logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

05: Lawrence's POV

Lawrence's POV
"There's a letter for you from Lady Elizabeth of White Dukedom," my aide said while holding the tray that has the letter on top of it.
"What is it this time?" Nahinto ako sa pag-review ng reports para paglaanan siya ng pansin.
"See it for yourself. Are you that cold-hearted to your fiance?"
What is he talking about? I believe that is just like usual. Wala namang bago kay Elizabeth.
Pinunit ko ang dulo ng sobre para kunin sa loob ang laman. Sunod kong binuklat ang liham para pasadahan ng tingin ang nilalaman niyon.
His Highness, the Crown Prince
To: Lawrence William
I greet the future sun of Asterin Empire, Your Highness the Crown Prince, Lawrence William. I hope you have a great day today. I, Elizabeth White, daughter of Duke White, request permission to be your audience. We are going to have an important discussion regarding the annulment of our engagement.
I need your cooperation as soon as possible. Thank you!
Sincerely yours,
Elizabeth White
I blurted out a sigh. Napahilot na lang ako sa sintindo ko. Is this her new tactic for bothering me? I crumpled the paper to throw it into the trash bin. I believe any minute from now she will barge in herself again, here in my palace.
"Lady Beatrice from the House of Philip has been requesting for your audience, Your Highness the Crown Prince," announced the guard standing outside of the door.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa narinig. Madali akong tumayo upang salubungin ang presensya ni Beatrice.
"Your Highness! We still have a lot of businesses here!" He is about to cry because of difficulty.
"I pay for your overtime in double." Madaling lumiwanag ang itsura niya nang marinig ang sinabi ko.
"Enjoy yourself to the fullest," he happily said while waving his hand.
"Where is she?" I asked the Royal Knight who declared her attendance.
"Maghihintay raw po siya sa favorite spot niyo, Your Highness."
Hindi ko na ito sinagot pabalik. Agad akong nagtungo sa Imperial Garden, kung saan kami unang beses na nagkakilala. I still clearly remember the exact moment when I saw her. I was stunned by her beauty back then. She was shining like a bright star. Her innocence makes her more attractive. Siya ‘yong tipo ng babae na ang sarap protektahan.
"Beatrice," tawag ko rito. Pinanood ko siya habang pinagmamasdan nito ang mga bulaklak sa paligid.
Humarap siyang may ngiti sa labi. "Your Highness ..."
Lakad-takbo na lumapit si Beatrice sa kinaroroonan ko, muntik pa nga siyang madapa. Mabuti na lamang ay nasalo ko siya agad.
Nagkatitigan kaming pareho sa isa't isa, bago natawa.
Inalalayan ko siyang makatayo ng maayos. "Let's go?"
Hinawakan niya palad ko bilang pagsang-ayon. "Yes, Your Highness."
MAGKASAMA naming nilibot ang Imperial Garden. Paminsan-minsan ay nakaw tingin ko siyang pinagmamasdan. Nabibighani ako sa pagiging mahinhin niya at sa hilig nito sa mga bulaklak.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Elizabeth," malungkot nitong sabi.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa ilalim ng puno para makapag pahinga at hindi masinagan ng araw.
"Nagpapaniwala ka naman sa mga pekeng balita. Kilala mo si Elizabeth, malamang nagpapanggap lang 'yon," naiirita kong tugon.
"Hm ..." Sinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat ko. Palihim akong napangiti saka marahan siyang niyakap sa tagiliran.
"Nabalitaan kong hindi maayos ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw. Hindi kita mapuntahan dahil hindi ka naman sumusulat sa ‘kin pabalik."
She flinched, then smiled awkwardly. "I didn't respond to your letters, dahil ayokong mahawaan ka. Baka maipasa ko pa sa 'yo ang sama ng pakiramdam ko."
"I see."
Nawala ang dudang pumasok sa isip ko nang maramdaman ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya.
HAPON na ng hinatid ko siya sa karwahe na pagmamay-ari ng mga Philip. Hindi ko talaga namamalayan ang oras sa tuwing kasama ko siya.
Nang hindi na maabot ng aking paningin ang sasakyan niyang palayo sa palasyo, saka lang ako bumalik sa opisina ko. Naabutan ko naman ang aking personal aide na lublob pa rin sa pagtatrabaho.
"Your Highness, nandito ka na rin sa wakas," sabi nito bago nagpakawala ng mabigat na hininga. Mahahalata rin ang pagod sa mga mata niya.
Naupo ako sa aking pwesto. "Hindi ba nanggulo si Elizabeth?"
"Hindi, Your Highness."
Sandali akong natigilan. "Ilang araw ko na ba siyang hindi nakikita?"
"Lagpas isang buwan na."
"Pardon?"
"Bukod sa naka-focus tayo sa trabaho matapos ang digmaang pinanalo ng Duke White, kasabay no'n ang pagsiklab ng balita na nag-commit ng suicide si Lady Elizabeth. Positive na uminom siya ng lason pero hindi maipaliwanag ng mga magician at healer kung paano siya muling nabuhay."
Para akong naputulan ng dila sa aking narinig. Hindi ko magawa na makahagilap ng salitang itutugon sa balitang ngayon ko lang nalaman.
"Hindi ko na nasabi dahil palagi mong inilalaan ang oras mo kay Lady Beatrice. Tapos hindi ka rin nagpapa istorbo kapag may ginagawa ka," dugtong pa niya bago muling ipinagpatuloy ang naudlot niyang trabaho.
Hindi ko maintindihan, kumikirot ang puso ko ngayon at may namumuong bigat sa aking dibdib. Siguro dahil may pinagsamahan pa rin naman kami, normal lang ang reaksyong ito sa katawan ko.
"Gusto niyang i-annul ang engagement." Kusang lumabas sa bibig ko ang natatanging salita na tumatak sa isip ko nang mabasa ang liham ni Elizabeth
Nabitawan niya ang hawak na quill bago ako sulyapan. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko," napapailing niyang komento.
"Tingin mo hindi siya nagpapanggap? Kilala natin siyang pareho."
"Bakit hindi ka na lang ho maghintay kung darating nga ba siya rito ilang oras lang mula ngayon?"
"Yeah, you're right."
NGUNIT dumating ang gabi, walang Elizabeth ang nagpakita sa araw na 'to. Hindi ko narinig ang mga reklamo niya na naririnig ko noon.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako komportable sa mga biglaang pagbabago lalo na kung nakasanayan ko na. Dahil diyan ay hindi ako makatulog. Nakikita ko na lang ang sarili kong nakaabang sa pagsugod niya rito sa aking palasyo.
MADALING ARAW na ng magdesisyon akong lumabas ng palasyo para makalanghap ng sariwang hangin. Kumuha ako ng sarili kong kabayo para libutin ang labas ng kaharian, hanggang sa naabutan ko na lang ang aking sarili na nakatayo sa tapat ng gate ng teritoryo ng mga White.
Mabilis akong nakilala ng nasa front guard at agad akong pinapasok. Pinaalam ng head butler sa Duke ang pagdating ko—sakto namang gising pa ito sa mga oras na 'yon.
Hindi ko ininda ang malamig na titig na ibinato sa 'kin ni Duke White. Mula noon pa man ay hindi na niya gusto ang political arrangement sa pagitan namin. Wala lang siya magawa kundi pumayag dahil sa kagustuhan ng anak niya. Mula bata pa ay may gusto na sa akin si Elizabeth, samantalang kapatid naman ang turing ko rito.
"What brings you here without sending a request first, Prince Lawrence?" Duke White asked.
"May I talk to your daughter?" I said. Nilingon niya ang head butler to give him the look of follow-the-command.
Base sa kinikilos niya, parang inaasahan niya talaga ang pagdating ko. "I guess you already knew my business here."
"Yes. She delivered the request right?"
There is a sudden pang in my chest, without knowing the reason why. "So it was not a bluff." I forced myself to look like it was not a big deal for me.
"I hope you won't give my daughter a hard time, Your Highness."
"I will keep that in mind, Duke."
"Anyway, kumusta ang resulta ng negosasyon sa bansang Diamante?"
Kahit na hindi kami in good terms, nagagawa pa rin naming kumilos ng tama as professionals. Nagawa naming mapag-usapan ni Duke White ang tungkol sa problema na kinakaharap ngayon ng palasyo. Hiningi ko ang opinyon niya na maaaring makatulong sa pagpapataas ng winning rate sa nalalapit na digmaan.
NARAMDAMAN ko ang bagal ng oras na dati ay hindi ko pinapansin. Never akong naghihintay dahil alam kong kusa siyang pumupunta kahit walang imbitasyon. Hindi ako nag-i-expect dahil wala akong pakialam sa kahit anong related kay Elizabeth.
Naka-focus ako parati na magampanan ng tama ang tungkulin ko bilang susunod na pinuno ng bansa. Gano'n lang ang takbo ng buhay ko noon, bago pa dumating si Beatrice.
Kung aalalahanin ko lahat mula sa pagkabata. Si Elizabeth lagi ang gumagawa ng paraan para maging stable ang connection namin. Pero kailan nga ba ako nag-effort? Sandaling napahigpit ang kapit ko sa tasa.
Nabaling ang atensyon ko sa malakas na pagbukas ng pinto. Tinitigan ko lamang siya hanggang sa maupo siya sa harapan ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong emosyon sa kaniya. Halatang hindi siya natutuwa. Dahil ba sa 'kin o dahil sa dahilan ng pagpunta ko rito?
I took a sip of my cup of coffee to calm myself down. I stared at the Duke to let him know that I want us to be alone, but he just glared back at me. Napansin naman agad ni Elizabeth ang punto ko.
"Father, I can handle this," sabi niya saka tipid na ngumiti sa Duke. I examined her face discreetly, since when has she become this beautiful?
Nang tuluyang makalabas ang Duke, binalik niya ang sama ng tingin niya sa 'kin. I feel...uncomfortable. Hindi ako sanay sa kinikilos niya.
"There's the quill for you to use to sign the cancellation of our engagement. What are you waiting for?"
Naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Hindi ko mapigilang magpadala sa emosyon na naramdaman ko.
"Ano na naman ba ang binabalak mo? Are you that hopeless just to gain my attention?" Nasabi ko na lang ang hindi ko intensyon sabihin.
Salubong ang kilay niyang nakatitig sa 'kin. Hindi siguro niya inaasahang 'yon ang lalabas sa bibig ko. I want to take back my words but what's done is done. I can't help but feel sorry all of a sudden.
"Ha! What's with the sh*t? Why don't you try to review the papers to verify if it is fake or not?"
I see the changes in her attitude. She never treated me this way before. I am known as a calm person but she can easily break my composure. The funny thing is, I cannot understand why I am affected. Hindi ba dapat ay matuwa pa ako?
Kinuha ko ang envelope na hinagis niya kanina sa ibabaw ng lamesa. "Since when have you become so unladylike?"
Sinuri ko ang laman niyon. I urged myself to understand everything written in these papers. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang katotohanang ... gusto niyang putulin ang koneksyon niya sa 'kin.
Sumasakit ang ulo ko at namamanhid ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. This is verified by Imperial Palace and the Dukedom of White. Pirma ko na lang ang kulang para masimulan ang proseso ng pagpapawalang bisa ng political arrangement sa pagitan naming dalawa.
"Why?" I asked.
She didn't bother to open her eyes. "What do you mean, why?" she said.
"Why all of a sudden?"
Finally, she barely looked in my direction. I couldn't feel the warmth from her eyes that I used to. She's looking at me as if I am just like any ordinary person, nothing more and nothing less.
"You don't even love me once and I also no longer love you. Make sense?"
Sudden guilt hits me. My heart can't take her words. Just the way she speaks, I knew that she is being serious this time. Parang nagsara ang utak ko at hindi ko na alam ang ginagawa ko.
"What the heck! Anong problema mo?" Pagalit na sigaw nito. Natulala ako dahil kahit ako ay nagulat sa sarili ko. Saka lang ako nahimasmasan noong tinulak niya ako ng malakas palayo sa kaniya.
"Sign the annulment!"
Dala ng pagkabigla, wala sa sariling sinunod ko ang gusto niya. After kong pirmahan ang document, kinuha niya iyon agad sa hawak ko saka itinago sa likuran niya.
"I know I can't change the wrongdoings I have already done. I am sorry for making you uncomfortable all these years and for making Beatrice's life miserable. But I hope you understand that I was in love with you truly, Your Highness," she said. "I wish you all the happiness."
Then, she left me here standing alone. Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko, doon lang ako nagkaroon ng lakas-loob sundan siya. Kaso hindi ko na ito naabutan dahil pinigilan ako ng babaeng lagi niyang kasa-kasama.
Napalingon ako sa gawi ng pintuan ng kwarto ni Elizabeth, nang marinig ko ang malakas na hagulgol mula sa loob. Napayuko ako at tahimik na pinakinggan...ang pagpapakawala niya ng sakit sa dibdib na idinulot ko.
NILISAN ko ang mansyon na mayroong bigat na dinadala sa aking dibdib. Bagsak ang balikat kong tinahak ang daan palabas ng kanilang teritoryo. Kailangan kong bigyan ng panahon ang sarili ko bago alamin ang mga bagay na hindi ko maintindihan sa ngayon.
"Your Highness, you're in tears. Are you fine?"
Natulala ako sa sinabi ng appointment knight kong sumunod pala sa 'kin papunta dito.
Ako? Umiiyak? I touched my cheeks to check if he's telling me the truth, naramdaman ko ngang basa ang pisngi ko dahil sa luha.
"Ah." I can't stop my tears from flowing down rapidly. "Don't mind me. Let's head back to the palace."
"Yes, Your Highness."
Sumakay ako sa likod ng aking kabayo saka pinatakbo iyon ng mabilis pabalik ng palasyo.

Book Comment (83)

  • avatar
    Alderian Andilab

    Alderian

    19d

      0
  • avatar
    DamianAlberto

    ang ganda

    27d

      0
  • avatar
    Maria Niña Videña

    .,.....

    27/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters