logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 - Is he the one?

[JOW]
Kinuha ni Clay ang isang notebook mula sa kaniyang bag. Sa kaniyang paglapit ay binuksan niya ito. Tumambad sa akin ang naka-ipit na litrato sa kwaderno.
I felt chills down my spine. I started sweating from my shoulders as I felt the wet feeling from my uniform. 
T-That picture...A picture of a younger version of Clay and that's not only it, in the picture, the younger self of my cousin Rain and I are present there. There's also a child that has a strong resemblance with Nova. And the other one, isang pamilyar na mukha na hinding-hindi maaring hindi makilala dito sa campus, ang mukha ng batang si Amanda Vineyard, the campus crush and another unfamiliar girl beside her. 
"W-When...where did this took place?" Nabalot ng pagtataka at pagkalito ang aking isip sa aking nakita na litrato. 
Umiling si Clay sa aking tanong sa kaniya, napa-irap pa ito. 
"Malay ko. Tuwing sinusubukan kong alalahanin, sumasakit ang ulo ko!" Madiin niyang sabi. "I tried to ask my brother about it once but he said he has forgotten about it even though he was the one who took that photo with his camera which is probably in the junkyard now...if we try to ask him now, it's impossible because he's not with us any... nevermind." Paliwanag niya sa akin. 
"Look at that annoying face of yours glaring at the camera...look at Nova and this other cute girl that are pinching each other's cheeks." Natutuwa niyang sabi patungkol kay Rain at Nova na parehong pinipisil ang mga pisngi sa litrato. Habang sina Amanda Vineyard at katabi niyang isa pang babae naman at si Clay ay nakaupo sa magkabilang gilid ng isang matanda na may hawak na gitara na kanilang katabi, pareho silang naka-ngiti sa camera. Habang ako naman ay nakasandal sa tuhod ng matandang lalaki at sina Rain at Nova naman ay nasa tabing kaliwa ko. 
Sino ang matanda na 'to? Hindi ko matandaan na may nangyari ganito noon sa buhay ko noong ako ay bata pa.
"Tingin mo ilang taon na tayo dito sa litrato na 'to?" Wondering, I asked her. I'm trying to get some important information from her remembered memories at least.
"6 years old? Grade one ako nung panahon na 'yan, hindi ko malilimutan na grade one ako kasi yung suot ko na damit diyan, yan yung damit na isinuot ko noong mag six year old birthday party celebration ako." Paliwanag naman niya agad. Napa-pikit pa siya at tumango tango bilang pag-kumpirma sa kaniyang sinabi.
"Kilala mo ba 'tong isang batang babae na nandito?" 
Again, the devilish smile showed up on her face. 
"Yeah. Well not physically or in personal. But I can see her real name through that picture alone." 
Wow.
"How convenient. Then, sino siya?"
Dinilaan niya ako. "Hindi ko sasabihin."
Sumingkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sasabihin? Sira kaba?" 
"Huwag mo akong tatawagin sira. May problema talaga yang bibig mo kapag kinakausap mo ang mga babae." 
"Eh bakit hindi mo gustong sabihin kung sino?"
"Trip ko lang." Tugon nito sabay hawak ng kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang beywang. "Maybe Nova knows her. Baka sabihan ka niya kung sino 'to."
No. That weird Nova will definitely not say who that girl in the picture was. 
Aside from my concern with that unknown girl, kung ganoon ang edad namin noong kinuha ang litrato na ito, malabong maka-alala sa mga nangyari sa panahon na iyon. Masyado pa kaming mga bata. At ang matanda na nasa litrato, gusto kong malaman kung sino siya. 
Kung siya nga ba ang may dahilan kung bakit nagkaroon ako ng kakayahan na makakita ng tali ng kapalaran o nagkataon lamang na magkakasama kami nina Clay na kinunan ng litrato kasama siya.
Habang ako ay nalunod sa aking pagiisip ng mga bagay-bagay, ibinalik ni Clay ang notebook sa bag nito. 
Sa sobrang seryoso ng aming pinag-uusapan, hindi ko namalayan na nakakakita nga pala ako ng mga tali ng kaparalan. Ipinikit ko ang kaliwang mata ko at tinignan gamit ang kanang mata ang tali ng kapalaran na mayroon si Cly, nakita ko ito agad, maiksi, ito at putol. Putol na animo'y kailanman, hindi siya magkakaroon ng kapareha. 
>Why does she have a string of fate if she's not destine to anyone?<
Nakakapagtaka lalo pa't sinabi niyang alam niya kung ilang beses na nabuhay ang isang tao at alam niya din kung sino ang mga naging kabiyak ng mga ito.
If that's really the case, she said in our two past lives, the two of us were soulmates. If she has soulmates with her past lives, why doesn't she have one in the present?
"C-Clay..." I called her name out of a whim. She immediately gazed at me. 
"Oh?" Simpleng tugon nito sa akin. Balot ng pagtataka ang kaniyang mukha.
"Why...is your string of fate's... The other side of the string is not tied up with another person's pinky finger. It looks to me that it was cut off because your string of fate is so short, I can see its other end." Ipinikit ko ng ilang segundo ang mata ko at tinapik tapik ng mahina dahil nanlabo ang paningin ko rito.
Napahawak siya sa kaniyang mukha at nagsimulang tumawa ulit. "Is that so? So that's how you use your power and that's its consequences? Masakit ba sa mata?" Tumango lang ako sa sinabi niya
"Answer my question."
"The answer is so simple. I cannot harbor any romantic feelings nor sexual urges. It seems to me that this current life that I have is an aromantic and asexual human being. I never felt like liking someone in an intimate or infatuated way. It was as if my romantic emotions are the same as a robot." Natutuwa niyang paliwanag sa akin. "Did that add up another inquiry to your ability?" She suddenly asked. Tumango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon.
This woman...
"Mukhang nonchalant ka sa kakayahan na mayroon ka ahh? You didn't try experimenting it? Like you tried to bring up people who are tied with the same string together faster than what's destined for them?" 
Kinagat ko ang aking hintuturo saglit. "Bakit ko gagawin iyon? Maybe the purpose of the string is for people to have mark of their destiny when the day comes? Like for example, masasaktan ka, mahihirapan, dadanas ka ng mga kakaiba at malalang mga sakit sa emosyon. Tapos kapag kailangang, kailangan mo na ng tulong, kahit anong mangyari, kahit gaano kayo kalayo sa isat-isa, pagtatagpuin kayo." Kinagit ko ulit ang hinlalaki ko pagkatapos kong magsalita.
"Ang layo ng sagot mo!" 
"Talaga? Haysss oo na. I tried experimenting it, that's how it lead to learn when I'll activate and deactivate it. Because, it causes me temporary blindness. Truth to be told, when I was still unable to stop seeing the strings of fate, I have a really bad eyesight. Everything is blurry. Being blinded temporarily when I use this ability is also giving me wonders...even though I can prevent my temporary blindness from happening by only using one eye, sometimes I make mistake..." Muli kong kinagat ang hinlalaki ko pagkatapos kong magsalita at mas diniinan ko pa ang ngipin ko.
"Stop biting your thumb that's very eew!" Nandidire ang ekspresyon niya na umakto pang animo'y masusuka sa ginagawa ko. Kalaunan, lumapad na naman ang ngite ni Clay dahil sa sinabi ko. "You're believing in fairy tales young man." Mapang-asar nitong sabi sa akin. 
>No I'm not. That's just the flow of reality.<
Inuntog ko ng mahina ang ulo ko sa pader. 
"Now you're bumping your head. You'll get it cracked up." Want me to do it instead? For sure it will split not just into two but more..."
>That's freaky!<
Ang talas ng utak ng babaeng ito. 
"Are you really a woman or a lioness?" 
She smirked. Sumipol siya at umiwas ng tingin. 
"Oo nga pala, bakit walang masyadong ginagawa ang club na'to? Sabi mo tungkol ito sa malikot na imahinasyon? Eh parang lagi lang kayong nakatambay dito. Parang hideout niyo lang 'to para makapag-relax." Katwiran ko sa kaniya. Napaigham siya ng maraming beses bago nakapag-salita ulit.
"Ikaw naman. Alam mo na eh nagtatanong kapa." Nag-iba ang tono ng kaniyang boses. Naging maamo ito. "Because no one believes a shit about the supernatural...Yow!" 
>Yow?<
"Mayroon." 
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Mabilis siyang umupo sa tiles sa harapan ko. Hinawakan ng kaniyang magkabilang kamay ang mga balikat ko.
"Mind explaining to me more about your ability to see strings of fate? Are there any other colors of it?" 
Inalis ko ang mga kamay niyang nakahawak sa aking balikat. Tumingin ako sa kaniyang mata, seryoso ang aking mukha. She didn't flinch even though my heavy breath reach her face.
"Dalawang kulay ng tali ng kapalaran ang nasilayan ko mula ng magkaroon ako ng kakayahan na makita ang mga ito. Ito ang kulay ng pula at lila, ang pula ay sumisimbolo sa tadhana at ang lila naman ay sumisimbolo sa pagpili mo ng taong hindi nakatadhana sa iyo. Hindi si Jovenyl ang nakatadhanang babae para sa akin, aaminin ko alam ko. Pero sinubukan ko parin. Nag-iba ang kulay ng tali ng kapalaran ko noong araw na sagutin niya ako, naging kulay lila ito. Maging ang kaniyang tali ng kapalaran na para sa ibang tao naka-laan, naging kulay lila din." Napatigil ako sa pagpapaliwanag sa kaniya dahil kumirot ang dibdib ko. Napahawak ako dito pero hindi ko ito gaanong ininda at pinagsawalang-bahala. "Ang pangatlo...noong isang araw, mayroon akong lalaking nakasalamuha... nang makita ko ang kulay ng tali ng kapalaran nito, ito ay kulay itim. Indikasayon na maaaring may nagbabadyang pahamak sa kaniyang buhay o iba pang misteryo na gusto kong malaman kung ano. That led me to be here in this club."
Tumango tango si Clay at umiwas ng tingin sa aking mga mata. Halata sa ekspresyon niya na nagiisip siya ng dahilan patungkol sa kaniyang narinig mula sa akin. 
"You said your ability to see strings has consequences of temporary blindness right?" 
"Oo."
"Anong nangyari sa iyo nang makakita ka ng kulay itim na tali ng kapalaran?"
My eye started to ache. Mistulang trauma response sa nangyari noon sa akin kung saan napaluha ako ng dugo.
"Nabulag ako ng isang oras at..."
"At?" 
"Lumuha ng dugo." 
Natigilan si Clay. Sumingkit ang kaniyang mga mata. 
"That's gross and it's kinda scary. Sigurado ka bang okay ka lang?" 
Napakamot ako sa aking sintido. "Yun na nga ang problema. Hindi iyon isang komportableng bagay na nangyari sa akin. Isang oras na madilim na kulay lang ang nakikita ko."
"Then...kung gusto mo maaari nating maalis ang kakayahan na mayroon tayong dalawa."
My heart beats faster. I felt the light weight of air coming out of my nose.
"Paano?" Ngumite si Clay at hinawakan ang ulo ko.
"Hanapin natin ang matanda na nasa picture. Mahirap yung gawin, pero...walang masama kung susubukan natin. Let's do it whenever we have free time. Let's search for him. Tapos habang nasa school tayo, subukan nating pigilan ang makulit mong utak na huwag gamitin ang iyong kakayahan at tignan ang tali ng kapalaran ng mga tao sa paligid mo." Sinabunutan niya ako ng mahina. "Let's be partners." 
*****
Tapos na ang klase ngayong araw. 
Naka chamba ako sa quiz namin kanina sa subject ni ma'am Treyna. Mabuti't hindi ko ililibre si Rain. 
Sinama ako ng mga kaibigan kong babae sa kanilang lakad after school. 
Tatambay kami sa public park. 
Siyempre, hindi ako papayag na sumama kung alam ko na walang kakainin doon.
Habang naglalakad kami papuntang park, labis akong nagulat sa aking naranasan. 
Something urged me to use my ability again and then, there I saw it.
Ang tali ng kapalaran, biglang naging tuwid na tali, hindi buhol-buhol. Tumingin ako sa direksyon kung saan naroon ang bahagi nito, nasa loob ng isang papalapit sa amin na padaang itim na kotse. 
Nasa loob nito ang kabilang bahagi ng tali ng kapalaran na nakatali sa akin. 
It sprouted inside my feelings, I wanted to see who that person was. 
Hindi ko maiwasan na habulin ng tingin ang kotse nang matapos itong dumaan. Halos mabali ko ang leeg ko sa ginawa kong pagikot ng lingon.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na nangyari 'to. Na muntikan na akong mapalapit sa taong...nakatadhana sa akin.
Nang dahil dito, sumagi sa isip ko ang nangyari kama-kailan lang sa amin ni Nova sa isang apartment building dito sa San Juanita kung saan doon nakatira ang home schooled naming kaklase. 
Ano ang ibig sabihin ni Nova sa mga sinabi niya sa akin noon? Bakit niya hinawakan ang aking dibdib? Bakit siya tumawa? 
Hindi ko na-enjoy ang mga burger na kinakain ko sa pagtambay namin dahil sa iniisip ko ang mga bagay na iyon.
*****
Inabot ako ng gabi sa pagtambay namin ng mga kaibigan ko. Wala akong naabutan na tao sa bahay. Wala si mama, wala rin ang kapatid kong si Ish. 
Ang galing ng mga tao dito sa bahay na ito. Iniiwan ang bahay nang hindi naka-kandado. Kapag pinasok 'to ng mga malikot ang kamay ay siguradong hindi matatagalan sa pagnanakaw ng mga gamit at lalong hindi malalaman kung sino at anong oras sila nanloob. 
Umupo ako saglit sa upuan namin dito sa sala na gawa sa kawayan. 
Tinawag ko ang aking pusa pero hindi ito lumapit. 
Tumayo rin ako kaagad at naglakad, hinagis ko sa kwarto ang bag ko at dumiretso ako sa kusina. 
Binuksan ko ang takip ng kaldero at kawali na nakapatong sa ibabaw ng kalan. 
May kanin pang natira sa kaldero pero sa kawali, mantika lamang ang nakita ko. 
Ang sarap talagang maging kapos palad.
Well known clan of lawyers, influencial, powerful and of course, may mga salapi...pero ekis pagdating sa family tree ko.
Hindi niyakap ni papa ang tradisyon ng angkan ng mga Hayle dahil nais nitong maglakbay. He wanted to roam around the country. 
Kaya naman, sa kaniyang mga trabaho na in-applyan ay ang pagiging delivery truck driver ang kaniyang minahal. Dahil sa kaniyang pagta-trabaho bilang isang delivery truck driver kaya niya nakatagpo si mama at naging kaniyang may bahay.
Itutuloy.

Book Comment (15)

  • avatar
    MarkJune Pinuela

    it's so good ❤️❤️❤️

    06/05/2025

      0
  • avatar
    Lance Matthew Sumbillo

    its so fun

    23/02/2025

      0
  • avatar
    FloresEvangielyn

    sobrang Ganda

    23/01/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters