Nagising si Lexie nang maramdaman na hindi na gumagalaw ang sasakyan at tumigil na sa pagtakbo. "Nandito naba tayo?" Inaantok pang tanong ni Lexie. Sa sobrang bagot niya ay hindi pala niya namalayang nakatulog na pala siya. Ikinisap muna niya ng ilang beses ang kanyang mata at tumingin sa paligid. Kung kanina ay puro bundok ang nakikita niya ngayon naman ay dagat. "Gising kana pala!" Saad ni Ethan. Nagulat pa si Lexie ng magsalita ito sa tabi niya. "Nasaan tayo?" Nagtatakang tanong niya sa lalaki at tumingin sa suot niyang relong pambisig. 'Twelve thirty' mulagat na napatingin si Lexie sa lalaki. Seryoso? Ganon kahaba ang oras na ibinyahe nila? Six hours? Napatingin si Lexie sa labas ng bintana at nakitang nasa tabing dagat sila. "Nandito na tayo." Baliwalang tugon ni Ethan at binuksan ang pinto nito sa driver seat at umikot para ipag-bukas siya. "Nasaan na ang bundok?" Tanong ni Lexie na agaf namang bumaba ngunit mukhang hindi parin makahuma. Sino ba naman ang hindi magugulat. Matapos ang walang hanggan na kabundukan at ngayon naman puro tubig ang nakikita niya. At ang matindi six hours lang naman silang bumiyahe. "Nilampasan na natin." Kibit balikat na tugon ng lalaki at naunang naglakad. Now she knows kung bakit Van ang gamit nila. Oo nga naman. Masisira ang kotse ni tanda kung yun ang gagamitin niya sa lubak na daan kanina. "Welcome to Paseo Alonso!" Sabay-sabay na bati ng mga tao. Doon lamang napansin ni Lexie ang mga taong nakatayo malapit sa kanila. "Salamat!" Saad ni Ethan at nakipag kamayan sa mga tao. "May kasama ho pala kayo Sir!" Anang lalaking medyo may edad na. Nakatingin ito sa kanya nang nakangiti. "Lexie hali ka ipapakilala kita sa mga taga rito." Yaya ni Ethan. Atubili namang nagpatianod ang babae. "Ngayon lang po kayo nagsama ng babae rito Sir. Asawa niyo ho ba? Abay napakaganda." Tanong ng lalaki kay Ethan sabay puri sa kanya. Napangiti naman si Lexie dahil sa narinig na papuri. "Lexie Alonso po. Kapatid ni Ethan." Nakangiting pagpapakilala ni Lexie sa sarili. " Diba kuya?" Baling niya kay Ethan at nginitian ito ng pagkatamis-tamis. Tiningnan naman siya ni Etham ng masama. "Hahaha Aba'y may kapatid ho pala kayong babae?" Tumatawang saad ng lalaki "ako nga pala si Mayor Anggus ang Mayor nitong Maliit na bario." Pagpapakilala nito sabay abot ng kamay kay Lexie na nakangiti naman nitong tinanggap. "Tama na yang kamustahan. Pagod ako gusto ko nang magpahinga." Malamig na saad ni Ethan at inagaw ang kamay ni Lexie sa matanda. Sabay na Nagulat ang dalawa sa ginawa ng lalaki. Ngunit hindi na magawang makapag react pa ni Lexie dahil kinakaladkad na siya ng lalaki papunta sa isang kubo. Naiwan naman ang Mayor at ang mga taga Bario na hinabol ng tanaw ang dalawa. "Aray ano ba? Ang sakit ha!" Inis na pakli ni Lexie nang makapasok na sila sa loob ng kubo at matapos siyang bitawan ng lalaki. "Kailangan bang maging bastos ka sa mga tao dito? Lalong-lalo na sa mayor nila?" Galit na Sermon ni Lexie ngunit Tiningnan lang siya nito ng masama. "Kailangan bang makipag landian ka sa mayor dito?" Galit na bulyaw ni Ethan. Napaatras naman si Lexie sa gulat at napapikit. "Bakit kaba naninigaw? At tsaka anong nakikipaglandian?" Inis na aniya sa lalaking akala mo dragon. "Bakit mo sinabing kapatid kita?" Galit na balik ni Ethan. "Bakit ano bang gusto mong sabihin ko? Pamangkin mo'ko?" Pamimilosopo niya sa lalaki na mukhang lalong hindi nito nagustuhan. "Baka nakakalimutan mo asawa kita!" Diing saad ni Ethan at humakbang palapit sa kanya. Humakbang naman paatras si Lexie dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba ng banggitin nito ang salitang asawa. Sino ba ang hindi? Nasa loob sila ng kubo ngayon at ang kasama niyang si tanda ay nagmumukha ng galit na lion sa paningin niya. "Subukan mo lang na makipaglandian muli sa mga tao dito at makakatikim ka sa akin." Ani ni Ethan ng ma corner siya nito sa isang sulok ng maliit na kubo. Pagkatapos siyang pagbantaan nito ay agad na dumistansya ito sa kanya. "Hindi ako nakikipaglandian. Alangan naman na sungitan ko yung tao." Habol na paliwanag niya sa lalaki na naglakad papuntang pinto upang lumabas. "Don't do it again it's not appropriate!" Madiing tugon ni Ethan na tumigil muna sa tangkang paglabas at nakipag sukatan ng tingin sa kanya. "At anong appropriate para sayo? Ang bastusin ang Mayor katulad ng ginawa mo?" Balik ni Lexie na mukhang malapit ng maiyak sa inis. "Huah!, they're all my people. And I hate seeing other's touching my property!" Bulyaw nito bago lumabas at pabalang na isinara ang pinto. Tuluyan nang humulagpos ang pagpipigil ni Lexie na huwag maiyak. Demonyo talaga ang matanda na yun. Dahil ba sa mayaman siya dapat lang na mang apak siya? Paano ba nito napapayag ang lolo niya gayong ganto ito ka demonyo? Tanga kaba? Kaya nga pumayag ang lolo mo diba? Dahil gingipit siya ng mga Alonso? Inis na kastigo ni Lexie sa sarili. Nasa ganung estado siya ng buhay niya nang makaramdam siya ng gutom. Napapahid ng luha si Lexie gamit ang kamay at mabilis na lumabas ng kubo upang hanapin ang asawa niya ng maalalang wala pa pala siyang kinakain na kahit ano. Paglabas niya ng kubo ay nakita niya ang mga taga bario na masayang nakukwentuhan kasama si Ethan habang nag-iinuman. Aba'y magaling! Nagawa pang mag inom samantalang siya ay hindi nito inisip o tinanong kung gusto ba niyang kumain. "Hi! Ako pala si Amelia pinabibigay pala sayo ni Sir." Nakangiting pakilala ng babaeng lumapit sa kanya at inabot ang dala-dala nitong bilao. "Lexie!" Nakangiting tinanggap ni Lexie ang bilao. Curious na sinilip niya ang laman ng bilao na tinatakpan ng dahon ng saging. Lalong nagrambulan ang nasa loob ng tiyan niya ng maamoy ang mabangong amoy ng pagkain na nakalagay sa loob. "Salamat !" Pasasalamat niya sa babae na nakangiti nitong tinanguan. Ok lang ba kung papasok na ako sa loob? "Segi po. Inihatid ko lang talaga yan sa inyo. Segi po sana magustuhan ninyo." Anang babae at mabilis na umalis sa kanyang harapan. agad na ipinatong ni Lexie ang bilao ng pagkain sa ibabaw ng mesa ng kubo at hinanap ang kusina. agad na naghigas siya ng kamay at bumalik sa mesa kung saan ipinatong niya ang bilao. mabilis na tinanggal niya ang dahon na nakatakip sa ibabaw at pagbukas niya ay bigla siyang natakam ng makita ang ibat-ibang uri ng seafoods. tuwang-tuwa siya na matikman ang mga ito. sa loob ng sampung taon ay ngayon lang muli siya makakain ng mga ganitong pagkain na alam niyang fresh pa bago iluto. masayang nilantakan niya ang mga ito na kahit ang inis niya sa lalaki ay nakalimutan na niya. inuna niyang kainin ang alimasag na hitik sa aligue at sinunod naman niya ang hipon, pusit, malaking isda na hiniwa at inihaw. ang pang huli niya ay ang mga shells. sa sobrang tuwa niya ay halos maubos na niya ang lahat ng pagkaing nakalagay sa bilao. busog na busog ang pakiramdam niya ng matapos kumain. may maganda rin palang dulot ang pagsama niya sa lalaki. dahil dito ay nakatikim siya ng mga pagkain na fresh pa at hindi katulad ng mga nasa city na mga seafoods na kung hindi naluto sa yelo ay nilalagyan ng gamot para hindi madaling mabilasa.
yess
23d
0Nice
29/05
0nice
27/10
0View All