logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

60 Days Of Loving You
Chapter 2
*His PoV*
Ligtas kaming nakauwi ng bahay ni mama at mabilis kong ni-park ang sasakyan ko sa garahe.
Sa totoo lang ay medyo matagal ko nang nararanasan ang hirap ng sakit ko. Siguro'y tatlong taon ko na yata itong dinaramdam, ang prostate cancer.
Minsan nahihirapan ako sa pag-ihi, sumasakit ang balakang ko, hindi tumitigas ang ari ko at iba't-iba pang mga sintomas ng cancer na ito.
At ngayon hindi ko inaakala na malala na pala ang sakit kong ito at kinakailangan ko nang iwan ang lahat ng bagay dito sa mundong tinitiriahan ko.
Hindi alam nila Dad ang bagay na iyon maliban na lang kay mama. Hindi nila alam na may sakit ako at may animnapu'ng araw na lamang upang mamuhay dito sa mapanakit na mundo.
Bakit ko naman sasabihin sa kanila? Wala naman silang pakialam sa akin eh. Ano pa ang saysay? At saka sa totoo lang, hindi pa kami nakakapag-usap ni Dad ng maayos, simula pa noong maliit pa lamang ako. Ni mas kumustahin man lang ako ay hindi niya pa nagawa. Kahit iyong salitang mag-iingat ako ay hindi ko pa narinig mula sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Bakit niya ako pinapahirapan at bakit niya ako natitiis? Ganoon ba ang tunay na magulang? Natitiis na hindi kausapin ang kanilang anak?
MAGKASABAY na kaming naglakad ni Mom papasok ng aming bahay at agad na kaming sinalubong ni Dad ng di makahulugang tingin at ekspresyon ng mukha.
"Saan kayo nanggaling? Bakit ngayon lang kayo?" malamig na tanong nito sa amin. Natigilan kami ni mom sa paglalakad at sandaling nagtinginan sa isa't-isa.
"M-may pinuntahan lang kami ni Koevy, hon. Isang napaka-importateng bagay lamang na kailangan naming puntahan," mahinang sagot ni mom habang hawak-hawak nito ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya at tumango siya agad habang nakangiti ng hindi kalakihan.
Hindi ako makapagsalita, masyado pa akong nabla-blangko dahil sa mga bagay na nalaman ko kanina. Wala akong ganang magsalita ngayon o kausapin ang kahit sino man. Wala akong lakas.
"Gaano ba ka-importante ang bagay na iyon at hindi niyo man lang sinabi sa akin?" dudang tanong sa amin ni Dad.
Wala akong ibang ginawa kundi ang mapayuko na lamang ng ulo at tumahimik.
"Ahh ehh mamaya na natin 'yan pag-usapan baka pagod na ang anak natin, hon. Anak Koevy nagugutom ka na ba? Halika kumain ka muna dito," ngiting pilit na sabi nito sa akin. Pagkatapos ay hinihila niya ang kabila kong kamay.
"Hindi mo siya ka-dugo at hindi natin siya anak!" malakas nitong saad. Hindi ko namamalayan na unti-unti nang tumulo ang luha ko, ngunit hindi nila 'yon nakita.
"Aakyat lang po muna ako sa kuwarto ma, medyo napagod kasi ako sa biyahe," singit kong kuda at mabilis na akong naglakad pa-akyat sa kuwarto ko.
"Ano ka ba naman Alex! Hindi nasa dugo ang pagiging pamilya kundi nasa pagmamahal! Hindi basihan ang dugo para tawaging isang pamilya! Maawa ka naman sa anak natin kahit ngayon lang! Ang dami dami na'ng bagay ang nangyayari at pinagdadaanan niya! Puwede bang maging mabuti ka man lang ama kahit isang beses lang?!"
"Hindi ko siya anak at hindi ko siya ituturing bilang isang anak kahit kailan man! Ayaw ko sa batang 'yon! Magsama kayong dalawa hangga't gusto niyo!" naririnig kong mga sigawan nila habang narito ako sa kuwarto ko.
Sandali akong lumapit sa lamesa na puno ng gamit na pagmamay-ari ko at mabilis ko itong sinira gamit ang mga kamay ko.
Maging ang mga babasaging bagay ay nalaglag ito sa sahig at nabasag. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa mga sandaling iyon.
"ARGH!" malakas kong bulyaw habang umiiyak.
Pagkatapos ay dahan-dahan akong naupo sa sulok ng kuwarto ko at doon kinimkim ang galit. Doon ako umiyak ng umiyak ng walang tunog. Sobrang sakit.
Sunod-sunod na ang kamalasan na nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko upang masolusyonan ito. Siguro ang tanging paraan lamang upang mapawi lahat ng galit at lungkot ko'y mamatay na ako.
Kapag matapos na ang animnapu'ng araw kong pamumuhay rito sa mundo ay wala na silang makikitang Koevy. Wala nang magagalit sa akin, hindi na rin ako makakaranas ng sakit na ginagawa sa akin ni Dad katulad ngayon.
Wala na siyang pagsisigawan, wala na siyang pag-iinitan ng ulo at mas lalong wala na ang Koevy na kahit kailan man ay hindi nila minahal.
Ngunit nakatitiyak ako na pagdating ng isang araw ay hahanap-hanapin din nila ako. Nakatitiyak ako na mahahanap rin nila ang halaga ko bilang isang anak at iiyak sila mismo sa harapan ng kabaong kinalalagyan ko.
Bakit sa loob pa ng animnapu'ng araw? Bakit hindi na lang ngayon upang mapawi na lahat ng mga hinanakit at paghihirap ko sa buhay? Bakit hindi na lamang ngayon? Bakit?
*Someone's PoV*
"Okay magbibilang lamang ako mula isa hanggang lima at pagkatapos no'n ay hahanapin na kita! Dali magtago ka na!"
Narito kami sa bakuran ng pinsan ko at naisipan namin ang maglaro.
Wala din naman kasi akong ginagawa kaya't tama lamang na libangin ko muna ang sarili ko.
"Pumikit ka na ate!" masayang bulyaw nito. Humarap ako sa puno at tinakpan ang aking magkabilang mata gamit ang mga kamay ko.
Nagsimula na akong magbilang at nagtago na rin ang pinsan ko. Pagkabilang ko ng lima ay mabilis ko na siyang hinanap.
"Nasaan ka ngayon bata? Nandito na ako, magpakita ka sa 'kin," natatawa kong sabi habang hinahanap ng mga mata ko ang pinsan ko.
Inilibot ko ang buong paligid para lamang hanapin siya ngunit hindi ko malaman kung saan ito nagtatago.
Nasaan na kaya ang batang iyon? Saan kaya siya nagtago? Ang galing naman.
Naghanap ulit ako sa ibang lugar na puwede niyang pagtaguan ngunit wala pa rin akong mahanap.
Pagkatapos ay marahan kong nilapitan ang malaking halaman na naroon sa bakuran. Medyo may nahahalata akong tao roon, alam kong siya na iyon!
"Bulaga!" panggugulat ko sa kanya. Mabilis siyang napasigaw at napatawa kaya't sumabay na rin ako.
Sandali pa ay unti-unti na akong nakaramdam ng panghihilo at sakit sa ulo ko.
Hindi lamang iyon, nakakaramdam din ako ng paninikip ng dibdib at nahihirapan sa paghinga. Jusko ano nanaman ang nangyayari sa 'kin?
"Ate Era okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo ate?!" ani pinsan na nasa pag-aalala ang tono.
Mabilis akong kumapit sa kanya habang hawak ng isa kong kamay ang ulo ko. Agad niya rin akong hinawakan sa kamay. Nakikita ko sa mukha nito ang pag-aalala.
"Aray! Aray ang sakit!"
"Ate Era!"
"Ara..." Matapos ang sandaling iyon ay hindi ko na namalayan na bumagsak na pala ako sa damuhan at hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari.
Marahan kong idinilat ang mga mata ko upang alamin kung nasaan ako at kung ano ang nangyari.
Ang una kong nasilayan ay ang isang napaka-tahimik na kuwarto. Nakita ko rin ang kamay ko na may nakalagay na *dextrose.
Masyado ko pang nilakihan ang pagdilat ng mga mata ko at naibaling ang tingin ko sa bandang kaliwa ng higaan na kinaroroonan ko.
Si mama ang nakita ko. Agad akong bumangon at mabilis na naupo.
"Dahan-dahan lang anak," ani mama na tinutulungan ako na makaupo.
"Ano po ang nangyari? Bakit nandito ako?" nagtataka kong tanong kay mama.
"Anak nadatnan ka namin na walang malay sa damuhan. Sinabi sa akin ni Emanuel na naglalaro lang daw kayo ng tagu-taguan at bigla ka na lang hinimatay. Ano ba ang nangyari anak?" may pag-aalalang tanong nito sa akin kaya't napaisip na ako.
Bumagsak? Bumagsak ako? Tama naalala ko na. 'Yon nga ang nangyari.
"Hindi ko po alam, bigla na lang akong nakaramdam ng panghihilo tapos sumunod 'yong hirap ko sa paghinga," mabilis kong sagot.
"Gising ka na pala." Naibaling ang aming atensiyon sa doctor na agad pumasok sa loob ng aming silid.
Wala kaming ideya na papasok siya. Bigla na lamang kasi siyang sumulpot eh.
Tumayo si mama at malugod niyang binati ang doctor nang nakangiti. Ako naman ay ngumiti rin sa kanya.
"Kumusta ang pakiramdam mo iha? May masakit pa ba sa 'yo?" unang tanong sa akin ng doctor. Mabilis din naman akong umiling.
"Maayos na ho ang pakiramdam ko. Kanina po ay sumakit ang ulo ko maging 'yong dibdib ko at nahirapan ako sa paghinga pero ngayon parang wala naman na po," paliwanag ko sa kanya at ngumiti ito.
"I see, huwag sana kayong mabibigla sa sasabihin ko." Mabilis kaming nagtinginan ni mama sa isa't-isa.
Ano kaya ang mayro'n? May problema ba?
"Ano po 'yon doc?" interesadong tanong ni mama sa doctor kaya't tinignan ko na lamang sila.
Nakita kong bumuntong-hininga ang doctor at muli na itong nagsalita.
"Iha may sakit ka sa kidney. Kinakailangan ang kidney transplant mo sa lalong madaling panahon. Kinakailangan natin na mag-perform ng operasyon mula sa taong may malusog na kidney para isalin sa iyo." Natigilan ang mundo ko at bigla nakaramdam ng kaba.
May sakit ako? Paano nangyari ang bagay na 'yon?
"D-doc, imposible naman po yata na magkaroon ng sakit ang anak ko. Malakas po ang anak ko, malakas si Era," ani mama na nasa pag-aalala ang boses.
Unti-unti nang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga bagay na naririnig ko. Hindi ako makapaniwala.
"Pasensya na po pero imposible rin na magka-mali ang results na natanggap namin. Kinakailangan ninyong mag-desisyon tungkol sa schedule ng kidney transplant niya upang makapag-handa rin kayo, sana po ay pag-isipan ninyo ng mabuti, " paliwanag pa ng doctor na siyang ikina-laglag ng aking panga.
"M-malaki po ba ang posibilidad na makaligtas ako sa operasyon?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Actually iha ay 50 percent ang chance na maging successful ang operasyon mo, at may 50 percent din na hindi ito maging successful. Ngunit huwag kayong mag-alala dahil gagawin naman namin ang lahat ng aming makakaya,"  muli pang sagot niya.
Marahan akong napasubsob sa dibdib ni mama habang patuloy na ang hagulgol ko sa pag-iyak. Hindi ako makapagsalita dahil masyado kong ikinagulat ang sinabi ng doctor.
Paano kung hindi na kayanin ng katawan ko? Paano kung magkaroon ng problema ang operasyon ko? Paano na ako? Mabubuhay pa kaya ako?
"Pag-isipan niyo muna ng maigi ang lahat maging 'yong schedule ng operasyon natin. Kapag handa na kayo, ipa-alam niyo lang sa amin," mahina niyang sambit habang naka-subsob pa rin ako kay mama.
"Puwede po bang bigyan niyo kami ng kahit isang buwan lang?"
"Walang problema basta't hindi lamang lalagpas ng isang buwan upang mas maging maaga ang ating operasyon," ani Doctor.
Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya ng kuwarto namin. Naiwan kaming tulala ni mama dahil sa sinabi ng doctor.
Hindi pa din ako tumitigil sa aking pag-iyak. Hinihimas-himas ni mama ang likod ko upang patahanin ako ngunit mas lalo lang lumalakas 'yon.
"Tahan na anak kaya natin 'to. Malalampasan din natin ito," mangiyak-ngiyak niyang sabi ngunit mas lalo lamang lumalakas ang paghagulgol ko sa pag-iyak.
"Mama, paano kung hindi maging successful ang operasyon? Paano na ako? Hindi ko na ba kayo makakasama habang-buhay?" umiiyak kong tanong dito.
"Ano ka ba anak, kayang-kaya mo 'yan ikaw pa. Hindi ba't palaban ka? Hindi ba't malakas ka? Malaking posibilidad na maging successful ang operasyon huwag kang mag-alala," muli pa nitong sabi sa akin habang hinihimas-himas pa rin ang likod ko.
Hindi ko maiwasan ang kabahan at malungkot. Paano kung oras ko na talaga? Maaabot ko pa kaya ang mga pangarap ko sa buhay? Ang magkaroon ng masayang pamilya? Paano kung hanggang sa panaginip na lamang 'yon? Paano ka na Era?
.
.
.
@nicoxx18

Book Comment (5)

  • avatar
    Sitie Aminah Mansumayan

    wow

    29/06/2024

      0
  • avatar
    Zander Pedro

    Ang ganda

    31/05/2024

      0
  • avatar
    SantosMichael

    try basahin neto guys ❤️🤗😘

    14/01/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters