logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

QWEIN'S POV.
Mabilis na kumalat ang balita sa buong school na sinuspende ng isang linggo sina Tricia. Karamihan ay natuwa sa balitang ito lalong-lalo na ako. Ngunit hindi ko maiwasang mangamba once na bumalik na sila. Sigurado ako na galit na galit sila sa akin.
"Ang lalim nang iniisip mo ah." Napalingon ako pagkarinig ko sa boses ni Jeo.
Nasa likuran ko silang apat. Si Devon, Ryker, Wade at Jeo. Ang fresh nilang tingnan sa suot nilang uniform.
Mag-isa akong nakaupo sa bench malapit sa gymnasium. Maganda ang spot na 'to dahil may malaking puno rito at talagang makikita ang buong kapaligiran ng Tabor University.
Maraming estudyante ang pagala-gala dahil maaga pa naman at wala pang klase.
"Nasisid mo?" biglang sabat ni Devon dahilan para sumimangot sa kanya si Jeo. Nakapoker-face sila Wade at Ryker.
Bumaling naman sa akin Devon.
"Hi Q. Nagtatampo ako sayo," aniya. Umupo ito sa tabi ko. Sumunod naman sa kanya ang tatlo at umupo doon sa upuan na nasa harapan namin ni Devon.
Medyo awkward kasi pagkapantay kami ni Ryker. Well, ako lang naman ang nakakaramdam ng awkwardness since busy siya sa cellphone niya as well as Wade. Si Jeo naman ay panay ang ngiti sa akin.
"Sorry kahapon Devon, its ju-"
"It's not about kahapon." Pinutol niya ang gusto kong sabihin. "Diba sinabi ko sayo na susunduin ka namin." Umasta siya na nagtatampo talaga.
I remember that. In fact, sinadya ko talaga na pumasok nang maaga para hindi nila ako maabutan sa bahay.
"Mukha kang aso!" natatawang komento ni Jeo. At nagsimula na naman silang magbangayan.
"Kamusta ang sugat mo?" Napabaling ako kay Wade. Seryosong nakatingin na siya ngayon sa akin.
"Gumagaling na," maikling tugon ko.
Nagulat ako nang bigla niyang hinila ang braso ko. Since mahaba ang kamay niya, mabilis niyang naabot 'yon. Napatigil sina Jeo at Devon sa pagbabangayan. Napatingin din si Ryker kay Wade. Seryosong nakatingin sa akin si Wade habang hawak pa rin ang braso ko na puno ng sugat at pasa.
"Tell me honestly Winona, what are you?" malamig na tanong niya.
"Wade, ano ba? Binatawan mo siya!" sigaw ni Caily sa kanya. Tumayo siya at lumapit kay Wade.
Pilit niyang kinukuha ang braso ko sa pagkakahawak ni Wade ngunit masyadong malakas si Wade kaya hindi niya magawang makuha.
"Let him Caily." This time si Ryker naman ang nagsalita. Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Caily.
"What?! Nahihinabang na ba kayo? Ano to ha? Kayo naman ang sasakit sa kanya? After what you have done sa mga nambubully sa kanya?" Ramdam ko ang galit ni Caily. Tahimik naman na nanunuod sa amin si Jeo. Buti na lang, wala pang masyadong estudyante at may kanya-kanya silang ginagawa kaya hindi nila napansin ang nangyayari sa amin.
"Tama na Caily. Hayaan mo sila," saad ko at pilit pinapakalma si Caily.
Masama pa rin ang tingin na ibinabato ni Caily sa kanilang dalawa bago bumalik sa tabi ko.
"Ano kaya ang mararamdaman mo 'pag sinugatan kita?" Biglang kinuha ni Wade ang blade sa bag nito. Walang pasabing sinugatan niya ang braso ko. Maraming dugo ang dumaloy rito.
"Wade!" sigaw ni Caily sa kanya ngunit hindi siya natinag. Hindi niya binitawan ang braso ko at hinayaang dumugo ito.
"Ngayon mo sabihing normal ka," ani nito at masamang tiningnan ako.
May pagtatakang tumingin sa akin si Caily.
"Anong ibig mong sabihin bro?" tanong ni Jeo sa kanya.
"Unang kita ko palang sayo, duda na ako. Marami kang sugat at pasa, pero parang wala kang nararamdaman." Hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko. "Ano ka ba talaga Winona?"
Marahas kong kinuha ang braso ko na hawak niya. Kinuha naman ni Caily ang panyo niya at pinunasan ang dugo sa braso ko.
"Nahihibang ka na ba Wade?! Anong klaseng tanong yan ha?" sigaw na naman ni Caily. Tumayo si Caily at hinila ako. "Let's go Winona."
"Let her confess Caily. This is what you want right?" cold na sambit ni Ryker.
Nag-aalinlangang tumingin sa akin si Caily.
"Congenital insensitivity to pain," maikling sambit ko at umalis sa harapan nila.
Tumulo ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang pumatak. I felt I was betrayed. Inaamin ko na sa maikling panahon na pagkakakilala ko sa kanila, nakuha na nila ang loob ko. Naging panatag ang loob ko na magiging okay ako sa along as kasama ko sila. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung gusto ba talaga nila akong maging kaibigan o hindi.
They can asked me directly, hindi 'yung kailangan pa nilang gawin 'yun. Nagdududa tuloy ako kung bukal ba sa loob nila ang pagtulong sa akin o pakitang tao lang.
Mapait na napangiti ako. Tiningnan ko ang sugat sa braso ko. Malalim ito ngunit wala man lang akong naramdamang sakit. Dahil 'to sa sakit ko. Congenital insenstivity to pain. Hindi ako nakakaramdam ng physical pain. Simula pagkabata, ganito na ako. Kahit gaano pa kalaki ang sugat na mayroon ako, wala akong nararamdamang sakit. At hindi ko alam kung ano ang sakit na tinatawag nila.
££

Book Comment (12)

  • avatar
    Rubie Casuncad

    Ang ganda beh ng storyy and ung pov's nya real life ata to e haha

    16d

      0
  • avatar
    JuarezHermelyn

    very nice 👍

    27/07

      0
  • avatar
    Cindy Ella Amen

    jjjbn

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters