logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 03

Hindi na ako nahirapang hanapin si kuya dahil isa lang naman ang pinupuntahan niya kapag galit or nagdra-drama siya. Ang mahiwagang batis ni Aling Merneng. Charot! Sa batis lang talaga. Walang mahiwaga, baka nga may buwaya rito, ewan ko lang. Nakakatakot.
“Woy!" bati ko sa kaniya at binatukan siya.
“Ano ba?" inis niyang saway.
“Asuuus. Nagtatampo ka na niyan? Nagtatampo ka na niyan?"
Hindi niya ako pinansin.
Umupo ako sa tabi niya pero umusog pa siya papalayo sa akin.
Ay. Putek! Kung makausog parang nagtatampong boypren ah? Sapakan na lang, kuya? Bw*sit.
“Woy, kuya! Hindi bagay sa ‘yo ang magtampo kaya kausapin mo na ako."
Pero wala akong natanggap na sagot mula sa kan'ya.
“Woy!"
“Kuya ba!"
“Kuya naman e!"
“Kuya, kausapin mo na ako."
“WAAAAH! TULONG! SI KUYA, BAKLAAAAA!" sigaw ko.
“Nak ng—"
“SI KUYA BAKLAAAAA! TUL—xcxhqwtrygsuejs."
Bigla niyang tinabunan ang bibig ko gamit ang kamay niya na agad ko namang dinilaan dahilan para magreklamo siya.
“Ew, Egsel! Ang dugyot mo talaga!" inis niyang sambit at hinugasan ang kamay sa batis.
“Ang arte mo! Daig mo pa si Anne Curtis sa kaartehan mo! May pa-walk out walk out ka pa, hindi ka naman si Miriam Defensor."
Inis niya akong nilingon.
“E ano bang inaasahan mong magiging reaksyon ko? Tatalon ako mula 100th floor ng hotel hanggang ground floor dahil sa tuwa?"
“Ang exagg mo! Tsaka excuse you, wala ka ngang pambayad ng utang mong 300 pesos kay Mang Alvin tas kung makahotel ka, akala mo naman may pera! E kung ang gamitin mo ay ang puno ng niyog? ‘Wag masyadong mataas ang pangarap, tsong!" sabi ko.
“Ugh, Egsel! Nakakainis ka talaga!"
“Alam ko. Kita ko naman sa mukha mo, ‘no. ‘Di ako bulag. Duh."
“Nandito ka ba para makipag-ayos or mas inisin ako?"
“Nandito ako para maipalapa kita sa buwayang nagtatago sa batis na ‘yan! Bwesit. E kung tanggapin mo na lang na pupunta akong Maynila para makatulong sa inyo?"
“Bakit ba kailangan mong umalis? Kulang ba ang mga binibigay ko sa ‘yo? Gusto mo bang magka-cellphone na tatskrin? Dodoblehin ko trabaho ko para makaipon!"
Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
“Kuya, seriously? Alam mong sobra sobra pa nga lahat ng sakripisyo mo para sa pamilyang ‘to. Kaya gusto kong pumunta syudad upang makatulong."
“Okay naman tayo rito ah? Wala namang problema. Nakakakain naman tayo tatlong beses sa isang araw. Bakit ba kailangan mong umalis?" pagdadabog niya.
Piningot ko ang tenga niya dahilan para mapadaing siya.
“Egsel—aray!"
“E KUNG PUTULAN KITA NG B*YAG NGAYON? BW*SIT KA TALAGA! SABING GUSTO KONG TUMULONG SA INYO E!"
“Puputulan talaga kita ng dila kapag ‘di ka titigil. TSAKA HINDI MO KAILANGAN SUMIGAW!"
“E BA'T KA RIN SUMISIGAW?"
“E BA'T KA RIN BA SUMISIGAW?"
“E SUMISIGAW KA RIN E!"
“HOY! KUNG WALA KAYONG BALAK MATULOG! PWES, MAGPATULOG KAYO! MGA WALANG MODO!"
Natahimik kami nang biglang sumigaw si Aling Merneng. Binitawan ko ang tenga niya Kuya at umupo sa tabi niya.
“Napagalitan tuloy tayo," inis niyang sabi.
“Ikaw kasi!"
“Anong ako? Sino bang unang sumigaw?"
“Sino nga ba?"
Natahimik ako at napa-isip. Huh? Sino nga ba?
“Ha!" react niya.
“P*nyemas. Ang OA," sabi ko.
“ANONG SABI MO?" sigaw na naman niya.
“HOY! MAGPATULOG NAMAN KAYO! MGA P*TA!" sigaw naman ulit ni Aling Merneng.
Napangisi ako saka natawa. Buti nga kay kuya. Masama niya akong tiningnan.
“Sinasabi ko sa ‘yo, Egsel, Hindi. Ka. Aalis. Dito," aniya .
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa katigasan ng bungo niya. Nakakuha pa nga akong kuto.
“Yucks, Egsel!"
Ang maarte kong Kuya. Bow.
“Alam kong gusto mong bumalik sa pag-aaral at hindi iyon mangyayari kapag hindi ako aalis dito at magtratrabaho sa Manila!" pagdadabog ko.
“Ayoko nga. Okay na akong hindi makapagtapos ng pag-aaral. Tanggap ko na. Basta makapagtapos ka, okay na ako," aniya.
“Talaga? E may pahawak-hawak effect ka pa nga sa picture mong naka-uniform. Don't me, kuya. Don't me."
Napa-face palm na lamang siya.
“Ang tigas ng ulo mo," mahina niyang sambit.
“Mas matigas ‘yang sa iyo."
Natahimik kami nang ilang segundo.
“Hindi ko masisiguro ang kaligtasan mo sa Manila, Sel. Ayokong may mangyaring masama doon," bigla niyang imik pagkatapos ng ilang minuto.
Lumingon ako sa kaniya. “Kuya naman, hindi na ako bata. Kaya ko na sarili ko," sabi ko.
Lumingon din siya sa akin. Medyo nagulat ako nang makita ang matinding kalungkutan sa mga mata niya.
“Kaya nga e. Hindi na ikaw ‘yong tulad ng dating nauutusan ko pa, nakakakulitan ko, napapagalitan ko," malungkot niyang pahayag at tumingin ulit sa harapan.
Kita namin mula rito ang malaking buwan na nagre-reflect sa batis. Kung gaano kaganda ang scenery ngayon ay ganoon din kapangit ang sitwasyon namin.
“Kuya, wala namang nagbago e. Ako pa rin ‘to, ang bunso mo. Ang palaging umaasar sa ‘yo. Ang palaging hinahabol mo. Ang palagi mong kasama kapag may gagawin kang kalokohan. Ang partner in crime mo."
“Pero magbabago iyon kapag pumunta ka sa Manila."
Inis akong napasabunot ng buhok.
“Putspa, kuya! Hindi nga. Mahal kita at ikaw lang ang the best at nag-iisa kong kuya kaya walang magbabago! Kahit malayo na ako sa ‘yo, kaya ko pa ring inisin ka! Tandaan mo ‘yan," sabi ko.
Nilingon niya ako at ngumiti.
“Papayagan na kita pero promise mo, hindi ka magbo-boypren doon ha! Tsaka h'wag magpapalapit ng lalaki. Nakuuuu!" paalala niya.
Ngumiti na rin ako. “Hindi ko ata ‘yan maiiwasan, kuya. Lalo na't maganda bunso mo," sabi ko at nag-pogi sign.
Ngumiwi siya. “Binabalaan kita, Egsel. Susugod talaga ako sa Manila kapag may marinig akong lalaking umaaligid sa ‘yo," seryoso niyang banta.
Napakamot ako ng batok. “Pasalamat ka't kuya kita kung hindi, iisipin kong may gusto ka talaga sa ‘kin."
“Eww yucks!"
“Maka-yucks ‘to."
“Tara na nga! Baka hinihintay tayo nina mama at papa sa bahay," aniya at naunang tumayo.
Nilahad niya ang kamay niya upang tulungan akong tumayo. Tinanggap ko iyon.
Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad.
Hindi na ako magtataka kung bakit palagi kaming napagkakamalang mag-jowa ng ilan. Sa sobrang sweet at caring ba naman ni kuya sa akin ay talagang sa unang tingin ay aakalain mong girlfriend niya ako. Swerte naman ng magiging girlfriend ni kuya.
Nakangiti akong tumingin sa kaniya. I hope you'll find the best woman for you, brother.
------
“Okay na ba kayong dalawa?" bungad sa amin ni momshie nang makapasok kami sa bahay.
Nagthumbs-up ako sa kanilang dalawa.
“Napaamo ko na po ang leon," sabi ko at pabirong tinapik ng malakas ang balikat ni kuya.
Agad siyang umiwas sa akin.
“Masakit ‘yon ha!" inis niyang sigaw.
“Ay. I'm sorry, your highness," natatawa kong sabi at yumuko pa.
Nakahinga nang maluwag sina momshie at papshie nang makita na bumalik sa dati ang sigla naming dalawa.
“O sya sya. Matulog na kayo. Babyahe ka pa bukas papuntang syudad, malayo pa naman iyon dito," sabi ni mamshie.
Tumango ako at humalik sa pisngi nilang dalawa. “Good night, mamshie, papshie!"
Lumingon ako kay kuya na naka-open ang braso. Natatawa akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Hinalikan niya ang noo ko. “Good night, bunso."
“Wushu. Hindi bagay sa ‘yo iyang kadramahan mo, kuya. Pang-MMK lang ‘yan," sabi ko at humiwalay na sa yakap.
“Good night, kuya!" dugtong ko at pumasok na sa maliit kong kwarto.
Pabagsak akong humiga sa matigas kong higaan.
Hays. Sana nando'n sa Manila ang swerte ko.
Isip ko bago tuluyang nakatulog.

Book Comment (13)

  • avatar
    Maryjean San Juan

    hjkhhhitfv

    09/02

      0
  • avatar
    Zaijan Dump

    goods

    28/01

      0
  • avatar
    Joshua Montero

    thanks again for the offer of the money

    04/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters