logo
logo-text

Download this book within the app

TGP 2

Meghan was sitting on the sand at the beach. Nakaharap siya sa papalubog na araw, "Ang ganda-ganda mong pagmasdan, kasing ganda ng buhay ko noon. Pero sa isang iglap, naging madilim at hindi ko alam paano magsisimula at paano haharapin ang susunod kong buhay. Subrang hirap lang na tanggapin na sa bawat araw na lumipas, subrang saya lang ng buhay ko kasama ang dalawang taong mahal na mahal ko... Pero puro pala kasinungalingan ang nakabalot sa pagkatao ko." Kausap ni Meghan ang haring araw habang sumisigaw na umiiyak.
Gusto niyang ilabas lahat ng hinanakit niya sa mundo. Sino ba naman ang mag-aakalang ang buhay niya puro pala pagkukunwari.
"Ang galing mo, mommy! Sa ginawa mo, maraming nasaktan... Makasarili ka! I hate you!" Walang tigil sa pagsigaw si Meghan. Wala naman ibang tao sa resort dahil private resort daw iyon nila Nygel at ang katiwala lang nila ang nandoon.
Ayaw nga sana siyang iwan ni Nygel sa resort ngunit tinaboy niya talaga ito para makapag-emote siya ng todo. Ayaw niyang magpadisturbo. Gusto niyang mag-isa para walang makakita sa miserableng buhay niya ngayon.
Naka short siya at naka- white long sleeve. Tumayo siya at pinagpag ang buhangin sa puwitan niya at naglakad papunta sa tubig.
Wala sa sariling naglakad siya sa tubig,
"Wala nang nagmamahal sa akin. Wala na si daddy ko... Ay hindi pala. Dahil hindi ko naman siya totoong daddy. Hiram na daddy lang pala...Opps! Hindi hiram. Sinulot na daddy." Natawa siya habang umiiyak.
Patuloy lang siya sa pagsasalita habang naglalakad.
"Biruin mo, ang bait-bait niya. Halos hindi makabasag pinggan. Pero may tinatago pa lang baho sa nakaraan. Dinamay pa ang mga inosenting tao sa paligid niya sa makasarili niyang kaligayahan..." Ang tubig ay nasa baywang na niya at dumidilim na ang paligid.
"Goodbye, haring araw! Kasabay nang paglubog mo. Pwede bang dalhin mo na rin ako!" Sigaw niya habang paos na ang boses dahil sa kakasigaw.
Pagod na pagod na din siya. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa paglalakad kanina at hindi rin siya kumain sa buong araw. Ang pagkain na binigay sa kanya ng caretaker nila Nygel ay nasa cottage lang at hindi niya ginalaw. Kahit anong gawin niya, hindi talaga niya malunok ang pagkain.
Patuloy lang siya sa paglalakad, nakangiti siya habang nakatanaw sa unahan. Ang mga alon na humahampas sa katawan niya ay hinahayaan niya lang. Kahit nakakainom na siya ng tubig dahil sa malalaking alon, wala siyang pakialam.
Namamanhid na ang katawan niya dahil sa lamig.
Hanggang balikat na ang tubig at dinuduyan siya sa ilalim ng mga alon, kahit hindi na siya gumagalaw pa sa kinatatayuan niya.
Nanginginig na ang buo niyang katawan, wala na siyang lakas pa at pinikit na lang niya ang mga mata at pinapakiramdaman na lang ang susunod na mangyayari.
Naiisip niya ang susunod na buhay niya, mapupuno siya ng pangungutya sa mga tao lalo na sa buong angkan ng mommy niya.
Wala siyang kahit na sinong ka close sa relatives ng mommy niya. Dahil lahat puro mapagmataas at lagi silang minamaliit ng mommy niya. Kaya hindi sila pumupunta kapag may mga reunion sa side ng mom niya.
Except sa Grandma niya na magiliw sa kanya. Kaya close na close silang dalawa.
"Mamita, mamita.... Kunin mo na ako dito. Diyan na lang ako sayo," para siyang batang humihikbi.
"Fuck! Lady! Are you out of your mind?!" Isang pamilyar na boses ang nagpabalik sa katinuan ni Meghan. Malulutong na mura ang mga narinig niya. Kasabay ang paghila sa kanya.
Ramdam ni Meghan ang bilis ng tibok ng puso ni Nygel,
"N-Nygel?" Bulong niya at tiningnan niya ang paligid.
Bumilis ang tibok ng puso niya dahil nasa ilalim na siya na bahagi ng karagatan.
Nanindig ang balahibo niya sa takot.
"Oh God! I'm sorry.... I'm sorry...." Umiiyak na sigaw niya.
Mabilis ang mga galaw ni Nygel, hinila si Meghan papunta sa dalampasigan. Ilang minuto din bago sila nakarating.
"For God sake! Are you out of your fucking mind?! If you want to kill yourself, why not telling me earlier. So, I bring you to the roof top of the building. Damnit!" Galit na galit na singhal ni Nygel sa kanya.
Para naman siyang napipilan at hiyang-hiya siya sa sarili, "I'm sorry.... " Bulong niya at patakbong umalis na hindi na tinapunan pa ng tingin si Nygel.
Narinig niya ang pasigaw na pagmumura at frustrations ni Nygel pero wala na siyang mukha na ihaharap pa dito. Tuloy-tuloy siya sa pagpasok sa loob ng resthouse nila Nygel at tinungo ang silid niya.
Hindi siya nagbihis at deritso siya sa paghiga sa kama. Nilalamig siya at pakiramdam niya inaapoy siya nang lagnat.
Biglang bumukas ang pintuan ng silid niya at nabungaran niya si Nygel na pagod na pagod ang mukha. Pinikit niya ang mga mata, para hindi niya makita ang expression ng mukha nito,
"I'm sorry sa inasta ko sayo kanina. I'm just worried... " Malambing na boses ang narinig mula dito.
Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, "I'm sorry, pinag-alala kita. Kahit hindi mo pa ako lubusang kilala pero naging mabuti ka sa akin. I'm sorry talaga..." Mapupungay na mga mata ni Nygel ang nakatingin sa kanya.
Lumapit si Nygel at kumunot ang noo at nagsalubong ang mga kilay nito nang mapasadahan siya ng tingin, "Tss! Ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng subrang tigas ng ulo." Napapailing na bulalas niya at binuhat siya papunta sa bathroom.
"Hoy... Ibaba mo ako! " Gulat na gulat siya nang buhatin siya nito ngunit hindi ito umimik.
Wala nang lakas pa si Meghan, para magreklamo. Pagod na din siyang magsalita.
"May lagnat ka na sa katigasan ng ulo mo." Nilapag niya ito sa bath tub.
Nahihiya siya sa lalaki dahil kahit nagsusungit siya, hindi pa rin siya nito pinapabayaan.
"N-Nygel, salamat... Subrang salamat talaga. Kahit na puro kasungitan ang inaasta ko sayo. Nandito ka pa din." Mahinang sabi niya.
"Huwag ka na nga magdrama diyan! Mamili ka, paliliguan kita o.." Hindi na natapos pa ni Nygel ang sasabihin dahil biglang napatayo si Meghan.
"Okay na ako dito. Ako na ang bahala sa sarili ko. Umalis ka na." Natatarantang tinulak niya palabas ang nakangising binata.
"Bilisan mo, kapag magtagal ka pa diyan. Papasukin talaga kita. At sinasabi ko sayo.... "
Pagbabanta nito.
Mabilis naman na sinara ni Meghan ang pinto , "Oo na. Kulit!" Ang bilis ng kaba ng puso niya. Para itong lumulundag-lundag sa saya at gustong lumabas.
Kahit nilalagnat na siya, tiniis niya ang lamig. Naging magaan ang pakiramdam niya kahit paano, ngunit napalaki ang mga mata niya nang ma-realize na hindi pala siya nakadala nang pamalit niya na damit.
"Ang tanga mo talaga, Meghan! Haist!" Nagpapadyak siya dahil hindi niya alam ang susunod na gagawin.
Alam niyang nasa labas lang si Nygel, " Lady, matagal ka pa ba? Buksan mo ang pinto, ibibigay ko ang damit mo.. Kahit kailan ka talaga!"
Narinig niya si Nygel na kumakatok at nabuhayan siya dahil sa sinabi nito.
"N-Nygel, iwan mo lang diyan sa may pinto. And please, lumabas ka muna dito sa silid ko. Bumalik ka after 30 minutes. " Pasigaw na sagot niya.
"Okay, sige! Ikukuha din kita ng gamot. Make sure na pagbalik ko, tapos ka na." Balik sigaw na sagot ni Nygel.
Hinintay na muna ni Meghan na makalabas si Nygel bago kinuha ang damit sa labas ng bathroom.
Mabilis ang mga galaw ni Meghan, nagbihis siya agad at ginawa ang routine niya. Natapos na siya ngunit wala pa rin Nygel na bumalik. Kaya humiga na lang siya sa kama at hindi na niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Soot ang white shirt ni Nygel. Hindi na niya inisip pa, kung kanino ang undies na na binigay ni Nygel sa kanya.

Book Comment (422)

  • avatar
    Mark Reandel Tabura

    gusto Nako Maka kwarta

    4d

      0
  • avatar
    Anne Gomez - Jonas

    👍👍👍

    10d

      0
  • avatar
    VillarPrinces

    kgood

    10d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters