Mga alas-tres na ng hapon araw ng biyernes, agad akong nagtungo sa ancestral house pagkatapos kagagaling ng ospital. Nauna ako kina Geoff, Antoinette, at Marie dahil mag-grogrocery pa sila sa supermarket malapit lang naman sa kabilang kanto ng aming apartment. Habang ako’y naglalakad patungo sa ancestral house biglang sumingit sa aking isipan ang aming pinag-usapan ng aking kapatid noong nakaraang araw. Habang naglalakad ako pauwi sa aming apartment, bigla na lang nagri-ring ang aking phone sa bulsa. Tumawag pala ang aking kapatid. “Ate, so ano na? Natapos mo na ba ang aking assignment?” tanong niya. Agad naman akong napabuntong hininga. “Hindi pa. Hahanapin ko pa kasi ang libro na iyong sinasabi sa akin. Ano nga ‘yung pangalan ng libro?” tanong ko sa kaniya. “Hmmm. Basta ang sabi ng prof ko parang luma na ‘yung libro at makapal daw. Sandali lang.” sabi niya sa akin. Hinintay ko siya ng ilang minuto at pagbalik niya, “Ate, ang pangalan ng libro ay Historia de Iloilo. Matatagpuan mo lamang ito sa Castellana’s mansion diyan.” sabi niya. Napataas naman ang aking kilay. “Castellana’s mansion?” “Oo. ‘Yan daw ang pinakamalaking mansion sa panahon ng mga espanyol sa Iloilo. Pero isa na itong ancestral house at naging isa rin itong library ng siyudad.” Sa binanggit niyang ‘yun napa-isip na lang ako na baka ang ancestral house na kakagaling ko lang kanina ang tinutukoy niya. Mukhang nabunutan na ako ng tinik sa aking ulo. “Alam ko na kung saan matatagpuan ang sinasabi mong mansion, Fauna.” sabi ko na nakangiti. “Talaga? Mabuti naman. Kaya bilisin mo na at ipasa mo sa akin agad ang mga infos para ma-print ko na.” sabi niya na may bahid ng kasiyahan sa kaniyang tono. “Hoy! Ang demanding mo ha? Eh, sa Wednesday mo pa ipapasa ‘di ba? Excited much?” sabi ko sa kaniya. “Sige na. Babalik pa ako sa aming apartment. Bye!” sabi ko hanggang sa nag-end call na kami. “Historia de iloilo…” bulong ko habang pinaulit-ulit ito sa aking isipan. Kailangan kong magmadali kasi hanggang alas-singko lang magsasara ang library ng ancestral house according kay doc Matthew. Binilisan ko ang aking paghakbang upang makarating ‘dun. Mga halos 30 minutes ‘yung paglalakad ko mula ospital at laking pasasalamat dahil narating ko na rin ang nasabing ancestral house. Napayuko ako sa sobrang pagod at nakatingala sa harapan nito. Maganda ang architecture ng mansion. Dahil hindi pa masyadong madilim ang paligid, makikita mo ang mga kakaiba nitong mga ukit at istilo ng magandang mansion. Ngayon ko lang din na-appreciate ang kagandahan nito. Sa harapan ng mansion, may munting hardin ito ng mga iba’t ibang bulaklak at may lumang fountain din ito sa gitna na hindi umaandar. Kahit gaano na kaluma ang mansion, hindi ito pinapabayaan ng mga tao. Nananatili itong malinis at kaaya-aya hanggang sa darating na mga henerasyon. Nang papasok na sana ako sa mansion, nakita ko na lang bigla ang naka-ukit na letra sa gintong bakal ng gate nang tumingala ako sa itaas. Kahit na pinalilibutan ito ng mga baging ay nababasa ko pa rin ito. “La casa de los aprendizajes de Castellana” sabi ko sa aking sarili. Ito na nga ang sinasabi ni Fauna na Castellana’s mansion. “Ano kinahanglan mo ma’am? (Ano kailangan mo ma’am?)” tanong sa akin ng guard mula sa aking likuran. Mukhang hindi ko siya napansin kanina. Napa-isip ako agad at mukhang nakuha ko naman ang kaniyang sinabi. “May hulamon lang ko nga libro sa library, manong (May hihiramin lang akong libro sa library, manong)” sabi ko na nakangiti. Mukhang nakumbinse ko naman siya at agad niya akong pinapasok sa loob ng gate at hinatid sa harapan ng malaking pinto ng mansion. “Asta lang ta mga alas-singko ma’am sa library, ha? (Hanggang alas-singko lang ma’am sa library, ha?)” sabi ng guard sa akin at agad akong napatango. Iniwan niya na ako sa harapan ng pinto at agad ko namang binuksan iyon. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang napakalawak na espasyo ng mansion. Marami itong mga lumang kagamitan na nakadisplay sa gilid at mga lumang paintings na nakasabit sa malawak na dingding. May mga lumang chandeliers din ito na nakahelera sa malawak na kisame at ang mga naglalakihang mga bintana ay tinatabunan ng mga malalapad na kurtina na kulay pula. Nagliliwanag din ang buong paligid dahil sa mga ilaw na nakasabit sa mga dingding. Mayroon din itong dalawang malalapad na hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Malayo ito sa aking harapan kaya pumunta ako roon. Ang isang hagdan ay patungo sa kaliwang parte kung saan matatagpuan ang nasabing library at ang isang hagdan naman ay patungo sa kanang parte kung saan makikita ang napakaraming kwarto ngunit ipinagbawalan na hindi ito maaaring pasukin ng sinuman. Halos lahat ng pintuan ng kwarto ay may naglalakihang kandado maliban sa isa. Napa-isip ako sandali at naalala ang sinabi ni doc Matthew na may art room dito sa loob ng mansion. Baka ang kwartong ‘yun ang sinasabi niyang Art room! “Diin ka makadto, ma’am? (Saan ka pupunta, ma’am?)” tanong bigla ng isang guard na kakarating lang galing labas. Napaharap naman ako sa kaniya at sinabing, “Diin ang library? (Nasaan ang library?)” tanong ko kahit na alam ko naman kung nasaan ‘yun. Tumingin siya sa akin. “Ang library diyan lang ma’am.” sabay turo sa kaliwa ng ikalawang palapag ng mansion. “Indi ka guid magkadto diyan sa pihak kay bawal. (Huwag kang pumunta sa kabila dahil bawal.)” sabay turo naman sa kanan. Napatango na lang ako sa guard at agad umakyat na sa hagdan. Pero talagang nacu-curious akong malaman kung may ano ba sa loob ng mga nakandadong kwarto. Agad akong lumingon ulit pero huli na pala dahil naka-alis na ang guard. Sayang! Napatingin ako sa aking relo at nakikitang mag-aalas kwatro na pala. Kailangan ko nang bilisan. Nang dumating na ako sa loob ng library, langhap na langhap ko talaga ang kalumaan ng mga libro na nakapalibot sa akin. Ang library ay malawak at may nagtataasang mga bookshelves sa aking paligid na aking ikinamamangha. May mga lumang chandeliers din na nakahelera sa kisame at makikitang napakaraming libro na halos ay nagtutumpukan at mukhang aabot pa ang mga ito sa kisame ng kwarto. Napanganga na lang ako sa aking kinatatayuan. Paano ko na lang hahanapin ang nag-iisang libro sa ganitong karaming libro sa aking paligid? Paano ko ito uumpisahan? “Good afternoon, miss. May I help you?” sabi ng matandang lalaki na nasa aking likuran. Nasa 60’s na siguro ang kaniyang edad, kalbo at may suot siyang maliit na salamin. Baka siya ‘yung librarian na dapat ko sanang hahanapin. Mabuti na lang dahil nandito na siya. “Ah, sir may hinahanap po kasi akong libro. Historia de Iloilo ‘yung pamagat.” sabi ko na lang sa kaniya. Napangiti naman siya nang marahan. “Mukhang interesado kang malaman tungkol sa kasaysayan ng lalawigang ito.” sabi niya sa akin habang naghahanap ng libro sa mga nagtataasang mga bookshelves. “Mukhang hindi ka taga-rito, hija.” sabi niya pa nang humarap siya sa akin. Medyo nabigla ako sa kaniyang sinabi. “Uhm. Opo. Taga-Maynila kasi ako, sir.” sabi ko. Napangiti naman ang matanda. Kasalukuyang naghahanap siya sa mga lumang bookshelves na matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng silid-aklatan. Medyo makakapal ang mga alikabok dito at may mga sapot pang nakasabit. Napangiwi na lang ako sa aking nakikita. Takot pa man ako sa mga gagamba. Habang abala ang matanda sa paghahanap, napatanong naman ako sa kaniya. “Wala po ba kayong kasama rito, sir?” “Mayroon, hija. Kaya lang nauna na silang umalis dahil may pupuntahan pa sila.” ani nito. Sandali akong napabuntong hininga at saka nilibot ang aking paningin sa kung saan-saan. Hindi ko mabilang kung ilang libro ang nasa loob ng malawak na library na ito. Ang ibang mga lumang libro ay nasa gilid lamang at mukhang puno na ito ng mga sapot ng gagamba at pinaninirahan din ito ng mga insekto. Nang namalayan kong papunta na sa akin ang matanda, napaharap ako sa kaniya at saka napangiti. Sa wakas ay nakita na niya ang aking hinahanap. “Heto na hija ang libro…” sabi niya habang ibinigay sa akin ang makapal na lumang libro. “Pag-iingatan mo ‘yan hija. Napakahalaga ng librong ‘yan. Noong isang araw ay may tao ring humiram ng ganiyang libro. Nakalimutan ko na kung sino siya at medyo mahina na ang aking memorya.” dagdag nito habang nakatalikod siya papunta sa mesa upang umupo. Sinundan ko naman ang matanda at saka umupo rin sa kaniyang tapat. “Gaya mo, hindi rin ako taga-rito. Lumaki rin ako sa Maynila kasama ang aking kapatid. Napadpad lang ako rito dahil sa aking tiyo na isang propesor ng kasaysayan sa unibersidad ng lalawigang ito. Isa rin akong guro na nagtuturo ng literatura sa kung saan nagtuturo rin ang aking tiyo. Pero ngayon isa na akong tagapangasiwa at naging librarian ng silid-aklatan na ito. Kahit papaano’y masaya pa rin ako.” sabi niya sa akin. Tiningnan ko na rin ang libro na hawak-hawak ko ngayon. Makapal ito at lumang-luma na ang bawat pahina nito. Ang book cover naman ay kulay kape dahil sa katandaan at medyo gunit-gunit na rin ito. “Iba’t ibang bersyon ang paglalahad ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Iloilo ngunit ang libro na ito ang pinakatanyag at patuloy na ginagamit ng mga propesor sa pagtuturo. Ngunit ang libro na ito ay nag-iisa na lamang.” patuloy niya. “At ang libro na ito ay galing pa sa aking lolo na isa ring propesor noon. Kung mapapansin mo sa mga libro ngayon tungkol sa kasaysayan ng ating bansa, lahat ng mga impormasyong nailagay ay galing pa sa iba’t ibang panig ng probinsiya na pinagtagpi-tagpi at pinagsama-sama upang maging isa. At kung tungkol naman sa kasaysayan ng lalawigang ito ay pinagbabasehan din ang librong ito.” dagdag niya rito sabay tapik sa libro na hawak-hawak ko. Mukhang marami akong natutunan sa kaniya. Napatingin naman ako sa aking relo at nakita na mag-aalas singko na pala. Mukhang kailangan ko nang umalis. “Naku, kailangan ko nang umalis, sir. At saka sa lunes ko na lang ito ibabalik. Marami pong salamat.” sabi ko habang nakatayo na sa aking kinauupuan. Napatayo na rin ang matanda. “Anong oras na ba, hija?” “Mag-aalas singko na po. Mukhang magsasarado na rin kayo, sir.” sabi ko sa kaniya. Napatingin din siya sa kaniyang relo. “Mag-aalas singko na nga. Mauna ka nang umalis dahil may tatapusin pa ako rito. Susunduin lang ako ng aking anak mamaya.” ani niya. Napatango na lang ako at saka napangiti. Nasa pintuan na kami ng library at muli akong nagpaalam sa kaniya. Nang bumaba na ako ng hagdan ay nahagip ng aking paningin sa mga nakandadong kwarto na nasa aking kaliwa lalo na sa kwartong walang kandado malapit sa babaan ng hagdan. Napahinto naman ako sa pagbaba. Hindi ko alam ngunit parang may nag-uudyok sa akin na lapitan ito. Napansin ko rin na parang bukas pa ang pintuan nito at medyo may naririnig pa akong mahinang musika galing doon. Mukhang may tao nga. Aakyat sana ako pabalik upang makita kung sinong tao ang naroroon ngunit may tumawag sa akin mula sa ibaba. “Ma’am, alas singko na. Puli ka na. (Ma’am, alas singko na. Umuwi ka na).” sabi ng guard. Wala naman akong magawa kundi bumaba na lang at saka lumabas na ng mansion. Nagtataka talaga ako kung sino ang taong iyon at bakit siya lang ang puwedeng makapasok ‘dun. Sayang! Gusto ko pa naman makita ang sinasabi ni doc Matthew na art room. ********** Dumating na ang araw ng Sabado at kaming apat ay excited na sapagkat first medical mission namin ito sa lalawigan. Maaga kaming umalis galing sa aming apartment at diretso kaming pumunta sa ospital. Mag-aalas sais pa lang pero marami na kami sa labas ng ospital. Dito muna kami maghihintay habang nag-aabang sa pagdating ng aming clinical instructors at sa sasamang staffs. Habang nagtatayuan kami sa labas ay may dumating na kotse at diretso itong nag-park sa aming gilid. Natauhan kaming apat kung sinong tao ang lumabas mula sa kotse. Si Dr. Matthew Casquejo lang pala! “Good morning, interns.” sabi niya habang nakangiti. Halos lahat ng mga kasama naming interns ay napanganga at napamangha sa kaniya. Iba talaga ang kamandag ni doc. “Ang gwapo talaga ng aking asawa.” sabi ni Geoff na nasa aking tabi habang siya’y nakanganga. Nagshi-shining, shimmering, splendid na naman ang kaniyang mga mata. “Hoy, Geoff! ‘Yung laway mo tumutulo na!” sigaw naman ni Antoinette sabay hampas sa balikat ng bakla. Natauhan na rin si Geoff at saka hinampas din ang braso ng kaibigan. “Kahit kailan panira ka ng moment, bruha!” Pero pinandilatan lang siya ni Antoinette. Ilang oras din ang aming biyahe papunta sa bayan ng Anillo. Sumakay kami ng van galing ospital at ang iba naman ay sumakay sa ambulansya. Nang dumating kami ‘dun ay agad kaming dumiretso sa loob ng gym at nakikitang maraming tao ang pumipila. Agad naman kaming nag-ayos ng aming mga gamit at mag-uumpisa na. Magtatapos na rin kami at mukhang wala nang pumipila para magpa-check up kay doc. Agad kaming inanyayahan ng mayor para kumain ng tanghalian sa loob ng gym mismo at agad naman kaming sumunod. Bago ako sumunod sa kanila ay inayos ko pa muna ang aming mga gamit at inilagay ang mga iyon sa loob ng ambulansya. Nung ilalagay ko na sana ang mga gamit ‘dun ay bigla na lang ako nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig. Napanganga na lang ako nang tumilapon ang lahat ng mga gamit na dala ko. Naku, mukhang mapapagalitan ako ng aming staff. Pero mabuti na lang dahil walang may nakakita sa akin. Pupulutin ko na sana ang mga gamit nang may tumulong sa akin na isang babae. Mukhang nasa late 20’s siya. Maganda at may mahahabang kulot na buhok. Pagkatapos niya akong tulungan ay agad naman akong napangiti sa kaniya. “Naku, maraming salamat.” sabi ko sa kaniya pero bigla na lang nawala ang aking ngiti nang tumingin siya nang seryoso sa akin. “Tutulungan mo ako ‘di ba?” sabi niya. Tinapik niya pa ang mga kamay nito sa aking balikat. Nararamdaman kong nanginginig siya sa takot. Nangamba naman ako tuloy sa kaniya. “Uhm, miss. Katatapos lang namin kasi. Kung gusto mo kakausapin natin si doc. Sandali lang.” At tuluyan ko siyang iniwan sa aming kinatatayuan. Nakikita ko siyang parang ang lalim ng kaniyang problema. Nanginginig siya sa takot at mukhang malungkot din. “Doc!” tawag ko naman kay doc Matthew nang mag-uumpisa na sana siyang kumain. Nang bumalik na ako sa aking pinanggalingan kanina ay nagulat na lamang ako dahil wala na ang babae. Nasaan na siya? Parang naguguluhan na si doc Matthew ‘nang tumingin ako sa kaniya. “Nasaan na ang sinasabi mong babae, Flor?” tanong niya sa akin. Napapikit na lang ako sa mga sandaling ‘yun dahil hindi ko alam kung ano na ang aking sasabihin. Ngunit sigurado naman akong may babae rito kanina. “Mukhang ginugutom ka lang, Flor. Halika na’t kumain na tayo ng ating tanghalian.” sabi niya sa akin at nauna na siyang umalis. Mukhang naguguluhan din ako sa nangyari. Talagang may babae kanina na tinulungan ako at kinausap pa. Multo ba ‘yung babae dahil papalapit na ang Halloween? Hayyss.. Aalis na sana ako nang may nakita akong bagay na kumikinang sa sahig at saka kinuha ‘yun nang dahan-dahan. Isa itong singsing! Napakaganda ang pagkakahulma ng singsing. May disenyo itong rosas at nilagyan ng maliit na diyamante na kulay pula ang kaniyang kalagitnaan. Mapapansin din ang disenyo nito na parang baging na nakapalibot sa singsing. Kulay ginto ito at nilagyan ng kaunting diyamante. Mukhang mahal ito kung isasangla. Napa-isip naman ako na baka pag-aari ito ng babae na nakausap ko kanina. Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid ngunit hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga na lang ako. “Flor? Susunod ka ba?” tanong bigla ni doc Matthew na nasa aking likuran. Binalikan niya pala ako. Agad ko nang itinago ang singsing sa aking bulsa at saka humarap sa kaniya. “Susunod na po, doc.” ********** Gabi na kami naka-uwi at talagang pagod na pagod kami sa aming biyahe. Kumain kami agad ng aming hapunan at nagbihis ng aming pantulog. Si Marie ay mabilis na siyang nakatulog habang ang dalawa naman ay nagfa-facebook pa at nagi-instagram. “Gurl, feel mo may girlfriend na si doc?” tanong ng bakla kay Antoinette. “Feel ko, oo.” sagot naman ni Antoinette. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa. “Paano mo naman nasabi ‘yan ha?” “Wala. Feel ko lang.” sabay tawa ni Antoinette. Mukhang wala sa mood makipagtawa ang bakla. “Sa kagwapuhan ba naman ni doc, walang may mag-iinteres sa kaniya? At least tanggap ko na may girlfriend siya. Eh, ikaw?” tanong naman ni Antoinette sa kaniya. “Talagang bruha ka!” sabay palo sa kaniyang kaibigan gamit ang libro. “Aray! Geoff!” Ilang sandali lang ay napatayo ako sa aking kama at kinuha ang librong Historia de Iloilo na itinago ko sa ilalim ng aking unan. Nagtungo ako sa aming dining area upang doon isasagawa ang asignatura ni Fauna. Nilagay ko agad ang dalang laptop sa ibabaw ng mesa at binuksan iyon. Napatingin ulit ako sa librong hawak ko ngayon at saka binuksan nang dahan-dahan. Maninipis na kasi ang bawat pahina nito baka mapunit ko pa. Nang binuksan ko na, hindi ko alam pero may kung anong kirot ang aking nararamdaman sa mga oras na ‘yun. Hindi ko alam pero ang mga kamay ko na mismo ang naghahanap ng pahina sa libro hanggang napahinto ako sa isang pahina. Isang pahina na may kalahating punit. Nabigla ako sa aking nakita. Bakit napunit ito? Kinakabahan na ako sa aking kinauupuan pero hindi ko alam kung bakit. Nang binuklat ko ang isang kalahating pahina, may nakita akong isang lumang litrato. Kinuha ko ito at saka tiningnan. Isang lalaki ang nasa larawan na naka-barong tagalog. Hindi ko maitatangging may tinataglay siyang kagwapuhan. Malakas ang kaniyang tindig at postura. Nang binaliktad ko ang litrato, may nakasulat itong pangalan sa ibaba. Timoteo Castellana. Paulit-ulit ko itong naiisip nang walang dahilan hanggang sa nakita ko na lang ang singsing sa ibabaw ng aking cabinet na nilagay ko lang kanina. Kumikinang ito na para bang nang-aakit. Hindi ko namalayan na dinadala na pala ako ng aking mga paa upang kunin ang kumikinang na singsing. Kinuha ko ito at tiningnan ulit. Hindi ko alam pero para bang may nag-uudyok sa ‘kin na suotin ito. Sinuot ko na nga ang singsing sa aking daliri at nakikitang kumikinang ito sa kagandahan at karangyaan. Habang tumatagal ay unti-unting nasisilawan ang aking mga mata babang nakatitig sa singsing. Nawalan na lang ako ng malay at tuluyang bumagsak sa sahig. Mga ilang minuto rin ang dumaan ay ibinuklat ko na ang aking mga mata. Nakita ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa kama. Nag-unat pa nga ako habang nakahiga at saka napaupo sa malambot na kama. Nagulat na lamang ako nang makita na iba pala ang kwartong tinulugan ko. “Sandali nasaan ako?” tanong ko at biglang may kumatok sa labas ng pintuan. Napatingin naman ako ‘run at nabigla kung sinong babae ang pumasok sa silid. “Ate, bakit hindi ka pa gising? Aalis na tayo mamaya.” sabi niya sa akin habang nakatitig. “Ate?” naguguluhan kong tanong. “Ano ba naman ‘yan ate. Bumangon ka na nga riyan baka mapapagalitan ka ni ama.” sabi pa niya sa akin habang papalabas na ito ng silid. Mukhang nagulat naman ako sa aking narinig. Anong sabi niya? Ate? Ama?!
Thank you
Support the author to bring you wonderful stories
Cost 76 diamonds
Balance: 0 Diamond ∣ 0 Points
Book Comment (34)
Fernandes MelgarEduardo
bom
17/01/2025
0
DimapilisJudyann
5.0
02/12/2024
0
LaugoJocel
very nice ,, super , and it's can relieve my stress
bom
17/01/2025
05.0
02/12/2024
0very nice ,, super , and it's can relieve my stress
20/10/2024
0View All