logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1: Worst than Worst

Jasper's point of view:
"Condolence."
Puro na lang ganyan ang naririnig ko. It supposed to be the holidays we are rejoicing, yet it turns out to be the holidays we are mourning.
Kaagad na akong pumasok sa kwarto namin upang makaiwas sa mga taong napapatingin sa akin ng mayroong awa sa mga mata. Mabuti na lang wala roon ang mga pinsan ko, magagawa kong manatiling mapag-isa. Wala akong pinapansin na sinuman o ni kinakausap. Gusto kong mapag-isa, gusto kong sarilihin ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit wala man lang luha ang tumutulo sa mga mata ko. Natuyo na ata at naubos na ng tuluyan noong pasko.
Naupo ako sa kama at kinuha ang cell phone ko. Napangiti na lamang ako ng mapait nang makita ko roon ang picture naming dalawa.
Ba't ang bilis mo namang iwanan si Kuya?
Kaagad ko ng iniba ang wallpaper at ginawang plain black wallpaper.
Inilapag ko na ang cell phone ko sa bedside table saka hinayaan ko ang sarili ko na mapahiga sa kama at dalawin ng antok.
(Dream)
"Kuya! Kuya! Wake up! Wake up!" nagtalukbong ako ng kumot dahil sa ingay na akong naririnig.
"Jayie, I'm still sleeping," inaantok na sabi ko, naramdaman kong sumampa ito sa kama ko at saka sinimulang tumalon.
"Kuya! Wake up! We're going to leave na," sigaw nito habang tumatalon. Dahil sa ingay at pagkairita ko ay tamad na bumangon ako.
"Fine! Fine! Can you please don't jump? Baka hingalin ka niyan," sabi ko sa kanya dahil ayaw niyang tumigil sa kakatalon. Ikinusot ko naman ang mga mata ko at naghikab.
"No, I want to jump! Yehey! I'm so excited. We're going to have fun since it's Jesus Christ day! And Jayie loves Christmas so much!" masayang sigaw niya habang itinataas pa ang kamay habang tumatalon. Dahil ayaw niyang tumigil ay binuhat ko na lamang siya.
"Napaka kulit mo," bulong ko sa tainga niya na siyang nagpabungisngis dito.
"Oh! I think you forgot something," sabi ko sa kanya. Napansin ko naman kaagad ang pagkunot ng noo niya. Iminuwestra ko naman ang aking pisngi.
"Tss, masyadong na-excite na gisingin ako. Nakalimutang gawin ang dapat gawin," sabi ko na may boses na nagtatampo.
"Kuya, galit ka po?" naka-pout niyang tanong tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Nang hindi ako sumagot ay pinupog niya ako ng halik sa aking magkabilang pisngi na siyang naging dahilan ng pagtawa ko.
"Sabihin mo Ma-mi. Say Ma-mi," sabi ni Mommy sa kapatid ko na nakatayo sa crib at may hawak na manika. Humawak ako sa crib niya kaya napatingin siya sa akin na siyang naging dahilan kaya ngumiti ako na labas ang mga ngipin na may bungi.
"Baby," sabi ko kaya napabungisngis siya.
"Jayie, say Mommy ah! Go Ma-mi." Tinuturuan ni Mommy na magsalita si Jayie. Pinagmamasdan ko lamang sila.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Daddy kaya tumakbo ako papalapit doon.
"Daddy!" masayang sigaw ko. Kaagad akong binuhat ni Daddy at sinakay sa balikat niya. Kumapit naman ako sa buhok niya para hindi ako mahulog.
"Good boy ba si Kuya?" tanong ni Daddy sa halip na ako ang tumango ay tinango ko ang ulo ni Daddy dahil nakahawak ako sa buhok niya ay iyon ang ginalaw ko. Napatawa na lamang tuloy si Daddy.
"Oh, si baby Jayie kaya?" bumaling naman si Daddy kay Jayie pero bago iyon, napansin ko na humalik pa siya kay Mommy.
"Aissh! Ikaw nga Hon. Tinuturuan kong magsalita puro tawa," sabi ni Mommy at binuhat niya si Jayie tapos ibinigay kay Daddy. Hinalikan naman ni Daddy si Jayie sa noo nito.
"Oh, ayaw mong magpaturo kay Mommy? Okay kay Daddy na lang. Sabihin mo Da-di.... Da-di...." rinig kong sabi ni Daddy ngunit tumatawa lamang ulit si Jayie. Napatawa na lamang tuloy si Mommy dahil ayaw rin nito makinig kay Daddy. Ilang beses pang pinaulit-ulit iyon ni Daddy, pero bungisngis lang nang bungisngis si Jayie.
"Baby, Ku-ya," biglang nagsalita ako. At nagulat sina Mommy at Daddy nang magsalita ito at tawagin ako.
"Ya! Ya!"
"Hahahahah! Jayie's first word is Ya, meaning Kuya. Woah! Ang galing naman ni Kuya," sabi ni Mommy. Ilang ulit pa na sinigaw iyon ni Jayie. Nagpababa na ako kay Daddy at ibinaba na rin ni Daddy si Jayie kaya nilaro ko na siya.
"Hahah si Jasper lang pala ang makakapagpasalita kay Jayie," sabi ni Daddy.
"They're so cute," sabi ni Mommy.
"Kanino pa ba magmamana," sabi naman ni Daddy at inakbayan si Mommy habang pinapanood kami.
"Waaaaah! Ungaaaaa!" iyak nang iyak si Jayie. Today is her third birthday. Wala siyang tigil sa pag-iyak na tila'y may sobrang sakit na nararamdaman.
May napansin din sila Mommy na parang ang daming pasa ni Jayie at biglaang nagdurugo ang ilong nito.
Kaya kaagad na dinala si Jayie sa pediatrician. At doon na namin nalaman na si Jayie ay may leukemia.
"I'm sorry to say Mam and Sir, she has leukemia. Acute myeloid leukemia," rinig kong sabi ng Doktora.
Buhat-buhat ako ni Daddy at si Mommy ay nakaupo sa upuan na kung saan katabi ng hinihigaan ni Jayie. Si Jayie ay tulog na tulog at may nakakabit na dextrose sa kanya. Roon ko rin narinig ang iyak ni Mommy at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Daddy sa akin dahil buhat-buhat niya ako.
"The reason why your daughter is always crying, it's because of the bone pain. A decrease in her normal blood cells causes the symptoms of leukemia. And by the observation, we see that she's becoming pale, listless and easily tired. She also has fever and yesterday lang nang dumugo ang ilong niya at napansin na rin natin na marami na siyang mga pasa. But don't worry po. We'll do our best para po gumaling ang inyong anak. It usually takes about 2 years of treatment. And the treatment involves the use of chemotherapy and possibly radiation therapy. Also, we can have bone marrow transplant, it can considered as a possible treatment din," sabi pa ng Doktora. Ngunit wala akong naintindihan kahit isa.
Hindi ko alam kung bakit umiiyak sila Mommy at kung bakit maraming nakakabit na kung ano-ano kay Jayie. Hanggang sa hindi na namin siya nakasamang umuwi at doon na siya sa hospital palagi naglalagi. Napapansin ko rin ang unti-unting pagkawala ng buhok niya at palagian niyang pag-iyak kasabay ng madalas na pagdurugo ng kanyang ilong.
Hanggang sa namulat at naintindihan ko na may sakit nga si Jayie at kagaya iyon ng naging sakit ni Lolo na siyang naging dahilan ng pagpanaw nito. Palagi siyang nasa hospital at palagi ko rin nakikitang umiiyak si Mommy.
"Happy birthday to you.... Happy birthday. Happy birthday.... Happy birthday, Jayie! Blow your candle, Jayie," sabi ni Mommy na hawak-hawak ang kulay pink na cake. At masayang hinipan na iyon ni Jayie na may kasama pang pagpalakpak. Katabi ko siya na nakaupo sa kama at may hawak ako na lobo.
"Yehey!" masayang sabi niya na siyang naging dahilan ng pagngiti naming lahat. She is like an angel.
Sa hospital siya nag-birthday at ang bisita ay ilang mga nurse at si Doktora pati na rin ilan naming mga pinsan.
Tuwang-tuwa si Jayie ngunit napawi iyon nang dumugo ang ilong niya at palabasin kaming lahat na kung saan naiwan siya kasama ang mga nurse at si Doktora sa loob. Nakita ko na namang umiyak si Mommy at kita ko ang takot sa mga mata ni Jayie.
Nagsiuwi na rin ang mga pinsan namin.
"Mom, sigurado po ba kayo na okay lang talaga na ibyahe si Jayie?" tanong ko kay Mommy. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Of course, Jayie is a strong girl. Look, mahimbing na siyang natutulog. And don't worry I brought all her meds," nakangiting sabi ni Mommy. Napatingin na lamang ako kay Jayie na mahimbing ngvnatutulog. Inayos ko ang headband niya na muntikan ng mahulog.
Nakalipas na nga ang dalawang taon na panggagamot kay Jayie, ang akala namin ay magaling na siya ngunit hindi pala, dahil mas lalong lumalala pa ito. Hindi pala iyon naging sapat at kumalat pa lalo ang sakit niya. At hindi na kinaya ng kapatid ko kaya sumuko na siya.
"Kuya babye! Ingat ka palagi!" pagpapaalam sa akin ni Jayie nang uuwi na kami ni Daddy at maiiwan si Mommy para mabantayan siya. Hindi ko siya hiniwalayan ng tingin hanggang sa maisara na ni Daddy ang pinto.
That was her sweetest smile that I'll never get tired of seeing and let it happen.
(End of Dream)
Tug! Tug! Tug!
Nagising ako sa lakas ng tunog na naggagaling sa kalangitan. Nakabukas pala ang bintana kaya kitang-kita ko roon kung gaano kaganda ang mga fireworks na nagkalat sa madilim na kalangitan.
Naramdaman kong may tumulong tubig mula sa mga mata ko. Mahinang natawa na lamang ako, umiiyak na pala kasi ako.
"Jayie...." nasambit ko na lamang.
"Jasper, Happy New Year! Tara! Napahimbing ka ng tulog ah," napalingon ako at si Casty pala ang nagsalita. Hindi ko siya pinansin at bumalik na lang sa pagkakahiga.
"Jasper, bro, kahit hindi tayo close. Nandito lang ako," rinig kong sabi niya bago siya lumabas ng silid saka ko narinig ang pagsara ng pinto.
Ayaw ko munang makihalubilo sa kanila. Gusto kong mapag-isa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata. At sa hindi inaasahan ay nakita ko si Jayie sa aking isipan.
"Kuya! Bangon ka na! Ang gaganda ng fireworks! Happy New Year!" sigaw niya.
Idinilat ko ang mga mata ko at inilibot ang aking paningin ngunit ako lamang ang nandito.
"Jayie?" sambit ko. Bakit narinig ko ang boses niya? Dumungaw ako sa bintana at sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang nakita ng dalawa kong mata si Jayie sa kumpulan ng mga taong nagsasaya sa baba.
Kaagad akong lumabas ng kwarto. May ilang nagulat pa at nagtaka kung bakit ako tumatakbo. May ilan pang tumatawag sa akin at binabati ako ngunit kahit isa roon ay wala akong nilingon at sinagot.
Nakalabas na ako sa bahay ni Lola at sobrang daming tao at mga nagkakasaya silang lahat. May ilan pang mga bata na may hawak ng turotot.
Napakunot ako ng noo habang ginagala ang aking paningin sa paligid.
Nasaan si Jayie?
Hanggang sa nakita ko na siya na nakatalikod sa akin kaya kaagad nagliwanag ang aking mukha. Nilapitan ko iyon saka hinawakan. Siyang paglingon niyo ay napagtanto kong mali ako ng akala.
Hindi siya si Jayie.
"Hello po, Happy New Year!" sabi nito at nagturotot pa.
Ang akala ko ay si Jayie, dahil naka-pink din siyang damit tapos may headband sa ulo at kalbo siya.
"So-sorry," nasambit ko na lamang na may pagkadismaya. I thought every mournings I had are all just a dream.
Tumalikod na ako para makaalis na sa lugar na iyon. Narinig ko pang may tumawag sa bata.
"Chelsea, hay naku nandito ka lang pala," rinig kong sabi ng babae. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Gusto ko ng makalayo.
Pumasok na ako sa loob at nakita kong nagkakasiyahan sila.
Bakit ang bilis nilang makalimot?
Napangiti ako ng mapait saka nagsimulang maglakad patungo sa kwarto namin.
"Jasper!" narinig kong may tumawag sa akin. Huminto ako at lumingon doon. Mga nakangiti sila sa akin.
"Jasper, kain ka na," sabi ng isa sa mga Tita ko pero umiling lamang ako.
Hinanap ko sila Mommy ngunit hindi ko sila nakita.
"Wala sila Tita umalis kanina. Magpapaalam sana sila sa iyo kaso nakatulog ka pala. Babalik naman sila rito bukas may inasikaso lang. Bukas daw kayo uuwi," sabi ni Cathy. Hindi ako sumagot at nagdiretso na sa kwarto namin.
Napatingin ako sa sobreng ginawa ni Jayie. Kinuha ko iyon at inilagay sa bag ko.
Muling nahiga na lang ako at inalala ang mga panahon na kasama pa namin si Jayie hanggang sa dinalaw na ulit ako ng antok.
---
Kinabukasan...
"Casty, huwag kang maingay," rinig kong may nagbubulungan. Hindi ko muna idinilat ang aking mga mata. Ayaw kong malaman nila na gising na ako.
"Ano ba kasing naisipan mo at pumayag ka?!"
"Tss, that's my dream kaya. Yehey! Wait for me Almeian,"
"Aissh Almeian Almeian Almeian! Seryoso ba talaga?"
"Oo nga! Tara na bilis,"
"Tsk!"
Idinilat ko na ang aking mga mata nang masigurong nakalabas na ang mga pinsan ko.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo. Naghilamos ng mukha saka nagsipilyo ng ngipin.
Pinihit ko ang doorknob at mabuti na lamang ay walang tao.
Nagulat na lang ako nang may umakbay sa akin bigla. "Good morning, bro!" bati nito. Tinanggal ko ang pagkakaabay niya sa akin.
"Tsk! Nagpapakabuti nga ako sa iyo eh. Sungit," dinig kong bulong niya.
"Hindi ko naman hiniling na magpakabuti ka sa akin," sagot ko rito. Nagsimula na akong bumaba ng hagdan at tumungo sa kusina. Binaliwala at hindi na lamang iyon pinansin.
Kumuha ako ng tinapay sa lamesa at gatas na nasa ref.
"Tahimik noh?"
Sumunod pala.
"As usual wala silang lahat. Mga pala-simbang tao eh," sabi niya at tumabi sa akin na maupo sa terrace.
"Cathy! Gising na si Jasper!" sigaw niya. Lumayo ako sa kanya ngunit lumapit na naman siya. Hindi ko na lamang ulit siya pinansin.
"Oh? Good morning, Jasper. Wala silang lahat dahil nagsimba. Nagpaiwan kami ni Casty para may kasama ka," rinig kong sabi ni Cathy at naupo sa kabilang gilid ko. Bali napapagitnaan nila akong dalawa.
Hindi naman ako nagtatanong eh. Ang daldal pala ng kambal na ito.
"Casty! Kumuha ka ng pagkain," utos ni Cathy sa kakambal niya.
"Ang sa pagkakaalam ko ay ako ang panganay?" sagot ni Casty.
"Aissh! Sige na! Kumuha ka na oh!" naiinis na sabi ni Cathy at wala ng nagawa si Casty, tumayo na ito at tumungo sa kusina.
"Jasper," hindi ako lumingon nang tinawag ako ni Cathy.
"Sobrang manhid ko naman siguro kung tatanungin kitang okay ka lang ba. Para sa kaalaman mo Jasper.... Hindi lang ikaw ang nawalan at nahihirapan. Can't you understand? May isip na tayo. We are already in high school. Tita Jana and Tito Ethan are in pain. Bakit hindi mo sila damayan? Ikaw na lamang ang anak nila na nandiyan para sa kanila. Binigyan ka na nila ng ilang araw para mapag-isa pero don't you think? Gusto nila ng presensya mo. Hinihintay ka nila. I hope na naintindihan mo kung ano ang gusto kong iparating," mahabang sabi niya. Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Napatigil ako sa pag-inom ng gatas.
Am I that selfish? Sa tingin ko ay hindi naman.... Sobrang nasaktan ako. I know. Pero hindi ako babalik sa kung ano ako. I'm sorry. It's been a week since her death and I can't get enough. I can't.... I'm sorry.... Mom and Dad.
"What the heck, Casty?! You know na hindi ko ito gusto!" sigaw ni Cathy.
"Tss, eh wala na nung gusto mo," sabi ni Casty.
"Aissh!" Padabog na umalis si Cathy at pumasok sa loob.
"Hays, kahit kailan talaga yung babae na iyon. Kinuha na nga ng pagkain eh. Hindi naman niya sinabi kung ano yung gusto niya. May dalaw na naman ata," dinig kong sabi ni Casty nang makatabi na siya sa akin.
"Hey," bati niya pero tumayo na ako.
"Hays, bakit ganito ang mga tao ngayon? Unang araw ng taon ngayon pero hays.... Mabuti na lamang at nandito pa ako. Sa tingin ko, ako ang pinakamatino sa lahat," dinig kong sabi niya nang makapasok na ako sa loob. Inilapag ko sa kusina ang pinag-inuman ko at inubos ang tinapay na hawak ko.
"Sobrang manhid ko naman siguro kung tatanungin kitang okay ka lang ba. Para sa kaalaman mo Jasper.... Hindi lang ikaw ang nawalan at nahihirapan. Can't you understand? May isip na tayo. We are already in high school. Tita Jana and Tito Ethan are in pain. Bakit hindi mo sila damayan? Ikaw na lamang ang anak nila na nandiyan para sa kanila. Binigyan ka na nila ng ilang araw para mapag-isa pero don't you think? Gusto nila ng presensya mo. Hinihintay ka nila. I hope na naintindihan mo kung ano ang gusto kong iparating."
Umiling na lamang ako nang muling marinig ang sinabi sa akin kanina ni Cathy.
Dumeretso na lamang ako sa kwarto namin. Napansin ko na nakabukas ang bag ko kaya nilapitan ko iyon upang isara. Ngunit napansin kong may maliit na kahon doon.
(Note from the small card.)
To: Jasper
Merry Christmas and Happy New Year!!! We love you son! :)
From: Mom and Dad
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang mamahaling relo na matagal ko ng hinihiling.
(Flashback)
"Dad, buy me that!" sigaw ko kay Daddy habang si Mommy ay hawak-hawak si Jayie sa kamay. Nasa mall kami at ito ang unang araw na pinayagang gumala si Jayie.
"Sorry son maybe next time," sagot ni Daddy at napayuko na lamang ako.
"Son, I hope you understand. Naka-budget ang pera natin. We are here to celebrate, not buying things that we want," sabi ni Dad at napayuko na lamang ako.
"I'm sorry Dad. Yeah, maybe next time," sabi ko at humawak na sa kamay ni Jayie na sobrang saya habang naglalakad.
Kita ko sa mga mata ni Daddy at Mommy ang disappointment sa kanilang sarili. I even saw how Mommy look into Dadddy's eyes and murmured 'It's okay Hon' .
Pag-iipunan ko na lamang.
(End of Flashback)
Napailing na lamang ako nang maalala iyon.
"This is nonsense," sabi ko sa sarili ko at tinago na lamang iyon sa bag ko.
Buong-buo na ang atensyon sa akin nina Mom and Dad pero kailanman hindi na magiging normal ang buhay ko. We're not even complete. I can no longer feel the perfection in my system. I can no longer feel the happiness in my heart. I can no longer feel the urge of being a strong Kuya for the sake of my baby sister. I can no longer be a brother whose anyone's dream.
Bumagsak ang buong sistema ko.
Bakit sa panahon pa na aming pinkahihintay? Bakit sa panahon pa na dapat kami ay kumpleto at nagsasaya pa siya kinuha? Bakit hindi siya ang isa sa mga batang napabilang na gumaling? Bakit si Jayie pa at hindi na lamang ako?
Napakunot noo ako nang maramdaman na may tumulong luha sa aking pisngi.
"F*ck! Isang luha?"
Kaagad kong pinunasan iyon. Mayamaya lang ay may narinig ako na kumatok.
"Jasper," kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Mommy. Ilang araw ko rin silang hindi kinakausap at pinapansin.
Lumapit ako sa may pinto at pinihit ang doorknob.
"How's my son? Are you ready? We're going to leave na," sabi ni Mom at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo ko. Ayaw kong tumingin sa mga mata ni Mommy dahil sa oras na tumingin ako roon ay bibigay ako. Bakas sa boses ni Mommy ang lungkot at hirap niya.
I'm sorry, Mom. I can't be your son. I can't be the son you want to be. I'm not a type of person who can express his feelings with you.
Tumango na lamang ako kay Mommy at kinuha ang bag ko sa gilid ng kama.
Uuwi na kami.
Lumabas na ako sa kwarto. Bumaba na ako na kasunod si Mom at kita ko roon ang mga kamag-anak namin. Mga nakangiti silang sumalubong sa akin na siyang kaagad kong iniwasan ng paningin.
Nagmano na ako sa mga Tito at Tita ko gayundin kay Lola saka sumakay na sa kotse.
Ramdam ko ang kirot sa aking puso.
Mag-isa na lamang ako sa likuran ng kotse.
Nakita kong sumakay na rin sina Mom and Dad.
We're not complete. And we will never be completed anymore.
Napansin ko ang pagpahid ng kamay ni Mom sa kanyang pisngi.
"Jana, not again. Huwag sa harap ng anak natin," dinig kong sabi ni Daddy. Napansin ko pa ang pagsulyap nila sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lamang sa bintana.
"Sasama pa ba sila?" biglang tanong ni Dad na siyang nagpakunot ng aking noo.
At mayamaya lang ay bumukas ang pinto sa magkabilang gilid ko. Pumasok doon ang kambal.
"Sorry Tito and Tita. Sadyang nagmabagal si Cathy," sabi ni Casty. Why are they here?
"What?! Anong ako? Ikaw kaya!" sigaw ni Cathy.
"Hahah okay tahimik na. Nagpaalam na ba kayo sa kanila?" tanong ni Daddy.
"Yes po," sabay na sagot nila.
At sa palagay ko ay hindi na nawala ang kunot sa aking noo.
"You're probably wondering, right? Yeah, sa inyo na muna kami. Lola suggested to Tita Jana na sumama kami sa inyo para you know may kasama ka 'raw'," sabi ni Cathy na nakasandal sa bintana.
"Hey bro, you're good at this, right? Let's play," sabi naman ni Casty na siyang nasa kaliwa ko. Busy na siyang naglalaro sa cell phone.
Sumandal na lamang ako at nagsalpak ng earphones sa aking tainga.
---
Almeian
"Ughh! I'm tired!" sigaw ni Casty nang makarating na kami sa bahay. Kaagad siyang nahiga sa sofa.
"OMG! Cast! Wala tayo sa bahay. Sorry po Tito and Tita," sabi ni Cathy at naupo sa sofa saka hinampas ang kakambal niya.
"No, hahaha. It's okay. This is your home as well," dinig kong sabi ni Mommy at dumeretso na siya sa kwarto nila ni Dad. Habang si Daddy ay nagbababa ng ilang mga gamit.
Hindi na ako nag-abalang tumulong pa at dumeretso na lamang sa kwarto ko.
At sa hindi ko malamang dahilan ay biglang nagsituluan at bumuhos ang aking luha. Napasandal na lamang tuloy ako sa pinto ng kwarto ko.
This is the worst than worst.
Ginulo ko ang higaan ko na ayos na ayos. Parang kahapon lang nang ginising niya ako at wala siyang tigil sa pagtalon sa kama.
"Why am I seeing this?"
Nakikita ng dalawang mga mata ko ang mga alaalang mas lalong nagpapasakit ng nararamdaman ko.
I'm seeing myself hugging my sister while we are both laughing with each other. Pinupupog niya ako ng halik sa aking mukha.
Napaluhod na lamang ako at saka napasigaw.
This is the pain. So much pain. The worst feeling.
Bakit ngayon lang ata nagsilabas? Hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak.
Nakita ko ang picture naming dalawa na nakadikit sa dingding ng kwarto ko.
Noong panahon na wala pa siyang sakit.
Two years old pa lang siya roon while I'm already 9 years old.
Hawak-hawak niya yung manika niyang kulay pink habang kandong-kandong ko siya. Masaya kaming nakangiti roon.
"Jayie..." nasambit ko sa gitna ng pag-iyak.
Nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap sa akin.
"We are here, Jasper." Sabay na sabi nina Casty at Cathy.
"We won't replace her, never. We are here, not as your cousins, but as your friends and buddies." Sabi ni Cathy.
"Bro, buddies!" sabi ni Casty.
Sa hindi ko malamang dahilan ay nakahinga ako ng maluwag, nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Pero hindi ko gusto ang mga ganitong bagay.
I still want to be alone.
"Can you please go out?" mahinang sabi ko at tumayo na.
"I'm sorry," rinig kong sabay na sabi nila at saka lumabas na ng kwarto ko.
Am I being rude again? I just want to be alone. Why are they saying sorry?

Book Comment (50)

  • avatar
    GraceDumaguing

    yehey!

    17/08

      0
  • avatar
    Rjane Tipolo

    it was good I enjoy reading it

    11/08

      0
  • avatar
    Melanie Crisostomo Salas

    sobrang Ganda...

    04/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters