60 Days Of Loving You Chapter 6 *Koevy's PoV* "Sino ka?" nagtataka kong tanong sa babaeng nakatalikod ngayon na isinisirado ang pinto. Sa umpisa ay hindi niya ata napansin na nagsalita ako ngunit maya-maya pa ay dahan-dahan itong napalingon sa akin. At biglang sumigaw. "Multoooooooooo!" malakas niyang bulyaw sa harapan ko kasabay ng pagbagsak ng mga prutas na dala-dala niya. Agad naman akong napatayo kahit masakit pa ang buong katawan ko. "Hey hey! I'm not a ghost! I'm a human! I'm alive! Can't you see?" mabilis kong sagot habang itinuturo ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang dahil sa gulat. Hindi ito makagalaw at nakatayo pa rin ito. Marahan naman akong naglakad papalapit sa kanya at kinaway-kaway ko ang isa kong kamay sa harapan ng mukha niya. Mukhang tumigil yata ang mundo niya. Paulit-ulit kong ikinaway ang kamay ko hanggang sa matauhan ulit ang babaeng 'to. "Multoooooooooo!" iyan nanaman ang kanyang sinabi. Hinawakan ko naman bigla ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa ngunit iyon lamang ang naiisip kong gawin. At para na rin na umamin siya kasi sa mukha pa lang nito, mukhang nagsisinungaling na. Sino ba kasi ang babaeng ito? Hindi ko naman siya kilala ah. Naliligaw ba siya o wala talaga siya sa tamang pag-iisip niya kaya't basta-basta na lang pumapasok sa kuwarto na hindi niya pagmamay-ari? "Aray ano ba! Layuan mo nga ako wala akong makita! Ano ba!" sigaw niya sa harapan ko. "Sino ka ba?! Kilala ba kita? Bakit nandito ka sa kuwarto ko?!" sunod-sunod kong tanong sa kanya habang hawak-hawak ko pa rin ang mukha nito. "Layuan mo ako! Pasalamat ka nga at tinutulungan kita!" inis niyang sagot na siyang ikina-gulo ng utak ko. Tinutulungan? Ako? Ano ang sinasabi niya? Nagbibiro ba siya? Sandali pa ay nagsalita na muli ako. "You're lying! Alam kong hindi mo sinasabi sa akin ang totoo. Just tell me the truth or else I'll call the police!" pananakot ko dito na siyang ikinagulat niya. "Sinabi na nga kasing layuan mo 'ko eh!" malakas niyang bulyaw sa akin kasabay ng pagtulak niya sa akin papalayo. Gamit ang buong lakas niya, agad akong napahiga sa hospital bed na kinahihigaan ko kanina. Mabuti na lamang at doon ako tumama dahil kung sa sahig, baka patay na ako ngayon. Pero masakit pa rin ang katawan ko lalo na't ang balakang ko. Ano ba 'tong pinasukan ko? "Aray! Aray!" sigaw ko habang nakahiga sa kama at hawak-hawak ang balakang ko. "Hindi ko sinasadya!" taranta nitong sabi. Mabilis siyang lumapit sa akin upang tulungan ako na makaupo. "Stay away from me!" inis kong pangtataboy. Lumayo naman siya at mag-isa kong tinulungan ang sarili ko na makaupo. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng katawan ko at ang mga namagang sugat. Tinignan ko na lamang siya ng matalim na tingin habang siya'y nakatingin rin sa akin. "Hayystt tsk, looks what you've did! Sino ka ba kasi? Bakit ka nandito sa loob ng kuwarto ko? Hindi naman kita kilala at mas lalong hindi kita kamag-anak ah. Anong ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba?" sunod-sunod ko nanamang tanong dito. Hindi ko mapigilan na hawakan ang balakang ko. "P-pasensya na nagulat lang kasi ako kasi n-nagising ka na pala. Ngayon ka lang ba nagising?" Dali-dali siyang tumabi habang nakatingin sa akin at hinihintay na sagutin ko ang tanong niya. Napangisi naman ako ng nakapang-aasar sa kanya. Hindi ba obvious? "Hindi kahapon pa ako nagising natulog lang ulit ako," suplado kong sagot rito. Nakita ko siyang nagkagat-labi at sinabayan pa ng ngiti. Hindi niya maiwasang tignan ang mukha ko. Bakit may dumi ba rito? May mali ba sa mukha ko? O baka naman ay nai-in love siya sa 'kin kaya't ganito siya makatingin? Naiilang ako sa kanya, siguro may deperensiya nga ang utak ng babaeng 'to. Matapos ang ilang minuto ay nagsalita na ako. "Your name?" malamig kong tanong sa kanya. Bigla na lamang itong natauhan at mabilis na umiling. "A-ako pala si Kierra, Kierra Alfenso," nakangiti niyang sagot habang nakatingin sa akin. Inabot niya ang kamay niya sa akin upang makipag-kamay pero hindi ko ito tinanggap at tinignan ko lamang ito. "Bakit ka pumasok dito? Nakita kita kanina na bigla ka na lamang pumasok dito sa kuwarto ko. Naliligaw ka ba o sinadya mo lang?" paulit-ulit kong tanong sa kanya kaya't natigilan siya. Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga at napangiti sa 'kin. "W-wala kasi akong ibang ginagawa sa kuwarto ko. Ayan oh, kasunod lang ng kuwarto mo 'yong akin, " nakangiti pa nitong sagot habang itinuturo niya ang kuwarto na kasunod lamang ng kuwarto ko gamit ang hintuturo niyang daliri. "Hindi ako interesado do'n, tinatanong ko kung bakit ka nandito," wika ko. Nakangiti lang ito na parang isang sira. Nasa tamang pag-iisip pa kaya siya? Sa tingin ko'y hindi na eh. "Simula lang noong maaksidente at ma-comatose ka, palagi na talaga akong nagpupunta dito sa kuwarto mo. Kahit tanungin mo pa ang mama mo noh. At saka nakaka..." "How long? Gaano ako katagal na natulog?" interesado kong tanong sa kanya habang sinusubukan kong tumayo. Noong makatayo na ako'y marahan akong lumapit sa kalendrayo na nakapaskil sa dingding. "Mga labing-lima? Ayy mali labing-anim! Tama labing-anim na araw na. Labing-anim na araw na nga ba? Hindi ako sigurado eh," muli pa nitong sagot. Mabilis kong binaybay ang mga pahina ng kalendrayo at sandaling napahinto upang mag-isip. Huling buwan na hindi pa nangyayari ang aksidente ay Hunyo. Anong buwan na ngayon? Ilang araw na lamang ang natitira para sa akin? "Anong buwan na ngayon?" interesado ko pang tanong sa babaeng nakaupo sa kama. "July na ngayon, July 6. Bakit ba ang dami mong tanong? Para ka namang may malubhang sakit na hindi na magtatagal dito sa mundo tanong ka ng tanong eh haha, " natatawa niyang sabi kaya't mabilis akong napatingin sa direksiyon niya. "Paki-ulit nga ng sinabi mo?" naiinis kong saad. "Para kang may malubhang sakit na hindi na magtatagal dito sa mundo kasi tanong ka ng tanong. Anong meron do’n?" nagtataka niyang sabi. Mabilis akong lumapit sa kanya at muling nagsalita. "I want you to get out from here and stay away from me, now!" madiin na sabi ko habang itinuturo ko ang pinto. "H-huh?" "Now!" pasigaw ko pang sabi kaya't natahimik siya. "O-okay? Bye?" pagkasabi niya no'n ay marahan na siyang humakbang papalayo sa akin at lumabas na ng kuwarto. Sinundan ko na lamang ito ng tingin hanggang sa nawala na ito sa paningin ko. Ibinaling ko ulit ang atensiyon ko sa kalendrayo. Ngayon ay hulyo na, hulyo sais. May dalawampu't apat na araw na lamang ako upang manatili rito. Pagkatapos ng dalawampu't apat na araw ay kailangan ko nang mama-alam. Dahan-dahan akong napa-buntong hininga at nakaramdam ng lungkot. Hindi na ako magtatagal pa dito. Alam na kaya nila Dad ang tungkol sa akin? Sinabi na kaya ni mom sa kanila? I hope na wala siyang sinabi, I really hope. "Hi sigurado ka bang okay ka lang diyan? Gusto mo bang tawagin ko 'yong nurse o di kaya ay doct..." "Get out!" mabilis kong sagot. Hindi ko inaasahan na babalik pa pala ang babaeng ito. Ang tigas tigas ng ulo niya. "Edi don't!" Matapos niyang sabihin iyon ay padabog siyang umalis ulit ng kuwarto ko. Tsk. Anong klasing babae siya? Bumalik ako sa kama na kinahihigaan ko at naupo. Hindi ko maiwasang isipin ang mga nangyayari ngayon at sunod pang mangyayari sa akin. Nasaan na kaya sina Mom at Dad? ang kapatid ko? Ni isang beses man lang ba ay binisita nila ako? Agad kong ibinaling ang tingin ko sa mga prutas na nahulog kanina ng babae. Tinignan ko ito ng maigi. Anong sinasabi niya na tinutulungan ako? Palagi ba siyang bumibisita sa akin dito? Siya lang ba ang bumibisita dito? Eh ang pamilya ko, bakit hindi ko sila nakikita ngayon? Inabandonado na ba nila ako? Pero bakit? Kailangan kong alamin ang mga nangyayari. Kailangan kong malaman kung nasaan na ang pamilya ko. Akmang tatayo na sana ako upang lumabas ng aking silid noong biglang may nauna pang pumasok na isang babae. Siya'y naka-uniporme ng pang-hospital kaya't agad mo na masasabi na isa siyang nars. Malaking gulat ang nasaksihan nito simula lamang noong makita niya ako. Nakaka-gulat naman kasi. "G-gising ka na po? P-pero na-comatose ka. Paano ka nagising ng mas maaga?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi rin ako nakapagsalita at nagtinginan lamang kami. "S-sandali lang tatawagin ko lang ang doctor at p-pamilya mo," utal pang sabi nito sa akin. Matapos niyang sabihin ang bagay na iyon ay agad na siyang tumakbo palabas ng silid upang gawin na ang sinabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim, napa-pikit at nakiramdam sa katawan ko. Ang sakit-sakit pa ng katawan ko, kailangan ko pa ng kaunting pahinga. Mahihiga na lamang muna ako. . . . @nicoxx18
wow
29/06/2024
0Ang ganda
31/05/2024
0try basahin neto guys ❤️🤗😘
14/01/2023
1View All