ang sarili ko. Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at itinali iyon sa dumudugo kong braso. Humawak ako sa nakausling bakal pagkatapos, awtomatiko namang pumwesto si Louie sa likuran ko para protektahan ako. I tried to climb over the wall and thanks god, nagawa ko iyon gamit ang kanang kamay ko.
After that, hinugot ko ang isang hidden bomb sa likuran ng siwang na yero, saka ko pinindot at lumingon sa baba bago iyon inihagis.
Pinaputukan ko ang padlock ng bakal na bintana para mabuksan iyon. T
Mabilis akong tumalon sa pababa. Kasabay ng pagbagsak ko sa batuhan ay ang pagsabok ng bomba sa loob. Hinang hina akong napatuon sa lupa, nagkaroon pa ng gasgas ang braso at binti ko dahil sa mga bagay na pinagtamaan ko.
Damn, this is so tiring.
Tumingala ako sa building at nakitang umuusok iyon, kaunti na lang ay guguho na ito at mababagsakan ako.
"Shit," I whispered while closing my eyes.
Tatayo na sana ako para tumakas pero isang boses ang pumigil sa akin. Nawalan ako ng pag-asa sa isang iglap.
"Where do you think you're going?"
Tumingala ako at sumalubong sa akin ang walang emosyong mukha ni Oliver. Sa likuran niya ay nandoon si Irish, namumutla itong nakatingin sa akin. Marami siyang band aid sa braso na marahil gawa ng pagkakabugbog sa kaniya ng mga estudyante noong nakaraang araw.
Matalim akong tumingin sa mga pulis na kasama nila.
Police again, and again, and again.
"What do you need from me?" I asked, hindi ipinahalata ang pagkabahalang nararamdaman ko.
Oliver sarcastically laughed. "We need to put you in jail."
"Excuse me?"
"You said you love me, right? You can do anything for your love one," he said, amused. "I want you to be in jail, then. Do it. Sumama ka sa 'min."
I stared at Oliver. Maya-maya'y ay napangiti ako hanggang sa mauwi iyon sa tawa. Umatras ako habang kagat-kagat ang ibabang labi. Is he serious? Damn. I didn't know he's good at joking.
"Love? Come on, Oliver. I don't love you. I dreamed you. Alam mong... Hindi lahat ng dream natutupad," natatawang sabi ko. "Stop fooling around!" Sumeryoso na ako.
Kumuyom ang kamao ng lalaki. Lumingon ito sa mga kasamang pulis para sinenyasan, inuutusang damputin ako. Iniangat ko ang baril ko to pull out one bullet but got interrupted by the sudden laughter of familiar guy. Maging ang pulis ay napalingon sa pinanggalingan ng boses.
"Are you playing, guys?" Tumalon mula sa isang sanga ng puno si Jairus. "Can I touch your guns?"
Jairus again!
WHAT THE FUCK IS HE DOING HERE?
Hindi pa ako tapos sa kaniya. I am going to kill him for tresspasing my room. Hindi lang privacy ko ang pinakialaman niya at maging ako ay nagawang bastusin! Walang modo!
"Nagpakita ka na naman?" galit na tanong ko. Tinutukan ko siya ng baril.
He turned his gaze to me while still smirking. "Hi there, my love." Naglakad siya palapit. Pumwesto siya sa harapan ko at hinablot ang hawak kong baril. Hindi ko iyon agad naiiwas, masiyado siyang mabilis. "Hindi ka dapat humahawak ng ganito. Not suitable for you," he uttered softly.
What the fuck?
"Give that back!"
Hahakbang na sana ang pulis palapit sa akin pero itinaas ni Jairus ang palad niya. Tumawa ito na parang nang-aasar.
"Can't you see, guys? Kaeah was exhausted. Bukas niyo na lang siya hulihin..." He yawned. "Kitang pagod ang tao, wala kayong awa."
Literal na nalaglag ang panga ko. Seryoso ba siya?
He's stopping the police from arresting me just because I am tired? He must be crazy! Ang tanga!
"Lumayo ka sa kaniya. Demonyo ang babaeng 'yan," malamig na sabi ni Oliver sa kaniya. "Do you even know her?"
Jairus raised his brow, he looked at Oliver accusingly as if the guy did something horrible to him. Mukhang may sama pa siya ng loob dito. "Uhm, yes? Of course. She's Kaeah," he answered brieftly. "Oh, anyway, nice meeting you. Jairius here, one of Kaeah's suitor."
Oliver scoffed. "Pipili ka na lang, sa criminal pa?"
Hinarap ako ni Jairus at ipinatong ang kamay sa ulo ko, ginulo ang buhok ko at inakbayan. I tried to push him but it feels like I am pushing a wall. Malakas ako pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya. Hindi ko siya maitulak o kahit mapalayo man lang kahit kaunti!
I gritted my teeth, lumalaki na ang galit ko sa lalaking ito. Kinakayan-kayanan niya ako!
"Mabait naman, ah?" Jairus sounded confuse.
Sa pagkakataong ito, sa akin na tumingin si Oliver. Nakakunot ang noo. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nagalaw. Pero nang may marealize ay itinulak ko nang malakas si Jairus at sa wakas ay nabitawan niya ako.
"Tita Kharissa?!" gulat na sigaw ko habang nakatingin sa likuran nila.
Kasabay ng paglingon nila ay ang mabilis kong pagtakbo paalis. Narinig ko pa ang sigaw ni Oliver at ng mga pulis, sinimulan na nila akong habulin. Napamura ako bago lumiko sa isang eskinita. Sa ngayon, dito ang pinakasafe na daan. Maraming tao kaya magdadalawang isip ang mga ito na paputukan ako ng baril.
Fuck you, Jairus. You took my gun! How can I fight now?
Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Napanganga ako nang makitang wala nang daan. Bahay na ang sasalubungin ko kahit saan ako pumunta. I looked back at Oliver who's running towards me, nasa likuran niya ay mga pulis.
"Damn-shit!" May humawak sa kamay ko at hinila ako pakanan.
I easily recognized him. The weird jerk.
"Shh," Jairus whispered.
Tinakpan niya ang mga mata ko at hindi na ako nagpumiglas pa. Strange but I felt more comfortable with him. Like damn, who the hell is he? The guy who just appeared out of nowhere.
Hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari. My eyes remained closed and even noise, my ears didn't hear it. Napakatahimik. But one thing I am sure, I trust whatever he will going to do. Siguro... I am too drained to think. Ang gusto ko na lang ay makauwi.
Hindi ko na namalayan ang nangyari. The next thing I knew, I was already standing next to unfamiliar man.
I blinked. Where's Jairus?
Nilibot ko ng tingin ang paligid. Tinahip ng kaba ang dibdib ko. Narito ako sa likuran ng mansion namin, maraming puno at damuhan ang tinatapakan. I swallowed hard. How did I...ended up here? Did I just... transport? No. That was crazy!
I mean how?!
Wala na rin akong maramdamang pagod at nang magbaba ako ng tingin sa mga sugat ko at kumakabog ang dibdib ko. The bruises I got vanished, and I didn't know how. Ang payapa ng hitsura ko ngayon kumpara kanina.
Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko, matanda na ito dahil purong puti ang kulay ng kaniyang buhok. Pamilyar ang hitsura niya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Who are you?" I stared at him, suspiciously.
Nakakarinig na ako nito noon pero baka nga naeengkanto ako. I mentally rolled my eyes because of that. I just fight with numbers of police and it is so weird that I am now thinking about engkanto's.
"Kaeah," he whispered.
Napahawak ako sa tainga ko dahil parang may nagpantig doon pagkaimik niya ng pangalan ko. Para akong mawawalan ng pandinig. Nakakunot na ang noo ko sa kaniya
"You've done too much."
"I said who are you?!" I shouted angrily. Mahigpit ang kapit ko sa tainga ko dahil parang mababasag ang eardrum ko sa bawat pagsasalita niya.
"It's time," he added.
"Yes. Kaya I need to go." Umakto ako aalis nang magsalita na naman ito.
"Isa lang ang hinahangad ko, Kaeah. At iyon ay para sa iyo," said by the old man who's now standing in front of me. Para itong hangin na lang kung kumilos. "I hope you will learn your lesson after this. I meant it."
Lesson? How? What's that for?
Matagal na akong nag-aaral pero wala akong natutunang lesson. Is that even a word? Pathetic peoples.
I laughed sarcastically as if he was telling a nonsense joke. He was saying things that I'm not aware of. I don't even know this shitty old man. Sumulpot na lang siya sa kung saan at kinausap ako. And that, he was a completely stranger.
I looked straight at his eyes. I am too tired for this.
"Kung sino ka mang matanda ka na wala na rin namang silbi sa mundo at malapit nang mamatay, you better leave." I smiled, controlling myself not to burst out my anger. "I'm so sick of your mouth. Alis!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Tumalikod ako at dinampot ang putol na kahoy sa likuran ko.
Itinutok ko iyon sa matanda.
He just smiled at me. Dahan-dahan itong umatras nang hindi pinuputol ang pagkakatitig sa akin. Seconds just passed, his face turned to a dead serious expression.
Napaatras ako.
Hinawakan ko ang aking ulo nang makaramdam ng biglaang pagkahilo. Napahawak ako nang mahigpit sa dibdib ko, I can't breath!
"Ikaw," I heard the old man whisphered. "Ikaw ang magdedesisyon kung kailan ka makababalik. Be good, Kaeah. You will be freed soon."
"Shut up!" I shouted as I glared at him.
What is he talking about? Baliw ang matandang ito. I will be freed soon? I am free and I'm not even inside the jail!
Muli akong napahawak sa ulo ko. Umiikot ang aking paningin, nasusuka. I also taste my blood coming out from my mouth. What's happening? Bumigat ang katawan ko hanggang sa hindi ko na kinaya, tuluyan na akong bumagsak sa sahig. My breath was heavy and it's making my heart skip. Para akong mawawala sa sarili.
"Goodluck, Kaeah."
That was the last sentence I heard before I passed out.
End of chapter 3.

Book Comment (5)

  • avatar
    Dwine Cruz Ambrocio

    i love the story

    22/07/2024

      1
  • avatar
    Tina Tina

    sobrang nakakasad

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Caressa Villaver

    thank you

    17/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters