logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 04

Mga alas-syete pa lamang ng umaga ay gising na ako. Well, maaga naman talaga ako gumigising e. Tsaka mamayang ala-una ang byahe namin ni Ivy papuntang city. Medyo malayo kasi rito sa probinsya ang syudad. Mga limang oras ang byahe kaya kapag bukas pa kami lalarga ay baka ma-late kami sa flight namin lalo na't maaga pa naman ang flight namin. 10 AM bukas.
Gising na rin silang lahat at bagong ligo pa nga si kuya e.
“GOOD MORNING, PEOPLE IN THE PHILIPPINES!" sigaw ko.
“Ay.Jusko kang bata ka!" gulat na turan ni mamshie.
Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi, gayon din kay papshie. “Hihi, maganda gising ko e."
Lumingon ako kay kuya. “Hi, kuys!" bati ko sa kaniya at ginulo ang buhok niyang kaka-gel lang.
“EGSEEEEEL!" sigaw niya.
Natatawa akong lumayo sa kaniya nang habulin niya ako.
“Aba! At sino namang pinopormahan mo ha?" sigaw ko sa kaniya habang tumatawang tumatakbo papalayo.
“Gaga, wala!" sigaw niya pabalik.
“Wala raw! E kung makaporma akala mo naman habulin ng chiks!" komento ko.
“Habulin naman talaga e!" angal niya.
“Talaga? Saan banda? Sa pwet?"
“Bw*sit kang babae ka! Lumapit ka sa ‘kin! Puputulan talaga kita ta ng dila!" nanggagailiti niyang sigaw.
Kita ko ang natatawang mukha ng mga kapitbahay namin kaya kinawayan ko sila.
“Good morning, mga magaganda kong kapitbahay!" bati ko sa kanila.
“Good morning, Egsel!" bati nila pabalik.
“Lalayas na ho ako later kaya huwag niyong l*plapin kapatid ko ha. Handle him with care. Fragile object ‘yan," paalala ko sa kanila.
“EGSEEEEEL! SAPAKAN, ANO?" sigaw ni Kuya.
“Sapakin mo sarili mo!"
“Naku, kayo talagang dalawa. Kailan kaya kayo magbabago, ano? Ang lalaki niyo na pero iyang mga isip niyo, daig pa ang 10 years old e," ani Aling Evelyn na nakatanaw sa amin sa bintana.
Lumapit sa akin si kuya at inakbayan ako. “Naku. Hindi ata ‘to lalaki, ate Eve. Sa pandak ba naman nit—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang sikuhin ko siya dahilan para mapadaing siya.
“Namimisikal ka na ha!" matalim niyang titig sa akin na ikinangisi ko lang.
“Namemersonal ka na ha!" pabirong angil ko pabalik.
Inis siyang umayos nang pagkakatayo at humarap ulit kay Aling Evelyn. “Isip 5 years old pa ‘to pero ang lakas, daig pa ang weightlifters," aniya at pabiro akong sinuntok sa braso ngunit malakas pa rin ang pagkakasuntok kaya natumba ako.
“Ops!" natatawa niyang tingin sa akin.
Inis ko siyang nilingon.
“KUYAAAAAAAAAAAA!"
-----
“Huwag magpapagutom ha. Huwag din masyadong abusuhin ang sarili sa trabaho. H'wag magpapauto at h'wag mong hayaan ka nilang saktan."
“Kumain sa tamang oras. Hindi magpupuyat. Mag-aral nang mabuti. H'wag mag-aadik doon! H'wag kang magbabarkada! Bawal ang night parties. Pagkatapos ng school, deritso uwi. Magpakabait ka doon. Okay?"
Bored akong tumango.
“H'wag na h'wag kang papatay! H'wag sasali sa frats o gangs. Bawal ang sigarilyo at alcoholic beverages. Bawal ka rin mag-boyfriend! Gwapo man o hindi, bawal na bawal. Pati pag—"
“KUYA! KANINA KA PA! ANG OA MO!" hindi ko mapigilang sumigaw.
You heard me right. Siya ang dada nang dada. Kanina pa ‘yan nagsasalita. Jusko. Ang OA na niya ha.
“Aba! Anong OA? Kuya mo ako kaya dapat talaga maging protective ako sa ‘yo!" singhal niya sa akin.
“Para kang boyfriend ko. Duh," ani ko at nagroll-eyes.
Agad namang nasira ang mukha niya. “Putek! Kadiri ka, Egsel! Incest. Ew!"
“Maka-eww ka ha. Ang arte nito. Si Aybeng lang pala ang gusto."
“IYONG BUBUYOG NA ‘YON? NAGHUNOS DILI KA SA MGA PINAGSASABI MO, SELLY! NAKAKADIRI KA!" sigaw niya.
“Weh? Affected masyado, te? Kung makasigaw ha."
“Ewan ko sa ‘yo! Iniiba mo ang usapan e. Basta, ‘yong mga bilin ko ha. Kumain sa tamang oras, huwag magpapakapagod masyado, mag-aral nang—"
“Blah blah blah. Okay fine, kuya! Kagabi mo pa ‘yan inuulit-ulit. Ang sabihin mo na lang kasi, mahal mo ako at mami-miss mo ako. ‘Yon ang hinihintay kong sasabihin mo," I frankly said.
Sumimangot si kuya at niyakap ako. “Bunso naman kasi. Bakit kasi ang layo ng Manila?" pagdadabog niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Ngumiti ako. “I will miss you too," sagot ko.
“Wala akong sinasabing mami-miss kita!" angal niya at kumalas sa yakap.
Inirapan ko lamang siya. “Do'n din naman ‘yon papunta e."
“Pero seryoso. Mag-iingat ka doon, bunso ha. Wala ako para tulungan ka. Pero kapag nalaman ko na may nangyaring masama sa ‘yo doon, pupunta talaga ako ng Manila," paalala niya sa akin.
I know that kuya really loves me. Palagi niya akong inaasar but he deeply care for me. Maybe his own way of showing his love for me is by teasing me. Kaya sinasabayan ko na lang.
“Sabihin mo na lang kasi na mami-miss mo ang bunso mo!" pilit ko.
“Hindi naman kita mami-miss ah. Ang assuming nito," tanggi niya.
Kuya is not that showy kaya naiintidihan ko siya. Hehe. Torpe iyan e.
“Okay fine. Alis na ako! Mamshie! Papshie! I love you both! See you when I see youuu!" I said and kissed them on cheeks bago tumalikod.
Ngunit pinigilan ako ni kuya.
“Bunsooooy! Mami-miss talaga kitaaa! Mag-iingat ka doon! Mahal ka ni kuya!" he said and kissed me on my forehead.
Matamis akong ngumiti sa kaniya. “I love you, kuya! Wala ka nang maaasar. Tawagan kita o tawagan mo ako ha," ani ko.
Ngumiti siya at tumango. Kumaway ako sa kanila bago sumakay papuntang bayan para sumakay ng bus papunta namang city at makikitulog sa boarding house ng pinsan ni Aybeng doon dahil ang flight namin ay 10 AM kinabukasan.
Pagkasakay ko sa tricycle ay nilingon ako ni Bee.
“Buti natapos na ang kadramahan niyo doon," Inis niyang sambit.
“Buti buhay ka pa. Akala ko kasi nagpakamatay ka na no'ng nalaman mong pinagpalit ka ng ex mong mukhang unggoy doon sa isa pang unggoy."
Sumimagot siya. “Ang harsh mo ha."
Hindi na ako sumagot. Mga 10 minutes ang byahe papuntang bayan kaya nanahimik na lang ako. Walang kwenta naman kausap ‘tong si Bee e.
“Mga iha, sa Manila kayo magtra-trabaho?" biglang tanong ni Manong driver.
“Opo," sagot ni Bee.
“Bakit? Masyado bang mahirap buhay niyo rito?" tanong niya pa.
“Medyo po. Kailangan naming kumayod para sa pamilya e," si Bee pa rin ang sumagot.
“Ah, naku. Ang dali niyo naman sumuko rito. Iyong anak ko nga e, hirap na hirap din noon pero hindi siya umalis dito dahil ayaw niya. Sabi niya dito raw siya pinanganak kaya dito rin siya bubuhay at mamamatay. Kaya ayon. Maganda na ang buhay. Nakapag-asawa ng Amerikano e. Hindi nga lang nakapagtapos ng pag-aaral dahil nabuntis nang maaga pero maganda naman ang buhay. Kaya kung ako sa inyo, huwag na kayo tumuloy. Baka nandito ang swerte niyo. Mas mamalasin lang kayo sa Manila, ang dami pa namang krimen na nagaganap doon."
Tahimik lamang akong nakikinig sa kaniya. Si Bee ang sumasagot sa kaniya.
“Mabuti po sa anak niyo. Pero hindi naman sa sumusuko kami. Kaya nga po makikipagsapalaran kami para mas lumawak ang oportunidad namin sa. Tsaka baka nando'n po ang swerte namin," magalang na sagot ni Bee.
Umiling-iling si Manong.
“Naku. Sa gulo ba naman ng Maynila. Pati kabataan doon, magulo rin. Hindi na ako magtataka na pag-uwi niyo ay buntis na kayo."
Nangunot ang noo ko sa hindi magandang mga salita na lumabas sa tsismong bibig ni Manong.
“Ah, hindi naman po ata, Manong. Depende pa rin naman kasi iyon sa tao kung magpapadala sa temptation."
“Nasasabi mo lang iyan, iha, dahil hindi mo pa nararanasan. Sinabi rin iyon ng anak ko e, pero tingnan mo, nabuntis pa rin nang maaga. Buti na lang ay Amerikano, kung hindi naku. Baka napalayas ko na iyon."
Ang pakialamero demonyuha.
“Ah. Okay po," ang tanging nasagot ni Bee.
“Kaya kung magpapabuntis kayo, dapat sa mayaman. Para makatulong pa rin kayo sa mga magu—"
Hindi na natuloy ni Manong ang sasabihin nang matalim ang titig akong lumingon sa kaniya.
“Tumahimik ka, Manong. Baka mapainom ko sa ‘yo itong dala kong muriatic acid sa ‘yo. Kanina ka pa. Nakaka-high blood ka nang y*tia ka," inis kong sabat at inirapan siya bago humarap ulit sa harapan.
Natahimik naman si Manong. Call me walang modo pero ang gano'ng klaseng bibig ay dapat pinapakain sa bibig ni Anne. Dada nang dada, akala niya naman nakakatuwa ang mga pinagsasabi niya. Sml?
Mga ilang minuto rin ay nakarating na kami sa terminal ng bus. Agad akong bumaba at kinuha ang mga dala ko.
Nilingon ko si Bee at siniko siya. Tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
“Ikaw na magbayad. Ayokong lumapit sa kaniya. Baka masabunot ko iyang walang buhok niyang ulo," gigil kong bulong sa kaniya at nauna nang pumunta sa parang waiting area.
Kalauna'y sumunod na rin siya sa akin. Sabay kaming pumasok sa bus na papunta sa syudad. Sa pantatlong tao na upuan sa likod kami umupo. Ako ang malapit sa bintana.
“Ang rude mo kanina kay Manong ha," imik niya.
Kasabay no'n ay ang pag-andar ng bus.
Nilingon ko siya. “Siya kamo ang rude. Tsk," sagot ko lang at lumingon ulit sa labas.
Hindi na siya umimik. Tahimik kami buong byahe. Mga 2 hours din kasi ang byahe papunta sa syudad at talagang nakakangawit ng pwet.
“Sel, sa tingin mo, swe-swertehin tayo sa Manila?" tanong ni Bee.
“Hindi dapat tayo umaasa sa swerte, Bee. Magsikap at kumayod. Bunos na lang ang swerte," tanging sagot ko habang nakatingin pa rin sa labas.
“Seryoso mo ata?" tanong niya.
“Palatanong mo ata? Ano? Nagka-Manong Panot Dada Portion virus ka rin ba?"
Sumimangot lamang siya at nag-make face. As if naman bagay sa kaniya.
Huminto ang bus nang may gustong sumakay. Pumikit na lang ako dahil unti-unti na akong dinadalaw ng antok.
“Hi, can I sit here?"
Agad akong napamulat nang marinig ang mala-anghel na boses na iyon.
I came face to face with this beautiful lady. Mukhang mas matanda ako sa kaniya ng mga ilang taon pero mas fashionista siya manuot kaysa sa akin. Tsaka mukhang mayaman.
Putek na malagkit. Nakakatomboy naman ang beauty ni ate girl!
“Sige po," sabay na sagot namin ni Bee.
Matamis siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako.
“H-Hmm... Can I sit there? I'm asthmatic and I really need fresh air."
Tukoy niya sa kinauupuan ko. Agad akong napasimangot. Major turn off. Mukhang mayaman pero mukhang b*bo. Alam naman palang asthmatic pero bumyahe mag-isa tas sa public bus pa sumakay. Pat*ngahan portion lang e ‘no?
“Okay," sagot ko na lang. Baka kasi kapag may mangyayaring masama dito dahil hindi ko pinaupo sa pwesto ko ay baka ako pa ang pagbintangan. Duh.
“Thanks!" mahinhin niyang sagot.
Umusog si Bee at ganoon din ako. Putek. Hindi tuloy ako makakatulog nito.
-----
The 2-hour-trip went well. Well, except for the fact that I was not able to sleep dahil sa babaeng pumalit sa pwesto ko. Mukhang mabait naman siya kaya hindi ko na pinakialaman.
Ngayon ay nakasakay kami sa kotse ng pinsan ni Bee na naghintay pala sa amin sa terminal bus. Mayaman pala ‘tong pinsan niya. May pa-kotse pa e.
Medyo nalito ako sa daan dahil malaki nga ang syudad. Kaya minsan ayokong pumupunta rito e. Nakakaligaw. Pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa isang katamtaman pero moderno na bahay.
Naunang bumaba ang pinsan ni Bee at sumunod kami.
“Dali. Pasok kayo," aniya at tinulungan kami sa pagbuhat sa mga bagaheng aming dala.
Pumasok nga kami sa loob at tunay na maganda nga. It has a homey ambiance and very simple.
“Char, kuya! Improving ka ah," komento ni Bee.
“Medyo nakakaluwag na rin kasi. Oh, dali dali. Ipapakilala ko kayo sa asawa ko."
Sumunod lamang kami sa kaniya. Naabutan namin sa sala nila ang babaeng medyo may kaputian at may kulay ang buhok na pula sa ilalim na kumakain ng popcorn habang nanonood ng movie.
“Hey, honey," malambing na ani ni kuya Paul sa asawa niya.
Agad na lumingon sa amin ang asawa niya pagkatapos hagkan sa pisngi ang asawa.
“Sila ba ang makikitulog sa bahay natin ngayong gabi?" tanong niya.
Medyo napangiwi ako sa tono ng pagkakasabi niya. Na para bang perwisyo kami sa kaniya. Ngunit ngumiti lamang si kuya Paul.
“Oo, hon. Si Ivy nga pala, pinsan ko. At si Egsel, kaibigan niya."
Plastik siyang ngumiti sa amin. “Madelfa, asawa at ang batas sa loob ng bahay na ito."
Aniya at lumingon na sa asawa. “Sabi ko naman sa ‘yo na huwag mo nang tulungan ang pamilya mo sa probinsya. You're having a family with me, hon. I'm sure maintindihan nila." Lumingon siya sa amin at pinasadahan kami ng nandidiring tingin mula ulo hanggang paa. “At sabi ko, h'wag kang magpapasok ng marurumi sa bahay. Sensitive ang pagbubuntis ko, Paul. Baka kung anong mangyari sa anak natin," maarte niyang turan.
Nakataas kilay ko namang tiningnan ang wala pang umbok na tyan. Ang OA. Kung maka-sensitive, akala niya naman ilang buwan ng buntis.
“Okay lang naman, hon. Kaya ko namang buhayin kayong dalawa na pamilya ko. Tsaka sorry, hindi naman sila marurumi e. At isang gabi lang sila mamalagi rito. Okay lang ‘yan," paliwanag ni kuya.
Madelfa just rolled her eyes. “Okay, fine. Basta h'wag silang matutulog sa kahit saang kwarto sa bahay. Ayokong madumihan ang mga kama."
“But, hon—"
“No buts," putol niya kay kuya Paul.
Inis akong tumitig sa Madelfa the great.
“Excuse me po ha. Matanong ko lang, bago ka po ipinanganak, saan ka nanggaling?" singit ko sa usapan nila.
Nag-cross arms siya. “Sa tiyan ni mama, of course."
Hindi ako nagpatalo at nag-cross arms din habang nakataas pa rin ang kilay. Ramdam ko ang pagpigil sa akin ni Bee pero hindi ko siya pinansin.
“Alam mo naman po pala. E ang lakas ng loob mo na sabihin na h'wag tulungan ang pamilya ni kuya Paul sa probinsya. Excuse you, hindi mo makikilala si kuya Paul kung hindi gumawa ng milagro ang nanay at tatay niya. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa kanila dahil pinayagan nila si kuya Paul na ipakasal siya sa ‘yo kahit na mas marami pang babae na mas deserving sa pagmamahal niya. Family first. Remember, unang nakilala at kinalakihan ni kuya ang pamilya niya bago ikaw. Respect that. He's with his family first before knowing that you exists. And hey, galing kami sa probinsya but that doesn't mean that we're dirty. In fact, mas malinis pa kami kaysa sa inyo dahil palagi kayong nai-expose sa usok at polluted area. We are surrounded by tall trees with green leaves. Fresh and clean. Kaya huwag na huwag mong dina-down ang mga probinsyanang tulad namin dahil sa ipinapakita mo ngayon sa amin, mas edukado pa kami kaysa sa iyo," lintanya ko.
“And h'wag kang OA na sensitive raw pagbubuntis mo. Ni-hindi pa nga umuumbok tiyan mo. Mukhang kakaalam mo rin na buntis ka. It means, you just made that baby days or weeks ago. Umiihi si kuya Paul gamit ang butas ng t*ti niya. H'wag mong sabihin na marumi rin siya ha? If I know, sarap na sarap ka nga po e. Sa itsura mo, halatang magaling ka sa bl*wjob. Diba?" dugtong ko.
Nanlalaki ang mga mata nilang tatlo habang nakatingin sa akin. Namumula rin ang mukha ni kuya Paul at Madelfa. Ang dali talagang basahin ng mga tao.
“Kuya Paul, dito nalang kami sa sala. Since ayaw naman ng asawa mo na marumihan ang mga kama niyo. Mukhang may paggagamitan e," sabi ko kay kuya.
Hindi agad siya nakasagot dahil nakatanga pa siyang nakatingin sa akin.
“Hello, Kuya?" I snapped at him.
Sabay silang natauhan at nahihiyang umiwas ng tingin sa akin.
U-Uh. I-I'm sorry for h-her mouth, kuya. Hehe, ganiyan talaga s-siya," paumanhin ni Bee.
“Talk to your friend, Ivy," padabog na sabi ni Madelfa at nakabusangot ang mukha na umalis.
Alanganing ngumiti si kuya. “I'm sorry about that."
“Sorry din po, kuya. Hindi ko lang napigilan ang bibig ko," ani ko.
Umiling lamang siya. “No, it's fine. Pero okay lang ba talaga sa inyo na dito sa sala matulog?"
Tumango kami at inilagay sa tabi ng sofa ang mga bagahe namin. Tinulungan din namin si kuya na ayusin ang mga kumot at unan na gagamitin namin para mamaya. Maaga pa naman kaya nasa sala lang kami ni Bee, alas kwarto pa lamang ng hapon at ayaw naman naming lumabas dahil baka maligaw nga kami.
“Egsel naman. Iyang bunganga mo ha. Grabe ka kanina," aniya habang kumakain ng Nova galing sa bahay ni kuya. Charot.
Ngumisi ako sa kaniya. “Don't trigger Egsel Dianne Reyes. She'll kill you through her words."
She rolled her eyes. “Pero control pa rin. Nakakasakit ka minsan e."
“I won't change myself just for others to accept me," I said.
“Lalim ng hugot ha."
“Kasing lalim ng pagiging t*nga mo," sabi ko at humiga sa sofa.
“But seriously, sa tingin mo, makaka-survive kaya tayo sa Manila?"
Tahimik kong tinitigan ang kisame at nag-isip bago sinagot ang kaniyang tanong.
“Of course. Sa dami ba naman ng lalaki doon, siguradong makaka-survive ka. T*nga ka pa naman sa lalaki."
Inis niya akong sinabunutan. “Y*wa kaaaaa!"
Natatawa akong tumayo at lumayo sa kaniya.
“Just stating the fact," ani ko at natatawang binato siya ng unan na yakap-yakap ko.
“Tse!"
I sighed and smirked. No one dares Egsel. Kahit sa Manila pa.

Book Comment (13)

  • avatar
    Maryjean San Juan

    hjkhhhitfv

    09/02

      0
  • avatar
    Zaijan Dump

    goods

    28/01

      0
  • avatar
    Joshua Montero

    thanks again for the offer of the money

    04/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters