This story is a work of fiction. The characters, places, business and events are product of author's imagination. Please expect grammatical errors, wrong typos and informal words. PROLOGUE *His PoV* "Pahiram ako," masayang bungad ko sa nakababata kong kapatid sa loob ng harden. Doon kasi naglalaro ang kapatid ko gamit ang mga laruan niya. Laruan niya? Tama dahil wala akong magagandang laruan katulad ng kapatid ko. Siya kasi ang pinupukosan ng Dad, palagi siyang binibilhan ng mga damit at mamahaling laruan dahil paborito siyang anak nila Mom at Dad. Samantalang ako? Hindi ko nararamdaman na anak nila ako. Palagi na lamang nila akong sinasaktan at paulit-ulit na sinasabi na ampon lamang ako. Nagtungo ako roon sa kinaroroonan ng aking kapatid upang humiram ng laruan niya ngunit sadyang ayaw niya sa akin. Hindi niya ako maituring na tunay na kapatid. "Ayaw ko nga! Lumayo ka hindi kita kapatid!"sigaw nito. Napaka-salbahi niya, gusto ko siyang itulak at bugbugin ngunit hindi ko magawa dahil kapag sa oras na may gawin akong masama sa kapatid ko, sasaktan agad ako ni Dad. Wala siyang awa sa tuwing nananakit siya, para siyang isang demonyo. "Gusto ko lang naman humiram ng laruan mo eh. Kahit isa lang," pakiusap ko sa kanya. Mabilis siyang tumayo upang itulak ako. "Sinabing ayaw ko nga eh! Ampon! Ampon! Ampon!" panggigiit nitong asar sa 'kin. Agad nang nandilim ang paningin ko at hindi na ako nakapag-timpi pa. "Salbahi ka!" Mabilis akong napatayo upang itulak siya. Bigla siyang umiyak. Lumakas pa ito ng lumakas hanggang sa marinig at malaman ni Dad ang nangyayari sa amin. Mabilis na lumapit si Dad sa direksiyon namin at unang nilapitan ang paborito niyang anak. Tinignan nito kung may sugat o wala, tinanong din nito kung ano ang nangyari. "Anong nangyari dito?!" galit na tanong ni Dad sa amin habang ako'y nagsisimulan nang kabahan. "Itinulak niya ako Dad! Binabalak niyang nakawin ang mga laruan ko!" pagsusumbong pa nito. Bigla akong hindi sumang-ayon sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako ang nag-umpisa ng away! Gusto ko lang naman kasing hiramin ang mga laruan niya eh. Masama ba ang ginawa ko? Hindi naman hindi ba? Alam kong nagsisinungaling lamang ang kapatid ko upang kampihan siya ni Dad. Ngunit ganoon naman talaga ang nangyayari, kahit siya pa ang mali ay dito pa rin kumakampi si Dad. Minsan naiisip ko tuloy na mag-isa lamang ako sa tinatahak kong buhay. Wala akong ni isang karamay, walang masabihan ng aking problema dahil nakabaling ang lahat ng kanilang atensiyon sa bunso kong kapatid, dahil paborito nila ito at tunay pa nilang anak. "Humihiram lang naman ako ng laruan niya eh!" pagsasabi ko ng totoo. Bigla rin' g hindi sumang-ayon ang kapatid ko. "Sinungaling!" ani bunso at mabilis akong nilapitan ni Dad. "Ikaw talagang bata ka wala ka nang ibang ginawa sa buhay kundi ang magpasaway! Halika rito at malilintikan ka ulit sa 'kin!" Matapos iyon ay hinila niya ako. Sinusubukan kong alisin ang mga kamay niya sa pagkaka-hawak sa akin pero malakas si Dad. Bata pa lamang ako noong mga sandaling iyon at walang kalaban-laban. "Bitawan niyo po ako! Hindi ko na po uulitin ang ginawa ko Dad! Bitawan niyo na po ako, maawa na po kayo sa akin! Dad bitawan niyo na po ako!" naiiyak kong pakiusap sa kanya. "Talaga lang ah?! Halika rito parurusahn kitang bata ka! Halika rito!" Ipinasok niya ako sa loob ng bahay at pinahiga ng nakatalikod. Kumuha siya ng paborito niyang pamalo sa akin at inutusan niya ako na ilagay ko raw sa likod ko ang magkabilang kamay ko habang nagmamaka-awa ako sa kanya, na hindi niya gawin ang bagay na iniisip niyang gawin. "Tama na po! Aray!" pagmamaka-awa ko kay Dad. Malakas ang iyak ko at sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pinapalo nito ang puwet ko habang nakalagay rin dito sa likod ko ang aking mga kamay. Wala akong ibang nararamdaman sa mga sandaling iyon kundi ang galit at sakit. "This certificate is presented to Koevy Stylous for being the most active student in Section Wisdom! Let's give him a warm applause and kindly get your award here in front of the stage Mr. Koevy," masiglang bulyaw ng teacher sa harapan ng maraming tao. Nagbibigay na kasi ito ng mga award namin. Napangiti ako agad at tumayo na rin upang maglakad patungo sa munting entablado. Kasama ko ang Mom ko sa recognition namin. Siya ang sasabit ng mga medalya at mga laso ko kaya't kahit papaano naman ay masaya na rin ako dahil may sumusuporta sa akin, maliban na lamang kay Dad. Ni isang beses hindi ko pa nakita o nakasama siya sa harap ng entablado na ako ang kasama upang sabitan ng medalya o laso. Ni isang suporta ay wala pa akong natanggap mula kay Dad. Ngunit pagdating sa kapatid ko, silang dalawa ni mom ang palaging naroon at todo suporta sa kanya. Pero pagdating sa akin ay si mom lang, ngunit masaya na rin ako do'n. Mas pipiliin ko na lamang ang ganito kaysa sa wala diba? "Congratulations my dear," nakangiting bati ni teacher sa akin. Inabot niya na din ang award ko at tinanggap ko ito ng nakangiti. "Thank you ma'am," masayang sagot ko. Muli na akong naglakad pabalik doon sa kinaroroonan namin ni mom. Sinalubong ako ni mom ng mahihigpit na yakap at isinuot niya sa akin ang tatlo kong mga medalya maging ang mga laso. "Congratulations anak I'm so proud of you," mangiyak-ngiyak na bati ni mom sa akin kaya't mabilis ko rin itong ginantihan ng matamis na ngiti. "Thank you mom." Matapos ang mga sandaling iyon ay nagpakuha na kami ng litrato sa ibang tao roon habang ipinapakita ko ang mga awards ko. Naibaling ang tingin ko sa bandang kaliwa ng aming puwesto. Nakita ko ang kaklase ko na masayang kinukuhanan ng mga litrato kasama ang mama at papa niya. Nakaramdam ako ng inggit at lungkot. Siguro kung nandito lamang si Dad at siya 'yong sumabit ng mga medalya ko, masasabi ko na ako na yata ang pinaka-masayang tao rito sa buong mundo. Iyon lang naman ang tangi kong hinihiling, ang magkaroon ng kahit kaunting oras ang Dad sa akin at mahalin niya ako ng tunay. Hindi 'yong ganito, na palagi akong sinasaktan o pinagsasabihan na ampon ako. Ngunit sa kabila lahat ng mga 'yon ay mahal na mahal ko pa rin ang Dad ko. Kahit paulit-ulit niya na lamang akong sinasaktan. Mahal ko pa rin siya. Kahit isang beses man lang ay hindi ko naramdaman na tunay nila akong anak. Walang magagandang laruan at damit, at walang ni isang suporta. Mararamdaman mo na lamang na hindi ka nabibilang sa kanila at maiisip mo na ampon ka lang talaga. Alam niyo ba na sobrang sakit na marinig mismo mula sa mga magulang mo ang pagsabihan ka ng ampon? Halos araw-araw ko iyon naririnig kay Dad kasabay ng pananakit niya sa akin. Ngunit umaasa pa rin ako na pagdating ng isang araw, maglalaan din siya ng oras sa akin, mamahalin niya din ako na parang isang tunay na anak at ibibigay niya lahat ang buo niyang suporta at atensiyon sa akin. Umaasa pa rin ako na darating ang araw na iyon. 60 Days Of Loving You Chapter 1 16 YEARS LATER... *His PoV* "I am very sorry to say this iho pero may taning na ang buhay mo. Hindi na kinakaya ng mga gamot dahil sa sobrang liksi ng pagdami ng mga abnormal cells sa katawan mo," panimula nitong Doctor na nasa malungkot na boses. Hindi ako nakapagsalita agad at tuluyang natulala mula sa aking kinauupuan. Nakaramdam ako ng kaunting hapdi sa magkabilang mata ko sabay tulo ng kaunting luha na nagmula rito noong matapos kong marinig ang bagay na iyon mula sa doctor. Pinipilit ko na lamang na hindi mapaluha upang hindi nila makita na mahina ako. Ayaw ko na umiiyak ako sa harapan nila. Men shouldn't cry on public, men should cry in private. Sandali kong tinignan si Mom na nasa tabi ko ngayon habang hawak nito ang isa kong kamay at humahagulgol siya sa pag-iyak. Paulit-ulit kong hinimas ang likod niya upang pa-kalmahin siya. Daig pa niya ang isang tulad ko, ako ang may sakit pero siya itong todo iyak ng iyak. Naiiyak na tuloy ako, tsk. "How long? Gaano katagal na mananatili ako dito sa mundo? A year?" malungkot ngunit iteresado ko pa rin na tanong sa doctor. Marahan naman siyang napa-iling. Masyado na akong natigilan at hindi ko na maiwasan pang mapaluha dahil sa mga bagay na nalaman ko. So hindi na nga ako magtatagal pa dito sa mundo na ito. Hindi ko na magagawa ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin. Hindi ko na rin mararanasan ang magkaroon ng sariling pamilya. "A month," mahinang sabi ko kasabay ng pagyuko ng ulo ng doctor. Palakas na rin ng palakas ang iyak ni Mom habang nakasubsob ito sa akin. "May animnapu'ng araw ka na lamang upang mamuhay dito sa mundo Mr. Stylous. Pagkatapos ng animnapu'ng araw, puwede ka nang mama-alam sa mga mahal mo sa buhay," malungkot na saad nito. Tumango na lamang ako at sinubukang tanggapin ang sinabi niya ngunit ang hirap para sa 'kin. Paano ko tatanggapin ang ganoong ka-saklap na bagay? Napaka-bata ko pa para maranasan ang bagay na ito, napaka-bata ko pa para mamatay. Ganito na ba ka-ayaw ng diyos sa akin? Kaya niya ako kukunin? Dahil ayaw niyang naninirahan ako rito sa mundo niya? Napaka-malas naman talaga ng buhay ko. Ano na ang gagawin ko? Paano na ang kompanya at ang kinabukasan ko? Paano na ako? "Ma, daig mo pa umiyak sa 'kin ma. Ako ang may taning oh tahan na," mapait na sabi ko kay mama. Kahit nasa punto na ako ng kalungkutan ay nagagawa ko pa rin ang magbiro. "Hindi ko akalain na aabot sa ganito anak. Bakit sa lahat ng tao rito sa mundo'y bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang nagkaganito? Hindi ko mapigilan na maawa at malungkot para sa 'yo anak, patawarin mo kami dahil wala kaming magawa anak ko," umiiyak nitong wika sa akin. Napangiti lamang ako ng mapait at tumingin sa malayo. Narito na kami sa labas ng hospital at binabalak na din naming umuwi. Sandali pa ay bumuntong-hininga na ako kasabay nanaman ng pagtulo ng aking luha. "Hindi ko nga rin maisip ma eh, bakit sa dinami-rami ng tao ay bakit ako pa? Kung puwede ko lamang bilhin ang buhay ng isang tao, siguro'y matagal ko nang binili upang manatili pa dito sa mundo ng mas matagal pa. Ngunit ganito ang nangyari. Bakit ma ako? Ayaw ba ng diyos sa akin? Ayaw niya ba na mamuhay ako dito sa mundo? Bakit niya kukunin ang buhay ko?" sunod-sunod kong tanong dito. Napatingin naman agad si mama sa akin at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya. "Huwag na huwag mong iisipin 'yan anak. Hindi gano'n ang gustong mangyari ng diyos. Hindi sa ayaw niya sa 'yo, mahal ka niya. Baka'y gusto lamang niya na hindi ka na maghirap pa dito sa mundo. Baka'y gusto niya na pawiin na lahat ng lungkot at hinanakit mo upang makapagpahinga ka na," malungkot nitong tinig na narinig ko. Marami pa akong gustong sabihin, marami pa akong gustong itanong ngunit pinili ko na lamang na manahimik at yakapin si Mom. "Tahan na anak, okay lang yan. Okay lang yan anak, okay lang" mangiyak-ngiyak pa nitong wika. Hindi ko na napigilan ang patuloy na pagdaloy ng mga luha ko mula sa mga mata ko. Sobrang lungkot ng buhay ko. . . . @nicoxx18
wow
29/06/2024
0Ang ganda
31/05/2024
0try basahin neto guys ❤️🤗😘
14/01/2023
1View All