logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Tinatanong ko lang naman ang pangalan niya, eh Ba't magseselos pa? Jowa kita? Jowa kita?
Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi niya kahapon. Kahit na seryoso siya doon eh joke lang naman iyon. Oo, joke lang.
"Adelise, good news" agad akong napalingon kay and Yeli na naglalakad papunta sa'kin,
"Ano iyon?"
"Nawala na ang post mo. Sabi nila may nagdelete daw no'n, hindi ko lang alam kung sino" masayang balita nito at napahinga naman ako ng maluwag.
"Hays buti naman" tanging sabi ko at agad na kumuha ng walis.
"Oh? Pupunta kana doon?" sabad ni Yara at tumango lang ako bilang sagot.
"A-Alam niyo ba kung saan ang history room?" tanong ko, at si Yeli ang sumagot.
"Oo, samahan kapa nami--"
"Ay, wag na. May klase pa kayo," kaila ko at magsasalita na sana sila pero agad ko silang inunahan. "Baka pagalitan na naman kayo ni mrs. Quezada hihi"
"Hahaha hindi kami takot sa matabang iyon!" si Yara
"Oo nga, pero kung iyon ang desisyon mo. Sige nalang" ani Yeli at lumapit naman ako sa kanila.
"Hindi naman kayo galit, right?"
"Ba't kami magagalit? Tsk hindi kami bata noh" natatawang si Yeli at sumang ayon naman si Yara sa kanya.
Simula noong makasama ko sila, parang komportable ako. Katulad ng mararamdaman ko kapag kasama ko sila Laurene, Ryan, Jerlyn at Joanna.
Sana hindi na nila ako nakalimutan.
Lumabas na ako sa dorm at pumasok na rin sila sa klase. Ako na lang mag isa ang naglalakad papuntang history room. Sabi nila na nasa likod lang iyon ng library.
Wala na akong nakikitang mga estudyante dito sa hallway kaya hindi rin ako nahihiya na magdala ng walis habang naglalakad. Buti naman.
Habang naglalakad ako, napahinto ako nang may narinig akong ingay. Hindi galing sa classrooms, kundi isang lalake at babae na nagtatawanan. Nang dahil sa pagtataka ko ay nilingon ko naman kung saan galing iyon dahilan para manlaki ang mata ko.
Doon ko nakita si Xandrei na masaya sa babaeng kaharap niya. Napakaganda ng babaeng iyon, ang mahahaba at straight niyang buhok, ang mala porselana niyang kutis at para siyang model.
The way she makes him laugh... The way she makes him happy... I see how she touches Xandrei and gave him a flirtitious smile.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, at bakit ako nakaramdam ng ganito? Hindi ko naman siya gusto, Sino naman siya sa buhay ko? Pero bakit masakit?
Nagulat si Xandrei nang yumakap sa kanya ang babae, maging ako rin ay nagulat. Biglang may naramdaman akong kakaiba at hindi maipaliwanag. Parang unti unting sinuntok o pinukpok ang puso ko. Trying to hold my tears from falling, because I don't want to cry if it isn't worth it and that's right. Pero hindi ko napigilan ang sariling sumigaw.
"CALDENCE!" Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Bago pa man sila makakita sa'kin ay agad akong nagtago sa likod ng trashcan. Kinakabahan ako at napapikit, ang tanga ko kasi, halata na.
"Hello? Is anybody there?" tanong ng babae. Hindi pa rin ako lumabas. "Boybes? Kilala mo ba kung sino iyon?" malambing na tanong niya pero narinig kong hindi nagsalita si Xandrei.
Ilang sandali ay narinig kong tumahimik na roon. Naramdaman kong wala nang tao kaya tumayo na ako at umayos. Taenana sila. Hindi pa nga naging kami eh parang manloloko na siya. Grabe ang inis ko, 2038329%
Tumingin ako kung saan saan at sinisigurong wala na sila. Nakakahiya eh baka na istorbo ko ang sweet moments nila.
'Boybes? Kilala mo ba kung sino iyon?'
Boybes?? Boybess? Required bang landiin ang boybesprend? Gusto lang ata niya makadikit sa lalakeng iyon. Uwu style niya bulok. Bulok bulok bulok.
"MS. ZHEN!" napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw, pati ang walis ay nabitawan ko, pero agad ko namang pinulot iyon. "You're so late" isang pamilyar na boses ang narinig ko at ramdam kong papalapit sa'kin ang isang lalake galing sa likod ko.
Wala sa sariling humarap ako sa kanya na dahilan ng ikinagugulat ko.
"Extended ang time mo sa paglilinis!" galit at dismayadong mukha ni P-Parlong ang bumungad sa'kin. Dahil sa hiya ay napayuko ako. "Come" tanging aniya at nagpaumunang lumakad sa'kin, sumunod naman ako sa kanya papasok sa history room.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan ang nakita ko kanina. Pa ulit ulit itong naglalaro sa isipan ko lalo na si Xandrei.
"Double time ms. Zhen, wag kang tatayo tayo diyan." sabi ni Parlong at biglang sinara ang pinto ng history room. Agad naman akong lumapit sa pinto at pilit na buksan iyon, pero hindi.
"Hoy! Parlong bakit mo ni lock?!!" sigaw ko sabay hampas sa pinto. "Papalabasin mo ako! Parlong?!"
Biglang bumukas ang pinto dahilan para matumba ako. Pero pagbagsak ko ay wala akong naramdamang sakit at ngayon ko lang naaalala na may sumalo sa'kin.
"Who told you Parlong is my name?" takang tanong ng sumalo sa'kin at agad naman akong napa ayos, nagawa kong i shake ang kamay sa kaba.
"S-si X-Xand-drei!" sagot ko at napailing naman siya saka nagsalita.
"Tsk. I am Kazimir Russo, Hindi mo pa pala ako kilala, too bad for you." huling aniya at umalis sa history room. Para akong pintpit na luya matapos niya akong iwan dito.
Kazimir Russo. Xandrei Severro
Habang naglilinis ako ay hindi ko maiwasang isipin sila. Magkapatid sila pero bakit magkaiba ang surname nila?
Yeah, may mga ganyan naman na nag exist sa mundo pero sa kanila pa rin ako na confused.
"Tsk. Mas mabuting kalimutan ko nalang iyon. Wala naman silang ambag sa buhay ko" sabi ko sa sarili at ngayon ay mga picture frames na ang nilinisan ko.
Una kong nilinis ay ang litrato ni lolo Francisco. Ganoon na lang ang saya ko na makita ko ito. Siya ang nagpatayo ng Martel University at ikalawa na si dad. Hindi pa siya matanda dito, dahil sa taong ito nasilang ang Martel University. Nagtataka rin ako noon kung bakit Martel ang ginamit niya sa unibersidad na'to, pero ang sabi niya noon.
"Kasi iyon ang apelyido ng kapatid ko na namatay pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig."
"Matagal na itong plano niya noong nasa ibang bansa pa kami, magkaiba ang ama namin pero tunay ang turing namin sa isa't isa."
"Wala na akong magulang o kakampi at mag isa lang din ako. Pero nagawa ko ito dahil inspirasyon ko ang kapatid ko."
Francisco Maurin 1943
Biglang tumulo ang luha ko dahil doon. Ngayon naman ay ang litrato ni lola Trinidad. Miss ko na si lola, miss ko na 'yong makalaro siya at ang makipag kuwentuhan sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakita dito sa Martel, kahit ka isa lang.
Mrs. Trinidad D. Maurin 1976
Kasunod ng litrato ay si Dad. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko matapos kong maalala ang aksidente na nangyari sa amin noon. Marami ang nagbintang kay Dad na kasalanan daw niya iyon, kasi lasing siya at wala sa sarili. Pero pinilit kong tumahimik nalang, ang rami nila laban sa'kin na nag iisa lang.
Francisco Maurin Jr. 1976
Napatingin ako sa kabuuan ng history room. Maliban sa mga national heroes at iba pang mga staffs ay wala na akong iba pang nakita. Sa halip ay tumingin nalang ako ulit sa litrato ni Dad. Walang duda manang mana ako sa kanya, kaya pala napakaganda ko.
"Hmmm... Ngayon lang kita nakita dito." sabi ng kung sino. Ang nakakatakot niyang boses, pamilyar pero ngayon ko lang ulit ito narinig.
Ramdam ko ang presensya sa likod ko, kasabay no'n ang pagbigat ng aking pakiramdam. Parang mga kabayong nag uunahan sa bilis ng tibok ang puso ko na dulot ng kaba. Masama ang aking naramdaman.
"Miss, Why are you here?" ulit niya at paglingon ko ay doon ko maalala kung sino siya.
Agad na nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala. Siya mismo ang pumigil kay dad na magmaneho ng sasakyan namin, dahil lasing si dad noon at hindi mapigilan kaya hinayaan nalang niya. Si tito Maximo. Pero bakit masama ang pakiramdam ko sa kanya?
Magkakaibigan silang tatlo ni Dad at ng Daddy ni Caldence. Hanggang ngayon, he likes wearing black coat pa rin. Sa twing makikita ko silang mag usap ni dad ay palaging ganyan ang style ng suot niya.
Bumukas ang bibig ko at magsalita na sana pero agad ko nalang tinikom iyon.
"Pamilyar ang mukha mo, may namumukhaan lang ako" hindi ko alam kung bakit ganyan siya makatingin sa'kin. Walang sino man ang pwedeng makakaalam na ako ang anak ng may ari nito.
"Ano nga ulit pangalan mo hija?" tanong niya at agad naman akong umayos.
"A-Adelise Mauri---Zhen! Adelise Zhen." napapikit nalang ako pagkatapos sabihin iyon. Pero nakita ko siyang tumingin sa itaas at parang may iniisip.
"Adelise?" bigla siyang lumapit sa'kin at pina ikutan ako. Hindi maiwasang mapatayo ang aking balahibo sa di malaman na dahilan. "Sinong nag utos sayong maglinis dito?" tanong niya.
"S-si Kazimir po" nakayukong tugon ko habang siya ay hindi pa rin tumigil.
"Ilang taon kana?" taka naman akong lumingon sa kanya pero hindi sa mga mata niya.
"Bakit?" tanong ko at bigla siyang tumawa.
"How old are you?" ulit pa niya at tumaas naman ang kilay ko.
"17, ano po bang kailangan niyo?" napipikon na ako.
"Makakaalis kana hija" tanging aniya pero gusto ko pa sanang magtanong.
"Hindi pa po ako tapos maglinis"
"Umalis! Kana.." wala akong magawa kundi lumabas nalang ng history room na iyon. Lumabas ako ng puno ng katanungan pero ni isa ay walang sagot.
--
"Nako, hindi siya madalas pupunta dito." si Yara. Nasa cafeteria na kami dumiretso dahil saktong breaktime na akong nakalabas sa history room. Pinag uusapan namin si Tito Maximo.
"Naku, hindi mo ba alam?" biglang tanong ni Yeli habang nakatingin sa ice cream na inorder. Tulad ni Yara ay nagtaka din ako. "Siya ang dad nila Xandrei at Kazi, Don Maximo Russo, tsk. Kala ko pa naman kilala mo na sila." anito saka nag crossarm.
"Oo alam ko na iyan, si Adelise lang nag iisa. Pffft," ngumiwi si Yara at napailing naman ako.
Ngayon ko lang din nalaman na siya pala ang ama ng dalawa. Bigla ko tuloy naalala ang samin kanina ni Kazimir, ba 'yon? Walangya kasi si Xandrei, tsaka 'yong girlbes niyang malandi. Tskkkkkk
"Huy!"
Bigla akong natauhan at napabulalas kay Yara na tumatawa na, gano'n na rin si Yeli. Ikaw ba naman sigawan ng gano'n at lahat ng nasa cafeteria ay mapalingon sa'yo.
"Kakahiyaa" usal ko.
"Lutang ka kasi" anila, umayos naman ako bago magsalita.
"Bakit? Ano bang sinabi niyo?" pagkatapos kong itanong iyon ay biglang napalitan ng normal na saya ang mukha nila.
"Did you know Louri Hazel? She's the one who do it for you" nakangiting si Yara.
"Did what?" I asked at napafaceslap naman ang dalawa.
"Lolz, About your issue tungkol sa inedit nung Siri. She's the one who deleted it!" paliwanag nila kaya napatango naman ako.
"Ahh.. Okay"
"Okay lang?!" napapitlag nanaman ako sa sigaw nila.
"Ok ok! Pakisabi nalang sa kanya na Salamat. Salamat!" tanging tugon ko nalang.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng inorder namin kanina. Kanina pa palang natutunaw ang mga yelo ng lemon juice ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko naramdamang thankful ako sa Louri na sinasabi nila. Pakiramdam ko 'yon eh,
Kakainin ko na sana ang waffle nang mapansin kong biglang nandilim ang aking paligid, may kung sinong nakatayo galing sa likod ko.
"What a cheap" sa boses niya palang, malalaman mo talagang goblin ang nilalang na ito. "Oh? Baka iisipin niyong I'm just here to make a gulo?!" maarteng anito. Kita kong nakatingin samin lahat ng mga estudyante dito sa cafeteria.
Tumayo ako at humarap sa mala pampers na mukha ni Beatriz, pero tinarayan lang ako ng walang hiya. Rinig ko sila Yara at Yeli, pero hindi ko sila pinansin.
"Hmm? Tapang tapangan ka? Hindi pa ba sapat ang edit sayo?" yabang niya at napatawa naman ang dalawa niyang kasama.
"Oo! Hindi sapat sa'kin ang edit lang. Baka hindi mo alam na kaya kong gawin ang nasa edit na iyon?" nag krus ako ng braso, magsasalita na sana siya pero agad kong inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga para bulongan. "Kaya kong pumatay Beatriz... Wag sana tayong aabot sa puntong iyan."
Pansin ko ang takot nito pero pilit lang niyang tinatago. Joke lang 'yan cyst, sana nga.
"Umalis na tayo dito" tawag ko sa dalawa na agad namang tumayo.
Ngayon ay nasa amin parin ang attensiyon ng lahat habang naglalakad kami paalis sa cafeteria. Pero hindi paman kami nakalabas, nang bigla kong marinig na nagsalita si Beatriz.
"Mali ka ng kinalaban Adelise! Wag kang magmayabang diyan!" sigaw niya dahilan para mapalingon ako sa pinaggalingan.
"Weh? talaga? Tama naman ah? Mali ka talaga, at ako ang Tama" pamimilosopo ko at nakita ko naman na nag aapoy na siya sa galit. Bakas rin ang pagkapikon sa kanyang mukha.
Malakas ang mga yapak niyang lumapit sa'kin at sinigawan ako. Oh sige sis, total dito ka naman magaling.
"I WANT YOU OUT OF HERE!!" salubong ang kanyang kilay, nakakuyom ang kamao na animo'y sasampalin na ako.
"Tsk.. Ayan ginagalit niya kasi"
"Sa lahat ng bumangga kay Beatriz, wala pang nagwagi"
"Psst! Stop na iyan!"
"Huwag na natin 'tong pahabain, Beatriz." seryoso ako at tinalikuran siya. Pero nagulat ako nang bigla niyang hinablot ang balikat ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.
"Wag kang magsisisi na kinalaban mo ako Adelise!" kita ko ang galit sa kanyang mata na animo'y handa nang pumatay sa'kin. "Hindi mo alam na mas demonyo pa ako sa'yo!" banta niya na mas lalong nakapagpatawa sa'kin.
"Alis na tayo Adelise!"
"Tama na iyan!"
"Tumigil na kayo!"
"So ganyan ka pala? Buti alam mo!" natatawa ako habang siya ay inis na nagpapadyak sa sahig habang pinipigilan ng kasama.
"Fuck you!" mura nito.
"Kantotin kita? Ewww" mas lalo siyang nainis sa akin. Ngayon ko lang napansin sila Yara na kanina pa akong tinatawag.
"Adelise! Tama na, alis na tayo!" lumapit ako sa kanila at nagsorry. Hanggang sa nakalabas na kami sa cafeteria ay nakahinga na ako ng maluwag.
Grabe, wala manlang ginawa ang mga tindera doon? Hindi manlang niya sinisita ang Goblin na iyon?
--
"Kahit hindi pa kita kilala, alam ko na ang ugali mo."
Napahinto ako pagkatapos sabihin ng kung sino iyon. Pamilyar ang boses ng isang lalaki, maganda man ito, pero ramdam ko ang pagkadismayado niya.
"Then, should I be sorry? Thankful lang naman ako dahil pinapasok mo ako dito. Ako pa mismo maglinis ng kalat dito sa Martel ninyo." may pagkadiin ang ninyo dahil hula ko ay hindi sila ang may ari ng Martel, kundi kami!
"Wag mong ibahin ang usapan, ms. Zhen." ani Xandrei
"So? Usapang attitude pala ito?" tanong ko.
"Mag usap tayo, Adelise. Hindi kita nagugustuhan, hindi ko nagugustuhan ang ugali mo. At ngayo--" hindi niya natapos iyon dahil ako mismo ang nagdugtong.
"ay nagsisisi kang pinapasok mo ako."
I left him alone without doubts. I feel mean for myself, why did I do this? Gusto lang naman ng paglilinaw ang tao.
Many words came into my mind, but there's only two who stayed.
'Nasasaktan ako'

Book Comment (2)

  • avatar
    Fhil Binaluga

    thx

    09/12

      0
  • avatar
    Kyla Cabalida

    nice novela

    11/04/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters