logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 05

Mga ilang oras din pagkatapos ng boring na araw na iyon ay dumating na ang gabi at natulog. Ngunit may pahabol na remarkable saying ang bruhang si Madelfa.
“H'wag na h'wag ka kayong babalik dito. H'wag na rin kayong hihingi ng tulong sa asawa ko!" pabulong na sigaw niya sa amin bago umakyat sa second floor ng bahay, mukhang nandoon ang kwarto nila.
Nag-make face lang ako at inambahan naman ni Bee ng suntok ang papalayong pigura ng buntis ‘kuno'.
“Hindi ko talaga gusto ang ugali ng mangkukulam na ‘yon," nakasimangot na sabi ni Bee.
“Masyado na atang marami ang kasalanan kaya kay kuya Paul siya napunta. Baka sakaling magbago dahil mabait naman si kuya. Kaso mukhang mas lumaki ata ang ulo. Tuktukin ko ng martilyo ‘yon e."
Pabiro akong sinuntok ni Bee sa balikat. “Ang sama mo talaga."
“Says the one who called her ‘mangkukulam’ earlier," sabi ko at humiga na sa comforter na inayos namin kanina.
Napa-irap siya at humiga na rin.
“Pero sana maghiwalay na silang dalawa, para makahanap ng bago si kuya. Iyong mas maganda at mas mabait," imik niya ulit.
Nakangisi ko siyang nilingon. “Mas masama ka."
She winked. “Nahawa ata sa virus mo."
“Sumbong kita kay kuya Reo."
Nalukot naman ang mukha niya. “Ay, p*sti! Ba't nasali sa usapan ang demonyong ‘yon?"
Mahina akong natawa at nagtalukbong ng kumot. “Matulog ka na nga."
“Hmp. Ang hilig mo talagang mang-asar," aniya at tumalikod sa akin.
“Asar ka naman," I said as I slowly close my eyes. “Good night," I mumbled and slept.
-------
“Ayos na ba ang lahat? Ang mga gamit mo, Egsel? Baka may nakalimutan ka ha."
Lumingon ako kay Bee. “All set. Hindi mo na ako kailangang paalalahanan dahil wala naman akong inilabas na gamit maliban sa  damit at toiletries," sabi ko at ibinalik ang pagsusuklay sa buhok.
“Okay, okay. Tara na! Naghihintay na si kuya Paul sa ibaba. Siya na raw maghahatid sa atin dahil baka matagalan pa tayo kung maghihintay pa tayo ng sasakyan, ang aga pa naman."
“Buti hindi dumada ang daga?" tanong ko habang nagsusuklay pa rin.
“Daga?"
“Dagang buntis."
Pabiro niya akong sinuntok. “Ang sama mo talaga!"
Ibinaba ko ang suklay at nameywang na humarap sa kaniya. “Bakit? Truth hurts."
At kinuha ko na ang gamit ko at inuhanan siyang maglakad.
“Woy! Hindi naman kasi ‘yon truth e. Tsaka mabait naman kahit papaano ang asawa niya. Pinatulog pa nga tayo kahit ayaw niya sa atin," depensa niya.
“Then thank you sa kan'ya. May her kabaitan, kung meron man, show up. Baka mag-World War III nalang, hindi pa lumalabas ang sinasabi mong kabaitan," sabi ko.
Umiling na lamang siya at tahimik akong sinundan.
Paglabas namin sa bahay ay naabutan namin si kuya Paul at Madelfa na naghahalikan.
I internally rolled my eyes. How sweet. Note the sarcasm.
“Get a room, couple. Ayaw naming makakita ng live p*rn ngayon," putol ko sa moment nila kaya agad silang napatigil at lumingon sa amin.
“Nanonood ka ng p*rn?" nakataas ang kilay na tanong ni Madelfa.
“Hindi. Aksidente kong nakita. Pero makakakita ulit ako kapag may ginawa kayo ngayon. Bidyuhan ko na ba?"
Inis na umirap si Madelfa at humakbang papaatras kay kuya Paul. Ngumisi ako sa kaniya at naglakad papasok sa kotse.
“Nga pala, salamat sa pagpapatuloy sa amin kahit na sa sala mo lang kami pinatulog. Knowing that you hate me, natutuwa pa rin po ako na pinahintulutan mo pa rin kaming matulog sa bahay mo. Tho sana sa susunod, umayos na ‘yang ugali mo, ‘kay? Salamat, ate Madelfa," ani ko at tuluyan nang pumasok sa kotse bago pa man siya makasagot.
She was shocked, I can tell that. I internally winked and smiled. A bad girl can also be good at times.
Rinig ko ang pagpasok ni Bee sa kotse kaya binalingan ko siya. She smiled at me.
“You're really unpredictable," iling niya pero nakangiti.
Sunod na sumakay si kuya na nasa driver's seat. Lumingon muna siya sa akin at ngumiti bago pinaandar ang kotse.
Okay. Time to go!
-------
Ilang minuto lang naman ang ibinyahe namin dahil medyo malapit lang naman sa airport ang bahay ni kuya. Pagkarating namin doon ay nagpaalam na kami kay kuya.
“Okay, princesses. Take care, okay? Contact me if you need help. I am willing to help the both of you. H'wag magpapaloko sa mga taga-Manila," aniya.
“Opo, kuya. Salamat sa pag-welcome mo sa amin sa bahay mo! See you!" said Bee.
“Salamat po, kuya Paul. Sorry din sa mga commotions kagabi. Your kindness will always be remembered," I said and hugged him. He also did the same with Bee.
“Okay, okay. Ingat kayo palagi. God bless!"
Ngumiti kaming dalawa bago tumalikod.
Naglalakad na ako nang maalala kong may nakalimutan pa pala akong sasabihin. Kaya agad ko siyang nilingon. Sakto namang papasakay pa lang siya sa kotse niya.
“Kuya Paul!" tawag ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin. “May nakalimutan ka?"
Tumango ako. “May pahabol pa pala akong saying para sa ‘yo!" sigaw ko.
“Magtiwala kayo sa TRUST!" sigaw ko at kumindat sa kaniya bago naglakad ulit.
Natatawang umiling sa akin si Bee at tinapik ako sa balikat.
“May pasobra dahil special ka," she quoted.
“Rebisco, the everybody's milk!" I said and laughed.
“Ewan ko na talaga sa ‘yo."
And then, Manila came.
“Manila, hellooooo!" sigaw ni Bee.
Medyo nahihilo at feeling ko ay lumilipad pa rin ako dahil sa pagsakay sa eroplano. It was my first time kaya siguro ganito ang epekto sa akin.
Pero I managed to laugh with Bee's reaction.
“Tara na! Hanapin na natin ang kaibigan mo para makapagpahinga na tayo," sabi ko at hinila siya.
Hinanap namin ang may signage na ‘Ivy Saron' at hindi naman kami nabigo.
Lumapit kami sa babaeng medyo pandak, hehe. Real talk. May kulay ang buhok niya at medyo may fashion nga.
She squealed when she saw Bee.
“BEE, BRUHAAAAA!" sigaw niya at agad na lumapit kay Bee.
Medyo napangiwi pa ako sa sobrang hyper niya. Seryoso. Ano kayang kinakain niya para maging ganiyan ka-sigla sa ganitong oras?
“Gwen, I miss youuuuu!" sigaw niya rin at kinurot ang pisngi niya.
“Aray!" angal ni Gwen.
Natatawang binitawan ni Bee ang pisngi niya at ngumisi na parang baliw.
“Laki ng pinagbago mo ah."
“Mas lumalaki ang hinaharap ko, ano?" ani Bee at nag-chest out pa.
Sabay kami ni Gwen na ngumiwi. Ang kapal din ng fes niya e.
Bumaling sa akin si Gwen. “Ito ba si Egsel?" tanong niya kay Bee.
Ngumiti ako. “Egsel Dianne Reyes," pakilala ko at inilahad ang aking kamay.
Ngunit nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. “Gwen Carmen Agor. Nice meeting you!" masigla niyang pakilala.
Medyo napangiwi ako dahil mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
“H-Hmmm, t-tara na?" untag ko sa kaniya.
“O siya siya. Tara na! Para makapagpahinga na kayo para pagkatapos ay maipakilala ko na kayo sa amo natin," aniya.
Tahimik akong nagpasalamat sa Diyos nang humiwalay na siya sa akin.
Ang hyper talaga nitong babaeng ito.
Sumakay kami sa isang itim na kotse na mukhang mamahalin. Naks! Mayaman din pala ang bruhildang ito.
“Pagmamay-ari ito ng amo ko. Sabi niya ito raw gamitin kong pangsundo sa inyo. Ganda, ‘no? Mas pogi si sir," aniya at bumungisngis pa.
Umiling nalang ako sa reaksyon niya at sumakay nalang sa kotse.
Magpaghahalataan talagang malaki ang Manila. Buildings doon, buildings dito. Malls there, malls here. Ang lalaki nang mga impastraktura nila rito. Nalakalula.
I wonder kung bakit dito lang sa Manila may ganito. I mean, we're one country. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na capital ng Pilipinas ang Manila pero that doesn't mean na ang lugar na ito lamang ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Paano naman ang nasa liblib na lugar na nangangailangan ng tulong? Ng ganitong klaseng impastraktura?
I sighed. People, tsk.
“Alam ko kung ano ang nasa isip mo, Selly. H'wag ka nalang magkomento at tumahimik. Baka kung ano pa ang masabi mo at makulong pa tayo," biglang imik ni Bee.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi nalang nagsalita.
-----
Mga halos isang oras kaming bumyahe bago tuluyang makarating sa magandang bahay na kasalukuyang nasa harapan namin. I think this is a mansion.
“Welcome to the Villarel's mansion," masayang sabi ni Gwen.
It is indeed a mansion.
Masasabi kong malaki ang mansion kahit nasa labas pa lang kami. Malinis din ang labas at halatang nature lover ang may-ari ng mansyong ito dahil sa sobrang green ng paligid.
“Tara, pasok na tayo sa loob," aniya.
“Nandito ba ang may-ari?" tanong ko at naglakad na, nakasunod sa kaniya.
Umiling si Gwen. “Nope. Nasa trabaho ata."
Tumango na lamang ako. Pumipikit na rin ang mata ko at pagod na pagod. Gusto kong sigawan si Gwen na, ‘Woy! Bilisan mo maglakad at ituro na ang kwarto namin. Gusto ko na matulog!' Pero mouth shut.
Pagpasok namin ay talagang maganda nga sa loob. It is a combination of glasses, wood and cement. Pero ang mga furniture ay kahoy, glass ang mga bintana at ang harang sa 2nd floor at mukhang Narra tree ang gamit sa hagdan nila. Malinis siya tingnan. Only brown color which is from the woods, at white color na pinta ng bahay ang nakikita ko. Maluwang at maganda. But it still feels empty.
“Saan ang kwarto namin?" tanong ni Bee.
Tahimik akong nagpasalamat dahil sa wakas ay tinanong na niya iyon.
“Ay oo! Dali, tara tara."
Tahimik kaming sumunod sa kaniya. Nadaanan pa nga namin ang kitchen nila bago narating ang isang bahagi ng bahay na mukhang may mga kwarto sa loob.
Huminto kami sa isang oak door at nakangiting nilingon kami.
“Dito ang maids' quarter. Mabait si Sir kaya binigyan kami ng sariling kwarto at hindi katulad nang sa iba na maraming ipis at daga. Malinis at organisado. Dito rin kami pinatulog lahat para kapag may emergency, madali lang namin matatawag ang iba. Tsaka maganda rito dahil—"
Hindi ko na siya pinatapos at binuksan ang pintuan sa likod niya. Inaantok na talaga ako.
“Oh," rinig kong react niya.
At marami ngang kwarto sa loob. Para siyang mini house sa loob ng mansyon. Lumingon ako kay Gwen.
“Saan ang kwarto namin?" tamad kong tanong.
“Doon," turo niya sa left side na kwarto na may nakalagay na ‘vacant' sign sa pinto.
Agad akong naglakad papunta doon at binuksan iyon. Dalawang kama ang nandoon at kasya lang sa amin ni Bee ang kwarto. Inilagay ko sa gilid ang bagahe ko at pabagsak na humiga sa kama.
Agad na nanuot sa likod ko ang mabango at malambot na kama. Mas malambot pa kaysa higaan ko noon.
Sumunod na pumasok si Bee pero hindi ko na siya pinansin dahil pagod na talaga ako. Nasa bingit na ako ng pagtulog nang biglang bumukas ang pintuan at sumilip ang ulo ni Gwen.
“Katabi niyo lang pala ang banyo. Kung kailangan niyong maligo o maglinis ng katawan. Ciao!" aniya at umalis na.
Napabuntong-hininga na lamang ako at pumikit.
I can already feel the dreamland pulling me pero bigla naman akong niyugyog ni Bee.
“Ay pusang gala! Matutulog na ako e!" sigaw ko at tamad na nilingon siya na ngayo'y nakasimangot.
“H'wag kang sumimangot, nagmumukha kang pato," sabi ko at pumikit ulit.
Ngunit tinapunan niya ako ng unan.
Inis ko siyang nilingon. “Makaka-isa ka na talaga sa ‘kin, Ivy Deanne."
Umirap siya sa akin. “Gusto ko lang naman magtanong e."
Exhausted akong napabuga ng hangin. “Ano ba ‘yan?"
“Sa tingin mo mabait ang magiging amo natin?"
I stared at her pointedly. “Malay ko. Nakilala ko na ba?"
“‘Sa tingin mo’ nga, diba?" kontra niya sa akin.
“Tanungin mo si Gwen," sagot ko.
“Feeling ko mabait siya, tsaka malinis at organisado. Look at his mansion! Ang laki pero ang linis. Walang alikabok na makikita. Kahit dito pa sa kwarto natin. Kahit mga maid, inaalagaan," aniya.
“Okay."
“Wala ka talagang kwenta kausap!" inis niyang singhal.
“Pero sa tingin mo pogi ang magiging amo natin? O sugar daddy?" dugtong niya.
Mariin akong pumikit at tumalikod ng higa sa kaniya.
“Puro ka landi. Matulog ka na nga," sabi ko.
“Nagtatanong lang e!"
Hindi na ako sumagot para matahimik na rin siya. Ramdam ko ang paggalaw niya sa kaniyang kama at parang humiga na rin.
Hay. Salamat naman.
Pero nang akala ko ay makakatulog na ako ay may bigla na namang sumingit.
“Nga pala—"
“LECHUGAAAS! MAKAKAPATAY NA TALAGA AKO NG TAO! PATULUGIN NIYO AKOOOO!" sigaw ko.
“H-Hmmm. S-Sound proof nga pala banyo sa tabi niyo. Nakakaistorbo kasi kapag hindi. ‘Yon lang, hehe. Sleep well!" imporma ni Gwen at dali-daling lumabas.
Tumayo ako at ni-lock ang pinto.
“Kapag may umistorbo pa sa akin. May isusugod na talaga sa ospital," banta ko at humiga na ulit.
Nagkumot ako bago pumikit.
And finally, I already slept.

Book Comment (13)

  • avatar
    Maryjean San Juan

    hjkhhhitfv

    09/02

      0
  • avatar
    Zaijan Dump

    goods

    28/01

      0
  • avatar
    Joshua Montero

    thanks again for the offer of the money

    04/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters