logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 FINDING A HAPPINESS (Moonstar in Paraiso series 1)

Pagod na pagod naman si Jane matapos ang paglilinis ng bahay na iniutos ng kanyang hilaw na tiyahin.
Napag pasyahan nyang magpahinga muna ng kaunti ng matapos nyang maglampaso ng sahig.
Walang tumulong sa kanya kahit isa sa mga katulong dahil takot ang mga itong ma sisante.
Nasa kalagitnaan na sya ng pagpapahinga ng dumating ang kanyang hilaw na pinsan.
"Aba! Sinusuway mo na pala si mommy, imbes na maglinis ka, ay nagawa mong magpahinga." bungad nito sa kanya.
"S-Shine, i-ikaw pala."
"Dont call me Shine, wala dito si tito Andrew, kaya call me señorita, madam or mam." bulyaw nito.
"S-señorita, naglinis naman po ako." alanganing pagtatanggol nya sa sarili.
"Ganito ba ang mukha ng sahig na nilinisan? Tingnan mo nga." anito kasabay ng pagturo sa likuran nito.
Sinundan nya naman ng tanaw ang itinuro nito at laking gulat nya sa duming naroon.
Tiningnan nya ang paa ni Shine, at doon nya nakitang dito nanggaling yun.
"Oh, ganyan ba ang nalinisang sahig?" anito bago sya kinindatan at lisanin.
Nanlulumo naman ang pakiramdam na napaupo sya sa unang pasilyo ng hagdan.
Halos maiyak pa sya ng makitang ipagpag pa nit Shine ang pansapin sa paa nitong napakarumi at tila galing sa putik.
Wala syang magawa kundi sundan na lamang ito ng masakit na tingin, ayaw nya itong awayin dahil sya lang din naman ang magiging kawawa.
Pagod na pagod na ang kanyang pakiramdam kaya napagpasyahan nya na magpahinga bago linisin ulit ang mga duming ginawa ni Shine.
"Aba't hindi ba ang sabi ko ay maglinis ka?" napalundag naman si Jane sa gulat sa boses na kanyang narinig.
"T-Tita, T-tanya, k-kayo po pala." nanginginig na bati nya.
"Ako nga, sinasaway mo na ba talaga ako?" galit na bulyaw nito.
"T-tita Tanya, hindi po." pagtatangi nya sa sinabi nito.
"Hindi? Hindi bat, inutusan kitang maglinis kanina? Ganito ba ang nalinisan?" galit na galit na saad nitong idinuro duro pa sya.
"Nalinis ko na po lahat kanina tita, kaya lang po, dinumihan ni Shine ulit." pagtatanggol nya sa sarili.
"Aba't nagawa mo pa talagang magsinungaling, at anak ko pa ang ginagamit mo dyan sa katamaran mo!" galit na galit at nanggagalaiting saad nito.
"Pero totoo po ang sinasabi ko."
"Aba't sasagot ka pa! Halika nga ditong bata ka, ginagalit mo talaga ako." anitong sinabunutan sya at hinila ang buhok paakyat ng hagdan.
"Aray ko, tita Tanya, tama na po, masakit po." pagmamakaawa nyang pilit inaalis ang mga kamay nito sa buhok nya.
"Tatanungin ko si Shine kung sya talaga ang naglagay ng dumi doon, at kapag napatunayan kong nagsisinungaling ka, humanda ka sa akin." galit na galit na saad nito.
"Tita tama na po, masakit na po, lilinisin ko na lang po ulit yun." umiiyak ng pagkukumuwala nya sa hilaw na tiyahin.
"Shine!" tawag nito sa anak.
"Oh, ma, bakit dala dala mo ang basahang yan sa magandang kwarto ko?" ani Shine na ipinagmayabang pa ang kwartong inangkin mula kay Jane.
"Tinuturo kang dinumihan ang sahig, totoo ba?"
"Anu? Bakit ko naman gagawin yun? You know me mommy, ayaw na ayaw ko sa marumi." pagtatanggi nito.
Jane tears, started to fall down ng marinig ang pagsisinungaling ni Shine.
"Sinungaling! Alam mong, ikaw ang dumumi ulit doon, tapos ko na yun kanina." sigaw nya.
"Aba't punyeta! ginawa mo pa talagang sinungaling ang anak ko!" galit na bulyaw ni Tanya at sinampal pa sya nito sa magkabilaang pisngi.
"Halika nga ditong bata ka, nanggigil na ako sayong bata ka." pagpapatuloy nito bago ulit sya hinila sa buhok.
"Tita, sorry na po, lilinisin ko na lang po ulit ang mga dumi doon, bitiwan nyo na po ang buhok ko, tita Tanya please." humahagulhol ng pagmamakaawa nya habang hawak hawak ng isang kamay ang buhok na hawak ng tiyahin at ang isang kamay ay sa kanyang pisngi na humahapdi sa sampal nito dahil manipis ang kanyang balat. Kunting sampal ay nanakit o di kaya ay nag ba violet ang kulay.
Ngunit tila walang puso naman ang tiyahing hilaw at tila walang naririnig na patuloy syang hinila at dinala sa sala at doon pinagpapapalo habang nakaluhod at nakayaas ang dalawang kamay at pinatungan ng mabibigat na bagay ito na palagi nyang kasama tuwing sinasaktan sya nina Tanya at maging ni Shine.
"Aray ko, tita tama na po, hindi ko na po uulitin, maawa na po kayo." pag mamakaawa nya.
Hindi naman sya tinigilan ni Tanya hanggang hindi ito napagod sa kaka palo sa kanya at halos mawalan na sya ng malay at lakas sa ginagawa nito.
Habag na habag naman si yaya Medeng habang pinagmamasdan ang tunay na amo na sinasaktan ng mga sabit lang sa buhay nito. Nanginginig ang kamay nito sa nakikitang ka demonyohan ng kanyang pekeng amo. Gusto nya ng magsumbong kay Andrew ngunit wala syang magawa dahil baka mahuli sya. Minsan nya na itong muntik ng gawin yun nga lamang ay nahuli sya noon at ngayon ay naghahanap pa sya ng tamang pagkakataon para gawin yun. Ayaw nya ng magpadalos dalos at baka ikapahamak niya at lalo na ni Jane,
Malaki ang utang na loob nya sa ama ng bata at kay Andrew kaya gusto nya itong tulungan ngunit kailangan nya ring pag isipan muna ang lahat bago matulungan ito ng maayos, Hindi sya maaaring gumalaw ng basta basta lalo pa at kilala nya na kung gaano ka demonyo si Tanya.
Maya maya pa ay nakita nilang umalis si Tanya at pagbalik ay may dala dala ng napakaraming labahin.
"Ito, pagkatapos mong lumuhod dyan ng tatlong oras, labhan mong lahat yan, huwag kang magkakamaling umalis ng di pa tapos ang oras, lagot ka sakin pag nalaman ko, hindi ka din kakain ngayong gabi." dinig ng yaya na saad ng amo amohan.
"Diyos ko! tulungan nyo po sana si Jane, napakabait nyang bata para maranasan na ang ganito, mam, sir, umuwi na po sana kayo, ng may mag alaga na ulit sa anak nyo." nasambit na lamang ng yaya ng marinig ang sinabi ni Tanya na kasabayan ng pag tulo ng kanyang luha habang nakatingala sa langit.
Awang awa nyang pinagmasdan ang dating alaga na hirap na hirap at pagod na pagod.
Alam nya ring gutom at antok na ito dahil sa itsura ng mukha nito at tila nawawalang ulirat hanggang sa tuluyan na nga itong bumagsak.
“Mahabaging langit!” Sigaw nya ng marinig ang pag bagsak ng kung anu at ng tingnan nya ay si Jane na wala ng malay sa kanyang harapan.
“Naku po Dios ko!” Bulong nya at tinakbo si Jane.
Sinipat nya ito at ito ay mataas na ang lagnat. Kailangan na nito ng tulong, Tinawag nya ang Driver ng Pamilya ng mga ito noon at pinabuhat nya ang alaga noon at dinala sa kwarto nilang mga katulong, bagamat kinakabahan na mahuli ay pinagdasal na lamang nya n asana huwag bumaba ang demonyong amu amuhan para hindi nito makita na wala ang alaga sa pinag paluhuran nito.
“Napakasama talaga ng ugali ng babaeng yan, akalain mo yun nagawa nya sa bata yung ganito.” Ani mang Pepeng na driver nila.
“Napakasama talaga,kampon ata ni Satanas ang babaeng yun eh, Hindi na naawa sa bata.” Pag sang ayon naman ng hardinerong si Pato.
“Baka pinaglihi s aka demonyohan yung babaeng yun, Pasalamat sya hindi nagsusumbong si Jane at natatakot pero baka pag ito nalaman ni sir Andrew, mapalayas yang mag inang yan dito. Ang kakapal ng mga mukha eh, sila na nga pinatira at binihisan saka pinakain nong mapulot sila sa putikan sila pa tong may ganang gumawa ng ganito.”
“Hayaan nyo na, Pasasaan ba at malalaman at malalaman din ni sir Andrew ang totoong ugali ng mga yan, sana nga lang sa lalong madaling panahon bago pa may mangyaring masama kay Jane.” Ani yaya Medeng habang pinagpapatuloy ang pag pupunas sa katawan ni Jane na inaapoy ng lagnat.
* * *
"Oh, ma, anung nangyari don sa paboritong bata ng asawa nyo?" bungad ni Shine sa ina ng magsama silang dalawa sa hapag ng gabing yun.
"Ayun, walang hapunan, at hindi sya pwedeng matulog." ani Tanya.
"Oh? Kawawa naman, pwede nyo namang patulugin, at pag ginawan sa labas." mala demonyita ang ngiti na saad nya.
"Sana nga eh, kaya lang, maraming labahin, kaya yun ang iniutos kong gawin nya buong gabi, tingnan ko lang kung makakatulog yun." anito.
"Ma, bakit po ba kayo, galit na galit kay Jane?" tanong ni Shine sa ina.
"Hindi ko din alam, ang alam ko lang,kumukulo ang dugo ko sa kanya," anang mommy nya.
"Shine, umamin ka nga sa akin, ikaw talaga ang dumumi doon hindi ba?"
"Yes, mom, kagaya mo, naiinis din ako sa kanya eh, ewan ko ba." aniya.
"Kailangan nating makuha ang bahay na ito sa lalong madaling panahon, pati ang perang meron si Andrew at si Jane, nakakasawa na rin ang makihati lang." desperadang ani Tanya.
Hindi naman talaga totoong mahal ni Tanya si andrew.
Pinakasalan nya lamang ang lalaki dahil alam nyang ma pera ito at kayang ibigay ang mga luho nya. Lingid pa rin sa kaalaman nya na ang kayamanang hawak ni Andrew, ang kumpanya at bahay pati mga properties ay pag mamay ari ni Jane at nakapangalan ito sa huli nan i minsan hindi pinagkainteresan ni Andrew na kunin dahil hindi naman ito pinabayaan ng kapatid. Meron syang sariling kumpanya na pinapalago pero ito lang ang kaisa isang hiningin nya sa kanyang kapatid noon at lahat ng offer nito sa kanya na ibigay tinanggihan nya. Gusto nyang magsimula talaga sa sariling sikap at napalago nya naman yun.
Ni hindi mahal ni Tanya si Andrew at ni hindi nya nga ito na mi miss kapag wala ito at nagtatrabaho sa mga kumpanyang hawak nito sa malayo.
At ni hindi nya ito mgawang tawagan sa bawat araw, tanging si Andrew lang ang tumatawag sa kanya.
Gusto nya nang madaliin ang panahon sa pagkuha ng lahat sa asawa, hindi nya kasi akalaing aabot na ng ilang taon ay hindi nya pa pala makukuha ang pera at ang kung anung meron ang asawa.
Pero sa kabila naman ng pagiging mag asawa nila ay nagagawa nya pa rin ang manlalaki na luho nya na simula pa lamang noon.
Kung minsan ay dinadala nya pa sa bahay nila ang mga lalaki nya at pinapakilalang kakilala nya lamang.
* * *
Umiiyak namang pinagmasdan ni Jane ang mga sugat na dulot ng pagpalo sa kanya ng tiyahin.
Nanlulumo din ang pakiramdam nya sa mga labahing nasa harapan.
Gutom din ang kanyang pakiramdam kaya hindi nya malaman kung anu ang una nyang dapat gawin upang matapos yun.
Maya maya pa ay naramdaman nyang may dumating sa kanyang likuran.
"Anak, ayos ka lang ba?" si yaya Medeng pala na may dala dalang medicine kit.
"Yaya, kayo po pala." naiiyak na aniya sa kay Medeng na tila nakahanap ng kakampi.
"Halika anak, gamutin natin ang mga sugat mo, at saka hayaan mo na muna yang labahing yan." anito.
"Pero magagalit po si tita Tanya, kapag hindi ko nalabhan yan bukas." natatakot na saad nya.
"Pagtutulungan naming lahat labhan yan, kumain ka na at mag pahinga, may pagkain sa kwarto." anang yaya na iginiya sya patungo sa kwarto ng mga katulong, doon sya natutulog kapag wala ang tiyohin. Nag aalala ang yaya Medeng dahil pagkatapos nitong mahimasmasan ay tinungo agad ang labahin, baka lalo itong magkasakit at mamatay na wala sa oras.
Kaagad naman nyang sinunggaban ang pagkaing nakahain sa kanyang harapan ng makita ito. Ang ibang mga katulong ay pinagtulungan na ang labahin ni Jane ng hindi nakakalikha ng anumang ingay at nag iingat lahat na mahuli ng demonyang si Tanya.
"Dahan dahan lang anak, baka mabulunan ka." saway ni yaya Medeng sa kanya bang sya ay pinagmamasdang kumain na may habag at awa ang mag mata na nakatingin sa kanya.
"Salamat po, yaya Medeng." pagpapasalamat nya sa yayang tumulong sa kanya.
"Walang anuman, o siya, matulog ka na, pagkatapos mong kumain at lalabhan namin ang mag pimapalabhan sayo, pero yung iba di namin babanlawan, banlawan mo bukas ng maaga,para hindi halatang kami ang gumawa ng pinapagawa sayo." anito.
"Opo, Salamat po." pagpapasalamat nya.
"Napakabata mo pa, pero nararanasan mo na ang lahat ng ito, hayaan mo't makakaraos ka din, hindi natutulog ang diyos anak." anito sa kanya bago sya iwan.
Tulala namang pinagmasdan ni Jane ang pintong dinaanan ng yaya.
Kapag andyang ang kanyang tiyohin ay tila sya walang agam agam at hindi ganon ang buhay nya.
Ngunit kapag wala kalbaryo ang lahat para sa kanya.
Pinunasan nya naman ang luha at hinamig ang sarili ng matapos kumain.
Tila kinukuyumos ang puso nya sa pait na nararamdaman sa sariling tahanan.
Niligpit nya ang lahat ng pinagkainan at sa ka sya natulog.
Kinaumagahan ay maaga nga syang nagising at binanlawan ibang mga labahing iniwan ng mga katulong na nagtulong tulong sa gawaing yun para sa kanya.
Matagal na ang mga katulong nila sa bahay simula pa ng buhay pa ang mga magulang nya kaya madali ang mga itong mapakiusapan dahil wala itong maipipintas sa mga magulang ni Jane kung hindi lang ang mga ito nawala.
Abala sa pagbabanlaw si Jane ng abutan sya ni Tanya kaya hindi na ito nagtanong pa kung hindi ba nito ginawa o pinagawa ba nito ang gawain, dahil sya ang nakita nito.
ITUTULOY...

Book Comment (20)

  • avatar
    Nuksu Cultivator

    it's good 😊

    11/07

      0
  • avatar
    Glaiza Mae C Cabate

    good

    20/06

      0
  • avatar
    CalaroChristalene Mae M.

    beautiful

    10/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters