logo
logo-text

Download this book within the app

TGP3

Nagising si Meghan dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa silid na kinaroroonan niya.
Hindi niya minulat ang kanyang mga mata dahil sa sikat ng araw.
Kaya nagtalukbong siya ng unan sa mukha niya. Subrang bigat pa ng pakiramdam niya. At gusto niyang matulog ng buong araw. Tamad siyang bumangon,
"Nasaan kaya si Nygel?" Dahan-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata, kasabay ng pagbukas naman ng pinto.
"Good morning, crying lady! Sarap yata ng tulog mo?" Nakangiting bungad ni Nygel sa kanya.
Sinulyapan niya ito, nakabihis at nakaligo na ito, samantalang siya, nakahilata pa.
"Ahmm. Bakit ka pala bumalik dito? Hindi ba umuwi ka na?" Tanong niya ngunit hindi siya nakatingin dito.
"Hindi ako umuwi kagabi. Bumili lang ako ng personal needs mo saka ako bumalik. And next time.... Kung magpapakamatay ka, sabihin mo sa akin... Nang hindi ka na mahirapan pa!" Sarcastic na sagot ni Nygel.
"I'm sorry... Nadamay ka tuloy sa ka dramahan ko... Pwede ka naman na umuwi. Kaya ko na ang sarili ko dito. Hindi ba nag-aaral ka pa?" Hinila niya ang kumot sa paanan niya.
Naging awkward ang pakiramdam niya dahil sa malalagkit na titig ni Nygel sa kanya at sa exposed na legs niya.
Tumikhim si Nygel, "Saturday ngayon... Bakit ikaw? Hindi ka na ba nag-aaral?" Balik tanong nito sa kanya.
"Ahmmm. Pwede bang huwag muna natin pag-usapan ang tungkol sa akin... Okay lang ba kong iwan mo muna ako? Gusto ko kasing mapag-isa." Tiningnan niya ito nang may pagsusumamo.
Bumuntong hininga si Nygel at lumapit sa kanya, "Hindi kita pipilitin na magsalita. Pero alam mo ba, nakakagaan kapag nailalabas mo ang mga problema mo." Seryuso siya nitong tinitigan.
"Salamat sayo.... Please leave me now." Tumalikod si Meghan kay Nygel at pumikit.
"Nagbago na ang isip ko, kung hindi ka babangon diyan, tatabi na lang ako sayo. Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Ako lang naman mag-isa. Inaantok rin pala ako." Sabay nagkunwari itong naghikab.
"Hoy! Sige na... Okay na pala ako. Sige na babangon na ako." Mabilis pa sa alas-kwatro na humarap si Meghan kay Nygel.
"Madali ka naman pa lang kausap. Pero kung gusto mo pa rin na matulog, pwede naman kitang samahan. Ang gwapo at makisig kong katawan ay pwede mong unan." Asar pa nito habang nakangiti.
"Tss! Kainis ang lalaking 'to!"
Akmang babangon na si Meghan nang mapasapo siya sa noo niya, "Ouch.... Ang sakit ng ulo ko." Napabalik siya sa paghiga.
Nataranta naman si Nygel at hinawakan niya ito sa noo, "Fuck! Bakit hindi mo sinabing may lagnat ka? Tigas talaga ng ulo mo!" Bulyaw ni Nygel sa kanya.
"S-Sorry. Ayoko lang kasi na madisturbo ulit kita. Magiging okay din ako maya-maya. Ipahinga ko lang ito." Pumikit siya at dahil sa subrang init niya ay nagluluha na ang mga mata niya.
In-oof ni Nygel ang aircon at saka kinumutan siya, "Kukuha lang ako ng gamot mo. Tatawag din ako ng doctor para matingnan ang kalagayan mo." Sabi nito habang nakatingin sa maamong mukha niya.
"Naku, huwag. Subrang abala na sayo. Okay lang talaga ako." Pagmamatigas niya.
"Pwede ba, huwag ka nang kontra ng kontra. Akin ang resort na ito kaya ako ang masusunod. Rest now." Asik niya saka ito tumalikod at lumabas na ng silid.
"Gwapo na nga. Subrang bait at maalaga pa. Sarap magkasakit kong katulad niya ang mag-aalaga." Napangisi siya sa isip.
"Ouch!" Napahawak siya sa sentido niya dahil sa biglang pagsakit nito.
Biglang bumukas ulit ang pinto at pumasok ulit si Nygel at may dalang planggana at bempo,
"Ano yan?" Tanong ni Meghan kahit obvious na masyado ang sagot.
"Pupunasan kita. Ganito ang ginagawa ng mommy ko noon kapag may lagnat ako. Pagkatapos akong punasan nagiging okay na ako at magaan na ang pakiramdam ko." Nakangiting sagot nito.
"Nakakahiya naman. Huwag na lang... Salamat." Umiwas siya ng tingin dahil sa kilig na nararamdaman.
"Huwag ka na umangal pa. Nandito na 'to kaya hayaan mo na ako." May pinalidad na sagot nito at hinila ang maliit na table at nilapag ang planggana na may maligamgam na tubig.
"Nygel, ano kasi... Nahihiya na talaga ako sayo. Tama na ang pag-ampon mo sa akin," matipid na ngumiti siya.
Ngunit hindi pa rin siya pinakinggan ni Nygel at umupo ito sa tabi niya. Sinimulan siyang punasan ni Nygel sa noo niya, "Ang swerte ng magiging asawa mo, kasi subrang maalaga ka." Napangising tukso nito.
"Ikaw pa lang ang babaeng ginawan ko ng ganito." Prangkang sagot ni Nygel at tinitigan siya sa mata habang patuloy sa pagpupunas sa mukha niya.
Ramdam ni Meghan ang pag-iinit ng mukha niya, "Bakit? Wala ka pa bang girlfriend? Impossible naman... Hindi na ako naniniwala kapag sinabi mong wala."
"Wala." Matipid na sagot niya, "Ikaw ba nagkaroon na ng boyfriend?" Napahinto siya sa pagpupunas at sinawsaw sa planggana ang bimpo saka piniga.
"Walang nagtangka e, wala yatang magagandahan sa akin." Napahalakhak na sagot niya.
"Parehas pala tayo. Huwag ka ng magpaligaw sa iba. Dahil hihintayin kita." Walang pagdadalawang-isip na sabi niya.
"Hindi mo pa ako kilala... Saka ayokong makipagrelasyon. Sakit lang ang makukuha ko diyan." Umiwas siya ng tingin at pumikit na lang para makaiwas sa mapupungay na mga mata ni Nygel.
Ang lagkit tumitig nito. At ang puso niya parang naglalaro sa kaibuturan niya. Sinasabayan pa nang marahang pagpupunas nito sa mga braso niya.
"Problema ba iyon? Kikilalanin kita. Para hindi na tayo magiging estranghero sa isa't-isa." Sagot nito.
"N-Nygel, salamat. Pero okay na ako. Hindi ko alam paano kita pasasalamatan pero from the buttom of my heart. I really appreciate your effort. Makakabawi rin ako sayo balang araw." Sincere na sabi niya at nginitian niya ito ng matamis.
Nag-iwas ng tingin sa kanya si Nygel at tumayo. Nakita ni Meghan na namumula ang mukha ni Nygel at parang nagpipigil ito sa sarili.
"Sige na, magpahinga ka na. Pagkagising mo na lang tayo kakain." Lumabas na ito bitbit ang planggana at bimpo.
Napangiti naman si Meghan at naging magaan ang pakiramdam niya, "Akala ko suplado ka, ang bait mo pala at maalaga. Sana kapag magka-boyfriend ako. Katulad mo ang una." Kinikilig na usal niya at pinikit na ang mga mata.
Nakatulugan ni Meghan ang pag-iisip kay Nygel.
---------
Gabi na nang magising siya, pinakiramdaman niya ang sarili at wala na siyang lagnat pa. Kaya nagpasya na siyang bumangon at hinanap si Nygel sa labas.
Tahimik ang buong paligid, pumunta siya sa living room ngunit wala si Nygel doon.
Napahawak siya sa tiyan niya ng tumunog ito.
"Nasa'n kaya siya. Gutom pa naman na ako." Hawak ang tiyan niya habang naglalakad siya sa hallway. Palabas siya nang may biglang humapit sa baywang niya, "Saan ka pupunta?" Malambing na tanong ng pamilyar na boses sa pandinig niya.
"N-Nygel naman eh, baliw ka talaga. " Napahawak siya sa puso niya dahil sa gulat.
Napahalakhak naman ito sa reaction niya, "Gutom ka na ba? Halika na at kakain na tayo." Hinila siya sa dinning area.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakalapag na mga pagkain sa mesa, "Wow! Ang dami... Mauubos ba natin lahat yan. Nakakalaway naman."
"Oo, tayo ang kakain lahat niyan. Babawi tayo dahil wala kang kain kahapon pa... Sige na umupo ka na mahal na reyna nang makakain ka na." Nakangising utos niya.
"Opoh, mahal na hari ng kaharian. Gutom na gutom na ang mga alaga ko at ang tingin ko sayo ay para ng crispy pata." Napahalakhak na siya sabay upo sa silyang hinila ni Nygel para sa kanya.
Nilagyan ni Nygel ang plato niya ng iba't-ibang klase ng pagkain, fish fillet, adobong manok na may halong karne ng baboy, isda, alimango at shrimp. At marami pang iba, hindi na siya pamilyar sa ibang putahing nakalapag.
" Mahal na hari, ang dami naman po nito. Palalakihin mo yata ang tiyan ko."
" Mahal na reyna, huwag ka nang maging choosy pa. Alam ko naman na mauubos mo iyan. Kaya kumain ka na diyan. Huwag puro daldal." Sagot nito at sinubuan siya ng chicken nuggets.
Ngumanga naman siya at kinain ang sinubo nito sa kanya. Masaya si Meghan at subrang gaan ng feelings niya. Nawala sa isip niya ang problema at gusto niyang sulitin iyon kasama si Nygel.
"Alam mo bang ang swerte kong nabangga kita," Sabi niya pagkatapos lunukin ang pagkain sa bibig niya , sinubuan niya si Nygel ng binalatan niyang shrimp saka sinubo sa bibig niya.
"Kung swerte ka anong tawag sa akin na nabangga mo?" Balik tanong nito sa kanya.
Napahalakhak si Meghan, "Malas ka..."
"Pero seryuso, mahal na reyna. Ikaw pa lang ang dinala kong babae dito sa resthouse namin. Sana maulit muli ito. I'm happy dahil nakita na kitang nakangiti. Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka." Biglang nagseryuso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.
"Ayan ka na naman po sa mga titig mo na nakakatunaw, mahal na hari. Ayoko ng ganyang titig," prangka niyang sabi at umiwas na ng tingin.
Ngumiti lang naman si Nygel at nagpatuloy na sa pagkain.
Kinuha ni Meghan ang buko juice at ininom ito, " Wow, fresh na fresh. Maganda siguro ang resort n'yo. Marami bang mga turista na pumupunta rito?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Oo, marami. Lalo na kapag summer. Balik tayo dito. Para mas ma- enjoy mo ang mga view " sagot ni Nygel at uminom na din ng pineapple juice.
Biglang natahimik si Meghan at hindi niya namamalayan na nakatingin na pala siya kay Nygel habang umiinom ito ng juice.
"Ang sexy niyang uminom, parang nanonood lang ako ng advertise sa TV," napalunok siya nang lumunok din si Nygel.
Biglang naramdaman niya na may pumitik sa noo niya, "Mahal na reyna, ang laway mo!" Nakangising tukso nito.
"Huh, baliw ka talaga!" Napangiti na rin siya sa sinabi nito at pinahid niya pa talaga ang gilid ng bibig niya.
"You're really beautiful, Mahal na reyna." Narinig niyang bulong ni Nygel .

Book Comment (422)

  • avatar
    Mark Reandel Tabura

    gusto Nako Maka kwarta

    4d

      0
  • avatar
    Anne Gomez - Jonas

    👍👍👍

    10d

      0
  • avatar
    VillarPrinces

    kgood

    10d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters