logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

ADAAT 7

NAKANGITING ITINUTOKTOK ni Caleb ang ulo ng kaniyang lapis sa mesa. “Sa math naman tayo,” sabi kong itinuro ang nakalapag na papel sa gilid niya. “Ano, kaya pa ba o tomorrow na lang?”
Napansin ko ang pagkuha niya sa tamad na paraan habang ramdam ko naman ang pagsipa ni Sally sa likod, nagkaupo sa pinakadulong bahagi ng sofa para hindi siya makita ni Caleb.
“Tomorrow,” matipid niyang ngiti at sinabayan din ng ngiti. “Can I solve five?” hirit niya agad, itinaas ang kamay na nakadikit sa gilid ng pisngi niya.
Tumango-tango ako. Mukhang paborito niya ang math subject. “Can you do at least ten problems? Kung hindi mo kaya, kahit five lang. Check natin bukas, okay lang ba iyon?”
Binigyan din niya ako ng pagtango. “Okay, Teacher Ruth.”
“Good bye, see you tomorrow,” paalam kong napapanood ang pagkaway-kaway.
Medyo hassle magturo online, pero mukhang sanay naman si Caleb sa pakikipag-usap dahil nga ganoon pala ang araw-araw na ginagawa nila ng papa niyang nasa abroad. May minsang hindi lang siya nakakasunod minsan kasi nauuna ako, nahuhuli siya.
Ipinadala na sa kaniya ang mga modules niyang sasagutan para may pag-praktisan siya sa pagsasagot. Nakiusap din akong tanggalin iyong key answer sa likod kasi hindi siya matuto.
Madali lang naman siyang turuan, nagtatanong kapag hindi gaanong naiintindihan kung bakit ganoon ang sagot. Medyo hindi lang siya ganoon kagaling pa sa pagbasa kaya kailangan pang tutukan.
Isinara ko ang laptop sabay harap kay Sally na kalong-kalong si Rosette. “Career na career maging tutor. Iyan na ba talaga gusto mo?” kompronta niyang inuugoy ang anak ko habang nakaupo.
“Maganda naman mag-tutor,” sagot kong inilahad ang kamay para kunin si Rosette sa kaniya.
“Hindi ka na talaga babalik sa midwife squad?” nagbabasakaling tanong niya sa akin, pero hindi ko siya inimikan at kinubuan.
Inilagay ko si Rosette sa stroller at itinabi rin sa kaniya ang maliit at malambot niyang laruan. “Kahit saang trabaho, masaya ako. Mas maganda na rin iyong ganito para walang gulo,” imik ko matapos tumahimik ang paligid.
Tinaasan niya ako ng kilay at hindi pa nakatakas sa pandinig ko ang pag-tsk niya. Iiling-iling siyang tila hindi makapaniwala sa mga salitang kasasabi ko lang.
“Mas masaya ka kapag nasa linya ka ng kinuha mong profession, Ru.”
Sobrang tipid ko lang siyang nginitian. Hindi ko nga pala maitatago sa sarili kong mas masaya ako sa dati kong trabaho. Ang pagiging midwife talaga ang isinisigaw ng puso kong gawin.
Umiiwas lang ako sa kung ano na namang sasabihin ni Tita Vivian tungkol sa akin. Natatakot akong baka tuluyan na niyang malason ang utak ni Aziel at maging dahilan iyon para maglaho ang pagsasama naming ayaw kong sirain.
Tinapik-tapik niya ang balikat ko. “Basta sabihan mo lang ako kapag ready ka na bumalik. Ipagdadasal ko sa batong magbago ang isip ni Azi at iyang nanay ng asawa mo,” pasaring ngunit pabirong sabi niya.
Kinunutan ko siya ng noo sa sinabi niya. Bakit siya sa bato magdadasal?
“Atheist ako,” pagpapaala niyang ikinatango ko habang kumakamot sa patilya.
“Iyong pagkaing dala ko, inilagay ko na sa kusina,” sambit niyang itinuro ang direksyon ng kusina.
Bumuwelo ako sa pagtayo para tingna kung ano ang dinala niya nang mailuto ko at may pagsaluhan kaming dalawa. Pinagpag ko ang likod ng pantalon ko kahit wala namang alikabok o dumi sa bahay.
Pagkalampas ko kay Sally na kasalukuyang nilalaro si Rosette ay bigla kong narinig ang boses ni mama. “'Nak, nandito kami ng papa mo.”
Nanlaki ang mata naming nagkatinginan ni Sally. Maingat niyang itinabi ang stroller at nagtatakbong parang bata na tinungo ang pinto. “Tita, tito! Sally's in the house!” sigaw niyang pinihit ang doorknob.
Tumatawa ako sa kinakatayuan ko nang mahuli ko ang paglayo ng mukha nila mama sa paglapit ni Sally noong iunat niya ang braso.
“Bakit hindi mo sinabing nandito ka pala?” tanong ni mama na natatawang nilagpasan ang nakaunat na braso ni Sally.
Lumapit siya kay papa at tanging si papa lang ang tumanggap sa yakap niya. “Sinabi ninyo kasing pupunta kayo dito, 'ta, kaya dumiretso ako rito para hindi sayang gasolina,” sagot niyang hinarap si mama.
“Napaghihinalaan itong batang ito,” sabat ni papa, naituro pa nang bahagya si Sally sa tabi niya.
Lumapit naman ako para magmano sa kanila at bumeso. Kinukuha ko ang bag na dala ni mama, pero inilayo niya lang ito sa akin.
“Anong kahina-hinala, tito?” tanong ni tito, paatras siyang naglalakad.
“Iyong pagkaing dadalhin sa bahay, dinala sa bahay ng kaibigan,” patampong sabi ni papa na ikinatawa naming dalawa ni Sally.
Lumapit siya sa stroller at itinulak palapit sa kanila. “'Ta, tito, anak ko,” pagpapakilala niyang itinuro pa si Rosette.
“Hindi mo kami mabibiro, si Rosette iyan,” sagot ni papa, sinimangutan si Sally pero ang mata ay may hinahanap.
Napansin kong naglaho si mama sa sala. Paniguradong nasa kusina iyon para ilagay ang dala niya.
“Paano mo alam, tito?”
“Halata kasing hindi mo kamukha,” natatawa kong sagot.
“Tito, 'Ta, pagsabihan n'yo nga si Ruth. Ang sama ng dila,” sumbong niyang itinuro ako.
Nakakatawa lang dahil kahit hindi na kami teenager, kung umasta siya sa harap nina mama at papa ay para siyang nagmamaktol na bata. Close na close siya sa parents ko dahil maagang nakatulog nang mahimbing ang mga magulang niya noong high school pa lang.
“Oh, siya, kumain na ba kayong dalawa?” bungad ni mama pagkalabas galing kusina.
“May dala ring pagkain si Sally. Nakita n'yo na, ma? Pagsaluhan na lang natin,” sabi kong itinulak ang stroller para pumunta sa kusina.
“Si Aziel, wala rito?”
“Lunes ngayon, 'ta, kaya nasa trabaho.”
“Oo nga pala,” napakamot sa ulong sagot ni mama. “May kasambahay raw kayo rito sabi ni Aziel?”
“Umuwi muna sa mansion nila Tita Vivian,” sagot kong kinuha sa akin ni papa ang stroller, pinalitan niya ako sa pagtulak dahil kapansin-pansin sa kaniyang gusto niyang makipagkuliyan kay Rosette.
“Ang ganda-ganda ng apo ko,” puri ni papa, nakasilip siya sa stroller pagkaupo niya sa hapag-kainan at talagang sinigurado niyang magkatabi sila.
Lumapit din si mama at hinawakan ang kamay ni Rosette. “Kailan daw ang balik?” tanong niyang ang atensyon ay nasa apo nila.
“Bukas raw po, Ma.” Sumilip din ako kay Rosette at nakangiting tinakpan ang mata ko sabay tanggal ng kamay.
“'Ta, ano ito?”
“Kuhol na gata,” sagot ni mama at piniling maupo sa tabi rin ni Rosette kaya napangitnaan siya nila papa.
“Ru, bestie. Paborito natin!” sigaw niyang hinila ang braso ko.
Itinuro niya ang nasa container. Sabay pa kaming yumuko para singhutin at tawa.
“Ma, Pa, kumain na muna kayo,” paanyaya kong kumuha agad ng pinggan, samantala, kutsara at mangkok ang kinuha ni Sally.
“Sige kayo, uubusin namin iyong dala ninyong kuhol na gata.”
Hinayaan ko muna silang makipagkulitan kay Rosette dahil iyon din ang isa nilang sadya kaya napabisita sila. Sana nandito si Aziel para matikman din niya ito, kahit hindi siya gaanong mahilig pero gusto rin niya basta luto raw ni mama.
***
Kanina pa ako pabalik-balik ng tingin sa nakasabit na orasan. Parang itatakbo ng kung sinong anino o hindi kaya parang maglalaho na parang bula.
Eleven forty-five na ng gabi at wala pa ring Aziel na umuuwi sa bahay. Sigurado akong nag-overtime lang siya, pero nagsasabi siya kung anong oras siya makakauwi. Naubos na siguro ang baterya ng kaniyang phone kaya hindi makapag-text o baka naka-silent mode. Hindi ko lang maiwasang mag-alala kahit alam ko namang uuwi siya.
Maya-maya ay nakarinig ako ng langitngit, senyales na may nagbukas ng pinto, pati ang tunog ng paghalik ng tsinelas sa sahig. “Hindi pa umuuwi si Sir Aziel, hija?”
Napalingon ako kay Manang Ester para ilingan siya. Mahigpit kong hawak ang phone gamit ang dalawang kamay, hinihintay pa rin ang pag-ilaw ng screen nang sa ganoon ay mabasa ko kaagad kapag may text siya.
“Hindi pa ho, manang. Bumalik na ho kayo sa pagtulog.” Ngumiti ako.
Humikab siya at hindi maidilat nang maayos ang mata. “Eh, ikaw, hindi ka pa babalik sa pagtulog?”
“Hihintayin ko ho siyang dumating. Nakatulog naman na ho si Rosette,” sagot kong sinundan ng tingin ang pagliko niya sa kaliwa.
Pagbuhos ng tubig ang pumasok sa pandinig ko dahil sa katahimikang nakapalibot sa bahay. Bumalik ang buong atensyon sa pag-abang ng pagpasok niya sa pinto. Isinandal ang dalawang unan sa arm ng sofa at itinaas ang mga paa.
“Matulog ka na kung wala pa si Sir Aziel nang ala-una ng madaling araw,” boses ni manang, pinupunasan ang gilid ng labi.
Tumango akong nginitian siya. “Sige ho, manang. Salamat.”
Tuluyan kong ipinahinga ang sarili, ipinatong ang phone ko sa tiyan at sinubukang pumikit sandali.
Naalimpungatan ako sa tunog susi, maging ang pagbukas ng pinto. Malabo pa ang paningin ko pero bahagya kong naaninag ang pigura ng lalaking palapit sa direksyon ko.
“Did you sleep here again?” tanong niyang tinatanggal ang neck tie habang naglalakad noong maging malinaw siya sa mga mata ko.
“Nakaidlip lang ako. Kumain ka na ba?” tanong kong nag-inat pagkatayo. Kinusot ko ang kaliwang mata at sumunod sa kaniya.
Patakbo kong binalikan ang naiwang phone ko sa sofa. “Nag-dinner na kami ng mga kasama ko,” sagot niyang kinuha ko iyong neck tie at bag niya. “Nakalimutan kong sabihin na sumama pala ako sa mga college friends ko kanina.”
Tama nga ako ng hinalang kasama niya ang mga kaibigan. Basta hindi nakapag-reply sa akin, alam ko na kung sino mga kasama niya. Hindi ito mahilig lumabas kasama ang mga empleyado niya. Binansagan nga nila siyang tigreng hindi mapapaamo, pero napakaguwapo.
“Huwag ka ng mag-shower o maligo. Mapapasma ka lang,” sabi ko habang tinatanggal niya ang pangatlong butones ng suot nitong long sleeve polo.
Tumalbog siyang naupo sa kama at nginisia ako. “Give me a massage, then.”
Inilapag ko ang bag niya sa swivel chair bago ako maupo sa tabi niya. “How's your business meeting with Mr. Cervantes?”
Pagod siyang nagpakawala ng buntonghininga. “Hindi pa masyadong kumbinsido. Kailangan pa naming suyuin kaya iyon din iyong isang pinagtuunan namin ng oras,” hinilot niya ang likod ng kaniyang leeg at pinatunog pa ito.
“Is there anything I could help?”
Ipinilig niya ang ulo paharap sa akin habang bumaba ang kamay para kunin ang unan at pagpagin. “You don't know about business, so, don't bother. Maayos rin namin at mapapapirma namin ng kontrata si Mr. Cervantes.” Binigyan niya ako ng ngiti.
Tumayo siyang dumiretso sa palikuran. Buhos ng tubig galing sa gripo ang sumakop sa buong kuwarto at hinayaan niyang nakabukas ang pinto. Kahit nakatalikod siya sa akin ay nakikita ko ang mukha niya sa salamin habang nagsisipilyo.
“Bumisita pala sila mama at papa rito kanina. Pati si Sally, nandito rin,” kuwento ko sa kaniya.
Hapon na sila nang makauwi. Sama-sama pa kaming nanood sa sala ng movie, nadatnan pa nila si Manang Ester kaya nagkuwentuhan pa sila ni mama. Samantala, si papa naman ang nag-babysit kay Rosette habang walang tigil akong dinadaldal ni Sally.
Pinunasan niya ang labi gamit ang towel na nakasabit at bumalik sa kama. Bigla niyang inihiga ang katawan na hindi pa nakakapagpalit. Tumayo ako para maiunat niya nang maayos ang mga paa. “Let's resume our talk tomorrow. I want to go to bed now,” sabi niyang itinaas at pinaikot-ikot ang braso niya.
“Magbihis ka muna,” utos ko sa kaniyang pinapanood ang pagsuklay-suklay sa kaniyang buhok gamit ang daliri.
“Hayaan mo na.”
“Ako na magbibihis sa 'yo,” presinta kong tinanggal ang pagkakabutones ng suot niyang polo.
Lumawak ang ngisi niyang hinawakan ang kamay kong abala sa pagtatanggal. “Then we should. . .” mahina niyang suhestyon sabay ngisi at taas-baba ng kilay.
Nailing ako itinuloy ang ginagawa para makapagpahinga siya kapag nakapagbihis ng komportableng damit. “You're tired. Kailangan mong nang magpahinga para may energy ka pa bukas.”
Lumabi siyang itinaas ang hintuturo. “One round lang.” At parang tuta niya akong tinitigan.
Mahina akong tumawa sa pagsabay ng iling ko. “Not now, Ziel. Wala pa akong balak sundan si Rosette.”
Agad nabura ang nakalolokong ekspresyon niya kanina at napalitan ng inis. Dismayado niya akong tiningnan na may kasamang pagsusumbat.
“Tama yata si mama sa sinasabi niya,” sabi niyang ikinaawang ng bibig ko.
“Hindi sa ganoon—”
“Makatulog na nga lang.” Tumalikod siyang nagtalukbong ng kumot.
Buntonghininga akong napatitig sa likod niya. Hindi naman siya ganito dati. Hindi mabilis manghinala at nagpapaniwala. Nag-umpisa lang siyang magbago noong tumuntong kami sa college at madalas nakakarinig kay Tita Vivian.
Malungkot akong nagbaba ng tingin sa sahig. Parang klima ang pakikitungo niya nitong mga nakaraang araw. Unti-unting nagbabago.

Book Comment (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    5d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters