60 Days Of Loving You Chapter 7 *Era's PoV* Hmp nakakainis ang Koevy'ng 'yon! Siya na nga ang tinutulungan ay siya pa itong ganang magalit at paalisin ako sa kuwarto niya! Hindi siya marunong tumanaw ng utang na loob! Ang sama niya at napaka-salbahi niya! Akala ko pa naman na mabait at gentleman siya dahil sa pangalan pa lang nito. Ngunit mali ako, napaka-suplado at cold niya! Hayystt sabagay mga mayayaman nga naman, hindi marunong magpasalamat na man lang tsk. Sayang naman ang mga pera ko na araw-araw kong binibili ng prutas para lamang sa kanya. Sayang din ang mga laway ko sa kaka-usap ko sa kanya. Hayystt tsk nakakainis siya! Sana pala'y hindi ko na siya dinalaw ng paulit-ulit doon. Sana pala hindi ko na lang siya nakilala! Salbahi siya! "Nakakainis ka talaga Kierra! Ang tanga tanga mo noh!" ang sabi ko sa sarili ko habang narito ako sa kinahihigaan ko at pinapalo ang unan gamit ang mga kamay ko. Hindi ko rin maiwasang sumigaw dahil sa sobrang inis. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya! Ano ba naman siya?! Mukha ba talaga akong sinungaling? Sa mukhang kong ito ay sinungaling? Bob* siya! *Koevy's PoV* Nakatulog pala ako. Mga ilang oras ba akong natulog? Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko at unti-unti kong nasilayan ang isang matandang babae na nakatayo at isa pang matandang lalaki na nakatayo rin sa harapan ko at halatang hinihintay ako na magising. Nakangiti silang dalawa sa akin na siyang ikinagulat ko. Paulit-ulit kong ibinukas at isinara ang mga mata ko na nagbabakasakaling panaginip lang ito. "Anak" mangiyak-ngiyak na bungad ng matandang babae sa akin. Napangiti ako agad. Pakiramdam kong napawi lahat ng kalungkutan ko. Pakiramdam kong ako na yata ang pinaka-masayang tao dito sa mundo. Si Mom, Si Dad. Sila ang mga taong nakikita ko ngayon. Tuluyan na lamang dumaloy ang mga luha na nagmula sa mga mata ko habang ako'y nakangiti. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapaluha. Totoo ba ang mga nakikita ko o nananaginip lang ako? Totoo ba ang saya na nakikita ko mula sa mukha nila? Totoo bang nandidito si Dad? "D-dad?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Mas lalong napangiti si Dad sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Ako nga ito anak na-miss ka namin," masayang bungad niya. Ang saya-saya ko ngayon. Itong bagay talaga ang tanging hinihiling ko lamang sa buong buhay ko. Ang kausapin ako ni Dad sa mabuting paraan at ngitian niya ako ng tunay. Totoo na ba ito? Mabilis akong bumangon kahit masakit pa ang katawan ko. Agad naman nila akong inalalayan upang makaupo. "Dahan-dahan lang anak" ani Dad habang inaalalayan akong makabangon. "Dad!" masayang wika ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na yakapin siya ng mahigpit. Sobrang higpit. "Anak ko" mangiyak-ngiyak nitong sabi. "Patawarin mo ako sa naging maling pagtrato ko sa 'yo noon anak. Patawarin mo ako kung naging ganito ang Dad mo, hayaan mong bumawi ako. Babawi ako anak." Mas lalo akong napaluha, luha na ang dahilan ay saya. Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na ito. Hindi na talaga ako magsasayang ng oras na kausapin ang Dad ko lalo na't malapit na ang katapusan ko. Napaka-saya ko ngayon, sobrang saya ang nararamdaman ko. "Dad, ang tagal kong hinintay ng pagkakataon na ito. Ang tagal kong ipinagdasal sa diyos na sana'y balang araw ay mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal mo kay Joshua. Dad sobrang saya ko ngayon, sa wakas at naging totoo na rin ito. Sobrang saya ko ngayon Dad, pasensya na rin po sa lahat. Patawarin mo rin po ako." Patuloy lamang ang mga luha na dumadaloy mula sa mga mata ko. Hindi maialis sa mukha ko ang saya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. "No no. Hindi mo kasalanan anak, you don't have to apologize. Ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkaganito. Kung sino man ang taong 'yon na kailangan humingi ng tawad, ako 'yon. Patawarin mo ang Dad mo anak." Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Lumapit na rin si mom at ang kapatid ko sa direksiyon namin upang maki-sama sa yakapan namin ni Dad. Napangiti na lamang ako at hinawakan ko si Joshua, naluluha siyang ngumiti sa akin. Sa wakas at magkasundo na rin kaming dalawa, maging si Dad. Naniniwala talaga ako na mabait at maaawain ang diyos. All you have to do is to pray and wait patiently until it happens. It will get better, soon. "Kruuu...kruuu..." Biglang dumalaw si katahimikan simula lamang no'ng tumunog ang tiyan ko. Marahan ko naman itong hinimas ng paulit-ulit kaya't tumawa sila. Gutom na pala ako, kailangan ko nang kumain. Mahigit labing-anim na araw akong hindi kumain eh, magpapaka-busog na muna ako. "Ma, may napapansin ba kayong babae na pumupunta dito sa kuwarto ko?" nagtataka kong tanong kay mom na inaayos ang mga gamit sa lamesa. "Babae?" balik tanong din nito sa akin. Napapansin ko siyang pinag-iisipan ang sinabi ko. "Opo ma, babae" saad ko. "Ahh oo si Kierra, siya palagi ang bumibisita sa iyo dito. Diyan lang sa kabila ang kuwarto niya oh, kasunod lang ng atin. Hindi ko nga alam kung bakit madalas siyang magpunta rito eh hindi mo naman siya kilala hindi ba?" sagot nito na siyang ipinag-taka ko. "Madalas siyang nagpupunta rito? Bakit naman kaya?" naguguluhan kong tanong. Bakit naman kaya palagi siyang bumibisita sa akin? Ayy tama, sabi niyang wala siyang magawa sa kuwarto niya kaya't nagpupunta siya dito. Pero ano naman ang ginagawa niya dito, pinagmamasdan ako? "Eh hindi ko rin alam, but still thanks to her kasi sinisilip ka niya sa tuwing wala ako at saka para na rin may bantay ka." Ngumiti ako ng malapad at marahang tumango. So she was telling the truth then. Ngunit bakit niya sinasayang ang oras niya sa pagbabantay sa akin? Hindi ba siya nagsisisi na imbes unahin niya ang kanyang mga nais gawin ay ako ang pinagtutuunan niya ng atensiyon? Does she likes me? No no I must be wrong. "Anong klasing ngiti 'yan hmm?" Napatingin ako kaagad kay mom at biglang nag-seryoso ng tingin. Ngumiti ba ako? Bakit ko naman nagawa 'yon? Para saan ang ngiting iyon? Hayystt I think I'm insane. "W-wala po." Umiling ako habang sinasagot ko ang tanong ni mom. Kaming dalawa na lamang ni mom dito sa kuwarto dahil nagpa-alam na muli sina Dad at Joshua dahil may meeting sila ngayon ng ibang mga kliyente. Medyo nabo-bored ako dito, gusto ko na tuloy umuwi ng bahay dahil mabuti ro’n at marami akong puwedeng gawin. Kailangan ko munang makalanghap ng sariwang hangin. Gusto ko na muna na magmuni-muni upang malibang man lang kahit kunti. Lalabas lang muna ako. . . . @nicoxx18
wow
29/06/2024
0Ang ganda
31/05/2024
0try basahin neto guys ❤️🤗😘
14/01/2023
1View All