logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

✨CHAPTER 3: MY SAVIOUR✨

KEZIAH POV'S

This is the second day of school and I am grateful kasi wala namang nangyaring masama. Pero hindi parin ako makampanti dahil nga nag-aaligid pa rin ang mga demonyo sa akin. Bakit pa naman kasi sa dinami-dami ng University ay dito rin sila nag-aral. Kainis!
Naglalakad na ako ngayon sa pathway patungo sa PEDIA DEPARTMENT. Yes, I am taking a Pedia class. Gusto ko kasing maging Doctor sa mga bata, Pediatrician. Pero nagtataka ako kung bakit panay ang tingin sa akin ng mga tao ngayon habang naglalakad ako tila ba may nagawa akonh pagkakamali. Napapalunok na lang ako pero di ko sila pinansin.
Nang makarating na ako sa Department ko ay may narinig akong tawa at pangungutya sa akin.
"Is that her?"
"Ew!"
"She doesn't change at all!"
"Social Climber!"
Mga salita na naririnig ko habang naglalakad pero binalewala ko lang ito. "Ano bang problema nila?" Tanong ko sa aking isipan.
Nang makarating na ako sa classroom ko ay nabigla ako sa aking nakita. Hindi ko maipalowanag ang nararamdaman ko. Para akong estatwa na nakatayo lamang.
I saw a lot of pictures na nakadikit sa white board. It was me. Those memories came back again. Hindi ko nalang namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko. Those are the pictures of me when I am an Elementary and High School student where I am bullied. It was embarassing. Pero tsaka ko narealize na ganito pala ako ka lampa at tanga noon dahil hinayaan ko ang sarili ko na maapi. Naaawa ako sa sarili ko.
"Masaya na ba kayo?" Maluha-luha kong sabi. Nang narinig ko na lang ang isang babae na pumapalakpak at tumatawa papalit sa akin. It was the devil! Agatha!
"Yes! Oo! Napapasaya mo talaga kami, Keziah! Hmm!" Usal nito at tinignan ko siya ng matulis na tingin.
"Nasan na ang tapang mo kahapon? Huh?"
"Ano nga ulit yong sinabi mo kahapon? You are not the Keziah that we know? Yong lampa, bobo, nerd, tanga at panget!" Imbit naman ng isang babae at nagsitawanan silang lahat. I thought hindi na ako magpapaapi pero bakit wala man lang akong magawa ngayon.
"Alam mo nakakatuwa ka talaga noon no? Hindi lang noon pati na rin ngayon!" Demonyong saad ni Agatha.
"Do you think, you've really change? No you're not! Hindi ka parin mukhang tao Keziah! Basura ka pa rin!" Sigaw ni Agatha at tinulak ako.
Hindi ko alam pero pa rang nanghihina ang katawan ko at hindi man lang makalabas sa bibig ko ang mga bagay na gusto kong sabihin. Tumutingin ako sa paligid at halos lahat ng nakikita ko ay pinagtatawanan ako. "Bakit ganito? Akala ko ba, hindi na ako iiyak. Pero bakit ako umiiyak ngayon? Akala ko ba matapang na ako? Nakakahiya college na ako pero ginaganito parin ako." Hikbi kong saad sa aking isipan.
"Give it to me Brenda, the Milk." Utos ni Agatha at di ko na lang namalayan na naliligo na ako ng gatas. "Guys! This girl is a social climber! Kaya naman dapat lang ito sa kanya. Don't forget to take pictures! Hahaha."
Nakaupo pa rin ako sa floor habang patuloy sa pag-iyak. Wala akong nagawa kundi ang mapakumo na lang. Nang bigla na lang may nagpunas sa akin ng panyo. He wipe my face that is full of liquid. He lift my chin up and smiled at me genuinely. He is Kaero Quilliano.
Tumayo siya, "Akin na ang kamay mo." He utter with a smile on his face. Tiningnan ko ang kamay niya at naalala ko yung araw na inabot niya sa akin ang kamay niya nung binalak kong magpakamatay noon. This guy saved me twice.
Tiningnan ko lang ito at napaiyak na lang ako when suddenly he grabbed my hand at inalalayan ako patayo.He everyone froze because of what happen.
"Who are you? Wala kang karapatan na tulungan ang babaeng yan! Hindi ka naman siguro bulag!" Inis na saad ni Agatha.
"Sino ako? Huh!" Singhal ni Kaero. "Who are you? Wala ka ring karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Masama bang tulungan ang isang babaeng inaapi niyo na walang kalaban-laban!" Malakas niyang sigaw dahilan na napatigil ang lahat sa pagkuha ng larawan sa akin.
"You don't care! Isa pa, you are an outsider! You are not a student here! Saan lupalop ka ba nanggaling huh! Get lost!"
"I am not an outsider okay! This is a Pedia Department so why are you here? Ikaw ang lumayas dito ngayon din!" Galit na saad ni Kaero-
"Huh! Do you like that bitch?" Usal ng isang babae.
"Hahaha! Baka nga! Kaya niya pinagtatanggol ang kagaya niya. So cheap!"
"Wow. Dahan dahan ka sa pananalita mo." Kaero utter. He looked at me and hold my hand tight. "Bakit mo ba hinahayaan na apihin at pagtawanan ka nila?
"Alam mo nakakabwesit ka ng araw huh!" Galit na saad ni Agatha.
"Di mo ako kilala kaya ingat-ingat ka sa pananalita mo!" Ani ni Kaero nang bigla na lang dumating ang Professor namin.
"What is happening here?" Pagtatakang tanong ng Prof namin. "What is this mess?" Dagdag pa nito ng makita ang basang sahig dulot ng gatas na iniligo sa akin.
Tinuro ni Kaero ang mga babae, "Sila Sir. Sila ang may kagagawan nito!" Saad ni Kaero.
"Why are you acting like a kid! Parang hindi kayo mga College stu-" putol na saad ng Prof. namin ng makita niya si Kaero at napayuko pa ito. "Yo-young mas-ter? I-ikaw pala iyan." Nanginginig na saad ng Prof namin. Nabigla ang lahat ng estudyante sa sinabi ng Prof. namin

"Young master?" Tanong ng lahat.
"Y-young master?" Usal ko at napatingin kay Kaero. He looked at me and smile.
"I-I'm so sorry young master. Patawad kung ganito ang naabutan mo diko akalain na,"
"Yes tama ka sir! I didn't expect na may aabutan akong ganito rito. Actually, napahiya ako at diko gusto ang nangyari. I want to talk to Dad about this, since he is the Director of this school. Diko akalain na may mga estudyanteng nakapasok sa university na ito not knowing their attitude." Natahimik at napanganga na lang lahat na tumatawa at nang-api sa akin kanina. Tiningnan ko si Kaero at napapaisip na lang, bakit ba kami pinagtagpo ulit.
"Pasensya na talaga Young Mas-"
"Stop it! Ayaw kong marinig ang sorry mo sir. Wala ka namang kasalanan eh. Kung merong dapat humingi ng sorry ay kayo 'yon!" Ani ni Kaero at tinuro ang mga babae. "Beg now! Or else, papalayasin ko kayo dito sa University na ito. You are not deserve as St. Quilliano University students!" Dahil sa sinabi ni Kaero ay parang natameme ang mga babae.
Tahimik na tahimik talaga ang lahat ngayon at tulala lang naghihintay sa paghingi ng tawad sa akin. "What are you waiting? Beg now." Cold na utos ni Kaero.
"We-we're so sor-"
"Oops!" Tigil ni Kaero kina Agatha, "Huwag kaayo sa akin humingin ng tawad, sa kanya kayo humingi ng sorry. Humingi kayo ng sorry sa kanya after bullying her today and before!" Napatingin na lang kay Kaero dahil sa sinabi niya. "You don't know how much you hurt her before. She even tried to commit suici-" Naputol na saad ni Kaero ng pigain ko ang kamay niya dahil hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. "Beg now!" Sigaw ni Kaero.
"K-kez," utal na saad ni Agatha. "We are so sorry for, everything that we've done to you." Nakayuko na paghihingi ng sorry nina Agatha dahilan na napaluha ako dahil sa tuwa. Tila ba gumaan ang puso ko matapos marinig ang mga salita na ito. I've been wanting hear this for how many years.
"Patawarin mo kami Keziah,"
"What can you say?" Tanong sa akin ni Kaero.
"Huh?" Ani ko. "Uhm," pag-iisip ko sa maaari kong sabihin. "It's okay at least narinig ko na rin ang sorry nila. Sana, hindi na ito mauulit pa." Ika ko.
"Make sure na hindi niyo na ito gagawin sa kanya. If this will happen again, ako ang makakalaban niyo." Saad ni Kaero. "Okay! Enough for the show! Go back to your class!" Utos ni Kaero at tsaka naman nagsialisan ang lahat.
"Prof," ani ni Kaero.
"Yes, Young Master?"
"Make sure na makakarating ito sa taas, and make sure na pagbabayaran ng mga babaeng 'yon ang ginawa nila."
"Makakaasa po kayo Young Master. Pasensya na po ulit."
"Let's go." Usal ni Kaero at tsaka na lumakad kami paalis at hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Nagtataka ako kung saan niya ako dadalhin pero dinala niya ako sa locker ng mga lalaki. Pinaupo niya ako sa may bench at binuksan niya ang locker niya.
Habang nakaupo ako ay inabot niya sa akin ang ang P.E jacket niya na may apelyido pa sa likuran niya. "Here take this and go get change." Cold niyang sabi. "Hindi ka sana nagpapaapi sa kanila." He added and mahiya ko itong tinanggap pero ano pa ba ang magagawa ko he already offer.
Nang nasa kamay ko na ang P.E jacket niya ay bigla na lang may naalala ako. First year high school ako no'n when a guy lend me his t-shirt. Tandang-tanda ko pa yo'ng sinabi niya sa akin, "Ito hiramin mo muna, bakit ka ba kasi nagpapaapi sa kanila. Hindi ka dapat nagpapaapi sa kanila dapat matutu kang lumaban." Nang maalala ko ito ay napangisi na lang ako. Ang tagal bago ko narealize na si Kaero pala iyo.
"Why are smiling?" Tanong ni Kaero sa akin. Pero dahil sa tuwa ay di ako makasagot sa kanya. "Do'n na ako sa labas maghihin-" putol niyang saad ng hawakan ko ang kamay niya dahilan na napatigil siya sa paglalakad.
"Sandali," ani ko. "6 years ago, there is also a guy who lend me his T-shirt. It was you." Ika ko.
"Hahaha!" He chuckles. "Ah! Now that you've said it, naalala ko nga yo'ng time na iyon." He smile. "Tama ka, ako nga 'yong nagbigay sayo ng damit noon. Hayyy." Buntong hininga niya. "Sobrang tagal na no'n. Pero bakit hanggang ngayon di ka pa rin nagbago? Hinahayaan mo pa rin ang sarili mo na magpa-api." Ika niya dahilan na napayuko ako at binitawan ko ang kamay niya ng dahan-dahan.
"Hindi ko alam, wala lang talaga akong lakas ng lopb para ipagtanggol ang sarili ko. Tsaka kapag pinatulan ko sila, wala na rin akong pinagkaiba sa kanila."
"No. Mali ka. 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙩𝙖𝙣𝙜𝙜𝙤𝙡 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜-𝙖𝙖𝙥𝙞 𝙨𝙖 𝙖𝙩𝙞𝙣. 𝘼𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙖𝙮, 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤 𝙣𝙖 𝙖𝙥𝙞𝙝𝙞𝙣 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤 𝙖𝙩 𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙞𝙣𝙖𝙬𝙖. 𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙣 𝙮𝙖𝙣𝙜, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙗𝙞𝙣𝙞𝙗𝙞𝙜𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤. 𝙎𝙖 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖, 𝙮𝙤𝙪 𝙙𝙤𝙣'𝙩 𝙡𝙤𝙫𝙚 𝙮𝙤𝙪𝙧𝙨𝙚𝙡𝙛. 𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤, 𝙝𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙮𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙠𝙩𝙖𝙣 𝙞𝙩𝙤. 𝙔𝙤𝙪𝙧 𝙡𝙞𝙛𝙚 𝙞𝙨 𝙢𝙤𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙖𝙣 𝙥𝙧𝙚𝙘𝙞𝙤𝙪𝙨 𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙮𝙤𝙣𝙚 𝙚𝙡𝙨𝙚. 𝙄𝙥𝙖𝙜𝙩𝙖𝙣𝙜𝙜𝙤𝙡 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤, 𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙙𝙤'𝙣 𝙗𝙖𝙨𝙩𝙖 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙢𝙖." Nang marinig ko ang sinabi niya ay napaluha ako. May nasabi na naman siyang nakakagaan ng loob.
"I-I really tried to change myself pero,"
"Oops! Hindi mo naman kailangang baguhin ang sarili mo eh para hindi ka nila apihin. Wala namang mali sayo, sila ang may mali. You are beautiful, because that is you." He utter sabay ngumisi.
"Hindi ko alam, kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng naitulong mo sa akin. You are not just my saviour once, twice, or even thrice. I think you are my saviour always." Nakangisi kong sabi. "Thank you so much." Masaya kong sabi.
"No need. Sige na, magbihis kana...umaamoy kana kasi eh." Biro nitong sabi at tsaka lumabas na.
Pumasok na ako sa comfort room tsaka naligo at nilinis ang sarili ko. Hindi ko alam pero sobrang saya ko lalo na sa mga narinig ko na sinabi ni Kaero sa akin. Hindi man kami matagal na magkakilala, sa isip ko, parang matagal na kaming magkakilala. Patuloy akong naglinis at ng matapos na ako ay isinuot ko na ang jacket niya na may apelyidong, "Quilliano" saad ko nang maramdaman ko na lang ang bilis ng pintig ng puso ko. "So we've meet thrice! Not once or twice but thrice." Ika ko habang nakatingin sa salamin.
Nang matapos na ako ay lumabas na ako at nakita kong naghihintay si Kaero sa akin.
"It fits you well, bagay sayo." Nakangisi niyang sabi sa akin.
"Salamat talaga ng marami."
"Walang anuman."
"Ahm," ika ko dahil hindi ko na alam kung ano ang sasabihin bigla na lang naging ackward ang lahat.
"Ahm, I gotta go. See you around." Usal ni Kaero at napangisi kaming dalawa.
"Sure! See you around." Sagot ko naman. Lumakad na siya ng may naisip ako, "Sandali lang Kaero," pagtawag ko sa kanya at bumalik ang tingin niya sa akin. "Can we be friends?" Saad ko.
"Oo naman." He said and he left.

Book Comment (33)

  • avatar
    Zaijan Javier

    good

    05/07

      0
  • avatar
    FrogosoAngelo

    nice

    17/05

      0
  • avatar
    Esguerra Jhonny

    apaka gandang basahin nmn neto😁🥰

    08/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters