logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6- New life

Alexa
Araw-araw na pumupunta si Maximus sa bahay upang maka-usap ako, pero sinabi ko sa guard namin na hindi na ito papapasukin pa. Isang linggo na rin ang nakakaraan at hindi pa rin ako nakaka-recover sa ginawa niyang panloloko sa akin. Gabi-gabi akong umiiyak dahil sa ginawa nito.
Halos hindi ko na rin maasikaso pa ang project ko sa The Body Figure Clothing Line Company. Mabuti na lang at tinulungan ako ni mommy. May nakatago palang talento si mom sa pag-dedesinyo.
Nandito ako ngayon sa bahay at nakatulala habang pinapanood ko ang mga ibong lumilipad sa himpapawid. "Gusto ko sanang maging ibon na lang, malaya sa lahat." Malungkot kong bulong.
"Pwede ka namang maging malaya, anak." Biglang sabi ni dad. Hindi ko namalayang nakapasok na ito sa silid ko. Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko ito naramdaman sa likuran ko.
"Makakaya ko kaya ito, dad? Ang sakit-sakit parang nawalan na ako ng gana pang mabuhay." Naiiyak kong sabi sa kanya. Mabilis niya akong nilapitan at saka niyakap. Marahang hinaplos ni dad ang buhok ko. Napaka-swerte ko dahil may pamilya akong mapagmahal. Nang malaman nila ang ginawa ni Maximus ay isinumpa nila ang binata. Habang si Niel naman ay pinuntahan si Maximus at binugbog. Sobra akong nag-alala kay Niel, dahil sa ginawa nito kay Max. Kahit naman kasi bunso ito ay very protective ito sa amin ni Brianna.
"Umalis ka muna, magpakalayo ka. Mamuhay ka ng simple at malayo sa magpapaalala sa 'yo sa mga taong nanakit sa 'yo," marahang sabi ni dad, "Magpakalakas ka at kapag kaya munang harapin ang lahat ay bumalik ka na at ipakita mo sa kanilang kaya mong bumangon." Pahayag pa ni dad. Tama si dad, kailangan ko munang magpakalayo at lumimot. Kailangan ko munang paghilumin ang pusong nasugatan.
"Tama po kayo dad, pero saan naman ako pupunta?" tanong ko rito habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ng aking ama.
"Pumunta ka sa Davao, doon sa lugar kung saan una kaming nagkita ng mommy mo. May mga kamag-anak kami roon na pwede mong puntahan." Sabi ni dad sa akin. Dalawang beses pa lang akong nakakapunta sa Davao. Kaya panahon na nga sigurong mag-bakasyon ako at bigyan ng time ang aking sarili.
"Salamat po dad, dahil hindi niyo ako pinabayaan at lagi niyo akong sinusupurtahan." Pasasalamat ko rito. "Mahal na mahal ko kayo, kaya hindi ako papayag na masakatan kayo ng kahit na sino. Sisiguraduhin ko ring magbabayad si Max, sa ginawa niya." Galit na sabi ni dad.
"Hayaan niyo na lang na ako ang gumawa ng paraan upang pahirapan siya dad." Mariin kong sabi. Tumango naman si dad. "Ngunit huwag mong lunurin ang sarili mo sa galit, dahil baka 'yan ang maging dahilan ng pagbagsak mo." Paalala pa nito, tumango na lang ako.
Kinagabihan ay kompleto kaming mag-anak sa hapag. Sinabi ko na rin sa kanila ang plano kong pag-alis. "Mom, alam ko pong kaya niyo nang pamahalaan ang iniwan kong proyekto, kaya ikaw na po muna ang bahala, hanggang sa makabalik na ako." Bilin ko kay mommy.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?" nag-aalalang tanong ni mom. "Opo, mom. Kailangan ko po muna ng new environment at space para makapag-move on kaagad ako." Paliwanag ko pa rito. "Kung alam ko lang na ganoon ang ugali ng lalaking 'yon ay nunka ko siyang palalapitin sa 'yo!" Galit na sabi ni mommy.
"Tapos na po 'yon. At swerte ko na rin dahil nakilala ko kaagad ang ugali niya ng mas maaga." Sabi ko pa. "Tama ka Ate. Idol ko pa naman siya. 'Yon pala ay isang mapagbalat-kayo!" Naiinis na sabi ni Brianna. "Kung hindi mo lang ako inawat, eh di sana hindi lang pasa ang natamo ng gagong 'yon!" Nag-aapoy naman sa galit na saad ni Niel.
"Nag-aalala lang naman ako sa 'yo." Depensa ni Brianna.
"Tama na 'yan. Let's all move on. Ayaw ko nang marinig na pinag-uusapan pa siya rito. He is not a part of this family." Sabi ko sa kanila. Pare-pareho naman silang natahimik.
"Ako na ang maghahatid sa 'yo, gagamitin natin ang private plane para hindi ka ma-trace ng sinoman. Kami lang ang dapat makaalam kung nasaan ka." Maawtoridad na sabi ni dad. Tumango na lang ako.
Bukas na ang alis ko papuntang Davao. Kaya naman ay nag-eempake na ako ng mga gamit ko. Ilang oras na rin akong nag-aayos ng mga gamit ko ng may kumatok sa kuwarto- sa bintana pala nangagaling ang katok. Tumayo ako at saka tiningnan ang nasa bintana. Halos mapasigaw ako sa gulat dahil nakita ko si Max. Mabilis naman nitong natakpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako sa pagkakayakap nito. "Bitiwan mo ako!" Malakas kong sigaw sa kanya. Wala akong pakialam kong makaagaw man kami ng attention ng ibang tao. Mas mabuti nga 'yon dahil may pangahas na pumasok sa silid ko.
"Please, pakinggan mo muna ako." Pakiusap pa nito. "Narinig ko na ang lahat, ano pa ba ang sasabihin mo?" mariin kong tanong sa kanya.
"Mahal kita. Oo nagkamali ako, pero maniwala ka. Mahal kita, Alexa." Sabi nito at may namumuo ng butil ng luha sa mga mata nito.
"Kahit kailan ay hindi na ako maniniwala pa sa 'yo. At talagang binuntis mo pa?" sarkastiko kong pahayag sa kanya.
"Please, patawarin mo ako. Mahal na mahal kita." Sabi niya pa. Naamoy ko ang alak sa bibig nito kaya napaatras ako.
"You're drunk!" Komento ko at saka mas lumayo pa ako. Umiling-iling ito. "I'm not. Kaya please, huwag mo akong hiwalayan. I love you." Muli pa nitong sabi at saka mabilis akong niyakap. Napatili ako sa ginawa ni Maximus. Nagpumiglas ako.
"Let m-me g-go!" Nahihirapan kong sabi dahil sa mahigpit na yakap niya sa akin.
"No! You are mine. Mine alone." Parang nababaliw nitong sabi at sa hindi inaasahan ay bigla niyang sinalakay ang labi ko.
Dahil sa gulat ay hindi kaagad ako nakapag-react. Lapastangan! Sigaw ng isipan ko. Nagsimula nang mag-likot ang mga kamay nito sa katawan ko.
"I can impregnate you too. Just give me another chance." Bulong nito. Dahil sa narinig ay mabilis ko itong itinulak. Nagulat ito kaya naman ay napaatras ito at nabitiwan nito ang labi ko. Isang malakas na sampal ang ipinadapo ko sa pisngi nito.
"Damn you! Ipapakulong kita. I will sue you, and you will rot in jail!" Malakas kong sigaw. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa kuwarto ko. Napalingon ako sa pintuan ko. Naging malikot naman ang paningin ni Max.
"Babalik ako. Babalikan kita." Pangako pa nito bago tinungo ang bintana kung saan ito dumaan kanina. Ilang sandali pa ay nawala na ito sa paningin ko. "Wala ka ng babalikan pa," bulong ko.
"Alexa! Are you okay?" malakas na tawag ni dad sa akin at kinatok pa nito ang silid ko.
"Y-yes dad!" Sagot ko rito. Muntik pa akong mautal.
"Okay. May narinig kasi akong sigaw mula rito kaya akala ko napaano ka na. Good night, baby." Sabi ni dad. "Good night too, dad." Sabi ko naman.
Nahahapo akong napa-upo sa aking kama.
I can't believe na magagawa 'yon ni Max. Ang layo ng Max na nakilala ko sa nakikita ko ngayon. Tama nga ang naging suhestiyon ni dad. Kailangan kong lumayo. Lalong-lalo na at may pagbabanta mula kay Max.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kailangang maaga kaming makalipad papunta sa Davao. Nakahandan na ako maging ang mga gamit ko. Hinila ko na ang maleta ko. Inilibot ko muna sa kuwarto ko ang aking paningin. Mami-miss ko 'to. Lahat ng bagay rito sa mansion ay mami-miss ko rin. Napa-buntong-hininga ako. Akala ko ay magkalaroon ako ng happy ending katulad nina dad at mom. Ngunit mukhang mali ata ang lalaking napili ko. Humakbang na ako palabas ng aking silid. Hila-hila ko na ang maleta ko at nasa sala na ako ngayon. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni mom.
"I will miss you, anak. Hindi ko alam na malalayo ka sa amin." Malungkot na sabi ni mom. Pinipigilan nitong maging emotional, ngunit nang yakapin niya ako ay bumuhos na kaagad ang mga luha sa mga mata nito.
"Don't cry, mom. Aalis ako upang maging matatag. Ipagdasal mo na lang na maging maayos ako sa aking patutunguhan." Pagpapatatag ko sa aking ina. Ngunit maging ako man ay umiiyak na din.
Nakita ko ring nagpahid ng mga luha si Brianna at maging si Niel. I will miss them too.
Mabilis silang lumapit sa gawi ko at niyakap nila ako. "Magpakabait ka roon, Ate." Bilin ni Brianna. Natawa naman ako. "Mabait naman ako. Dapat sa 'yo ko sinasabi 'yan." Saad ko. Umirap naman ito.
"Ate, alagaan mo ang sarili mo. Kapag may problema ay tumawag ka kaagad sa akin." Bilin naman ni Niel sa akin.
"Opo, Kuya!" Biro ko rito. Napasimangot naman ito.
"Tama na 'yan. We should go now." Sabi naman ni dad. Nginitian ko sila. Gusto kong maging matatag sa pagbabalik ko. At ayaw kong mag-alala sila sa akin. "Mag-iingat ka, anak." Bilin ulit ni mom.
"Kayo rin. Mami-miss ko kayo. Mom, kaya mo na po ang pamamalakad sa Magical Designer Company." Sabi ko kay mom. Tumango lang ito sa akin. "Aalis na kami. Don't worry to much, Bhe." Sabi ni dad at hinalikan na si mommy.
Sumakay na kami ni dad sa private plane namin. Medyo kinakabahan ako sa bagong buhay na kahaharapin ko. Tahimik kaming sumakay ni dad. Ni hindi kami nag-iimikan na dalawa. Mga isang oras lang naman ang magiging biyahe namin.
Ilang sandali lang na namayani ang katahimikan sa amin ni dad. Nilingon niya ako at nagsalita ito.
"Sa Tita Gail mo muna ikaw tumira, alam mo namang isa lang ang anak noon at nasa malayo pa ang asawa nito. Mas magiging komportable ka rin sa kanya dahil close naman kayong dalawa." Sabi ni dad sa akin.
Si Tita Gail ay kapatid ni daddy, at nag-iisa lang itong anak na babae. Sa Davao na ito naka-assign bilang isang magiting na police.
Matagal na rin kaming hindi nagkikita na dalawa. Tanging sa social media lang kami nagkaka-usap o di kaya ay tumatawag ito sa landline ng mansion.
"No problem, dad. Maghahanap muna siguro ako ng mapaglilibangan doon." Sagot ko naman kay dad. Nilingon ako ni dad at tinitigan.
"Live your life to the fullest, anak. Be a bird that you wish for and be free. Nandito lang kami para sa 'yo." Madamdaming saad ni dad. Ayaw ko na sanang umiyak dahil halos gabi-gabing bumubuhos ang luha ko sa tuwing naaalala ko ang panloloko sa akin nina Maximus at Bettina. Hanggang ngayon ay masakit pa rin. Hinawakan ko ang kamay ni dad at niyakap ito. "I will. My heart will be free soon. At babalik akong matatag." Matapang kong saad dito.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa mga bisig ni dad.
Naramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kinusot-kusot ko muna ang aking mga mata at tiningala si dad. "We're already here." Imporma nito.
Umayos ako nang upo at saka ngumiti.
"I have a good vibe here, dad. Sigurado akong mag-e-enjoy ako rito." Sabi ko sa aking ama na ngayon ay nakikita ko ang pag-aalala sa kanyag mga mata.
"Huwag na huwag kang gumawa ng kalokohan. Lalaki lang 'yan. May mahahanap ka pang iba na mas mahahalin ka at hindi ka sasaktan. Tandaan mo sa pagmamahal ay kailangan tayong maging handang masaktan." Payo naman ni dad sa akin.
"Lagi ko po 'yang tatandaan." Sagot ko rito.
Bumaba na kami sa private plane namin at mabilis na sumakay sa kotseng sumundo sa amin. Hindi kami na-sundo ni Tita Gail dahil may importante itong meeting na pinuntahan.
Habang nasa biyahe ay inilibot ko ang aking paningin sa labas ng bintana. Ang ganda ng paligid. Hindi katulad sa Manila ang traffic dito.
"Dad, gusto kong pumunta sa lugar kung saan lumaki si Lola Elsa." Sabi ko kay dad na hindi man lang umimik. "Sure. Pasasamahan na lang kita sa mga pinsan mo." Sagot naman nito.
"Dad, huwag na po. I can manage myself. Malaki na po ako." Ngiti ko rito.
"Ikaw ang bahala, anak." Sang-ayon agad ni dad.
Halos dalawampung-minuto lang ang biniyahe namin at nakarating na kaagad kami sa bahay ni Tita Gail. Excited na akong makita siya. Pero sabi ni dad ay mamaya pa ito uuwi mga bandang hapon. Nang makalabas ako sa kotse ay langhap ko kaagad ang sariwang hangin dito sa probinsya.
"Wow! Ang ganda po rito!" Bulalas ko.
"Talagang magugustuhan mo rito." Saad ni dad at katulad ko ay inilibot din nito ang paningin sa buong paligid.
Napapalibutan ng mga iba't-ibang klase ng punong-kahoy.
"Halika na at gutom na ako." Yaya sa akin ni dad. Sumunod kaagad ako rito. Pagpasok namin sa loob ay bigla nalang may nagpaputok ng confetti. Nagulat naman ako. "Surprise!" Malakas na sigaw ng nasa paligid. Napangiti ako, unang tapak ko pa lang ay nawala na kaagad ang dala-dala kong problema. "I thought you have an important meeting, Tita?" Nakangiti kong tanong dito. Mabilis naman akong niyakap ng Tita Gail ko, ni hindi man lang nito sinagot ang aking tanong.
"I missed you." Sabi nito at parang maiiyak pa. Ayaw ko nang umiyak kaya naman ay biniro ko na lang si Tita. "May pulis bang umiiyak?" biro kong tanong dito. "Hindi naman bawal umiyak eh!" Nakalabi nitong pahayag.
"Thank you for this, Tita. Ngayon pa lang ay excited na akong maglibot sa magagandang tourist spot dito." Sabi ko sa kanya.
"Sure, kapag hindi ako busy ay ako mismo ang maglilibot sa 'yo. Or pwede ka namang samahan ni Hailey, your cousin." Pahayag pa nito habang iginigiya ako papunta sa dining area.
"Where is Hailey, Tita?" Tanong ko sa kanya. "I'm here, cous!" Matinis na boses ni Hailey.
Magkasing-edad lang naman kami ni Hailey. "Hi cous! Long time no see." Bati ko sa kanya, sabay yakap. "Don't worry, cous. Marami akong kilalang mga hot papa's dito sa Davao. Dili jud ka mag-mahay sa pag-anhi nimo dire." Sabi nito hindi raw ako magsisisi sa pagpunta ko rito. Wikang bisaya kasi ang ginamit niya.
Marunong naman kaming mag-bisaya dahil sa bahay ay nag-bibisaya sina Lolo at Lola. "Sure. Mang-hunting tayo ng mga hunk papas!" Sabay ko sa biro nito.
"Hailey, huwag mo ngang sulsulan 'yang pinsan mong brokenhearted!" Saway ni Tita rito.
"Si Tita naman, kung maka-brokenhearted." Nguso ko rito. Napahalakhak naman ito.
Marami pa kaming pinag-kwentuhan nila Tita Gail at Hailey. Nang makaramdam ng pagod ay mabilis na muna akong nagpaalam sa kanila na magpapahinga muna ako. Mabilis namang pumayag si Tita Gail at pinasamahan ako kay Hailey sa magiging kuwarto ko.
Nang makapasok sa loob at mapag-isa na lang ako ay hindi ko na naisip ang mga naiwang problema ko sa Manila. "I will explore my new life here in Davao." Bulong ko sa sarili ko.

Book Comment (122)

  • avatar
    Hasan Malingawa

    My gosh! Ang sakit ng sinapit ni Alexa. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa siyang naloko. Naiyak talaga ako. Basahin niyo na po at super ganda at worth it talgang basah.

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Jolaysa Tamay

    Awesome story. I just finished reading, nakakakilig, nakakatawa, nakakainis, nakakagalit... lahat na nang emotions ay nandon... Nice story... I love this.. Basahin niyo na at di kayo magsisisi 🤗

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Ayesa Sabares

    so beautiful for story

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters