logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 7: Ikalawang Pagkikita

Habang naglalakad kami sa gubatan ay may dumaan na mga kabataan sakay ng kalabaw. Hinihila sila ng kalabaw at nakasakay sila sa isang papag na may gulong.
"Sakay na ang may gusto dyan, libre lang." Sigaw ng isang batang nasa edad 12 years old.
"Pwede ba kaming makisakay?" Biglang sabi ni Annabel sa kanila.
Nagulat kami ni Lea sa kanyang sinabi. Wala sya kasing naging abiso samin at bigla na lang syang nag-responds sa mga kabataan.
"Hoy, Annabel. Wait lang." Bulong ko dito.
Nanahimik lang si Lea.
"Tara na, mainit oh. Mas iinit pa yan mamaya." Anang isa pang bata.
"Tara na, guys, para hindi tayo ma-hagard." Pag-aaya samin ni Annabel.
"Hindi natin sila kilala." Bulong naman ni Lea.
"Mga bata lang sila. Relax lang kayo." Bulong din ni Annabel.
Sumakay na lang kami upang wag mapahiya si Annabel sa kanila.
"Saan kayo?" Tanong ng isang batang mas bata ng konti sa dalawa.
"Uhm, sa school ng highschool." Sagot ko.
"Uhhhh hindi kami pwede doon eh. Ibaba na lang namin kayo sa palengke, malapit na don ang school." Sagot ng 12 years old.
"Okay sige, pwede na don." Magalang kong sabi dito. "Salamat." Pahabol ko pa.
----------------
TANGHALI....
Nasa school na kaming tatlo at nasa classroom na rin kami. 
Nakaupo kami sa may tabi ng bintana. May teres ang classroom namin at may banister itong hanggang bewang.
Nakatambay lang kami sa classroom at nagkakalikot lang ng cellphone. Narinig namin ang ingay sa labas ng classroom at sa may teres nakita namin ang mga binatilyong namamato ng mga bunga ng Mangga.
"Ano kayang ginagawa nila?" Pagtataka ni Lea.
Sumilip kasi kami sa bintana na katabi ng maliit na teres ng classroom.
"Ano kayang ginagawa nila?" Ani, Annabel.
"Siguro, Guys. Wag na lang nating pansinin." Sabi ko, mga nakasilip kami ng patago sa bintana.
"Talim kaya sila? Ano sa tingin nyo, Guys?" Ani, Lea.
"Grabe! Natutuwa sila sa iisang mangga lang?" Komento ni Annabel.
"Ang gu-gwapo nila, Guys. Sana hindi sila mga talim." Ani, Lea.
"Wag tayong maingay. Baka mahuli nila tayo." Saway ko sa kanila.
Nakita ko kasi ang lalaking tumulong sakin kagabi. Isa sya sa anim na namamato ng mangga sa labas.
Naramdaman ko kaagad ang biglaang kabog ng puso ko at parang kinuryente nito ang buong katawan ko, nanginig kaagad ang mga kamay ko at kinabahan din ako.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang buhok na parang bagong rebond at nakatirintas ito sa kanyang likuran.
"Bakit, Sinnate?" Taka ni Annabel ng umalis ako sa pagkakasilip.
"Yung lalaking naka-pigtails ang buhok, yun ang nagligtas sakin kagabi." Sabi ko sa kanila.
"Huh? For real?" Ani, Lea.
Muli silang sumilip sa bintana.
Pinagkatitigan nila ang taong sinasabi ko.
Muli silang bumalik sakin matapos nilang masiyasat ang lalaki.
"Sinnate, ang gwapo nya. My Gosh, baby face nga sya at mukhang babae." Ani, Annabel.
"Ang tatangkad nga nila, wala sa kanilang bansot." Kinikilig na sabi naman ni Lea.
"Kung isa sa kanila ang lalaking yon, meaning, mga talim sila." Sabi ko naman.
"Ay, so sad." Imik agad ni Annabel.
"Sayang naman, Coz, muntik na sana akong makapili eh." Pilyong biro nito.
"Hoy! Marinig ka." Imik kong saway dito.
Muli kaming sumilip sa bintana.
Sa anim, siya ang naging apple of the eye ko. Sa kanya lang ako nakatingin.
"Oy! Crush mo na sya, no?" Bulong ni Annabel sakin.
"Oy hindi ah, hindi ako nakapag pasalamat yata sa kanya." Sabi naman ko bilang depensa.
"Eh bakit tinititigan mo sya?" Ani, Lea.
Biglang tumingin sa amin ang pinag-uusapang binatilyo.
Sabay balik namin ng tingin sa kanilang grupo. Nagkatitigan kami at ang grupo na yon ng mga 5 seconds lang.
"Tago!" Bulalas kong pabulong.
Agad kaming nagtago sa sinisilipan naming bintana.
Nagkatinginan ang magba-barkada at sabay nagtawanan.
Na-feel ackward sila sa nangyari at syempre kami din.
"Coyun khet comne khan tappe zsey lihao." (Mukhang na-crush tayo ng mga dayo.) Ani, Boy 1.
"Kallen neyavi tte zsat natge." (Nakilala ko na ang isa sa kanila.) Sabi naman ni Boy 3.
"Nive khay dden yeavi." (Sakin na lang yung isa.) Ani, Boy 2.
"Onjer, ani weidu yeetta nibbe, tappe coni khay neem."
(Tamang-tama, may reserba na yung iba satin, tayong tatlo na lang ang wala pa.) Ani, Boy 6.
"Haio zsen natge kho weidu nom ii Evo?" (Sino sa kanila ang reserba mo, Evo?) Tanong ni Boy 4.
"Auyan zse nemet?" (Puntahan ba natin?) Ani, Boy 3.
"Pareol ney khot sessi asi weidu." (Gusto ko ring makita ang magiging reserba ko." Ani, Boy 2.
"Yeap, jekke khon neyal zsam yee nive." (Sige, tingnan ko rin yung sakin.) Ani, Boy 6.
Samantala...
"Hala, Coz. Nakita yata tayo?!" Natatakot na reaction ni Annabel.
"Hala, parang Oo nga!" Imik ko naman. "Naramdaman yata nilang may tao sa paligid?" Kinakabahan na ako dahil tila may nase-sense akong mangyayari na hindi inaasahan.
"What we gonna do now?" Nag-panic na sabi ni Annabel.
"What now, Sinnate?" Kinakabahan ding sabi ni Lea.
"Uhm, relax?" Naging imik ko sa pagkabigla na ako pala ang mag-iisip ng skip plan. 
"Why we have to?" Takang tanong ni Annabel. "After relax, what now?"
"Takbo?" Sabi ko na lang at napapikit ng makita kong nasa gilid na sila ng bintana at mga nakasilip mula sa labas ng maliit na teres.
"Relax, hindi naman kami mananakit." Boses ng isang lalaking pamilyar na sakin.
Nanigas kaming lahat ng makita namin silang pumasok sa classroom.
Naglabasan din ang mga kasamahan namin dahil ayaw nilang makisalamuha sa mga talim.
"Gusto ko lang malaman ang pangalan mo?" Sabi sakin nung naka-pigtail hair.
"Ako ba?" Imik kong paglilinaw.
"Malamang, sayo nakatitig eh?" Pilyong sarcasm na biro nang isa sa kanila.
Sumimangot ako sa lalaking nagsabi nun.
"Wala akong pangalan!" Pagsusungit kong sabi at saka umi-smid ng aking mukha papunta sa ibang dako.
"Edi pangangalanan kita." Ani, pigtail hair.
"Ikaw ang nakikipag-kilala, ikaw muna ang maunang magsabi ng pangalan." Ani, Lea.
"Evo." Sagot lang ni pigtail hair.
Napatingin ako dito. Nakatitig pala sya sakin kanina pa.
"Sinnate naman ang pangalan ko." Sabi ko naman dito.
"Nive khe moffe zsa gupte." (Sakin yung short hair.) Ani, Boy 2.
"Nive peol yee nukki nabid tta gupte dasci." (Sakin naman yung medyo long hair sa kabila.) Ani, Boy 6.
"Hala! May masamang balak yata sila satin?" Bulong ni Annabel na nahintakot sa mga kausap namin.
"Relax lang, hindi naman masama ang sinasabi nila." Ani, Evo. "Zay, wag kayong magsalita ng lengwahe natin. Natatakot sila." Saway nya agad sa mga kasama.
"Anong sinasabi nila sa isa't isa?" Pag-uusisa ko.
"Sabi nila, magaganda kayo." Napangising pagsisinungaling ni Evo samin.
"Well, that's true." May pagmamalaking sabi ni Annabel sa kanila.
Napanatag kami sa presensya nila. Ang kaninang nakatulungko sa wall ng bintana, ngayon ay mga nakaupo na lang.
"Anong pangalan nila? Kung hindi naman sila magagalit?" Usisa ni Lea sa nag-aalangang tono.
"Ako si Mao." Si Boy 1.
"Si Kai." Si Boy 2.
"Si Evo." Imik lang ni pigtail hair.
"Henze." Si Boy 4.
"Zeuh." Si Boy 5.
"Ako naman si Zill." Si Boy 6.
Natulala kami, ang gu-gwapo nila, hindi na kailangan pa ng make up at magandang damit.
Litaw ang kanilang kakisigan at pagiging matipunong katawan.
Healthy kasi ang kanilang mga kutis, namimingkish ang mga ito at dahil doon, kaya litaw ang kanilang gandang lalaki.
Makikinis din sila bagamat may ilang peklat sa balat, sa mga braso at sa mga binti.
"Ako si Annabel." Imik naman ng pinsan ko.
"Ako si Lea." Imik naman ng isa pa.
"Ako si Sinnate, nasabi ko na kanina." Imik ko lang.
Nahiya kami sa kanila, nang mas lalo naming napagmasdan ang kanilang mga itsora.
Ang gaganda ng mga wangis nila. Hindi sila matatanggihan ng kahit sinuman sa mga kababaihan.
*****
Sa klase...
"Oy, mga dzay, mga talim yung kausap nyo kanina." Sabi ng isang silahis na studyante.
"Wag kayong lalapit sa kanila. Buwan ngayon ng kasalan sa lugar nila, baka madukot kayo." Sabi naman ng babaeng barkada nito.
"Uh, okay naman ang pakikitungo nila samin. Hindi naman sila nagpakita ng kasamaan." Sabi ko sa kanila.
"Ay, dayo nga kasi kayo, kaya wala kayong alam. Hindi lang patayan ang labanan dito, madalas pag-uutuan din." Paliwanag ni Bakla.
Natigilan kaming tatlo.
"Kapag nagpadala kayo sa kanilang mga gwapong mukha. Instant panalo na sila!" Sabi naman ng babaeng kasama nito. 
"Sa mga kabataan kasi, uso na yung reserba, bale part na rin sya ng normality dito. Lahat ng kabataang talim, ginagamit nila ang gwapong mukha nila para makapang-akit ng babaeng kaedad nila. Kapag naging jowa ka, reserba ka na, hindi mo sya pwedeng iwanan." Mahabang paliwanag muli ng bakla.
"Ang buhay ng mga babae dito, parang pagong! Paunahan na makarating sa dagat, kapag nakain ka ng birds sa pangpang, sorry ka na lang." Sabi pa ng babaeng kasama nito.
Naiwan kaming napapaisip sa mga sinabi nila. 
"Naku, Coz. Mag-ingat ka pala kay Evo. Bagkus na mabait, bagkus na babantayan ka, baka hindi ka na makaalis pa dito." Sabi sakin ni Lea.
"Paano yan, Sinnate? Kung reserba ka na pala nung Evo?" Pag-aalala sa tono ni Annabel.
"Ewan ko, sana hindi naman, sana wag na kaming magkita pa." Sabi ko na nag-aalinlangan ang kalooban.
"Hala, Sinnate. Kapag naging asawa ka nung talim na yon, ano yon? Dito na lang ba sa bayan na to, iikot ang buhay mo?" Pag-aalalang tanong naman ni Lea.
"What the hell? Uso din kaya sa kanilang lugar ang family outing? Ang mga parties? Ang mga ocasional gatherings, special holidays, like christmas?" Ani, Annabel.
Hindi na lang ako kumibo. Naghahalo ang takot sa puso ko.
Hala? Paano kung pakulo lamang pala ni Evo ang nangyari nung gabi na yon?! Para magkakilala kami at hangaan ko sya?! Magkaroon ako ng utang na loob sa kanya?!
Natatakot akong mahulog ang loob ko sa kanya, ngunit nalulungkot ako dahil sa panghihinayang. Kakaiba ang kabog ng puso ko sa kanya, makirot ang nararamdaman ko ngayon, sa mga oras na ito. 
"Sinnate, bakit?" Imik na pagtataka sakin ni Annabel.
"Wala, Guys." Malungkot na imik ko.
"Oy, may paghanga sya sa talim na yon?" Panghuhuling pang-aasar ni Lea.
Hindi lang ako kumibo.
"Oy, Oo ang ibig sabihin ng pananahimik?" Ani, Annabel.
"Kalimutan mo na sya, wala kang mapapala don, wala kang mararating sa talim na yon, Coz. Sasayangin lang nya ang ganda mo. Maiimbak ka na lang dito sa probinsyang ito." Sabi na lang ni Lea.
"Yeah, forgetting him is the best choice." Imik naman ni Annabel.
*****
Uwian na....
Palabas na kami ng gate ng school. May hanay na ng mga trycicle sa labasan.
"Trycicle! Trycicle kayo dyan!" Malakas na boses ng isang lalaki na siyang barker sa paradahan.
May hawak syang isang buong bond paper sa kanyang kamay na naka-laminate upang hindi masira. Nakataas ito sa lahat upang makita at mapagmasdan.
"Oy? Ano yon? Trycicle?" Pagtataka kong turan.
"Kahapon wala naman yan ah?" Pagtataka din ni Lea.
"Guys, wag kayong sasakay dyan. Hindi na kayo makakauwi." Bulong ng bakla sa likuran namin.
Kasama nito ang babaeng kasama nya kanina sa classroom.
"Uh Romel, matanong nga kita, bakit nandyan sila kung bawal naman pala?" Takang tanong ko.
"Nanggaling mismo sa anak na babae ng Mayor. Secret lang ito ha, bawal nyong i-chismis. Pinayagan silang magkaroon dyan ng terminal."
"Yung hawak nyang yon, prangkisa yon." Anang babae. "Katibayan na pinayagan sila ng mismong Mayor.
"Oh, may mga sumasakay ah?" Ani, Annabel na nag o-obserba pala sa terminal ng trycicle.
"Samin kayo makinig." Anang babae. "Tayong mga mahihirap lang ang kukunin ng mga yan, hindi nila idadamay ang anak ng mga mayayaman." Paliwanag pa nito.
"Maniwala kayo, pagkatapos ng buwan na ito, wala na din yang terminal na yan." Sabi pa ng bakla. 
"Maglakad na lang kayo, kaysa sumakay." Huling sinabi ng babae samin.
Naiwan kaming habol sila ng tingin palayo.
"Siguro, doon tayo sumakay sa itinurong terminal noon ni Tiyo Badong." Sabi na lang ni Annabel.
"Oo nga, ang layo kaya ng baranggay Mabato para lakarin." Sabi ko naman.
Lumampas kami sa terminal na yon. 
"Oy! Mga magagandang babae, sakay na. Taga-saan ba kayo?" Hinabol kami ng isang gwapong lalaki ngunit medyo pawisan at madungis ang itsora.
Yun bang parang kargador sa palengke ang itsora o kaya naman nagtitinda ng buko o kaya fishball sa kanto.
"Uh wala, hindi, malapit lang ang bahay namin." Pagtanggi ni Lea.
"Ganun ba? Ihatid ko na kayo. Malapit lang din naman ang bahay ko dito." Sabi nito samin.
"Uh hindi na, salamat sa pag-aalok, pero kasi pwede namang lakarin eh." Sabi ko naman dito.
"Talaga, baka mapagod kayo sa paglalakad. Malayo ang unang baranggay para lakarin." Sabi naman ng lalaki.
Wala naman kaming nararamdamang bad vibes sa kanya pero dahil sa sinabi ng magkasamang bakla at babae, nawalan kami ng tiwala sa terminal nila.
"Naku, okay lang, ------
"---- Uh hindi, nangungupahan kasi kami dito eh. Kaya malapit lang ang bahay namin." Pinutol ko ng nais sabihin ni Annabel. 
"Uh ganun ba." Imik na lang ng lalaki.
"Tara na, Guys. Let's go." Sabi ko sa mga kasama ko at mabilis na kaming umalis sa harapan nito.
Mabilis din kaming naglakad palayo upang hindi na kami habulin pa.
"Nakakatakot naman, para silang mga desperadong mga tao." Bulong na sabi ni Annabel.
"Oo nga," imik naman ni Lea.
"Wag nyo nang pansinin." Imik ko. "Ang mahalaga, hindi tayo napilit na sumakay sa kanila." Dadag ko pa.
*****
Nakita namin ang terminal ng trycicle ng mga tao. Matatandang lalaki ang siyang driver at 20 pcs lang ang mga ito.
"Manong, taga-baranggay Mabato kami. Pwede nyo po bang ipasok sa kabahayan?" Tanong ko sa driver.
"Naku, hindi na kami pwede doon, Eneng. Hanggang sa may arko lang kami, ipinagbabawal na nga ngayon eh." Sagot ng driver na napagtanungan namin.
"Ay ganun pa ba?" Imik ko na lang.
"Sige po, Manong. Kahit doon na lang sa abot ng trycicle nyo, kasi po malayo eh, kung lalakarin lang." Sabi naman ni Lea.
"Bakit po kasi walang jeepneys dito?" Takang tanong ni Annabel.
"Oo nga ho?" Taka ko ring turan.
"Ipinagbawal nga noon, at nagagalit ang mga talim sa ingay ng mga makinarya." Sagot ng kausap namin.
"Ganun po ba?" Imik na lang naming tatlo.
----------
8:30pm
Bumaba kami sa arko ng baranggay Mabato. 
"Ingat na lang kayo ah. Kailangan ko nang umalis agad." Anang driver ng makapag-bayad kami. "Baka may talim na makakita sakin eh." 
"Sige po, maraming salamat, Manong. Ingat din po kayo." Sabi ko naman dito.
Naiwan na kami sa harapan ng arko at dahil 8:30pm na ay madilim na rin ang lugar.
Half moon lang kasi kaya hindi masyadong maaninag ang daang babagtasin namin.
"Diyos me! Nakakatakot ang kadiliman ng daan." Komento agad ni Annabel.
Nakatitig kasi kami sa daan na babagtasin namin upang makapunta sa palayan at sunod nun sa medyo gubat na daan.
"My Gosh! Ito ang kalbaryo nating haharapin twing gabi pag-uuwi tayo." Sabi naman ni Lea.
"Dalian na lang nating maglakad." Sabi ko na lang sa kanila.
Pumasok na nga kami sa loob ng arko.
"Sana hindi na maulit yung kagabing kababalaghan." Panalangin ni Annabel habang naglalakad kami sa medyo madilim na daan.
"Sana walang hold-uper dito." Imik naman ni Lea.
"Wag kayong mag-isip ng nakakatakot, Guys." Sinaway ko sila.
Maya-maya nakarinig kami nang mga kabataang kagaya namin na nagtatakbuhan. Napalingon kami at nakita naming naka-uniform din sila ng kagaya namin.
Nakahinga kami ng maluwag.
"Hay! Salamat." Si Annabel.
"May kasabay na rin tayo sa wakas." Sabi ko din at natuwa.
"Relief as well as loose." Si Lea.
"Hi, mga ate, taga-saan kayo?" Ang isang babae.
"Taga-baranggay Mabato. Kayo ba?" Sabi ko.
"Ay same baranggay pala tayo?" Si Girl 2 sabay tumawa ng malakas.
"Nagtanong ka pa, kapareho natin sila ng inuuwian." Natatawang sabi ng bakla.
"Oo nga eh." Natatawang sabi ni Girl 2.
"Bihira lang kasi kami magkaroon ng kasabay." Sabi naman ni Girl 1.
"Kami din eh." Imik naman agad ni Annabel.
"Gusto nyo, magsabay-sabay tayo palagi?" Tanong ko dito.
"Okay lang naman, kaysa wala kaming kasabay. Nagtataas kasi ang mga paupahan sa bayan eh." Ani, Bakla.
"Kung ganun, lahat ng mga kababaihan dito ay nangungupahan sa bayan?" Pataka kong tanong.
"Oo eh, kapag hindi mo afford. Edi mag-uuwian ka twing gabi." Sagot naman ni Girl 1.
"Ganun pala yon." Imik na lang namin.
Nasa palayan na kami....
"Bye, Guys." Ani, Bakla.
"Hala, may bahay kayo dyan?" Taka kong turan sa kanila.
Lumiko kasi sila sa palayan.
"May short cut kasi kami dito. Nasa dulo kasi ang street namin. Maliwanag kasi kapag sa palayan kami dadaan." Imik naman ni Girl 2.
"Ano bang street nyo?" Tanong ko ni Lea.
"Tulip Street." Sagot ni Girl 1.
"Ay, kami naman sa Narra Street. Pwede kaya kaming dumaan dyan?" Tanong ko.
"Malapit lang ang sa inyo. Bungad lang yon, ang mga hanay kasi ng puno ang  unang streets." Sabi naman ni Bakla.
"Tapos hanay naman ng mga ibon." Si Girl 1.
"Tapos hanay naman ng mga hayop na may apat na paa." Sabi ni Girl 2.
"Tapos pang huli nga yung samin, flowers." Sabi uli ni Bakla.
"Ah ganun ba." Malungkot naming imik.
"Sige ah, Bye." Imik na lang ni Bakla.
"Ingat kayo." Sabi na lang ni Lea.
Tumuloy na sila sa daan, binagtas nila ang kahabaan ng palayan. 
Sinusundan namin sila ng tingin at masaya naman sila kahit na maglalakad sila sa gitna ng palayan.
"Ang swerte nila no?" Imik ko sa mga pinsan ko.
"Kaya nga, ang lalakas ng mga loob nila. Nakakatawa pa sila ng ganyan." Ani, Annabel.
"Sanay na kasi sila dito. Tayo kasi mga dayuhan lang." Ani, Lea.
"Mahahanay na rin tayo kapag nagtagal." Imik ko na lang.
"Hindi ako masasanay sa ganitong lugar. Sana magawan na ng paraan ni Mommy na makuha ako dito. Hindi ko na kayang magtagal pa." Panalangin ni Annabel.
"Yeah, me too." Imik din ni Lea.
Nalungkot na naman ako sa isiping aalis ako dito.
Ewan ko kumbakit pero bumalik sa alaala ko si Evo. Nanghihinayang ako sa naging pagkikita namin.
May kurot dito sa puso ko ang medyo nagbabadya ng mariing kilig para sa kanya, at may bahagi dito sakin ang nalulungkot.

Book Comment (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters