logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Fury

Fury

Lab Berry


Chapter 1: Hybrids of Beryllus

"TEAM CAPTAIN Sardonyx of Felidae got another medal again. For another death and life beget of Alpha position, will he still be able to take the lead?"
The sun was already setting, and my steps were making noises as I unknowingly crash every single fallen dead leaves drifted like autumn against the Northern Wilds of Fatum Kingdom.
Kahit anong iwas ko sa mga dahon na nalalaglag ay hindi ko magawa dahil kahit saan ko iikot ang aking paningin ay malulutong na patay na dahon ang aking nakikita. Nalalapit na ba ang taglagas? Bakit naglalagasan na ang mga dahon? Ang akala ko'y ang nalalapit na panahon ay taglamig.
Hindi ko rin mapigilang mapatingin sa mga nakapaskil sa mga puno. Karamihan sa mga ito'y balita tungkol sa nalalapit na Alpha cup. Ang team Felidae at Canidae ang palaging nangunguna, at ngayon nga'y may nakuha na namang medalya ang kapitan ng team Felidae.
"You are too popular," bulong ko sa litratong nakapaskil sa punong aking nahintuan. Tinanggal ko iyon sa puno at pinunit ang maliit na litrato ng lalaking noon pa man ay hinahangaan ko na dahil sa taglay nitong anyo.
"Sa bulsa kita." Nakangiti kong saad nang tuluyang makuha ang litrato nito, itinupi ko iyon at inilagay sa aking bulsa. Pagkatapos ay kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagbaybay sa Norteng bahagi ng kagubatan na kinaroroonan ko.
Maghapon na akong nasa gubat, hindi ko rin alam kung gaano na ang layo ko sa Heimdall, sa aming bayan. Ang gusto ko lamang ay mahanap ang nawawalang tupa ng aking Ama lalo pa't talamak ang nakawan ngayon, aabutin na ako ng gabi ay hindi ko parin iyon nahahanap at nangako akong hindi ako uuwi nang hindi bitbit ang tupa na iyon.
Maigi akong napatago sa isang puno nang makarinig ng kaluskos. Nang lingunin ko ang bahaging kinaroroonan niyon ay nangunot ang noo ko nang makakita ng isang usang nagtatago, malamang ay hinahabol na naman ito ng kung sino-sino. Kung hindi tao, mga kalahating tao.
Yes, half-humans and half animals do exist in Beryllus, they are found in Animahomo continent. They are probably stronger than normal humans or even peculiar humans in terms of natural or in born strength, they are beyond their limits, and there is something more running in their veins for they are different from any other. Their features are of humans, but they morph into their own kind.
My sword created a noise making the deer suddenly look at me. Ganoon na lamang natunaw ang puso ko nang tumakbo ito papunta sa akin na animo'y naghahanap ng kakampi. Deers are the number one preys of whatever creatures with fangs in Animahomo continent. At ayoko na sanang makialam pa dahil natural naman silang pagkain, ngunit nang lumapit ito upang humingi ng animo'y tulong sa akin ay talagang natunaw ang tila nagyeyelo kong puso.
Sa isang iglap lamang ay napaatras ako kasabay nang isang malakas na atungal. Ngunit nangunot ang noo ko dahil ang tinig niyon ay tila hindi naghahabol, kundi hinahabol. It only means animals here are being hunt by a group, probably humans. It's funny how humans hunt animals for food, and so animals attack them to defend themselves. Who's at fault then?
Dumagundong ang puso ko nang makarinig nang isa pang atungal na animo'y sumagot sa unang atungal na tumawag. Kinuha ko ang usa at itinago sa punong kinaroroonan ko, maigi akong sumilip mula sa puno at ganoon na lamang nanlaki ang aking mga mata nang makita ang grupo ng mga tao na hinahabol ang isang ligaw na tigre. Tumambol ang puso ko sa pangamba, hindi alam ng mga taong ito kung ano ang hinahabol nila at ano ang ginagawa ng hayop na pakay nila.
They thought they are hunting the prey down, but they are actually the one being hunt. They have no idea how surrounded they are with wild animals around. At hindi nga ako nagkamali nang magsilabasan ang iba't-ibang uri ng hayop kasabay ng paghinto ng tigre na hinahabol nila.
Nakita ko ang guhit ng takot sa mukha ng mga taong iyon, alam nilang naisahan sila sa parteng iyon. At alam rin nilang wala na silang laban dahil patuloy na nagsisilabasan ang mga hayop sa iba't-ibang parte ng gubat.
The hunters looked so dumbfounded, "Hindi nga ako nagkamali. Ibang klase ang mga hayop sa lugar na 'to."
"P're, pa'no na?" Dinig kong tanong niyong isa, "Hindi ko naman alam na napakarami palang ligaw na hayop dito."
"Hindi rin sila mukhang ordinaryong hayop, P're. Ewan ko, kakaiba."
"Maghanda lang kayo." Sagot naman niyong isa.
Napalingon ako sa likod na bahagi ng mga taong iyon, at ganoon na lamang kabilis na gumuhit ang gulat sa aking mukha nang makita ang isang leon na mabilis na tumatakbo upang dakmain ang mga kawawang mortal. Umigting ang pagkakadiin ng aking mga ngipin, maging ako'y nalito sa dapat kong gawin. Ngunit hindi ko rin pwedeng pabayaan ang mga taong nagkamali ng kanilang pinuntahan.
Binitiwan ko ang usa at pinanuod ang mabilis na pagtakbo ng leon. Maigi kong inihanda ang lumang espadang bigay ng aking Ama at walang pasabing lumabas sa aking pinagtataguan. Lumikha ako ng tunog dahilan upang mapalingon sa akin ang lahat, ngunit hindi naalis sa leon ang aking paningin na isang daang metro na lamang ang layo sa mga tao.
"A-anong?"
"P-pre, nakikita mo ba 'to?"
"Bakit ang bilis niyang tumakbo?" Tukoy ng mga tao sa akin, nasisiguro kong nasa akin na ang kanilang paningin.
Are they really hunters? Or they are just lost?
Kasabay ng pag-atungal ng leon ay ang pagkawala ng malakas kong tinig, "Enough!"
Ngunit hindi sapat ang pagsigaw kong iyon upang mahinto ang leon. Pinanayuan ako ng buhok sa katawan nang makitang naghanda na rin sa pag-atake ang mga hayop na nakapaligid. Itinaas ko ang aking espada at naghanda ng isang mataas na talon.
Kasabay ng pagtalon ng leon ay ang akin ring pagtalon. Our movements seemed to agitate in a slow motion. The lion roared in anger the moment it turned its gaze on me, and in a swift motion where everybody was looking only at the lion and I, I drew my sword to dug it on the ground and the land suddenly began shaking when I hit the ground making everyone take a step back.
Sabay kaming bumagsak ng leon, ang mga kuko nito ay maiging nakabaon sa lupa habang ang aking espada naman ay matalim na nakatarak sa lupa. Sinyales na parehas kaming agresibo. Kitang-kitang ko ang galit sa mukha ng leon, animo'y hindi nagustuhan ang ginawa kong pang-aabala.
"Enough!" Sigaw ko pa habang hinaharangan ang mga taong hindi makapaniwala sa aking likuran.
"M-miss, de-delikado ang mga yan!"
"Tama ba 'to? Nasa likod tayo ng isang babae?"
"Wag na kayong magreklamo!" Sigaw ko at hinugot ang aking espada mula sa lupa.
Ganoon na lamang ako napasinghap nang gumawa ng isang atake ang leon na hindi ko inaasahan. Kaya naman hindi ko pa tuluyang naaayos ang pagkakahawak ng aking espada ay tumilapon ako sa lupa kasama ang mga tao sa aking likuran. Ngunit mabilis rin akong bumangon at naghanda.
Napangisi ako, dahil ang leon na nasa aking harapan ay tuluyan nang naging tao. I didn't saw how he morphed, he just suddenly transformed into a human being that made the humans behind me shocked even more.
"A-ano?" Hindi makapaniwalang saad ng mga tao sa aking likuran, "Nakita mo 'yon?"
"Naging tao siya?"
The lion guy stretched his arms while heeding towards our direction, "I really hate girls." Aniya at inikot ikot pa ang mga braso.
Nahiwa ang mga hayop sa paligid nang unti-unti ang mga itong umatras.
Matalim akong napalingon sa mga tao, "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo palayo."
"Ano?"
"Wag na kayong magreklamo!" Sigaw ko at muling hinarap ang lalaking walang pang-itaas. Lantad na lantad sa akin ang matipuno nitong katawan, siguro'y isa siya sa mga elite sa Kaharian. Kitang-kitang iyon base sa kaniyang hitsura, isa siya sa mga hindi dapat na binabangga ng mga tulad kong isang normal na mamamayan lamang. Ngunit wala akong pakialam, nasimulan ko na, hindi na ako pwedeng umatras.
"Mga kalahating tao!" Takot na sigaw niyong isang mortal na hindi parin makapaniwala, "Anong? Totoo ba 'tong nakikita ko?"
"Yes, humans we exist." Nakangising saad niyong lalaking leon.
"Enough, please." I interrupted again making the guy glanced at me in anger.
"And who the hell are you to tell me what to do?"
"Wala kang pakialam, pero pakiusap hayaan mo na sila."
Ngumisi ang lalaki sa akin, "Oh really-"
"Shou, we need to go. Balikan mo nalang ang mga yan, hindi tayo pwedeng mahuli. Malapit na ang incursion, tara na!" Singit ng isang lalaking kanina lamang ay tigre.
"Ano 'to?!" Napapitlag naman ako sa sigaw ng taong nasa likod ko.
"Be thankful this isn't my free time or you'll be dead." Nakangising saad niyong Shou at kunot-noong tumalikod saka patakbong umalis nang hindi nagta-transform.
Sunod-sunod namang nawala ang mga hayop sa paligid namin. At nang tuluyan nang mawala ang mga ito'y napalingon ako sa mga taong gulat na gulat parin.
"Umalis na kayo bago pa sila bumalik. Hindi na kayo sigurado kung palalampasin pa nila ang sunod ninyong pagkikita." Saad ko.
"Sino ka?"
Umirap ako, "And please be careful of what you hunt next time. You may thought you found a prey but with those guys, you are the prey."
"A-ano ka?" Hindi parin nito makapaniwalang saad.
Iwinasiwas ko ang aking espada at ibinalik ito sa lagayan bago matalim na lumingon sa mga tao.
"Hybrid."
"Hy-hybrid? Totoo kayo?"
Ngumisi ako, "Yes, humans. We exist, we are the hybrids of Beryllus. Now go."
Hindi na nagtanong pa ang mga taong iyon, mabilis silang nagsitakbuhan palayo. Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nakarinig ako ng sigaw na ikinangiti ko.
"Salamat, binibini!"
Hindi na ako lumingon sa kanila. Tuluyan nang nawala ang araw, at ang kailangan ko na lamang ngayong gawin ay ituloy ang aking pakay. Hahanapin ko lang naman talaga ang tupa, ngunit hindi ko rin maiwasang ipagtanggol ang mga naaapi sa Norte. Bagay na bihira sa lahat, dahil sanay na ang bawat isang mahinhin ang mga babaeng kumilos. Ngunit iba ako, at nais kong patunayan sa bawat isa na kaya ng mga babaeng gawin ang matitigas na bagay na nagagawa ng mga lalaki.
I wonder what would those people do now that they know we exist. Yes, hybrids exist. I am a hybrid.

Book Comment (60)

  • avatar
    Lanie Pecson Orgas

    ggs

    1d

      0
  • avatar
    Hayati Umaiza

    very nice story

    26d

      0
  • avatar
    Ikaw Lng Sapat Na

    nice

    16/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters