logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 5

Nakatingin lang ako sa kanya at tiningnan kung ano ang magiging reaksyon nya.
Wala namang pinagbago ang mukha nya. Parang tuwang-tuwa pa rin sya sa nakikita at naririnig nya sa akin.
Baka naman tumama pati ulo nya kanina?
"Oo nga." basag nya sa katahimikan. "Natatandaan ko pa nga noon, gusto kita palaging makita at maya't maya ang sabi ko ng mahal kita." yumuko sya at natawa sa sinabi nya. "Mukha nga akong baliw noon." dagdag nya pa.
Natawa naman ako ng peke.
Ayos ah! Pareho na kaming naka move on. Tinatawanan na lang namin ang pinaggagagawa namin noong kami pa.
"Kaya nga." sabi ko na sinundan ng pagtawa.
Buti na lang nawala yung awkward na atmosphere kanina.
Ikaw kasi, Cristel, kung ano-ano na lang ang sinasabi mo. Hindi man lang nag-iisip.
Napatingin naman ako sa orasan at malapit ng mag-uwian. Bumaling ako kay Jores na tinitingnan ang nakabenda nyang sugat.
"Mag-uuwian na." sabi ko.
"Una ka na. Pupuntahan ako rito nila Raijen."
"Sure ka?" tanong ko.
Tumango lang sya at ngumiti.
Tinitigan ko naman sya para makasigurado. Baka mamaya niloloko lang nya ako.
"Sure ka ha? Aalis na ako." sabi ko habang pumupunta na sa may pintuan.
"Oo." tipid nyang sabi.
"Di mo ako niloloko?"
"Hindi ako marunong magloko, alam mo yan." pinaningkitan ko muna sya bago ko buksan ang pintuan.
"Aalis na ako ha." sabi ko at tumango sya.
Sinara ko na ang pintuan at nagsimula ng maglakad.
Nakita ko naman sila Raijen na papasok na ng clinic nang tanawin ko ito. Parang naalis na ang iniisip ko nang makita ko sila.
Mabuti at may kasama na sya.
Nakataas kilay na Ashiya ang sumalubong sa akin at ang nakangiting si Zoren.
"Di ba ikaw nakipag break?" masungit na saad nya. "Eh bakit nilalandi mo?" dagdag nya.
Kumunot lang ang noo ko sa kanya.
"Pinagsasasabi mo?" sabi ko at kinuha kay Zoren ang bag ko na hawak nya.
Naningkit naman ang mata nya sa akin.
"Eh ano yung kanina?"
"Wala yun."
"Sigurado ka?"
"Oo." di nya pa rin inaalis ang tingin nya sa akin kaya naman bumaling ako kay Zoren na nakangiti pa rin ngayon.
Mukha syang tanga sa itsura nya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ko.
"Ha? Sino? Ako ba? O sya?" turo nya kay Ashiya na inismiran lang sya.
"Ikaw."
"Nakangiti ba ako? Parang di naman ah. Istorya ka ay." natatawang sabi nya.
Mukha talaga syang tanga promise.
"Bahala ka nga dyan." sabi ko at tumingin ulit kay Ash. "Di ako makakasabay sa pagkain kina kuya Michael. Nag-text sa akin si Mama na nagluto sya ng hulog-hulog."
"Ay sana all." sabi ni Zoren sa gilid ko. "Pwedeng pahingi?"
"Punta ka sa bahay."
"Sige, ikaw ba Ash?" tanong ni Zoren kay Ash.
"Saan ka sakay?"
"Sa motor namin."
"Okay. Deal. Pa angkas ako ha." tinanguan lang sya ni Zoren.
"Edi hindi na rin kayo kakain kina kuya Michael?" tanong ko sa kanila.
"Oo." sabay nilang sabi.
"Ge, sabihin ko kay Mama."
Umuwi na kami pagkatapos noon.
Pagkapasok ko sa bahay, kumakain na si Crisha. Bunso ko syang kapatid. Matanda ako sa kanya ng apat na taon. Grade six na sya at graduating na ngayong taon. Grade ten naman ako. Graduating na rin.
"Hi, Ate!" bati nya sa akin.
Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi nya.
"Asan si Mama?" tanong ko sa kanya.
"Nasa kusina." sagot nya at sumubo ulit.
Pumunta naman ako sa kusina at nakita si Mama na naghuhugas. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa likod nya at humalik sa pisngi.
"Jusko kang bata ka. Papatayin mo ako sa gulat." sabi nya at humarap sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Dapat inintay mo akong makauwi, Mama, para ako na ang naghugas nyan."
"Ano ka ba. Kagagaling mo lang sa school kaya dapat nagpapahinga ka muna." sabi ni Mama. "Halika na at kumain na ng hulog-hulog na niluto ko."
Pinaupo ako ni Mama at ikinuha ng mangkok.
"Mamaya na, Ma. Pupunta dito sila Zoren at Ash, sa kanila na lang ako sasabay." sabi ko kay Mama.
"Ganun ba? Ay sige, magbihis ka muna at ako'y magluluto lang ng hapunan natin." ngumiti at tumango na lang ako kay Mama.
Pumunta ako sa kwarto ko para makapag palit.
Lumabas lang ako ng kwarto nang marinig ko na ang ingay nila Zoren sa labas ng bahay.
"Tita we're here." rinig kong sigaw ni Zoren na sinundan ng daing nito.
Binatukan na naman ata ni Ash.
Si Crisha ang nagbukas ng pinto para sa kanila. Lumabas naman galing sa kusina si Mama.
"Hello, Tita." bati ni Ash at nagmano kay Mama.
Ganun din ang ginawa ni Zoren.
"Naku! Ang gwapo mo talaga Zoren." pambobola ni Mama.
"Sadya po, Tita." at naniwala naman ang unggoy.
Lumapit ako sa kanila habang umiiling.
"Ma, huwag mong kabolahin si Zoren at baka lumaki ang ulo nya." nakangiwi kong sabi.
"Oo nga, Tita." sang-ayon sa akin ni Ash na kandong na ngayon si Crisha.
"Tita, huwag mo silang pansinin, di lang talaga nila matanggap na may kaibigan silang sobrang gwapo." pagyayabang ng walang hiyang kaibigan namin.
"Walang hiya talaga." narinig kong bulong ni Ash kay Crisha na tumatawa sa kanya dahil kung ano-ano na lang ang sinasabi nito tungkol kay Zoren.
"Tama na yan. Baka lalong maniwala sayo si Mama. Kumain na lang tayo." sabi ko at sumunod naman sila sa akin papuntang kusina.
Nag-unahan pa si Ash at Zoren sa pag-upo. Bahay nyo 'to?
"Ang sarap mo talaga magluto, Tita." papuri ni Ash na sinang-ayunan naman ni Zoren.
Si Crisha kumakain ulit. Wala ring kabusugan sa pagkain.
"Syempre naman." tuwang-tuwang sabi ni Mama.
Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa pambobola nung dalawa kay Mama. Si Crisha tuwang-tuwa sa mga pinagsasasabi nila Zoren.
Yung dalawa ang nakaubos nung hulog-hulog na niluto ni Mama. Di na nahiya. Ang kakapal talaga ng mukha. Patay gutom kahit saan.
Masyado sigurong maraming pinapakain sa tiyan nila yung dalawa. Nakadalawang mangkok lang ako, samantalang yung dalawa di ko na mabilang.
Nagpahindag lang yung dalawa bago naisipang umuwi.
"Cristel, uwi na kami. May gagawin pa ako sa bahay." sabi ni Ash at sumakay sa motor ni Zoren.
Tumango ako sa kanila at ngumiti.
"Sige. Ingat kayo." sabi ko.
Pinaandar naman ni Zoren ang motor at ngumiti sa akin.
"Sa uulitin ha." nakangising wika nya.
"Pasabi kay Tita, thank you sa pagkain." singit ni Ash.
Tumango-tango lang ako sa dalawa.
"Sige na. Umuwi na kayo at gumagabi na." pagtataboy ko sa kanila.
Ilang asar pa ang nangyari bago sila tuluyang nakaalis.
*****
"Is there an absent today?" tanong ni Mrs. Reginal ang adviser namin ngayong taon.
"Si Aquino, Ma'am. Nilalagnat po sya sabi ng Mama nya." sabi ni Sherly.
Tumango naman si Ma'am.
"Meron pa ba?" tiningnan nya kami isa-isa at ng nakitang wala ng sasagot ay nagsalita na sya. "Listen class. Next week we will be have a camping. Its for our recollection. Dapat February pa gaganapin iyon ngunit magiging abala ang school sa iba't ibang gawain kaya next week yun gaganapin." paumpisa ni Ma'am.
Nag-ingay naman ang buong klase dahil doon.
"Camping tol." bulong ni Ashiya sa akin na tuwang-tuwa.
"Narinig ko. Di ako bingi."
"Nakakarinig ka pala. Akala ko bingi ka."
Di ko na lang sya pinansin at nakinig ulit kay Ma'am.
"Fieldtrip ang ibang level. Pero dahil graduating kayo dito lang gaganapin sa school ang recollection nyo." lalong nagbulungan ang mga estudyante. "Listen to me first." pag-agaw ng atensyon ni Ma'am. "Camping lang tayo pero one week ang mangyayaring recollection, because it may be your last year together dahil may iba kayong kaklase na sa ibang school na mag-aaral." nagsi palakpakan at sigawan kaming magkakaklase.
Masaya 'to.
"Quiet, class." pag-suway sa amin ni Ma'am kaya nanahimik kami. "Dahil marami kayong grade 10 at iba-iba ang section ay magkakaroon ng team building." nakangiting dagdag ni Ma'am.
Di ulit namin napigilang mag-ingay.
"We will have a game and your section is your team. We will compete with the other section. Kaya kailangan nyong magkasundo sa lahat ng bagay. This is your last chance to be with your classmates, do everything in the game, dahil may premyo sa mananalo."
Dahil sa nag-uumapaw na tuwa, may mga nagtayuan na at nagsusumigaw na akala mo nasa gubat lang, may mga naghahampas sa lamesa at bangko, at meron din na pinagtatapon ang mga bag, at syempre hindi mawawala ang pagtatapon ng papel.
"Lahat dapat ay a-attend, because that recollectiom will be your project in my subject." nakangiting pahayag ni Ma'am na mas lalong nakapagpawala sa amin.
Masaya 'to.
"And Sir Alvin will also considered it as your project in his subject."
"Wooooooohhh! Walang a-absent hahahaha!" malakas na sigaw ni Aljun na sinundan namin.
Maggalak mga kababayan. Two subject yun ha.
Siniko ako ni Ash kaya napatingin ako sa kanya. "Masaya 'to." natatawang sabi nya na sinang-ayunan ko naman.
Di na ako makapaghintay na matapos ang linggong 'to.
*****

Book Comment (8)

  • avatar
    Khen Ivan Ladaran

    sh b

    27d

      0
  • avatar
    Dimple Cruz

    Maganda yung kabanata

    19/01

      1
  • avatar
    Madel Punsalan

    salamat sa novelah nya maganda yung story nitong nabasa ko

    10/11

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters