logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

RHIANNON'S POV
"BREAKING NEWS; The Montreal Clan announced this 4 pm this afternoon that one of their heirs, Alec Montreal, will marry the unica hija of the Sanchez family.
Based on their announcement, Janine Sanchez has been chosen by the Montreal Clan to marry their heir Alec Montreal."
"Omg guys! Ikakasal na si Alec!"
"Why naman gano'n? Katapusan na ng buhay ko!"
"Hindi naman masakit, parang binugahan ka lang ng dragon..."
"Hoy, sino si ate niyong Janine? Hindi ako familiar sa face niya."
Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos kong basahin ang balita sa internet. At saka, rinig na rinig ko naman 'yung mga komento ng mga estudyante na nadadaanan ko. Hindi nila matanggap 'yung balita.
Okay, so... ikakasal na si Alec? Ang bata niya pa ah?
"What the hell!"
May nakabanggan ako kaya nahulog 'yung cellphone ko. Pero imbis na mainis o magalit ay pinulot ko na lang ito pero may similay na ngiti sa labi ko. Pag-angat ko ng tingin, si Alec ang nakita ko na nakahawak din sa kaniyang cellphone at binabasa din 'yung news.
"O' easy ka lang. High blood ka naman eh, 'di ba dapat masaya ka kasi ikakasal ka na?"
Tiningnan niya ako habang nakasalubong ang mga kilay niya.
"Shut up."
"O' bakit galit ka na naman? Ah, kaya pala kanina pa mainit ang ulo mo kasi alam mong may lalabas na balita tungkol sa 'yo! Anyways, my dear dear enemy slash my rival, congratulations to your wedding announcement! Kailan ang kasal, invited ba ako?"
"Shut the fvck up, Rhian! Wala ako sa mood ah, tigil-tigilan mo ako dahil baka hindi kita matancha at masapak kita."
Hindi ko napigilan ang pag halakhak ko dahil sa sobrang pagkairita ng boses niya. Tapos sa sobrang inis niya, sobra na 'yung pula ng mukha niya! Dahil sa pag tawa ko ay mas lalo lang siyang nainis.
"Hahahahaha! E-easy ka lang... Hindi ka naman mabiro... Pero alam mo, napakamalas ng babaeng pakakasalan mo. Kasi sa isang Alec Montreal siya maitatali. Saklap ng buhay niya," tumigil na ako sa pag tawa.
"At saka, ang taas kaya ng standards ng pakakasalan mo! Malayong-malayo ka, hindi mo kaya 'yong abutin. Kaya kung ako sa 'yo, mag bigti ka na lang."
Mas lalong pumula ang mukha niya kaya pinigilan ko ang sarili kong matawa ulit. Baka nga masapak niya na ako.
"Do you know that Janine? How did you know she had high standards?"
"Secret," mabilis kong sagot.
"So do you really know her? Tell me who that Janine is, tell me Rhiannon!"
"Ano ka, sinu-swerte? Bahala ka jaan! Basta ha, huwag mo akong kalimutan imbitahin sa kasal mo!"
"Hey! I'm asking you! Who is that Janine? How did you know her? Hey!"
Of course, I know her...
--
"Bayad po."
Inabot ko ang hawak kong barya sa driver ng sasakyang sinasakyan ko. Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Alec kanina sa school, tumatawa akong umalis palabas ng school.
Ang totoo niyan, nangungupahan ako ng apartment malapit sa Heragold para hindi ko na kailangan mamasahe pa. Pero ngayon, kailangan kong puntahan ang ate ko sa bahay ng mga Sanchez family.
Oo, Sanchez family. Doon nag tatrabaho ang ate ko bilang tagaluto nila, para bang chef nila si ate Rachel. Mababait ang pamilya Sanchez at sila din ang tumulong sa akin para makapasok sa scholar, si Mr. Sanchez din ang tumulong sa akin para makahanap ng malapit na apartment sa Heragold.
At si ate naman, doon na siya nanunuluyan sa bahay ng mga Sanchez. Minsan lang siyang umuwi o bumisita sa akin dahil sobrang busy niya sa mansion ng mga Sanchez.
Ang Sanchez Family ay isa din sa isa din sa mga kilalang pamilya sa bansa. Bakit naman hindi? Napakayaman nila at kilala sila sa mga fashion, marami silang model at mga ginagawang damit o kasuotan.
Kaya ko nga nakilala si Ma'am Janine Sanchez, dahil siya ang nag iisang anak ng kilalang fashion designer. Actually, kapag wala akong pasok o hindi naman gano'n ka busy ang schedule ko, pinupuntahan ko si ate Rachel sa trabaho niya sa mansion, kahit mag hugas lang ako ng plato o mag walis sa hardin nila, okay lang naman sa mag-asawang Sanchez na pumunta ako sa bahay nila.
Ang pag-gawa ko sa mga gawing bahay nila ay parang bayad ko na din sa mga naitulong nila sa amin ng ate ko.
Pero kung anong bait ng mag-asawa, siya namang pagka-demonyita ng anak nila. Oo, si Ma'am Janine! Ang arte kaya no'n. Masasabi kong may pagka-b*tch siya kasi halata naman sa kilos niya kapag nasa mansion ako. Kapag hindi nagagawa ang gusto niya, nag wawala siya o bigla na lang siyang aalis ng walang paalam, tapos hindi pa alam kung kailan siya babalik.
Minsan ngang nagka-sakit siya, wala ang mga magulang niya dahil may pinuntahan na fashion show, tanging ako at si ate Rachel at mga iba pang maid sa mansion ang naroon, sobrang busy ng mga maid at ni ate kaya hindi nila madalhan ng pagkain si Ma'am Janine sa kwarto niya, nag prisinta na lang ako na ako na ang mag bibigay sa kaniya ng pagkain niya tutal wala naman na akong ginagawa.
Mainit pa 'yung nilutong soup ni ate Rachel at sa amoy pa lang siguradong makakalimutan mo na ang pangalan mo sa sarap. Pero pagpasok ko sa kwarto ng malditang amo ng ate ko, nag lalagay lang naman siya ng lipstick sa labi at nakasuot ng malalaswang damit!
Iyon ba 'yung may sakit? Mukhang handa na siya nung umalis pero kawawa siya, nakita ko siya. Pero syempre, para ko na din siyang amo kaya ginalang ko pa din siya. Binigay ko sa kaniya 'yung soup at sinabi kong kainin niya para naman mawala ang sakit ng pakiramdam niya, balak ko nga sanang ipaligo sa kaniya ang soup na 'yon pero nag kabaliktad.
Ako ang pinaliguan niya ng mainit na soup! Sa sobrang init sa katawan ng sabaw, napasigaw ako. Alangan namang tumawa pa ako kung binuhusan na ako ng mainit na sabaw? Syempre ang ate ko, mas mabilis pa sa pulis at na i-rescue na ako. Galit na galit si ate Rachel nung araw na 'yon, at kahit amo niya 'yung pinapagalitan niya, hindi niya pa ito pinalabas sa kwarto!
Pero naiintindihan ko naman si Ma'am Janine, simula nung isilang siya, hindi siya pinapakilala ng mga magulang niya sa maraming tao. Oo malaya niyang nagagawa ang gusto niya, pero hindi niya gamit ang totoo niyang pangalan sa labas ng mansion. Ibang tao siya kumbaga para itago na isa siyang Sanchez.
Kilala ang pangalan niya dahil may mga interview ang mga magulang niya about sa kaniya. Pero ni mukha niya ay 'di alam ng iba, except siguro sa amin ng mga narito sa mansion at ang mga relatives niya.
Ito yata ang dahilan kung bakit tinatago siya at hindi pa pinapakilala sa madla, dahil darating ang araw na ikakasal siya sa taong hindi niya naman minsang nakita. O puwede ring proteksyon ng magulang niya? Para hindi siya malagay sa kapahamakan? Siguro oo, pero kawawa pa din siya dahil sigurado ako na pati ang mga kaibigan niya at kasintahan niya ay 'di alam ang totoong pagkatao niya.
"Para po," sabi ko kaya naman hininto ng driver ang sinasakyan namin.
Bumaba ako at lumapit sa guard na nasa labas ng gate ng isang villa. Mukhang nakilala niya ako kaya nginitian niya ako. Nginitian ko din pabalik si kuyang guard.
"Oh, Rhian, mukhang bibisitahin mo ang ate mo?"
Marahan naman akong tumango.
"Opo kuya. Nanjaan ba ang mga Sanchez?"
"Oo, nanjaan sila. Sa katunayan nga, sinabihan ako ni Sir na dalhin agad kita doon kung makita kita, isakay ka daw namin sa service. May problema ba sila? Halata kasi sa boses ni Sir 'yung kaba," tuloy-tuloy na ani ni kuyang guard.
Umiling naman ako. "Hindi ko po alam eh," sabi ko.
Hindi ko nga alam kung bakit pinapapunta ako ni ate Rachel sa mansion ng mga Sanchez. Ang sabi niya, may importante lang daw kaming pag uusapan.
Binuksan ni kuya 'yung gate at pumasok ako sa loob. Sumakay siya sa service nila at sumakay na din ako, may pumalit naman sa pwesto ni kuya kanina sa labas ng gate. Pinaandar ni kuyang guard 'yung sasakyan at minaneho niya na ito.
Bigla tuloy akong napaisip, bakit kaya gusto akong makausap ni ate at bakit pinapasundo ako ni Sir Gerald? Hindi naman malayo 'yung bahay ng mga Sanchez kaya agad din kaming nakarating doon. Bumaba ako sa harap ng malaking bahay, as in malaki talaga! Syempre, bigatin ang mga nakatira dito.
Nag thank you ako kay kuyang guard at nag doorbell na ako. May sumilip na guard sa gate ng mga Sanchez, si kuya Juancho, nginitian ko siya at nginitian niya din ako. Binuksan niya 'yung gate kaya pumasok ako.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, para bang may mangyayaring hindi ko inaasahan. Para bang may mangyayari na... ewan basta hindi maganda ang pakiramdam ko. Kasi bigla akong pinapunta ni ate sa mansion, tapos para daw kinakabahan si Sir Gerald base sa boses niya.
"Nanjaan ba si ate, kuya?" kinakabahan kong tanong.
"Oo. Kanina ka pa nila hinihintay,"
"B-bakit daw?" Hindi ko na tuloy napigilang mautal.
"Sila na lang ang mag sasabi sa 'yo..."
Gosh, bakit kinakabahan ako? Dito pa lang sa labas ng bahay, ramdam ko na 'yung gloomy atmosphere. Para talagang may mangyayari ngayon! Kahit na kinakain na ako ng kaba, nilapitan ko 'yung pintong napakalaki at napaka lapad.
Pinigilan ko ang sarili kong huwag manginig pero hindi ko din napigilan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa panginginig ng kamay ko habang inaabot 'yung doorknob ng pinto.
Binasa ko muna ang labi ko at inayos ang buhok ko, baka mamaya may kung sinong nasa loob kaya ganito 'yung nararamdaman ko. Baka mamaya... ugh kinakabahan ako!
Si kuya Juancho na ang bumukas ng pinto kaya medyo nagulat ako, sumiwang iyon at pinasok ko naman ang ulo ko para silipin kung may tao sa sala pero napa-ayos ako ng tayo ng makita kong nandito ang mag-asawa at ang ate ko.
Naagaw yata ng pagbukas ko ng pinto 'yung mga atensyon nila kaya napatingin sila sa akin. Nag angat si ate Rachel ng tingin habang nakaupo siya, si Ma'am Jerica naman ay napatayo nung makita ako. Nasa likod niya naman ang asawa niyang si Sir Gerald.
"Rhian, nandito ka na pala." Tumayo si ate at nilapitan ako para paupuin sa harapan ng mag-asawa.
"Magandang hapon po..." Nag bow ako sa kanila at ngumiti.
Napansin ko lang, bakit ang stress ng itsura ni Ma'am Jerica? Para siyang naiiyak na kinakabahan. Nginitian ako ni Sir Gerald kaya ngumiti din ako bago umupo sa kaharap nilang upuan. Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Ma'am Jerica. Napalunok ako ng biglang hawakan ni Ma'am Jerica ang kamay ko.
Hindi ko talaga alam 'yung nangyayari, kinakabahan ako na ewan at lalong nadagdagan ang kaba ko dahil sa atmosphere dito sa loob ng mansion.
Tungkol saan ba ito? Tungkol ba sa announcement kanina tungkol sa kasal ni Alec at ni Ma'am Janine? Pero anong kinalaman ko dito?
"R-rhian... kailangan namin ang tulong mo..." may desperadong boses si Ma'am Jerica.
"A-ano po 'yon, Ma'am?"
"N- nawawala si Janine at hindi namin alam kung nasaan siya... puwede bang ikaw muna ang maging anak naming si Janine?"
//

Book Comment (401)

  • avatar
    Arvie Maniego

    i like this, but it's still not done. 2026 na

    10/05

      0
  • avatar
    Carl Lister Deanon

    i appreciate it

    11/01

      0
  • avatar
    MalidayJhing

    Ang Ganda ng kwento

    02/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters