logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

“Mama! Papa! Huwag niyo akong iwan dito!” Kitang-kita ko kung paano hinabol ng batang ako ang mga magulang kong walanghiya. Gusto ko mang pigilan ang batang ako ngunit wala rin akong magawa. Hindi ako makagalaw.
Nakita ko si Lola na niyakap ang bata sa likod nito at dinala sa loob ng bahay.
Nagbago ang paligid, nasa loob na kami ng bahay namin dati ni Lola.
“Apo, hayaan mo na sila. Ayaw mo ba sa akin?” tanong ng matanda.
“P-Pero gusto ko rin po kay Mama at Papa.” Humagulgol ang bata dahilan para muli itong yakapin ni Lola. Hinagod niya ang buhok ng bata at kitang-kita ko kung paano pumatak ang luha galing sa kaniyang mata.
“Hindi mo sila kailangan, apo. Ang kailangan mo ay 'yong mga taong magmamahal sa 'yo ng totoo at lubos.” Humiwalay siya ng yakap sa bata. “Ako ang nagmamahal sa 'yo kaya't ako ang hanapin mo.”
“Eh paano po kapag bigla kayong nawala? S-Sinong hahanapin ko?” wika ng bata.
Nakita ko kung paanong natigilan si Lola. Nang makabawi ay muli itong ngumiti at hinagod ang buhok ng bata. “Hanapin mo ang sarili mo.”
Halos mapaatras ako nang tumingin sa direksyon ko si Lola. Ngumiti ito at doon ko napagtanto na wala na ang batang ako. Ilang beses akong napakurap hanggang sa magsalita siya.
“Kinaya mo, Esther. Ngayon, hanapin mo ang sarili mo.”
Unti-unti akong napadilat. Isang putong liwanag ang sumalubong sa akin at nais ko sanang takpan ang mga mata ko ngunit hindi ko kaya. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Namamanhid ito at mahina.
“Cire, sabi ko sa 'yo ay umuwi ka na! Lola Orina will surely scold you— no, us! Tayo ang pagagalitan no'n!”
“I will not go home, Allister. And that's final.”
Napa-ungol ako nang makaramdam ng hilo. Pinilit kong tumayo upang kumuha ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako. Ngunit muli lang din akong napahiga sa kama dahil sa panghihina.
“Shit, Cire gising na siya! Call the doctor!” histerikal ng isang pamilyar na boses.
“Who's the boss, Allister?” sagot naman ng isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.
“Tsk! Ako na nga.”
Napapikit akong muli at naghabol ng hininga. Doon biglang pumasok lahat ng mga nangyari sa akin kahapon. Ang panghahalay sa akin, ang pagtatangkang pagpatay sa aming dalawa ng babaeng kasama ko, at ang pagtalon ko sa bangin at pagkahulog ko sa ilalim ng dagat.
Lahat ng 'yon, naghatid sa akin ng kaba at takot.
“H-Hindi, h-hindi...” wala sa sariling bulong ko dahil sa kaba at panlalamig ng aking katawan. Patuloy na bumibilis nang bumibilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang panlalamig ng aking buong katawan. Ang aking paningin ay halos walang makita. Malabo at masyadong maliwanag. Hindi ako makahinga.
Pinilit kong tanggalin ang mga nakakabit sa aking kamay ngunit isang palad ang sumakop noon. Nagbigay 'yon ng init sa aking kamay kaya't napatingin ako rito kahit na hinihingal pa rin ako.
Tila ba biglang nawala lahat ng kaba ko sa katawan dahil umayos ang tibok ng puso ko. Ang presensya niya ay parang naghatid ng kung anong gamot sa takot na nararamdaman ko kani-kanina lang. Hindi pamilyar ang taong ito pero bakit komportable ako sa kaniya?
“Shh, stay calm. No one will hurt you here,” bulong nito sa akin. Naramdaman ko ang kamay nito na hinagod ang aking buhok, inaayos ang mga hibla na pumunta sa aking mukha.
Doon ko natagpuan ang asul niyang mga mata. Malamig, nakakalunod ang mga 'yon. Pero kalmado at hindi kakikitaan ng panganib. Namungay ang kaniyang mga mata at nagbigay ng maliit na ngiti sa akin. Ilang beses akong napakurap. Tinitingnan ang buo niyang mukha.
Ang buhok niya ay parang kagugupit lang sa sobrang linis. Itim na itim 'yon at maayos tignan. Maputi ang balat niya. Para siyang nagbabad sa gatas at tatlong beses naliligo sa isang araw. Nahiya naman ang balat kong isang beses lang nabubuhusan ng tubig sa umaga.
Ang makapal ngunit parang inahitan niyang kilay, ang mga mata niyang tila ba namumungay at parang nagsusumamo, ang ilong niyang matangos at perpekto ang hugis, at ang mga labi niyang mamula-mula at maninipis.
Pambihira... bakit may kaharap akong diyos? Patay na ba ako?
“N-Nasa langit na ba ako?” wala sa sarili kong tanong sa kaniya, hinihingal pa rin
Tumaas ang pareho niyang kilay, nagtataka. “No. Why'd you ask?”
Pinilit kong itaas ang aking kamay at sinundot ang pisngi niya. “Bakit may diyos dito?”
Napakurap siya ngunit agad ding sumilay ang isang namamanghang ngiti sa kaniyang labi. “No. I'm a human.”
Doon nanlaki ang aking mata dahil sa rebelasyon niya sa akin. “Weh? First time kong makakita ng taong hindi mukhang dugyot at hampaslupa.”
Napailing siya at natatawang umayos ng tayo. “You doesn't look like someone who got into a big tragic accident.”
Natigilan ako sa sinabi niya at nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman ang buntonghininga niya kaya napasulyap ako sa kaniya. Nawala na ang ngiti sa kaniyang labi dahil ngayon ay halos wala na akong makitang ekspresyon sa mukha niya.
“Tingin mo ba nakalimutan ko na lahat? Kung nakalimutan ko na edi sana hindi ako nagwala kanina.” Pinilit kong i-normal ang boses ko. “Ayaw ko lang ikulong ang sarili ko sa lungkot. Baka 'yon ang ikamatay ko.”
Doon pumasok ang mga doktor at dali-dali akong dinaluhan. Agad ko ring nakita si Allister na tumakbo papunta puwesto ko dahilan para matulak niya ang lalaking kausap ko kanina. Nakita ko naman itong tumungo sa pinto at lumabas.

Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon ang sarili ko kay Allister.
“Esther! A-Are you okay?” nag-aalalang tanong nito bago hinawakan ang aking kamay.
Tumango ako rito at nagbigay ng isang maliit na ngiti. “Okay na ako, Allister.”
Bumuntonghininga ito at napapikit bago tumango sa akin. “I'm so damn worried about you! When my boss called me about someone looking like Valarie, nagmadali agad akong lumabas para dalhin ka sa ospital. Doon namin nalaman na...” Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya. Tumalim ang kaniyang mata at ang umiwas siya ng tingin. “I told you not to go, hindi ba?”
Napakagat ako sa aking labi bago ko naramdaman ang isang luhang pumatak sa aking mata. “Hindi ko naman alam, eh. Hindi ko naman akalain na magiging gano'n ang kahihinatnan ko. Hindi ko rin naman ginusto 'yon eh.”
Pagkatapos naming mag-usap ay roon ako in-examine ng doktor. Sabi nito ay halos isang linggo na raw akong walang malay at inasahan na nila 'yon. Nabugbog daw kasi ang katawan ko noong nahulog ako sa tubig dahil masyadong malakas ang pagbagsak ko roon. Isama pa raw ang pagod at trauma ko sa nangyari. Buti na nga lang daw at hindi masyadong nabagok ang ulo ko. Wala rin daw akong internal bleeding.
At... doon din nila ako tinanong tungkol sa nangyari. May mga nakita raw kasi silang pasa at strangle sa leeg ko. Iyon din ang naging dahilan para i-kuwento ko ang nangyari. Tumawag sila ng mga pulis upang mahuli ang mga gumawa noon sa akin. Tinanong pa nga nila kung gusto kong ipagpasabukas na lang ang pagke-kuwento dahil baka kailangan ko pa ng pahinga ngunit humindi ako. Gusto ko nang mahuli ang mga walanghiyang 'yon!
Alam kong gusto pa ng katawan kong magpahinga, pero hindi ko ata kakayanin kung ang mga taong gumawa ng 'yon sa amin ay malaya pang nakakapaglakad sa labas habang ako rito ay nakahimlay sa kama ng ospital!
Ngunit maya-maya ay may naalala ako. Tumingin ako kay Allister at doon ko siya tinanong. “May nakita ba kayong babae sa taas ng bangin? 'Yong pinanggalingan ko bago mahulog?”
Nag-isip siya saglit bago umiling. “No. We didn't check it further dahil inuna ka namin. Nang malaman namin ang nangyari sa 'yo base sa sinabi ng mga doktor, the police checked the area pero wala nang mga traces doon. But there are drops of blood that made us certain na may nangyari nga ro'n.”
Bumuntong hininga ako. “May nagligtas sa akin doon na babae. Kailangan natin siyang mahanap dahil sigurado akong nanganganib ngayon ang buhay niya lalo na kung hawak siya ng mga gumawa nito sa akin.”
“Yes, we will find her.” sagot niya sa akin. Ngumiti ito bago hinawakan ang aking kamay. “But for now, you need to rest, Esther. Magpalakas ka.”
Ngumiti ako pabalik at tumango. “Oo naman. Pero ikaw ha, nakakarami ka na ng hawak sa kamay ko.”
Agad nanlaki ang kaniyang mata at dali-daling inalis ang kaniyang kamay sa akin. “I'm just worried!”
Doon ako tuluyang natawa sa kaniya. Siya naman ay namumula na dahil sa hiya. Sa puti ba naman ng balat niya ay kitang-kita kapag biglang nag-blush ang mukha niya. Ganoon talaga siguro kapag nagbabad sa gatas, ano?
“Allister, leave.”
Natigil ang aking pagtawa nang marinig ang isang boses sa harapan ng kama ko. Doon ko natagpuan ang lalaking una kong nakita nang magising ako kanina. Seryoso siyang nakatingin sa akin kahit na ang kausap niya ay si Allister na katabi ko ngayon.
“Why?” takang tanong ng isa.
Nagbaling ito ng tingin kay Allister bago nagsalita. “I'm going to ask her about the property.”
Napatingin na rin ako kay Allister na ngayon ay nakakunot na ang noo at halatang naiinis. “What the hell? She's been sexually assaulted and mostly got killed tapos 'yang lupa pa ang aasikasuhin mo?!”
“Why? You were the one who's been very eager to get that fucking lot, right? This is the chance, Allister. Shut up,” seryoso at matalim nitong wika bago muling tumingin sa akin. Nagtaka pa ako nang biglang lumambot ang tingin niya sa akin.
Wala akong nagawa kun 'di ang tumitig lang din sa asul niyang mata. Hindi ko magawang umiwas dahil parang nakakahiya naman 'yon. Sa pogi niyang 'yan, may iiwas ng tingin?
Pero napakunot ako ng aking noo nang may mapagtanto. Nanlaki ang aking mata at naitaas ang aking kamay upang ituro ang lalaking nasa harap ko ngayon. “Siya ba ang boss mo?!”
“Huh? Yes,” sagot ni Allister sa gilid ko dahilan para umawang ang aking bibig.
Pambihira! Akala ko ba isang matandang malaki ang tiyan at puti na ang buhok 'yong boss ni Allister? Ba't nuknukan ng guwapo nito? Sa built pa lang ng katawan niya, siguradong mabato na at halatang naggy-gym. Tapos angtangkad pa, magmumukha akong bata sa gilid niya. Feeling ko nga ay hanggang dibdib niya lang ako. Napakalinis niya pang tignan. Halatang-halatang nanggaling sa marangyang pamilya.
Bukod pa roon, ramdam na ramdam ko ang awra niyang mapanganib. 'Yon bang kung hindi ka ganoon katapang at kalakas ang loob, bigla-bigla ka na lang mahihimatay pag tumingin siya sa 'yo.
Nakakamatay ang tingin niya. Nakakatakot.
Pero ang guwapo pa rin! Bakit gano'n? Saka bakit... Hindi ako natatakot sa presensya niya? Oo't may awra siyang gano'n, pero nakakahanap ako ng kapayapaan sa kaniya.
Ano ba 'yan!
“Lah, akala ko matandang lalaki ang boss mo eh.” sabi ko kay Allister at ibinaba na ang aking kamay. Masama na kasi ang tingin sa akin ng lalaki.
Natawa si Allister at mahinang ginulo ang aking buhok. Napabusangot ako. “Really? Well, he's not.” Inilapit niya sa aking tainga ang kaniyang mga labi bago nagsalitang muli. “But he's arrogant and masungit, like what you've judged back then.”
“Stop whispering!” asik ng lalaki dahilan para mapaayos ng tayo si Allister. Kahit ako ag nagulat dahil may kalakasan ang pagkakasabi nito nang gano'n. Idagdag mo pa ang mababa nitong boses.
Ang sexy, grabe. Sigawan mo pa ako please!
“You,” Muli niya akong binalingan ng tingin dahilan para mapatingin ako sa kaniya. “We're going to talk. Allister, leave.”
“O-Okay, Sir.” sagot ko rito. Napapikit pa ako saglit dahil anghinhin ng pagkakasabi ko noon. Ang arte!
Narinig kong nag-tsk si Allister sa gilid bago siya naglakad paalis. Nang mabuksan niya ang pinto ay lumingon pa ito sa kaniyang boss bago sinabing, “Don't you dare say something bad to her.” Nagbaling ito sa akin. “Shout my name if you're uncomfortable or you feel something. I'm behind this door, don't worry.”
Tumango ako rito at ngumiti. Ang bongga ni Allister, mabait sa 'kin.
Nang tuluyan siyang lumabas ay roon ko lamang napansin na wala na sa harapan ang boss ni Allister. Nang tumingin ako sa kanan ko ay halos mapatalon ako nang makita itong nakaupo sa upuan sa gilid ng aking kama. Naka-dekwatro ito at taimtim na nakatingin sa akin. Parang sinisiyasat ang buong pagkatao ko.
Napalunok ako at umayos ng higa.
Tumikhim ito at ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang hita.
“I'm going to introduce myself first,” Ngumisi siya dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. “I'm Cyrus Dylan Del Suarez, I'm Allister's boss and the one who saved you from drowning.”

Book Comment (17)

  • avatar
    ConchasTerso

    she's my love but why did she just me like hell

    8d

      0
  • avatar
    Krisha Serrano

    I love the story

    13/07

      0
  • avatar
    Delacruzjm Delacruz

    salamat pp

    10/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters