logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

LOVING YOU FAIRLY

LOVING YOU FAIRLY

yoursoul


✨CHAPTER 1: WHEN I MET YOU✨

KEZIAH POV'S
"Hahaha! Panget na, lampa pa!"
"Yan ang bagay sa'yo panget!"
"Ew! Kadiri ang baho amoy bagoong!"
"Tama na!" Tanging sigaw ko sa mga kaklase ko na walang tigil sa pang-bubully sa akin. Nakaluhod ako ngayon sa sahig habang umiiyak ng bigla na lang akong binuhusan ng gatas ng kaklase ko dahilan na napasigaw ako.
"HA!" Sigaw ko ng magising ako sa isang masamang bangungot.Siguro dahil na rin hanggang ngayon palagi pa rin akong nabubully sa school. Kasi nga, lampa ako, tanga, panget, nerd, bobo at kung ano-ano pa ang itawag nila sa akin.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay mabilis akong bumangon sa kama ko dahil oras na para pumasok ako sa school. Nang nakababa na ako sa kwarto ko, "Ouh! Ba't ngayon ka lang nagising? First day of school late ka agad!" Giit ng Papa ko.
"Napasarap po kasi tulog ko Pa eh." Ngisi kong sabi at tsaka kumain na ng umagahan.
"Ang sabihin mo tamad ka lang talaga! Ba't di mo tularan ang mga ate mo?" Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ng Mama ko. Sawa na rin kasi ako sa pagkukumpara nila sa mga kapatid ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ko. Second year high school na ako ngayon at tanging hiling ko lang ay sana magbago na ang tingin sa akin ng mga kaklase ko kasi sawang-sawa na ako sa mga panglalait nila sa akin. Kaya minsan naiisip ko na, napaka-unfair ng buhay sa akin.

Nasa hallway na ako ngayon at malapit na akong makarating sa classroom ko kaya dinig na dinig ko ang mga kaklase ko na nagsisigawan. "Ho!" Humugot ako ng lakas ng loob at huminga ng malalim bago ako pumasok sa classroom.
"Kaya mo 'to Keziah Alpas!" Lakas loob kong sabi sa sarili. Lumakad na ako para pumasok sa classroom ko ng may nabangga akong lalaki. "Ay! Sorry! Pasensya na." Ani ko.
"Napakatanga naman kasi eh!" Galit na tugon ng lalaki.
"Sorry talaga." Paghihingi ko ng tawad.
Nang makarating na ako sa tapat ng classroom ko ay inayos ko ang eye glass ko. Tsaka pumasok.
"Ow! What a surprise!" Ani ng pamilyar na boses sa akin. She is Agatha Torres ang babaeng palaging nangbubully sa akin simula Elementary. Hindi ko alam bakit palagi na lang kaming magkaklase, eh sa dami pa namang seksyon. Talagang di ako malayu-layuan ng demonyong 'to eh.
Hindi ko siya pinansin at umupo na sa likuran. Nang bigla na lang siyang lumapit sa kinaroroonan ko kasama ang mga alipores niya at umupo siya sa arm desk ko. "Bakit binalewala mo ako? Did you forget me bobo?" Saad nito dahilan napakumo ako sa kamay ko at tinignan siya ng matulis.
"Matapang ka na ba!" Sigaw nito sabay hinatak ako dahilan na natumba ako sa sahig at siya rin namang nagsitawanan ang iba kong kaklase. "Kala mo kung sino ka huh!" Giit nito at ginulo pa nito ang buhok ko.
Tiniis ko lang ito at maya-maya ay dumating na ang guro namin. Makalipas ang ilang araw kung ano-ano pa ang mga panglalait at pangbubully ang aking dinanas.
Isang araw naglalakad ako sa hallway pabalik na ako sa classroom ko galing sa canteen nang bigla nalang akong nakaapak ng panit ng saging dahilan na nadapa ako. Nabigla na lang ako ng may nagligo nalang ng harina sa akinnat tinaponan pa ako ng mabahong itlog.
"Huh!" Napaluha ako sa ginawa nila sa akin. Vinedeo pa nila ang pangbubully na ginawa nila sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at sila naman ay pinagtatawanan lamang ako pati na rin ang ibang mga estudyante na dumadaan ay pinagtawanan din ako.
"Hmm? Ang baho-baho mo naman Keziah! Anong oras pa ba? Ang aga-aga pa tapos napakabaho mo na!" Tawang sabi ni Agatha.
"Baka kasi di naligo!" Saad naman ng alipores ni Agatha na makapal ang labi at nagtawan sila.
Hinawakan ni Agatha ang chin ko at sinabihan pa niya ako ng, "Napakabobo mo talaga!" Dahil sa galit ko ay naitulak ko si Agatha.
"Hindi ako mabaho!" Iyak kong sabi. "At lalong hindi ako bobo! Kayo ang mabaho rito! Mas mabaho pa kayo sa kanal! Ang lakas ng loob niyo na pagsabihan ako na bobo! Bakit, sino ba palaging honor sa klase? Sino ba palaging number 1 sa klase? Di ba ako! Kaya wala kayong karapatan na sumbatan ang pagkatao ko!" Sigaw ko at mabilis na tumayo at tumakbo palayo sa building namin.
Umiiyak ako ngayon habang tumatakbo. Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako ilalim ng puno kung saan ay may table at upuan na gawa sa semento. Napaupo ako rito at napahagulhol sa iyak. Buti lang dahil walang katao-tao rito ngayon.
Napatingala ako sa mga dahon na nahuhulog. "Bakit ba?" Tanong ko sa sarili ko. "Ano bang ginawa ko? Bakit ba nila ako...ginaganito? Sobra-sobra na talaga akong nasasaktan!" Hagulhol kong sabi at yumuko ako sa cemento na table. "Di ko na kaya, suko na ako! Huhuhu! Pagod na pagod na ako! Huu." Hikbi kong sabi ng bigla nalang may lalaki na ngsalita.
"Ano bah!" Agad napaangat ang ulo ko at napatigil ako sa pag-iyak. Napatingin ako sa paligid at hinanap ang lalaking nagsalita pero di ko ito makita. 'Yun pala ay nakahiga pala ito sa may upuan na cemento. "Bakit ka ba dito nag-iingay?" Ani nito ng makabangon na mula sa pagkahiga niya. "Ano bang problema mo huh?" Dagdag pa nito.
"Wala kang pakialam! Tsaka, public place naman to huh? Wala kang pakialam kung dito ako mag-iingay!"
"Aba! Lakas ng loob mo na sagutin ako ng ganyan huh!"
"Huh!" Singhal ko at napaluha ako. "Bakit, sino kaba sa akala mo? Huh!" Sigaw ko. "Sino ba kayo sa akala niyo! Bakit ba, lahat na lang kayo galit sa akin! Ano bang nagawa ko!" Hikbi kong sabi. "Pwede ba, umalis kana lang dito?" Dagdag ko.
"Hoy!" Sigaw ng lalaki. " Hoy babae kang panget ka, ewan ko kung sang planeta ka nanggaling, lakas ng loob mo na paalisin ako eh ako nga tong nakauna dito. Ganda-ganda lang ng pagkakatulog ko dito tapos iistorbo mo lang ako.Ikaw ang dapat umalis hindi ako."
"Hindi naman ito ginawa para tulugan mo lang huh?"
"Wow! Bakit? Ginawa rin ba ito para iyakan ng kagaya mo?"
Wala akong nagawa kundi ang umiyak. "Bakit ba ang sama-sama ng mundo sa akin ano ba ang nagawa kong pagkakamali?" Iyak ko habang napayuko. "Ayaw ko na! Sana namatay nalang ako! Huuu...Sana mamatay nalang ako! Napakaunfair ng lahat!" Sigaw ko at tumakbo.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa gilid ng rooftop. Sobrang bilis mg tibok ng puso ko. Tila wala na ako sa sarili ko. Tirik na tirik ang araw ngayon dahilan na tumutulo na ang pawis ko kasabay din ng pagpatak ng aking mga luha.
Lahat mga masasakit na narinig ko buong buhay ko ay tila ba nagflashback. Lahat ng mga pangbubully na narasan ko ay naglalaro sa aking isipan. Pati na ang pangkukumpara ng mga magulang ko sa mga ate ko. Tila ba nawalan na ako ng lakas ng loob para mabuhay pa.
"Hoy Miss!" Sigaw ng lalaki habang naghihingal pa dahilan na napatingin ako sa kanya. It was the guy na nanglait sa akin kanina. Bakit ba siya nandito. "Hay!" Singhal niya. "Alam mo kung gusto mong takasan lahat ng sakit o problema mo dito sa mundong ito sa ganyang paraan, ngayon sasabihin ko sayo, hindi yan makakatulong sa'yo. Mas lalo lang lalala ang problema mo. Isa pa, isipin mo 'yong mga tao na nagmamahal sa'yo kapag mawala ka."
"Wala kang alam." Mahina at malungkot kong sabi. "Kaya wag mo akong pakialaman, buhay ko 'to." Mala-emosyonal kong sabi.
"Fine! Kung sa tingin mo yan lang ang solusyon sa problema mo edi,"
"Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko!" Sigaw ko at napahakbang ng kaunti.
"Hoy! Teka lang!" Takot na sambit ng lalaki. "Alam mo," natataranta na sabi ng lalaki. "Alam mo, ang sakit na nararamdaman mo ngayon lilipas lang yan. Siguro hindi pa sa ngayon, pero I'm sure mawawala din 'yan.
"Ha!" Napabuntong hininga ako.
"Kapag ginawa mo iyan, ikaw ang talo! Bakit di mo ipamukha sa mga taong nagpaparamdam sayo niyan na mali sila ng kinalaban? Kaya naman," ani ng lalaki sabay inabot ang kanang kamay niya sa akin. "Halika na bumaba kana diyan. Tandaan mo, lahat ng problema ay may dahilan at solusyon. Kaya ibigay mo na sa akin ang kamay mo." Patuloy niyang pagkumbinse sa akin. Humarap ako sa kanya ng dahan-dahan. "Hindi magandang excuse yang ginagawa mo. Kaya, akin na kamay mo...sige na, wag kang sumoko ganyan talaga ang buhay ng tao. Kasi, 𝙋𝙞𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙠𝙖𝙢𝙗𝙖𝙡 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖." Nakangisi niyang saad habang patuloy pa rin na inaabot ang kamay niya sa akin.
Natauhan ako sa mga sinabi niya dahilan napaluha ako. "Would you take my hand and face your problems?" Ani ng lalaki.
Napahagulhol ako sa sinabi ng lalaki. Dahan-dahan kong iniabot ang kaliwa kong kamay sa lalaki pero ng iaabot ko na sana ang kamay ko ay bigla na lang nadulas ang paa ko.
"Haaaaaaaa" Malakas kong sigaw. "Nooooooooooo" Sigaw din ng lalaki.
Akala ko mamamatay na talaga ako. Buti lang ay mabilis nahawakan ng lalaki ang kamay ko. Pilit niya akong hinila paangat at nakuha niya talaga ako dahilan na natumba kaming dalawa sa sahig. Nasa ibabaw ako ngayon ng lalaki. Medyo nagblurry ang paningin ko dahil nahulog ang eye glass ko.
"Ano ba!" Inis kong sabi dahil sa hiya.
"Wow! Ikaw pa may ganang magalit? Pasalamat ka kasi niligtas kita."
"Thank you!" Hiya kong sabi at mabilis na tumayo. Lalakad na sana ako pero di ko masyado makita ang daan dahil sa sira ang mga mata ko. Hinanap ko ang eye glass ko pero di ko ito makita.
"Nasan na ba 'yon?" Sabi ko sa aking isipan ng bigla na lang may humila sa kaliwa kong kamay. It was the guy who saved me. Tumayo siya at naaninag ko na may pinulot siya na bagay sa sahig. Nang bigla na lang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at isinuot sa akin ang eye glass ko dahilan na yung blurry ko na paningin ko kanina ay luminaw pa.
Matagal inalis ng lalaki ang kamay niya sa pagkakahawak sa eye glass ko at sa kamay ko. Hindi ko alam pero, my HEART SKIP A BEAT for a seconds at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. He seemed cold kanina pero after nong mga narinig ko I find him kind and, handsome.
Nang matauhan ako ay agad kong inalis ang kamay niya at tumakbo dahil sa hiya. Nang pababa na ako sa hagdanan ay sobra pa ring bilis ng tibok ng puso ko. Ito ang unang beses na tumibok ng mabilis ang puso ko.
"Ouh? Anak! Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Pag-aalalang tanong ng Mama ko ng makita nila ako na sobrang dumi at gulo. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.
"Ma, pwede mo ba akong yakapin kahit ngayon lang?" Pagmamakaawa ko kay Mama dahilan na ipinagtataka ni Mama.
Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang yakap ng Mama ko. Napahagulhol ako sa piling ni Mama.
"Shhh! Tahan na anak," manginginig na boses ni Mama she is also crying dahilan na ipinagtataka ko. "Bakit di mo sinabi sa amin na binubully ka sa school niyo?" Mangiyak-ngiyak na saad ni Mama dahilan na ipinagtataka ko.
"Paano niyo nala-"
"Hindi na mahalag iyon anak." Ani ni Mama at hinaplos ang aking likuran.
"Sana mapatawad mo kami anak." Malungkot din na saad ni Papa at tumugon lamang ako ng iyak.
"Ayaw ko na pong bumalik doon Ma,Pa. Please, ilipat niyo na po ako ng school?"

Book Comment (33)

  • avatar
    Zaijan Javier

    good

    05/07

      0
  • avatar
    FrogosoAngelo

    nice

    17/05

      0
  • avatar
    Esguerra Jhonny

    apaka gandang basahin nmn neto😁🥰

    08/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters