logo
logo-text

Download this book within the app

TGP 1

Sa police headquarters bumagsak si Meghan nang araw na iyon, kasama si Nygel.
"Miss, tawagan mo ang mga magulang mo at papuntahin mo dito.... Ano ang pangalan mo?" Sabi ng isang police officer na encharge sa kanya.
"Wala na po akong mga magulang... I'm Meghan Solidad, 17, Makati City... Ikulong n'yo na lang po ako." Walang emosyon na sagot niya.
Alam naman niya na parang bio-data lang ang itatanong sa kanya, kaya sinagot na niya ng isahan kahit hindi pa nagtatanong ang officer.
Tinitigan siya ng police officer at binabasa ang mukha nito kung nagsasabi ba siya ng totoo, " Alam mo, Miss, kung ano man ang problema mo, sana huwag kang lalayas sa bahay ninyo. Hindi sagot sa problema ang paglalayas lalo na at minor ka pa lang."
"Sir, hindi n'yo alam ang pinagdadaanan ko. Kung ikukulong n'yo po ako, huwag n'yo na po patagalin pa. I want to be alone at ayokong makipag-usap sa kahit na sino." Sagot niya na naiiyak habang nakatitig sa police officer.
Bumuntong hininga ang police, "Okay, hindi ka makukulong dahil minor ka pa. Pero sa susunod na mahuli ka pa. Mapaparusahan ka na. Naiintindihan mo ba?"
Tumango lang si Meghan at tumayo na, " Bago ka umalis, ayusin muna natin ang tungkol sa kotse ni Mr Enriquez. Malaki ang damage ng kotse niya, Eneng."
Napalingon si Meghan kay Nygel na tahimik lang na nakamasid sa kanila. Window glass ang namamagitan sa kanila kaya hindi sila dinig nito.
Nagtagpo ang kanilang mga mata, kaya napaiwas siya ng tingin at humarap sa police officer , "Huwag po kayong mag-alala. Babayaran ko po ang damage. Ito po ang calling card ko. Pakibigay na lang po kay Mr Enriquez. Mauuna na po ako."
Mabilis na naglakad siya palabas at sumakay sa kotse niya, ngunit bago siya makaalis ay may humarang na sa kanya na dalawang police, "Miss, pasensiya ka na pero hindi ka pwedeng mag-drive. Kung gusto mong umalis, iwan mo ang sasakyan mo dito. Baka ibang sasakyan na naman ang mabangga mo at maging dahilan na naman ng traffic sa lansangan."
Napasimangot siya at lumabas ng kotse, at tahimik na naglakad palayo. Wala siyang pakialam kong mainit na, tumutulo na naman ang mga luha sa mga mata niya.
"Mommy, bakit ganito!? Na buhay lang pala ako nang walang pagmamahal." Humihikbing bulong sa isip niya.
Ang daming mga tanong na hindi niya masagot. Patuloy lang siya sa paglalakad at walang pakialam kong saan na siya. Gusto niyang makalayo sa taong nanakit at nanloko sa kanila ng daddy niya.
Tanghali na at tirik na tirik na ang araw, nasa pedestrian lane siya, nang isang malakas na busina ang nagpaigtad sa kanya, " What the heck!" Napatalon siya sa gulat.
Tiningnan niya ng masama ang kotse na nanggulat sa kanya. Nang bumukas ang sliding window nito, ang lalaking na bangga
niya ang nasa loob. Ibang sasakyan na ang gamit nito.
"Tsk! Hambog!"
"Miss, sakay na! Subrang init na, hindi ka pa ba pagod sa kakalakad?" Tanong niya.
"Wala kang pakialam kong masunog man ako sa init. Umalis ka na dito. At teka lang, sinusundan mo ba ako?" Hinarap niya ito habang nakapamaywang siya.
"Oo, kaya halika na dito sa kotse ko, Miss. Namumutla ka na at pawis na pawis sa init. Hindi ka ba naaawa sa balat mo? Pulang-pula na ang pisngi mo. Sige ka, papangit ka na niyan!" Huminto ito sa tapat ni Meghan.
"Wala kang pakialam kong papangit man ako. Iwan mo na sabi ako e, bakit ba ang kulit mo? Hindi naman kita kilala." Singhal niya dito at padabog na naglakad.
Bumaba si Nygel sa sasakyan niya at hinabol siya, "Tss. Ang tigas talaga ng ulo mo. "
Hinila niya si Meghan paharap.
"Ano ba? Bakit ka ba nanghihila? Sino ka ba sa akala mo?" Pumiglas siya ngunit mahigpit siyang hinawakan ni Nygel at binuhat na parang sako ng bigas.
"Ibaba mo ako... Hoy! Ano ba!" Sigaw niya at pinagsusuntok ang likod ni Nygel.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao sa daan. Ang iba, nakataas kilay. Ang iba naman ay kinikilig.
"Enough! Kapag hindi ka tumigil, mahuhulog ka diyan!" Asik ni Nygel.
Nang nasa tapat na sila ng kotse nito, binuksan niya ang passenger seat at pasalampak na pinasakay si Meghan.
"Aray ko! Kidnapping 'tong ginagawa mo sa akin. Ano bang kailangan mo? Pabayaan mo nga ako sa buhay ko!" Sapo ang braso niya dahil sa maling pagbagsak sa upuan dahil sa kakalikot niya.
"I said, that's enough ! When you haven't stopped talking . I'm going to kiss you hard. I'm not joking!" He exclaimed at pabagsak na sinara ang pinto.
Napapikit sa inis si Meghan at umayos ng upo. Saka humalukipkip, " Sino ba siya sa akala niya. Feeling close lang ang pig ng mokong na 'to!"
Ilang saglit pa, nasa driver's seat na si Nygel. Nilakasan niya ang aircon at pagkatapos hinarap si Meghan, "Saan kita ihahatid?"
"Wala akong bahay. Gusto kong mapag-isa." Umiwas siya ng tingin at sa labas ng sasakyan niya itinoon ang paningin.
Bumuntong hininga si Nygel , "Look, Miss, I'm just concern to you. Konsensiya ko pa kung hahayaan kita sa daan. Paano kong may masamang mangyari sayo? Hindi mo ba alam, maraming masasamang loob ngayon na naglipana." Pigil ang inis na sabi ni Nygel.
"Wala kang obligasyon sa akin. Kaya kong maaari lang, iwan mo na lang ako." Walang emosyon na sagot niya.
"Ano ba kasi ang problema mo, Miss? Kung wala kang uuwian. Sa amin kita iuuwi." May inis na sa boses ni Nygel.
"Okay fine, gusto mo talaga akong tulungan. Sige, balikan natin ang sasakyan ko. At kunin natin. Gusto kong mapag-isa at magpakalayo-layo. Gusto kong mag-isip. Gulong-gulo ang isip ko ngayon. Please lang... Para nang sasabog ang utak at puso ko." Gumaralgal ang boses niya.
Natahimik si Nygel at walang imik na pinasibat ang sasakyan niya. Tahimik ang buong biyahe nila. Ilang saglit pa, nasa tapat ulit sila ng presinto.
" Ako na lang ang bumaba, dito ka lang sa sasakyan ko. Ako na ang bahala sa sasakyan mo. Useless pa rin naman na bumaba ka, dahil hindi ka pa din naman makakapag-drive sa sasakyan mo. Just leave it to me, okay?"
Walang nagawa si Meghan, kundi tumango na lang. Hindi pa niya alam kong saan pupunta sa ngayon.
Nakita niyang may lalaking kausap si Nygel at may binigay ito sa lalaki. Kung hindi siya nagkakali, yon ang susi ng sasakyan niya na kinuha sa police station.
Infairness, ang gwapo pala ng mokong!
Ilang saglit pa, sumakay na ang lalaki sa sasakyan niya at ganun din si Nygel,
"Sino ang lalaking nag-drive sa sasakyan ko?" Tanong niya dito.
"Kaibigan ko. Huwag kang mag-alala. Sasama siya sa atin. At dahil wala ka pa sa katinuan, ako muna ang bahalang magdesisyon para sayo." Nakangiting kindat nito kay Meghan.
"Hoy, Mr, anong binabalak mo sa akin? Hindi kita kilala. May gagawin kang masama sa akin, ano? Kunwari ka pa!" Hysterical na pinagpapalo niya si Nygel.
Natawa si Nygel sa sinabi niya,
" Ano ba! Stop it! Nababaliw ka na ba?" Hinawakan niya ang dalawang braso nito at matalim na tinitigan.
"How dare you! Sino ka ba sa tingin mo? Maka asta ka, wagas!" Galit na singhal niya dito.
Hindi naman siya pinansin ni Nygel, "Why don't you simply express your gratitude because handsome man like me is accompany you? And perhaps, you forgot that you were the reason I skipped the exam today. So you owe me a lot."
Natauhan siya sa sinabi nito, "S-Seryuso? Iwan mo na lang kasi ako. Bakit ba kasi nakasunod ka sa akin." Iritang sabi niya. Ayaw niyang may madamay sa problema niya.
Di bale nang siya lang.
"Wala na rin akong ganang pumasok pa. Kaya para makabawi ka sa akin, isasama mo na lang ako sa lakad mo. Lubos-lubusin mo nang pag-iisturbo sa akin. Nasa mood din naman akong gumala." Lumapit si Nygel kay Meghan at tinitigan ito sa mukha.
"Hoy, ano na naman ang nasa isip mo?" Hindi siya nakagalaw dahil nalanghap nito ang pabango niya na nakakagaan sa pakiramdam.
Subrang lapit ng mukha nito sa may balikat niya, at ramdam niya ang hininga nito na dumadampi sa balat niya. Nag-init ang pisngi niya at may kung anong kuryinte siyang naramdaman.
"Seatbelt mo, madame! Huwag kang mag-alala. Wala akong pagnanasa sayo. Hindi ikaw ang tipo kong babae. Iyakin! Tss." Seryusong mukha ang na sulyapan ni Meghan sa mukha nito.
"At ang kapal din naman ng mukha ng assumerong mokong na 'to!" Sa isip ni Meghan.
"Tsk! Feeling ka din, Kuya. Mas lalo naman ako. Kahit ikaw pa ang nag-iisang lalaking maiiwan dito sa mundo. Never kitang papatulan." Irap niya dito. At itinoon na sa labas ang paningin.
Napahalakhak na lang si Nygel sa asta niya, "Childish talaga! Sungit!"

Book Comment (422)

  • avatar
    Mark Reandel Tabura

    gusto Nako Maka kwarta

    4d

      0
  • avatar
    Anne Gomez - Jonas

    👍👍👍

    10d

      0
  • avatar
    VillarPrinces

    kgood

    10d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters