logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 06

I overslept. Nagising ako, 8 PM na. Wala na rin si Bee nang gumising ako.
Lumabas ako sa kwarto at mukhang wala na ring tao sa iba pang kwarto. Dali-dali nalang akong naligo at nagbihis. At dahil wala pa akong uniporme ay black leggings at white fitted t-shirt nalang ang sinuot ko.
I actually want to wear jersey short na ninakaw ko sa lalagyan ng damit ni kuya at loose t-shirt pero wala na ako sa bahay. I am here to work and I need to dress nicely para naman maging maganda ang first impression sa akin ng magiging amo ko.
Nang nakuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina.
Mabuti nalang at may sense of direction ako.
And I mean, kusina ako didiretso dahil sa mga ganitong oras, dinner na at siguradong nandoon na rin ang iba pang kasamahan namin. Tsaka kusina pa lang ang alam kong lugar dito. Ayokong maligaw.
Pumasok ako sa kusina at tama nga ako. Halos nandito na sila at naghahanda ng pagkain para sa dinner ng amo namin.
Lumingon ako sa pituan na nasa gilid ko at mukhang iyon ang daan patungo sa dinning area.
Nilingon ko ulit ang mga kasamahan ko at mukhang ang dami ng kanilang niluluto dahil busy sila. I wonder kung marami bang nakatira rito para magluto sila nang ganiyan karami. Parang may pyesta e.
“Uhm," I faked a cough.
Sabay silang lumingon sa akin. We are 5 here in the room. At puro babae.
A woman smiled at me warmly. A motherly smile. “Ikaw ba si Egsel?"
Tumango ako at ngumiti, bago nilibot ang tingin, nagbabakasakaling makita ko si Bee.
“Si Ivy ba ang hinahanap mo? Nasa garden area siya, tinutulungan si Gwen na tingnan ang mga halaman sa labas," aniya.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ulit. “Okay po, salamat."
“Marina Asonio nga pala, iha. Ang mayordoma ng mansyon," pakilala niya.
“Egsel Dianne Reyes po, nice meeting you," pakilala ko sa kaniya.
Lumingon ako sa mga busy'ng tao sa kusina.
“Ano pong meron? Bakit ang dami niyo pong niluluto?" tanong ko.
“Ah. Nakagawian na naming magluto nang marami, iha. Kahit isang tao lang naman ang kakain."
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Iisang tao lang ang kakain pero ang daming putahe?
“Ang dami naman pong pagkain? Sinong kakain ng mga natira?"
“Gusto niya kasi, maraming pagpipilian. Tsaka marami naman kami rito, kaya ang tira ay sa amin na," aniya at tumango na lang ako.
“Isang tao lang po ang nakatira dito? Maliban sa atin?" tanong ko.
“Oo, anak ni Mr. at Mrs. Villarel. Nasa abroad kasi ang mag-asawa. Pero kadalasan ay may dinadalang babae ang binatang iyon dito kaya maingay," aniya at mahinang natawa.
Ay, f*ckboy.
“Okay po. Tulungan ko nalang kayo," sabi ko ngunit umiling siya.
“H'wag na, iha. Patapos na rin naman ako e. Nga pala, si Nelie at  Jelly, kambal. Si Sandra, at ito naman si Jela, bunso namin," pakilala niya sa mga kasamahan namin.
I politely smiled at them. “Hi. Egsel Dianne Reyes," pakilala ko rin sa kanila.
“Hello, Egsel," ani Jela.
Maganda rin itong si Jela. Baby face at makinis. Mukhang hindi makabasag pinggan.
“Sus, Jela. Takot ka na, ‘no?" hirit ni Nelie, isa sa kambal. Buti nalang hindi sila identical twins ni Jelly.
“Takot saan?" takang tanong ko.
“Takot na maka-iskor ka rin kay sir," sabi ni Jelly at tumawa.
Nanlaki ang mga mata ko. “Huh?"
“Sa ating lahat dito, si Jela lang ang naka-iskor kay Sir. Mapili si sir sa babaeng puputukan e. At kapag walang dinadalang babae si sir, si Jela ang pinapatawag. Kahit hindi pa kino-confirm ni Jela na may nangyayari talaga sa kanila, halata naman. Pagod ba namang bumabalik sa kwarto," paliwanag naman ni Nelie.
Nahihiyang napayuko si Jela.
Habang literal naman akong napanganga sa sinabi niya. “Seryoso? Pumapatol siya sa mga trabahante niya?"
Lumingon ako kay Jela. “No offense ha. Pero akala ko kasi maarte iyon. Mayaman lang ang tinitikman dahil mayaman siya. Mga gano'n."
Natawa naman si Sandra. “Nope," she said popping the letter p. “Basta maganda at sexy, o check sa standard niya, tikim agad," aniya.
Ngumiwi ako. “Walang professionism."
“O sya sya. Magsitigil na nga kayo. Baka maabutan pa tayo ni Sir na nag-uusap tungkol sa kaniya," singit ni Ms. Marina.
Mukhang mga 30 plus pa itong si Ms. Marina at maganda.
“Puntahan ko nalang po muna sina Gwen at Ivy sa labas," paalam ko sa kanila.
Tumango naman sila at bumalik na sa kanilang kaniya-kaniyang ginagawa.
Ngunit bago pa man ako makaalis ay bumalik ako sa kusina. Napagtanto ko kasi na hindi ko pa alam kung asan ang garden.
“Ms. Marina, saan nga po ang garden?" tanong ko at napakamot pa sa batok.
“Ay, oo nga pala. Hindi mo pa pala alam ang daan. Straight mo lang lakarin. Glass lang naman ang harang kaya makikita mo na agad ang garden," aniya.
Tumango ako at nagpasalamat. Sinunod ko ang sinabi niya. At dahil glass nga ang pader ay nakikita ko ang labas.
Ewan ko lang kung ano ang trip ng may-ari at glass ang pader, may ilang parte rin sa bahay na semento naman. Maybe because this way leads the people towards the garden and pool area, may view kaya glass. I just shrugged.
And at last, I saw them, nag-uusap sila. Medyo malayo pa ako sa kanila at nasa loob pa ako kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Nakita ko ang pintuan palabas kaya nagmadali akong lumabas.
Ngunit bago pa man ako makalabas ay may humila sa akin.
“Ay p*tang puto!" gulat kong sigaw.
“Who are you?" ani ng isang baritonong boses.
Nilingon ko ang nasa harapan ko at halos mahigit ko ang aking hininga sa sobrang pogi niya.
P*TAKTENG BUTIKI! BAKIT ANG POGI NG NILALANG NA ITO? OH TUKSO, LAYUAN MO AKO!
My mind was screaming danger. Danger na baka mahulog ako sa charm niya. Lalo na nang ngumisi siya.
Oh mu goodness gracious! That white teeth! Ang saraaaap!
“You must be Ivy?" imik niya na siyang pumutol sa daydreaming ko.
“H-Huh?" wala sa sarili kong tanong.
Mas lumawak ang ngisi niya. Doon ako internally napangiwi. Para siyang manyak na pogi.
Pero kung siya rin naman ang mamanyak sa ‘kin, siguro hindi na ako aarte. Uy, realtalk! Pogi e, ba't ba.
“You're Ivy? The new servant?" nakangisi niyang tanong.
Hindi pa rin ako makaimik dahil hawak niya pa ang braso ko.
Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. And I freaking don't like his way of looking!
P*tang gala talaga. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Kahit pala ang demonyong anghel na ito ay hindi ako magpapamanyak. Buset! Ito ata ang sinasabi nilang amo namin. Talagang manyakis nga.
H'wag ka magpatalo, Egsel! Patayin mo ‘yan. Charot, hehe.
Iniwaksi ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at humakbang papaatras.
“Oh, c'mon. They didn't tell me that the new servant is hot... and beautiful," ang malagkit niyang mata ay nakatingin sa hinaharap ko.
Sarap dukutin! Grrr.
Sa halip na magpaapekto ay mas nag-chest out ako. Making him look at me.
“Gusto mo po nakikita mo?" nakangiti kong tanong.
Ang malaki niyang ngisi ay mas lumaki pa nang todo.
Humakbang siya papalapit sa akin. “Yes, I do."
Ngumiti ako sa kaniya. “So, you must be Mr. Villarel? The owner of this mansion?"
Tumango siya at humakbang ulit papalapit sa akin. Ang mata niya ay nakatingin pa rin sa dibdib ko.
Mas lumawak ang ngisi ko. Para siyang leon na may nakitang hapunan at gutom na gutom pero maingat na lumalapit dito, natatakot na baka tumakbo ito papalayo.
Manyakis nga talaga ang mokong na ito.
“Alam mo kasi, sir. May kapalit lahat ng service ko," I said seductively.
Napaangat ang tingin niya sa akin. His eyes were eyeing me maliciously... and erm, lustfully?
Damn, ew! As in, EW.
“What is it?"
Ako naman ang humakbang papalapit sa kaniya. Closing our distance. My breast were touching his broad chest. Muling bumaba ang tingin niya sa hinaharap ko.
“Ito," I whispered at tinuhod ang nasa gitna niya.
“ARGH!" sigaw niya.
“OH SHI— OH SH*T! OUCH! OUCH! D*MN YOU, WOMAN!" namimilipit sa sakit na sigaw niya.
Lumayo sa kaniya at ningisihan siya.
“Looks can be veeeery deceiving, Mister. Serves you right," sabi ko at tinalikuran siya.
“Ang m*nyak mong kumag ka. Mabaog ka sana. Puro chupa ang nalalaman, e kung magtrabaho ka nalang nang maayos? Duh," pahabol ko pa bago tumungo sa garden.
“I'm going to fire you! F*ck sh*t," dinig kong sigaw niya.
Lumingon ako sa kaniya at matalim pa rin ang titig niya sa akin. I raised my middle finger and mouthed, "F*ck you." Bago lumabas.
Bahala siya doon. Try niya lang akong tanggalin, hindi lang ‘yon ang aabutin niya.
Nilapitan ko sina Bee at Gwen na nag-uusap pa rin.
“Woy, pasok na raw. Puro kayo chismis," singit ko sa usapan nila.
Sabay silang napalingon sa akin at sabay din na nangunot ang noo.
“What?" I asked.
“Ba't ang pula ng mukha mo? May lagnat ka ba?" nagtatakang tanong ni Bee.
I cupped my face. Ngayon ko lang napansin na ang init pala ng mukha.
Buset! Mukhang dahil ito sa nangyari kanina. Akala mo ‘yon? Medyo... very slight, mga 0.01%, naapektuhan ako do'n sa lalaking ‘yon? As in, eww? Hindi ako papatol sa f*ckboy na tulad niya. Baka HIV carrier na pala ‘yon e.
“Ewan ko. Baka dahil ang init dito sa Manila. Nag-aadjust pa ang balat ko," pagdadahilan ko.
Tinaasan lang nila ako ng kilay at sabay na nagkibit balikat.
“Arte. Tara na nga," ani Bee.
“Mauna na kayo sa loob. Tatawagan ko pa si kuya, baka magtampo na ‘yon sa akin. Nakalimutan kong tawagan kahapon," sabi ko at nilabas ang de-keypad na cellphone.
Tumango lang sila. Mapang-asar akong tumingin kay Bee.
“Any ‘I miss you' message for him?"
Ngumiwi siya sa akin. “Bakit I miss you message? Hindi ko naman miss ‘yon e!" depensa niya.
Kahit kailan talaga, pahalata masyado ang bruhang ‘to.
“E ano ba ang gusto mo? Last message for him? Bakit? Mamamatay ka na ba bukas? Tangek," nakataas kilay kong ani.
“Layas na nga kayo! Tsupe! Tsupe!" dagdag ko nalang habang tinitipa ang cellphone.
Ramdam ko ang pag-alis nila at dinial ko naman number ni kuya na nakakadalawang ring pa nga lang ay sinagot na niya agad.
"AT BAKIT NGAYON KA PA LANG TUMAWAG HA?" sigaw niya mula sa kabila kaya medyo nailayo ko ang cellphone sa tenga ko.
“Munt*nga ka, kuya," kalmado kong sagot.
"ANONG MUNT*NGA? HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KAMI NAG-ALALA RITO, HA? PLANO KO NA NGA SANA MAGPA-BOOK NG FLIGHT PAPUNTA DIYAN KUNG HINDI KA PA TUMAWAG E!" sigaw niya.
Daig pa niya talaga sina mamshie at papshie.
“Ang OA mo talaga," sabi ko nalang.
"HA! UMUWI KA! NGAYON DIN!" sigaw niya.
“Kuya, nakatulog ako nang maaga dahil sa sobrang pagod. Tsaka kaninang madaling araw pa kami nakarating dito. H'wag kang ano," paliwanag ko.
"Naku, Egsel ha. Hindi ka pa nga nakaka-isang araw diyan, nakalimutan mo na akong tawagan! Malalagot ka talaga sa ‘kin!" banta niya.
“I know, I know. I love you, too, kuya!"
"EWW! INCEST!" sigaw na naman niya.
“P*ta! Bawal mag-I love you sa kuya ko? Bahala ka d'yan. Hindi ko na ulit sasabihin ‘yon. Incest pala ha."
"Joke lang kasi. Inaasar ko lang ang bunso ko."
Napa-irap ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
“Bunso mo ‘to, p*kyu."
"Hehe, labyu rin, bunso," banat niya.
"Eww! Incest," balik ko naman sa sinabi niya kanina.
"Kahit kailan talaga, hindi ka matinong kausap."
“Mahal mo naman, yiiiieeeee."
"Sinabi ko ba?"
And there we go again.
“Ewan ko sa ‘yo, kuya. Inaasar mo na naman ako e."
"Ikaw kasi. So, kumusta ka naman diyan? Pinapahirapan ka ba ng amo mo? Inaapi ka ba ng mga kasamahan mo? Sinasaktan ka ba nila? Ha? Sabihin mo sa ‘kin, kailangan mo ba ng back up?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
I rolled my eyes. “Ayan na naman ang kuya kong overprotective. Mag-iisang araw pa lang ako rito, kuya. Nihindi pa nga ako nakakapagtrabaho. Okay ako. Alive and kicking so calm your nerves."
"Ewan ko talaga sa ‘yo, Selly. Kapag may dumating na balita sa ‘kin na inaapi ka diyan, pupunta talaga ako sa Manila."
“Okay, okay. Whatever you say. Ibababa ko na ‘to, kuys. Nasa loob na sila e," sabi ko nalang.
"Agad agad? Nihindi pa nga umabot ng 30 minutes ang pag-uusap natin e!"
Alam kong nagdadabog na parang bata na siya sa kabila. Childish amp.
“Hinihintay na ako sa loob. Ipapakilala pa kami ni Bee sa amo namin," Tho nakilala ko na naman ang amo naming manyakis.
Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Okay. Ingat ka palagi diyan ha. Tawagan mo ako palagi."
“Aye aye, captain. Regards mo nalang ako kay mamshie at papshie ha. I love you!"
"Love you, bunso. O sya, layas na. Pangit ng boses mo sa telepono."
“Nahiya naman ako sa ‘yo. Tse! Bye."
At pinatay ko na ang tawag. Naiiling kong ibinalik sa bulsa ang selpon at pumasok na sa loob.
Hindi pa ako nakakalapit sa dining area ay dinig ko na ang malakas na boses ni sir.
“Ikaw si Ivy? E sino ‘yong nakasalamuha ko kanina? Hindi naman ako minumulto, ‘no?" rinig kong sigaw niya.
Sakto namang pumasok ako sa loob.
“Egsel Dianne Reyes, sir," singit ko sa kanila dahilan para mapalingon silang lahat sa akin.
Medyo nagulat siya sa presensya ko. “You're— what? Egg cell?"
I rolled my eyes at him. “Egsel, hindi egg cell, sir."
Sumama ang tingin niya sa akin. “You freakin' b*tch."
Tumaas lang ang kilay ko. “You f*cking maniac," malutong kong mura habang nakatitig sa mga mata niya.
Natahimik ang lahat. Pinapakiramdaman ang atmosphere between namin ni sir.
Hindi ko pa pala kilala ang ‘amo' ko.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
“Hindi mo ba ako kilala?" matalim ang titig niya sa akin.
I crossed my arms. “Obviously, yes."
Mas nainis siya sa sinabi ko.
“I am Dam Mitt Villarel, the only son of Mr. Damien Villarel and Mrs. Mitts Mica Villarel. One of the most influential businessmen in the Philippines. And I am a model! Ngayon, kilala mo na ako?"
Tinitigan ko siya nang ilang minuto bago ngumiwi.
“Sorry not sorry. Hindi pa rin e," sabi ko.
“D*mn you, woman!" inis na sigaw niya.
“D*mn it, Dam Mitt. Magkatunog, lah," pang-iinis ko sa kaniya.
“Kung hindi ka lang talaga babae, masasaktan na talaga kita," banta niya.
“Neknek mo."
Huminga muna siya nang malalim bago umupo ulit. Igting ang panga niyang kinausap kami.
“So you are Ivy Deanne Saron, hindi ang babaeng ‘to," kumpirma niya habang nakatingin kay Bee na tumango lamang.
Mukhang may hang-over pa sa sagutan namin kanina ni sir Dam Mitt. Palamura ‘tong si sir, hehe.
“At ikaw ang magtra-trabaho sa akin. Dahil ang babaeng ‘to..." sabay turo sa akin. “Ay magtra-trabaho sa kaibigan ko."
Hindi na ako nagreact. Basta may trabaho, okay lang sa akin. At basta hindi ako aabusuhin.
“Ano po? Malayo po ba ang pagtra-trabahuan niya mula rito?" tanong ni Bee.
“Hindi naman masyado." Lumingon siya sa akin. “You'll meet him here tomorrow. Umayos ka, bruha," matigas niyang anunsyo.
“Okay," ang tanging sagot ko.
“Demonyo ‘yon kaya mag-iingat ka. Baka mamatay ka bigla," banta niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Okay."
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya. Ang malinaw lang sa akin ay hindi ako magtra-trabaho sa manyak na ‘to. Bagkus ay sa kaibigan niya ako maninilbihan.
Wala naman akong angal do'n. Basta mabilis lang siyang kausap, no probs.
Hindi ko na lang din po-problemahin ang ugali no'n, makikilala ko naman siya bukas e.
Be practical, ang sweldo at pag-aaral pa rin ang habol ko.
“Woy, nakikinig ka ba?"
Lumingon ako sa amo ni Bee.
“Hindi," diretso kong sagot at kumuha ng apple sa lamesa bago lumayas doon. Ignoring their calls and his threats.
I need beauty rest. At baka masuntok na talaga ako ni Dam Mitt kapag patuloy ko siyang sasagutin.
Walangyang manyak ‘yon. Makapagpahinga na nga.

Book Comment (13)

  • avatar
    Maryjean San Juan

    hjkhhhitfv

    09/02

      0
  • avatar
    Zaijan Dump

    goods

    28/01

      0
  • avatar
    Joshua Montero

    thanks again for the offer of the money

    04/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters