logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

“HOW’S the dream date with Mr. Gabriel Santarina?” tudyo ni Faye sa kanya kinabukasan.
“Okay lang, ate. Hindi mo ako kailangang tuksuhin,” sagot naman niya.
“Guilty ka naman masyado, pinsan. Saan pala ang lakad mo?”
“Lalabas lang ako ng resort, mamimili ng pasalubong para kina nanay.”
“Bakit sa labas pa? Mayroon naman sa Business Hall,” suhestiyon ng pinsan niya.
“Pupunta din ako roon, ate. Gusto ko lang din makita ang mga items sa labas. Sige, ate. Mauuna na ako.” Matapos makipag-usap sa pinsan ay naglakad na siya palabas ng resort. Na-amaze siya sa mga nakita niya roon. Samu’t-saring bilihin, iba’t-ibang lahi at mababait na tindera.
May mga tindahan ng mga cute na tsinelas, accessories na gawa sa mga shell, mga t-shirts at shorts na may print na ‘Palawan’ at kung anu-ano pa.
“Ale, magkano po ang ganitong t-shirt?” tanong ni Faye sa tindera ng garments souvenir.
“Two-hundred fifty po, ma’am,” sagot naman sa kanya ng magiliw na tindera.
Pumili muna ng mabuti si Marielle ng magagandang designs bago bumili. Ngunit bago pa siya makapagbayad sa tindera ay biglang may nagsalita sa tabi niya.
“Miss, bagay po sa inyo iyong pulang bandana.” Nilingon niya ang tinig. Napangiti siya nang makitang si Gabriel ang nagsalita.
“Sira ka! Nagulat ako sa iyo!” natatawa niyang wika.
“Pasensya na po. Bakit pala mag-isa ka lang na namamasyal?” nakangiting tanong ng binata sa kanya.
“Bakit? Mag-isa lang naman talaga akong nagbabakasyon dito, ‘diba?” pamimilosopo niya pa sa lalaki.
“Sabi ko nga. Samahan na kitang mamili,” anito.
Lahat yata ng tindahan sa paligid ng resort ay napuntahan nila ni Gabriel. Ibinili rin siya nito nang ilang souvenir items na kahit ilang beses niya pang tinanggihan ay ipinilit pa rin ng makulit na si Gabriel.
Nang mapagod sa kalalakad ay naupo sila sa isang wooden bench na nakakalat sa paligid. “Napagod ka, ano?” tanong nito maya-maya.
“Oo. Ilang oras din tayong naglibot dito.”
“Gusto mo ng maiinom?”
“Ayoko.”
“Ice cream?”
“Gusto,” nakangising sagot niya. Pagkasabi niyon ay umalis na sa tabi niya si Gabriel at lumapit sa sorbeterong hindi naman kalayuan sa kanila. Pagbalik nito ay may bitbit na itong dalawang cone ng ice cream para sa kanila.
Gabriel had the power of making her happy and contented even just for a while. Sa tuwing kasama niya ito ay tila kusang nagtatago ang mga problema at inhibisyon niya patungo sa pinakalikod ng kanyang isip.
Just seeing him smile can brighten her day, nakakahawa ang mga ngiti nito. Nagpapasalamat talaga siyang napunta siya sa Isla Paraiso dahil sa lugar na ito niya nakilala si Gabriel. If not for Gabriel, baka nagmumukmok siya ngayon sa apat na sulok ng hotel room niya.
“Gusto mo bang sabay na tayong mag-dinner? I’ll cook for you.” Si Gabriel iyon. Malapit na nitong maubos ang ice cream na binili nito bago nagsalita.
“Talaga bang marunong kang magluto, ha?” paninigurado niya.
“Oo naman. Diskumpiyado ka yata, eh.”
“Parang ganoon na nga,” natatawang biro niya rito.
“Don’t worry, Miss Diaz. After kong g-um-raduate ng college ay nag-take ako ng six-month course sa Culinary Arts,” pagmamalaki ng lalaki.
“Okay, fine. That’s good, ako kasi ay walang alam sa kusina kaya it’s a good thing na marunong ka,” aniya saka tumawa nang malakas.
“Tingnan mo ‘tong taong ‘to. Ang lakas magduda sa cooking skills ko samantalang wala naman palang alam sa kusina,” anito saka kumamot sa ulo. Pinagtawanan lamang niya ang reaksyon nito. She found that gesture very cute.
Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya, kagagaling lamang niya sa isang disastrous break-up and yet kumekerengkeng na siya ngayon.
“Hindi ako kumekerengkeng. I’m just being friendly,” bulong niya sa sariling isip.
“What do you want for dinner?” tanong sa kanya ni Gabriel. Magkasama pa rin silang nakaupo sa bench.
“Bicol Express!” natatakam niyang wika. Mahilig siya sa mga pagkaing may gata o coconut milk, Bicolano kasi ang tatay niya at ayaw man niyang tanggapin ay rito siya nagmana ng kahiligan sa mga pagkaing may gata.
“Expert ako riyan. Favorite kasi iyan ng daddy ko,” nakangiti namang wika nito. “Mahilig ka ba sa mga pagkaing may gata?” maya-maya ay tanong nito.
“Yes. Namana ko iyon sa tatay ko. Bicolano kasi siya,” sagot niya saka tumingin sa malayo. Hinayaan niyang lamunin ng papalubog na sikat ng araw ang kanyang isip. There were many hurtful thoughts at her mind at the moment. At ang sunset lamang ang nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.
“Ano ang iniisip mo?” untag sa kanya ni Gabriel kapagkuwan.
“Marami,” sagot niya na hindi pa rin inaalis sa papalubog na araw ang tingin.
“Tulad ng?”
“Kung buhay pa ba ang tatay ko, kung nasaan siya, kung may balak pa siyang balikan kami,” tulala niya pa ring sagot. Simula nang mabanggit niya ang Bicol Express ay parang eksena sa pelikulang nagbalik sa ala-ala niya ang mga panahong kapiling pa nila ang tatay niya.
“Ano pa?” tanong ni Gabriel. Wala siyang ideya sa kung ano man ang reaksyon nito sa sinabi niya dahil hindi niya pa rin ito tinitignan.
“Kung ano ang wala ako na mayroon si Cheska at kung bakit sa kanya napili ni Matthew na manatili at mag-settle down,” malungkot ng wika niya.
“Puwede bang huwag mong isipin ang walanghiya mong ex-boyfriend kapag tayong dalawa ang magkasama?” seryosong tanong ni Gabriel sa kanya. He was looking at her eyes intently.
“Why?” nagtataka niyang tanong sa lalaki.
“Because I am trying here to make you smile. Sayang ang effort ko dahil mas pinipili mo pang isipin siya at maging malungkot,” sumbat nito. Hindi niya maintindihan ang sudden anger nito ngunit nanahimik na lamang siya. Oo, tama siguro ito, ngunit hindi naman niya makontrol ang utak niya na isipin ang mga kalungkot-lungkot ng bagay na iyon.
“I’m sorry,” hingi nito ng paumanhin kapagkuwan.
“Wala iyon, Gabriel.”
PINAPANUOD lamang ni Marielle si Gabriel na magluto. Naroon sila ngayon sa bahay nito na malapit sa resort. Ang kuwento nito ay may bahay din ito sa Maynila, kasama nito roon ang daddy at kapatid nitong si Adara. Ngunit dahil nasa Palawan ang negosyo nito ay binili nito ang bahay na kinaroroonan nila ngayon.
Hindi sanay si Marielle na makakita ng isang guwapong lalaking magaling sa kusina. Para sa kanya ay ‘package deal’ si Gabriel. He was physically handsome; he was also talented. He can sing, play the guitar and cook. Maayos din ang pagpapatakbo nito sa negosyo at higit sa lahat ay may mabuti itong puso. Swerte ang babaeng makasusungkit sa ‘package deal’ na ito.
“Matagal pa ba iyan, Mr. Santarina?” nakangiting panggangambala niya sa abalang-abalang si Gabriel.
“Malapit na po itong matapos, Miss Diaz. Kalma lang po kayo riyan,” nakangiti rin namang sagot nito.
Nang mainip siya sa panunuod kay Gabriel ay nagpunta siya sa sala nito. Mayroon doong isang malaking LED television, mga CDs at DVDs, DVD player at dalawang malaking speaker. Sa dingding naman ay may isang abstract painting at sa mesa sa ilalim niyon ay may isang picture frame na nakapatong. Si Adara ang nasa kaliwa samantalang si Gabriel ay nasa gitna at may isa pang babaeng hindi niya kilala. Nakaakbay si Gabriel sa dalawang babae.
“Hey! What are you looking at?” Biglang nagsalita si Gabriel kaya muntik pa siyang mapatili. She was really jumpy all the time.
“Sino siya?” tanong niya kay Gabriel habang nakaturo sa babaeng kasama nito at ni Adara sa litrato.
“Ah, siya ba? Siya si Agnes. Kababata ko siya, actually I’m four years older than her. Anak siya ng best friend ng mommy ko.
“She’s pretty,” komento niya saka inilayo sa larawan ang tingin.
“You’re prettier,” bulong nito na nakarating naman sa pandinig niya.
“Ano ang sabi mo?” paglilinaw niya. Halos umabot na sa magkabilang-tainga ang ngiti niya. Wala yata siyang paglagyan ng kilig ng mga sandaling iyon. Napakaganda ng Agnes na iyon, sosyal at halatang mayaman ang itsura ‘tapos sasabihin ni Gabriel na mas maganda siya? Sino siya para hindi kiligin? Tao lang naman siya na marunong makadama.
“Ang sabi ko, kumain na tayo. Luto na ang ulam,” imbes ay wika nito.
“Hindi iyan ang sinabi mo kanina,” tudyo niya rito saka ngumisi.
“Fine. You win. Ang sabi ko, mas maganda ka,” anito na namumula ang mga pisngi. Tinalikuran siya nito at nagpatiuna sa hapag-kainan. Tatawa-tawang sumunod siya rito. She just found out another Gabriel’s cute gesture, he knew how to blush!
Nakaupo na sila sa harap ng mesa ay hindi pa rin kumikibo si Gabriel, hindi rin siya nito tinitignan sa mga mata. Tahimik lang itong kumakain. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.
“What’s so funny, Marielle?” tanong nito sa kanya. Marahil ay napipikon na ito sa mga pasimple-simple niyang pagngisi.
“Wala,” painosenteng sagot niya.
“Kung ganoon, bakit ka ngumingiting mag-isa?” Nakakunot na ang noo ni Gabriel nang magtanong muli sa kanya.
“Ikaw kasi, para kang teenager na nagba-blush. Ano naman kung sinabi mong mas maganda ako kaysa kay Agnes? There’s no big deal about that.”
“Kumain ka na lang nang kumain, Marielle,” kibit-balikat nito sa sinabi niya. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin, in-enjoy na lamang niya ang masarap na Bicol Express na niluto nito para sa kanya.
Natapos na silang kumain ni Gabriel ay wala pa rin itong imik. Nagpasya na lamang siyang maghugas ng pinagkainan nila. Akmang magsasabon na siya ng mga pinggan nang pigilan siya ni Gabriel.
“Huwag kang mag-alala, never pa akong nakabasag ng pinggan habang naghuhugas. Pabayaan mo na ako rito,” giit niya nang hindi man lamang ito nilingon.
“Okay. Sumunod ka na lang sa akin sa sala.” Narinig niya ang mga papalayo nitong hakbang. Napangiti siya nang maalala na naman ang pamumula ng pisngi ni Gabriel. Para itong bumata nang ilang taon dahil sa gesture na iyon.
Matapos maghugas ng pinggan ay sumunod siya kay Gabriel sa sala. May nakita siyang dalawang slices ng chocolate mousse sa ibabaw ng center table. Kahit busog pa siya ay hindi niya naiwasang matakam, paborito niya kasi ang cake na iyon.
“Wow! Chocolate mousse!” bulalas niya saka sumalampak sa tabi ni Gabriel.
“Peace offering para sa pagsusungit ko sa’yo kanina,” ani Gabriel saka kinuha ang isang platito at iniabot sa kanya.
“Alam mo, wala iyon. Saka kung na-offend man ako, sobra-sobrang forgiveness ang ibibigay ko sa iyo dahil sobrang sarap ng chocolate mousse na ito! Alam mo bang paborito ko ito?” masayang wika niya matapos matikman ang masarap na cake.
“Alam ko,” nakangiti ng sagot ni Gabriel.
“Really? How?’ manghang tanong niya sa lalaki.
“I asked your cousin.”
“Why?”
“Dahil gusto kong malaman ang mga bagay na gusto at ayaw mo.”
“Why?”
“Because I want to know you better.”
“Iyon lang?”
“Because I want to please you.”
“Why?”
“Because I think I like you,” nahihiya pang wika ni Gabriel. Siya naman ay natulala na lamang sa kaprangkahan nito. Hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Kung pagkabigla man ang dahilan kung bakit bumilis ang pintig ng puso niya ay hindi niya rin mawari.
IKA-APAT na araw pa lamang ni Marielle sa Isla Paraiso ngunit pakiramdam niya ay malaki na ang kanyang pagbabago. Mula sa miserableng Marielle ilang araw na ang nakalilipas ay nagbalik siya sa pagiging masayahin na Marielle.
Hindi na naalis ang ngiting nakapaskil sa labi niya noong bumalik siya sa kanyang hotel room mula sa bahay ni Gabriel. Hindi mawaglit sa isip niya ang sinabi nito, “I think I like you.” Paulit-ulit iyon sa kanyang isip at kung minsan ay napapangiti na lang siyang mag-isa.
“Marielle, nababaliw ka na ba?” puna sa kanya ng pinsan niya. Kasabay niya itong nag-aagahan sa hotel room niya dahil day-off nito sa trabaho.
“Hindi. Mukha na ba akong nababaliw, ate?” balik-tanong niya sa pinsan. Hindi pa rin napupuknat ang ngiti niya sa labi.
“Sa tingin ko? Oo! Para kang naka-drugs, high na high ka yata kaya at abot-tainga ang hindi mabura mong ngiti. Kahit yata magunaw ang mundo ngayon ay hindi mawawala ang ngiti mo.”
“Masama bang ngumiti?” depensa niya sa sarili habang nakangiti pa rin.
“Ewan ko sa’yo! Ikain mo ‘yan, baka nalilipasan ka lang nang gutom,” sumusukong wika ng pinsan niya.
Hanggang sa matapos silang mag-agahan ay masama pa rin ang tingin sa kanya ng pinsan dahil sa hindi mapuknat niyang pagngiti. Madalas niya nga itong nasusulyapang napapailing. Marahil ay hopeless case na ang tingin nito sa kanya.
Maya-maya lang ay may nag-doorbell, ang Ate Faye niya ang nagbukas ng pinto. Isang lalaki na naka-unipormeng berde at naka-slacks na itim ang nakita niya, katulad iyon ng uniporme ng mga empleyado ni Gabriel sa KTV Bar. May isang box na bitbit ang lalaki at iniabot iyon sa pinsan niya.
“Para po iyan kay Ms. Marielle,” narinig niya pang wika ng lalaki.
“Okay, salamat,” sagot naman ng pinsan niya. “Mukhang galing ito kay Gabriel,” baling nito nang makalapit sa kanya. Lalo lamang lumapad ang ngiti niya nang mahawakan ang kahon.
Nagtungo siya sa mesa at inilapag ang box, kasunod niya ang pinsan. Isang chocolate mousse ang laman ng box. “Wow!” bulalas niya. Hindi yata siya magsasawa sa cake na iyon kahit araw-araw pa iyong ihain sa kanya.
“Mukhang alam ko na kung bakit masayang-masaya ka,” anang pinsan niya kapagkuwan. “Si Gabriel ang dahilan.”
“Ano ka ba, ate? Kagagaling ko lang sa isang masaklap na relasyon,” aniya ngunit kabaligtaran ng sinabi niya ang reaksyon ng kanyang mukha.
“Puwede bang huwag kang plastik, Marielle? Ido-donate kita sa Eat Bulaga! Padeny-deny ka pa, eh, halatang-halata naman na kinikilig ka!” naiiritang wika ng pinsan niya na hindi niya binigyang-pansin.
“Parang mali kasi, ate. Imagine, I’m here for only four days and yet kumekerengkeng na agad ako. I should be fixing my heart by now. Sinaktan ako ni Matthew, at hindi iyon isang simpleng pananakit. Mahal ko si Matthew kaya ako nasasaktan nang bonggang-bongga, ‘diba hindi pa dapat ako naghahanap ng panibagong sakit ng ulo?”
“Parang baligtad naman ang sinasabi mo sa inaakto mo, eh. And one more thing, sa tingin ko ay hindi mo lubusang minahal iyang si Matthew. Nasaktan ka dahil nanghihinayang ka sa tagal ng relasyon ninyo, umasa ka na siya na talaga. Nasaktan ka lang dahil nasugatan ang pride mo, hindi ang puso mo,” may kasama pang hand gesture na wika ng pinsan niya.
“At kung kinikilig ka na kay Gabriel, I think you are over and done with your jerk of an ex-boyfriend. Wala naman sigurong masama kung bubuksan mo ang puso mo sa ganitong kabilis na panahon. Nariyan si Gabriel, willingly offering himself to you. Why don’t you just grab him? Come on! He was such a nice catch,” patuloy pa ng pinsan niya.
“Ano siya, ate? Isda?” natatawang biro niya sa pinsan.
“Seryoso ako, Marielle! Kukurutin kita riyan, eh!” napipikong wika ng pinsan niya. Masama na rin ang tingin nito sa kanya.
“Okay, seriously, tama ka, ang iniisip ko lang, paano kung malungkot lang pala ako kaya ko ine-entertain si Gabriel? Hindi ba parang unfair naman iyon sa kanya? I don’t have the heart to hurt him.” Sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay napalis ang ngiti niya.
“You have all the time on earth to estimate your feelings. Sa tingin ko naman ay mabuti ang intensyon ni Gabriel, makapaghihintay iyon. Huwag mong pigilan ang sarili mong magmahal dahil lang nasaktan ka na dati. Huwag mong kondenahin ang puso mo dahil baka magsisi ka pa sa huli,” mahabang paliwanag ng pinsan niya.
“Alam mo, ate, kung makapagpayo ka, parang napakamaalam mo sa larangan ng pag-ibig. If I know, NBSB ka,” panunudyo na lamang niya sa pinsan niya nang wala nang maikatwiran dito.
“NBSB?” walang kaide-ideyang tanong nito.
“No Boyfriend Since Birth,” malakas niyang sagot saka humalakhak.
“Ano naman? Hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay. Kontento na ako kina mama, papa at Andy,” defensive na wika nito. “Isa pa, hindi naman kailangang magka-boyfriend muna bago ka makapagpayo tungkol sa pag-ibig.”
“Sabagay, pero matanong ko lang, ate, anong mayroon sa inyo ni Ken?” pang-iinis niya pa sa pinsan.
“Ewan ko sa’yo!” napipikong wika ng pinsan niya. “Maghanap ka ng kasama mo sa pamamasyal!” dugtong pa nito saka nag-walk out. Siya naman ay naiwang tumatawang mag-isa.

Book Comment (20)

  • avatar
    de los santosrodellyn

    nice story i love it

    21/06

      0
  • avatar
    France J Baylon

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    GanduhaoRogen

    nice

    27/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters