logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

60 Days Of Loving You
Chapter 3
*Koevy's PoV*
Phone ringing...
Marahang nabuksan ang mga mata ko at kaagad kong narinig ang cellphone ko na tumutunog.
Mabilis ko naman itong inabot mula sa kinahihigaan ko dito sa kuwarto. Mga isang metrong distansiya lamang ang layo nito sa akin.
Pagtingin ko rito ay nakita ko ang pangalan ng secretary ko na siyang tumatawag sa akin ngayon sa cellphone.
Agad ko naman itong sinagot at nagsalita na.
"Bakit?" malamig kong tanong sa kanya.
"Boss nagkaka-gulo na po dito! Kailangan niyo pong magpunta dito sa kompanya at magpakita! Iki-nansel na po ang mga meetings sa hindi alam na kadahilanan! Boss tulungan niyo po kami dito!" malakas na boses nito sa kabilang linya. Agad na lamang akong napabalikwas ng bangon.
Isinuot ko ang damit maging ang sapatos ko at nagmadali nang lumakad paalis ng bahay.
Mabilis akong nagtungo sa garahe upang kunin ang sasakyan ko. Matapos iyon ay nagpaharurot na ako ng takbo patungo sa kompanya.
Hindi ko na alam pa kung ano na ang nangyayari sa kompanya ko ngunit kinakabahan ako sa mga nangyayari doon.
Bakit nila iki-nansel ang meeting? Ayaw ba nila sa projects ko? Anong problema at bakit parang biglaan naman yata?
Mabilis ko pang itinaas ang speed ng pagmamaneho ko ng sasakyan hangga't sa umabot na nito ang katapusan. Para na akong magpapaka-matay dahil wala na ito sa tamang bilis na pagpapatakbo dito.
Agad na lamang ako nakaramdam ng matinding kaba at takot noong makita ko ang isang bata na nasa gitna ng kalsada.
Mabilis kong inapakan ang prino ng sasakyan ko ngunit hindi ko ito mapahinto. Tumingin ako sandali sa ibaba na kung nasaan naroon ang prino. Mayroong isang bote ng mineral water ang naroon kaya pala ay hindi ito gumagalaw.
Malapit na ako sa may bata! Kinakabahan na ako ng sobra!
Ang ginawa ko ay mabilis kong inalis ang plastic bottle na iyon sa prino ng sasakyan ngunit hindi ko na mapigilan ang mabilis nitong takbo kaya't hindi ko inaasahan na sobrang lapit ko na pala sa bata.
Mabilis kong ibinaling ang manobela sa kaliwa upang hindi ko masagasaan ang bata at malakas itong bumangga sa malaking puno.
Napaka-lakas ng pagkaka-bangga nito maging 'yong boses din.
Hindi ko namalayan ang tuluyang pagdaloy ng mga dugo mula sa ulo at iba pang mga parte ng katawan ko.
Matapos ang mga sandaling iyon ay nawalan na ako ng malay sa aking sarili.
*Someone's PoV*
"Mr. Stylous tama ba ako?" Isang boses ng lalaki ang naririnig ko sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung sino ba ang lalaking ito at kung ano ba ang sadya niya.
"Ako nga, bakit sino ito?" balik na tanong ko sa kanya.
"Isa po akong pulis, kaano-ano po ba ninyo si Mr. Koevy Stylous?" Bigla na akong nagtaka at mabilis na napatingin sa asawa ko na pinagmamasdan rin ako.
"Anak ko siya, bakit ano ba ang nangyari?" may pagtataka kong tanong sa pulis.
"Naaksidente ho ang anak ninyo, pumunta po kayo dito sa hospital ngayon na. Grabe ang lagay nito." Bigla na lamang akong natigilan sa mga bagay na narinig ko.
Nakita ko rin ang munting luha na tumulo mula sa mata ng asawa ko.
"S-saang hospital 'yan?!"
"San Diego hospital po."
"Okay sige sige pupunta na kami diyan!" Mabilis kong pinatay ang cellphone at biglang napa-hilamos sa mukha ko.
"Jusko ang anak ko!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Amy, ang asawa ko.
"Bakit ma anong nangyari kay Kuya?!" may pag-aalala ring tanong ng isa ko pang anak sa mama niya.
"Ang batang 'yon magpapaka-matay ba siya?!" balik na sigaw ko habang nakahilamos sa mukha.
"Puntahan natin siya! bilisan natin!" kinakabahan nitong saad kaya't mabilis akong napatango at mabilis na ring tumungo sa garahe upang kunin ang sasakyan.
*Era's PoV*
Ang boring dito sa loob ng hospital. Ni mas makausap man lang ay wala. Gusto kong magkaroon man lang ng kahit na isang taong makakausap kahit ngayong araw lang.
Teka, paano kung lumabas na lamang muna ako ng kuwarto ko at magtungo sa rooftop? tama doon lang muna ako magmumuni-muni.
Napangiti ako agad sa naisip ko at mabilis nang tumayo mula sa kinahihigaan ko habang dala-dala ko ang *dextrose na may lagislis ang sabitan nito. Para habang naglalakad ako ay sumasabay ito sa akin, masyado kasing nakakatamad kung hahawakan ko lang.
Iniwan kong naka-bukas ang pinto ng hospital room at matapos 'yon ay naglakad na ako.
Ang katabi ng room ko ay isang bakanteng kuwarto at pagkatapos nito ay may isa nanamang kuwarto na mayroon ding pasyente.
Minsan ay pinagmamasdan ko ang bawat kuwarto na mayroong pasyente habang naglalakad ako. May mga sandali rin na ngini-ngitian ko sila o sila itong ngumingiti sa akin.
Minsan rin ay naiisip ko na siguro mas mahirap din ang kanilang pinagdadaanan kumpara sa akin? Siguro'y matindi rin ang nararamdaman nilang lungkot dahil sa sakit nila? hindi ba't ganoon naman?
Napukaw agad ang aking atensiyon. Napahinto na lamang ako sa paglalakad ko noong bumungad agad sa harapan ko ang mga taong tumatakbo na may kasamang rolling hospital bed na may nakahigang tao.
Masyado akong nakaramdam ng matinding kaba dahil sa gulat at mabilis akong tumabi sa daan.
Habang dumadaan ang mga ito sa harapan ko ay nakikita ko ang isang lalaking nakahiga habang walang malay at duguan ang buong katawan nito.
Nakaka-awa ng sobra ang kalagayan niya. Buhay pa kaya ang taong iyan? Imposible na mabuhay pa siya, ang dami-daming dugo ang naka-kalat sa buong parte ng katawan niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya?
At dahil isa ako sa mga marites, sinundan ko sila ng tingin at saktong doon sila nagpunta sa kuwarto na kasunod lamang ng amin!
Tapos na ba ito sa operating room kaya't ipinunta na diyan? aba'y malay ko rin, ngayon ko lang ito nakita.
Marahan akong naglakad papalapit sa kuwarto na katabi lamang ng amin at sumilip ako sa bintana nito gamit ang mga mata ko.
Maraming nandoon sa loob. Siguro pamilya niya ang tatlong nasa sulok ng kuwarto. Iyong matandang babae kasi ay umiiyak katabi ng matandang lalaki. Siguro mag-asawa sila tapos 'yong isa pang lalaki ay anak din nila maging 'yong lalaki na nakahiga ngayon.
Naka-ayos na ang hinihigaan ng pasyente at lumapit na ang matandang babae sa kinahihigaan nito habang hinahawakan nito ang kamay. Ang dalawa namang lalaki ay nasa likuran lamang nito.
Hindi ko nakikita na umiiyak 'yong matandang lalaki ngunit mapula-pula ang pisngi nito at mata. Baka kanina pa siya umiyak, sayang at hindi ko nakita.
Sandali pa ay may lumabas na isang nurse mula sa kuwarto na iyon kaya't mabilis naman akong lumapit dito upang maki-balita sa nangyari.
"Nurse ano po ang nangyari sa kanya? sino po siya?" Sabay turo ko sa lalaking nakahiga sa loob ng room. Mabilis din naman siyang napatingin dito at pagkatapos ay ibinaling na muli ang atensiyon sa akin.
"Ah siya, siya si  Mr. Koevy Stylous.
Naaksidente kanina lang," sgot ng nurse na kausap ko kaya't marahan akong napatango.
"Eh kumusta naman ho ang lagay niya?" pangalawang tanong ko dito.
"Na-comatose siya iha."
"Ho?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Maiwan muna kita." Matapos iyon ay naglakad na siya papalayo. Ako nama'y patuloy ko pa rin siyang pinagmasdan habang nandidito sa labas ng room nila.
Kung mas pagtutuunan mo ito ng pansin, masasabi mong guwapo ito at paniguradong marami ang nagkakagusto sa kanya. At maiisip mo rin na nasa 20 plus pa lamang ang edad nito. Hmmm may kasintahan na kaya ang lalaking ito?
Bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Masyadong mabilis ang pangyayari.
Pinagmasdan ko lang naman siya, bakit bigla akong nahulog sa maamo nitong mukha?!
*Koevy's Mother's PoV*
Narito ako sa tabi niya habang hawak-hawak ko ang kamay nito. Hindi ko maiwasan ang mapaiyak dahil sa nangyari. Jusko bakit umabot pa sa ganito?
"Gaano siya katagal na matutulog?" walang lakas na tinig na pagtatanong ng asawa ko sa doctor.
Sandali naman itong napatigil at lumapit sa amin.
"Sa loob ng marami pang panahon." Mahinang sagot nito na siyang ikina-bagsak ng mga luha ko.
"P-pero doc, baka may iba pa pong paraan upang magising siya ng mas maaga?" naiiyak kong tanong sa doctor.
"I'm very sorry Mrs. Stylous ngunit wala na tayong magagawa. Ang kinakailangan na lamang natin gawin ay ang hintayin siya na magising," malungkot na sagot ng doctor. Mas lalo pang tumulo ang luha ko.
"P-pano doc kung matagal pa? paano kung matagal pa siyang magising?" kinakabahan ko pang tanong.
Napayuko na lamang ang doctor at unti-unting umiling.
"Ipagpasa Diyos na lang natin na magising siya ng maaga. Bago pa niya bitawan ang sarili niya."
May taning na ang buhay ng anak ko. May animnapu'ng araw na lamang siya upang mamuhay dito sa mundo! Paano kung hindi na siya magising? paano kung matapos ang animnapu'ng araw na hindi pa siya nagigising? Jusko kawawa naman ng anak ko.
Nakita ko sandali ang asawa kong tumutulo na rin ang mga luha.
Ngayong nangyari na ang bagay na ito, siguro nama'y magtatanda na sila. Siguro nama'y magsisisi na sila sa mga kasalanang ginawa nila sa anak ko.
Nakita ko pa ang tuluyang daloy ng pagpatak ng mga luha ng asawa ko at ng isa ko pang anak. Dahan-dahan namang lumuhod ang asawa ko sa harapan ng nahihiga naming anak na si Koevy habang patuloy ang pagluha nito.
Hinawakan nito ang kabilang kamay ni Koevy at yumuko.
"Patawad anak ko kung naging mali ang pagtrato ko sa 'yo. Patawad anak ko hindi kita mabigyan ng oras, patawad anak ko kung bakit naging ganito ang Dad mo sa 'yo. Anak ko babawi ako." Tuluyan na din akong napaiyak sa mga sinasabi niya.
Siguro kung nagigising lamang si Koevy ngayon at naririnig ang mga sinasabi ng Dad niya ay ngi-ngiti ito at magiging masaya. Ito lamang ang tanging hinihiling niya sa buong buhay niya, ang magkasundo sila ng Dad niya.
"'Yon lamang ang tanging hinihiling niya sa buhay niya, ang magkasundo kayong lahat at ituring mo siya bilang isang tunay na anak. Ngayong huli na ang lahat, ano pa ang magagawa ninyo? hindi niyo na man lang ipinaranas sa kanya ang masayang buhay! Hindi niyo na man lang siya binigyan ng kahit kaunting panahon upang makausap siya! bakit gano'n kayo? paano kung hindi na siya magising pa?!" paliwanag ko sa kanilang dalawa, sa asawa at anak ko pang isa.
Mabilis naman ding lumuhod si Joshua malapit sa kinahihigaan ni Koevy at doon nag-iiyak.
"Patawad rin Kuya, patawarin mo kaming dalawa ni Dad," umiiyak nitong paumanhin.
Agad na lamang akong naupo dahil sa wala na akong lakas.
Diyos ko, sana magising pa ang anak ko bago matapos ang animnapu'ng araw. Sana makita ko man lang siya na magising at mayakap habang nakangiti. Kahit isang beses lang, sana maranasan niya man lang na ngumiti habang yakap nito ang Dad at ang kapatid niya.
Panginoon tulungan niyo po siya sa laban niya. Sana mas lalo pong mapabilis ang pag-galing niya. Sana'y magising na ulit siya.
.
.
.
@nicoxx18

Book Comment (5)

  • avatar
    Sitie Aminah Mansumayan

    wow

    29/06/2024

      0
  • avatar
    Zander Pedro

    Ang ganda

    31/05/2024

      0
  • avatar
    SantosMichael

    try basahin neto guys ❤️🤗😘

    14/01/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters