logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Zendu's Point Of View
Nagtaka na lamang ako nakatingin sa kanila palabas sa hardin. Ano kaya nangyari? Tumayo ako sabay binalik sa pulsiras ang kutsilyo.
Sumunod ako sa kanila tanaw ko ang pagpasok sa gulid,dahan dahan ako naglakad dahil sa panghihina ng katawan,hindi pa sanay ang katawan ko na mapagod.
Napaupo sandali bago pumasok bumangad sa'kin ang matahimik na paligid.
Tinanong ko ang dalawang bantay ngunit ang sagot lamang nila ay hindi nila alam.
"Saan yun mga membro pumunta?" mahinang saad ko.
Bago sumagot ang bantay ay pumasok si pinuno lilo nagmamadaling naglakad papasok sa kabila.
"Kay pinuno lapu ," matipid na sagot.
"Salamat po." Sabay sa pagtalikod ko habang naglalakad napakapit bigla ako sa pader.
Parang hindi ko na kaya maglakad pilit ko ginalaw ang mga binti ngunit ayaw dahil sa subrang bigat.
Napapikit sabay nagbitaw na mga salita na hindi maganda. Napahawak ako sa ulo ng bigla sumakit.
"Aking tagapagmana wag mong isipin ika'y napagod at magpatalo sa nararamdaman. Isipin mo may kailangan kang gawin para bumalik ang lakas at enerhiya na ginamit mo sa nakaaran oras." Sabay sa pagtigil pagsakit ng ulo gumaan ang aking pakiramdam at nagalaw ko na ang mga binti.
Minulat ko mga mata ko sabay may naramdaman init sa mga mata. Tumakbo ako patungo sa silid sa pagamutan ni apo.
Pagkarating ko sa pinto si pinuno lilo ay nanatili nakatayo nakakapagtaka naman agad ako lumapit rito.
Sumilip ako kita ko ang dalawang libro na nag aapoy hababang patungo ang apoy sa maliit na library ni pinuno lapu.
"Wag kang mag alala pinuno lapu susubukan ko makatulong sa abot sa'kin makakaya."
Napatingin sila lahat sa'kin malibang kay pinuno lilo,tuluyan ng pumasok si pinuno lilo sumunod ako. Pinagmasdam ang apoy dahan dahan ako lumapit rito sa paglapat ng apoy sa palad ko. Wala akong maramdaman.
Damhim ang init at isipin makokontrol ko ito. Ginalaw ko ang daliri palayo sa apoy ang ikinagulat ko sumunod ito.
"Nabibilang ka talaga zendu sa apoy." Manghang saad ni pinuno lapu.
Kinumpas ko ang dalawang kamay paikot ikot unting unti humina ang apoy hanggang sa mawala na ito.
Natulala ako sa'kin ginawa na hindi ko akalain. May biglang tumapik sa balikat ko pagbalik sa realidad.
"Zendu kailan mo yan natutunan kontrolin ang apoy?" Nagtatakang saad ni pinuno lilo habang si pinuno apo lumapit sa kangyang pinakamamahal mga libro.
"Oo nga." Sang ayon ni kuya nero.
"Ngayon lang hindi ko nga alam. Kung pano kontrolin apoy? Kahit masakit ang aking katawa-" Unting unti nanglabo ang paningin ko napahawak sa ulo bago matapos ang sasabihin ko nawalang na ako ng malay.
Third's Person Point Of View
Nawalang ng malay si zendu ngunit agad nasalo ni kirus. Di na nila maintindihan ang binata sadyang na pinakamisteryo ang kanyang kakayahan.
Walang sinuman ang may kakayahan komontrol sa mga elemento sa paligid na gawa ng kalikasan tangin ang mga unang nabibiyayaan ng key ang may kakayahan komontrol.
Sa panahon nila ay namana nila sa kanilang mga ninuno iba iba ang kinalabasan na mga key.
"Ihiga siya." Matipid na saad ni lilo.
Nag alala silang lahat habang si Pinuno  Lapu kinuha ang dalawang libro na nasunog hindi man lang na apektuhan.
Umupo siya nilapag sa mesa sabay binuklat ang dalawang libro bumangad sa kanya.
"3 Type Fire Control."
Napataas ang dalawang kilay niya. "Lilo lumapit ka nga rito. Si malaya na ang bahala riyan."
Lumapit si lilo habang ang iba ay lumabas na malibang sa tatlo si nero.mila at malaya.
"Nako ang aga naman niya naranasan ang mga pananakit ng katawan at ulo." Malungkot na saad ni mila.
"Tama lang yan. Habang maaga pa nasanay niya ang sarili sa mga ganitong sitwasyon. Tandaan niyo kung may paparating na digmaan hindi ito si zendu mamatay." Seryusong saad ni malaya habang nakatitig sa binata.
"Makalabas na nga. Sabihin niyo na lang ako kung magising niyang." Sabay sa paglabas nito.
Samantala si lilo at Lapu nagtatakang nakatingin sa libro.
First fire emotion control
Second blood heat control
Third fire all control
"Ano ibig sabihin nito?" Tanong ni lilo kay lapu.
"Ibig sabihin ang bawat isa sa nakasulat ay mapanganib,kung lahat ng nakasulat sa libro kung may kakayahan ang isang tao di rin magtatagal ang kanyang buhay sa mundong ito."
Nagtaka tumingin si lilo. Nilipat nila sa sunod na pahina bumangad sa kanila ang ibon nag aapoy na parang totoo kung titigan mabuti parang gumagalaw.
"Phoenix."
Ikinagulat nilang nalaman ang tungkol sa Phoenix. Merong pala mataas na uri ng hayop ang nagtaglay ng apoy.
Makalipas ang ilang minuto sinara ang libro sabay lumapit ang dalawa sa binata habang ang dalawang babae na nagbantay ay nakatulog.
***
Sa panaginip ng binata kaharap niya ang Phoenix lumilipad ito paikot ikot habang nagsasalita.
"Aking tagapag mana sa ngayon hindi ka muna magigising. Dalawang araw kang tulog. Kung nagtataka sasabihin ko na sayo kung anong dahilan. Kailangan mo mag insayo rito sa panaginip maramdaman mo ang sakit kahit tulog kapa ang mga nakuhang sugat mo rito. Wag kang mag alala kung mamatay ka rito sa pagkat mabubuhay ka muli dahil panaginip lamang ito na sakop ng aking kapangyarihan maliwanag."
Tumango ang binata kahit hindi niya gusto manatili ng sandali.
"Ngayon magsimula na tayo."
Unting unti may nabuo na mga apoy sa paligid na hanggang sa nagkalapit ito at nabuo ng taong apoy.
"Sa ngayon siya muna ang makakalaban. Handa kana ba?"
"Oo naman." Sabay kuha niya sa pulsiras ang kutsilyo tumingin muna siya sa sandali sa ibon bago sumugod sa kalaban.
"Magaling hindi ako nagkamali na pinili kita." Mahinang saad nito.
Samantala umiwas ang taong apoy ng paparating sa kanya kutsilyo. Tumalon si zendu paatras.
Sa ngayon ang apoy naman ang susugod sa bilis ng galaw nito hindi niya namalayan sa likod niya ito. Akmang susutokin na sana siya niyo sa likod biglang humarap ang binata at hinarang ang dalawang kamay n kanyang kinatilapon.
"Maya ko to." Dahan dahan siya tumayo,nakatitig siya sa mga kalaban galit na galit.
Sabay  ang dalawa sumugod at sumuntok sa hangin na parang may biglang enerhiya ang lumabas sa pagkasalubong nito isang malakas na pagsabog ang naganap tumilapon ang dalawa gusto tumayo ng binata ngunit hindi kinaya dahil sa subrang sami na wala na enerhiya.
"Talo ka,aking tagapag mana sa unang insayo mo."
Mapait na ngumiti ang binata habang nakatingin sa Phoenix.

Book Comment (39)

  • avatar
    Judy-ann Sasis

    Wow. The title is very catchy. Highly recommend guys, very interesting blurb and the writing style is good. You nailed it, Ms. Author. Keep it up and continue your writing journey. Good luck comrade, more stories to come 💖💖💖

    30/05/2022

      1
  • avatar
    Susana Aboloc

    tinulungan nila ito

    14d

      0
  • avatar
    Evelio Malijan III

    good

    07/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters