logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER TWO

Kinsley POV
Hindi ibig-sabihin na hindi buo ang pamilya ay hindi na masaya. Walang tumayong ina sa akin simula nung ako ay magkaisip pero ni minsan hindi ako na lungkot, dahil hindi nag kulang ang ama ko sa'kin. He treated me like a princess, giving me everything I wanted as long as it brought me joy. He always made time for me even when he was busy, so why should I be sad or envious of having a complete family with a mother by your side as you grow up?
Tinuruan niya ako makontento even though we could afford everything I desired. Hindi siya nagkulang sa pangangaral sa akin. Tinuruan niya rin ako rumespeto, maging mapagkumbaba ngunit ang pinaka paulit-ulit na sinabi niya sa akin ay h'wag akong gaganti sa kung ano mang masamang gawin sa akin. 
Sobrang swerte ko sa papa ko, kaya niyang maging ama ko at the same time maging ina. Sometimes he's my parent, sometimes he's a friend I can talk to and play with. And you know what? He's cool . . . really cool.
"Introduce yourself" Nakangiting utos sa'kin ni Ma'am Saki kaya kinakabahang tumingin ako sa mga kaklase ko who were now silent, waiting for what I would say. But I almost held my breath when I saw Mr. Sungit na nakaupo malapit sa bintana. Nakapalumbaba at bored na nakatingin sa akin. 
He's my classmate
I forced a smile "I'm Kinsley" 
"Your full name?" Tanong ni Ma'am Saki
"Kinsley Azurine Asteria" I replied, swallowing hard as Mr. Sungit gaze sharpened at me once again.
Ano bang maling ginawa ko at parang galit na galit siya sa'kin? 
"Kaano-ano mo si Addison at Austin?" one of my female classmates asked. 
"Cousin" 
"Can you take off your hat?" 
I nodded and removed my hat. I saw amazement on their faces when I looked up. And that's when they started bombarding me with questions.
"Is that the natural color of your hair?" 
Tumango ako "Yes, this is natural" 
Ang buhok ko ay kulay pula at medyo kulot sa dulo. Kapag nasisinagan ng araw mas lalo itong tumitingkad. I once heard from our relatives when they visited our mansion that I got my hair color from my mother.
"How about your eyes?" 
Ngumiti ako "Natural din" 
If I got my hair color from my mother, I got my eye color naman from my dad. I have emerald eyes.
"Woah grave ka girl nakakainggit!" 
"Sanaol green eyes!" 
"Ang ganda nung buhok niya kulay red tapos medyo kulot! Ang cute!" 
Namula naman ako nang marinig ang mga sinabi nila at halos lahat 'yon ay papuri. Hindi ako sanay humarap sa maraming tao at mas lalong hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon ng lahat. 
"Ms. Red hair last question" the class suddenly fell silent again "Do you have a boyfriend?" it surprised me.
A boyfriend? I don't even have friends, boyfriend pa kaya? 
I shook my head "No, and I don't plan on having one" I said at natawa ng mahina nang asarin nila ang lalaking nag tanong. 
"Okay class enough" Ma'am Saki turned her gaze to me "Mababait ang mga kaklase mo mga loko-loko nga lang kaya sana maenjoy mo ang pag-aaral dito. Kapag may problema sabihin mo lang sa akin. You can sit next to Kreed" sabi nito at tinuro ang bakanteng upuan. 
"Salamat po Ma'am" at nag tungo na sa upuan ko. 
"Tsk" Rinig ko galing sa katabi ko nang sandali na makaupo ako. Mukhang may galit talaga 'to sa mundo at laging galit at nakabusangot. Sayang gwapo pa naman. 
The class started, and I couldn't help but smile dahil sa wakas nararanasan ko na rin na mag-aral ng normal. 
I learned so much from what Ma'am was teaching, which made me even happier. Sa palagay ko hindi naman siguro ako mahihirapan makipagsabayan sa mga kaklase ko pagdating sa loob ng klase, pero pagdating naman sa pakikipagkaibigan at pakikipag-usap 'yon ang problema ko. 
Masyado akong mahiyain at ayoko pa makagawa o makapagsalita ng mali kaya madalas ay tahimik lang ako o kaya magsasalita lang kapag ako ang kinakausap. 
"That's all for today. Good bye class" 
I packed up my things and was about to stand up when I glanced at my seatmate na nakaupo pa din, wala atang balak umalis ng room. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at parang may malalim na iniisip. 
"Did you know staring is rude?" malamig na tanong nito at lumingon sa akin. Ayan na naman ang masamang tingin niya. 
"Sorry . . . but are you mad at me for what happened yesterday?" I couldn't help but ask.
"No"
"Did I do something wrong?"
" . . . "
"Am I annoying to you?"
"What do you think?"
"I have no idea . . .  if that's the case, do you hate me?" 
Hindi siya agad naka sagot pero nang marinig ko ang sagot niya para akong binuhusan ng malamig na tubig. 
"Yes, and I hate you, I hate rich people like you" sabi nito bago ako iwan 
He hates rich people? P-pero bakit? Bakit ko pa ba kasi tinanong, hays
"Hi, Kinsley!" 
Napalingon ako sa tumawag sa akin at ngumiti sa kanya
"Galit sa'yo?" tanong ng babaeng naka braid ang buhok "I'm Catalina you can call me Cali" pakilala nito at nilahad ang kamay. Nakangiti ko naman itong inabot. 
"Yeah, galit" 
"Don't mind him ganyan talaga siya. He's mad at us too" sabi nito na kinakunot ng noo ko
Even at them? So he really does hate rich people
"Bakit?" 
"I don't know basta ang alam ko scholar siya dito" 
Scholar?
"Gusto mo bang sumabay na sa'kin mag lunch? Para mailibot din kita after. Ano? G?" 
G? 
Nakangiting tumango na lang ako dito. Maganda na ding may maging kaibigan ako sa mga kaklase ko. 
"Sure" 
"Yun! Let's go!" sabi nito at walang pasabing hinila ako palabas ng classroom. 

Book Comment (50)

  • avatar
    EuanJohn Euan

    dfggy gtewsd

    21d

      0
  • avatar
    Marvin Calda Maala

    salamat po salahat nang suporta sakin

    27/05

      0
  • avatar
    DiolataJohn vincent

    good

    08/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters