logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER SIX

ASSASSINATION
****
Matapos kung puntahan ang dalawa kong klase which is etiquette lesson with Ms. Waila and Dance lessons with Ms. Terre. Mabilis akong nagpahinga sa kwarto ko dahil sa pagod at tinulungan akong maglinis ng katawan nina Carmen kaya heto ako, nakahiga sa kama.
"Goodnight princess.." Carmen, Helen and Clara said in chorus.
I just nodded my head before closing my eyes. Pagkapatay ng ilaw at paglabas nila ay siya namang pagbangon ko muli sa kama.
It's time!
When Shaji is no longer my royal knight, I can now easily move in my room. Kapag kasi binabantayan ako nito ay limitado ang aking galaw. Ayokong may malaman siya dahil kahit nasa akin ang loyalty niya hindi parin maiiwasan na nasa hari ang buo nitong katapatan. Isa pa, baka maghinala ang tatlo sa mga ikinikilos ko.
Mabilis akong umalis sa higaan at tumakbo patungong closet. Hinanap ko dito ang notebook na palagi kong sinusulatan simula nang magkamulat ako. Mabuti nalang at iba ang language at alphabet dito kaya kahit makita nila ito ay hindi nila maiintidihan.
Nilapag ko ito sa kama at nagsimulang magsulat. I need to have my own reminders and notes. Kahit naman kasi umabot ako ng ilang taon dito ay hindi ko parin kinakalimutan kung sino at ano ako noon.
I don't want to forget myself. Gusto ko lang na isama ito as my journey bilang Hera the agent at bilang Hera the Princess.
"Daughter.. your still awake." Malamig na boses na singhal ng aking ama pagkapasok sa kwarto.
Hindi na ako nagulat dahil kanina ko pa naramdaman ang kaniyang presensya. Malayo palang ito ay naramdaman ko na. Duh~ kahit naman kasi nasa katawan na ako ng isang bata ay isa parin akong agent sa dati kong buhay. My sharp senses are still intact same with my skills, they're haven't dulled yet. 'Yun ngalang naghahanap ako ng tyempo para magsanay ulit. Saan ba kasi pwede, iyong hindi sila magdududa.
"Father!" Tawag ko sakaniya sabay kapit ko sakaniyang leeg. He smiled and hugged me back.
"Kaya ka pumapangit dahil hindi ka natutulog ng maaga." Bulong nito saakin at mahinang tumawa.
I groaned. Humiwalay ako sakaniya at masama siyang tinignan.
"I'm not ugly!" Kontra ko.
"Oh really? But anyway, I'm here because I miss my ugly-daughter."
Minsan nakakaduda kung tatay ko ba talaga ito o hindi.
"Really, I don't miss you tho." Sagot ko at nagkunyaring hindi pinansin.
Ibinalik ko ang atensyon sa sinusulat at nagpatuloy. I saw him shrugged his shoulders and chuckled.
"Anong sinusulat mo?" He asked while leaning his head. Napalitan din ng pagtataka ang tingin nito.
"Sinusulat ko ang mga gusto kong gawin. Kapag pinayagan mo na akong lumabas ng palasyo ito..ito at ito ang mga gagawin ko." Turo ko sa mga nakasulat.
"Hmm.. I can't understand what's written. Are you sure you studied all the language and alphabet correctly? Bakit hindi ko maintindihan ang mga nakasulat riyan."
"I am! Pero hindi ko sasabihin kung bakit hindi mo sila maintindihan. It's a secret for you!" I answered grinning.
"Okay, but can you tell me why do you want to go outside of our castle?"
"Because.. I want to travel!" Masigla kong sagot. Pero ang totoo gusto ko lang puntahan ang mga kaharian na may maraming ginto hehe.
"If that's the case, you need to grow. And as a princess kailangan mong matuto at tapusin ang mga itinururo ni Ms. Waila. I heard, you ditched her again." Mabilis akong napairap.
"I didn't! And you know that I don't like her, papa. She's so stupid! Pangit na nga sumbongera pa!"
"Hera! Ms. Waila is not stupid–well, sometimes she is. But no.. if the woman heard you that, things will be hard." He sighed, hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan sa mata.
"Bakit kinakampihan mo siya? Do you like her?" He laughed at mabilis na umiling.
"What? Of course, not. Your mother is enough for me. Hirap na nga akong alagaan kayo tapos dadagda–" biglang itong napahinto at mabilis na lumingon sa bintana.
I also stopped and glanced on my window. Hindi ako nagkakamali, I suddenly felt couple of presences coming there.
"D-daddy, what's happening." I asked on my father. He glanced back and smiled tenderly.
"Nothing. Don't move, Hera. May titingnan lang ako." Sabi nito sabay baba sa kama. Hindi naman ako sumagot at seryoso siyang tiningnan.
Dahan-dahan naman itong lumapit sa veranda. At dahil hindi rin ako mapakali sa kinauupuan ko ay mabilis akong umalis sa kama.
But when I'm on the middle of jumping out the bed. A pair of arrows was coming to my direction and because of instinct, my body moved sideward. Natamaan ang nakasarado kong bintana kaya nakagawa ito ng ingay.
"Hera!" My father shouted and run after me. Mabilis itong nakagawa ng barrier na ikinamangha ko. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa gulat, ito ang unang beses na nakita ko ang kaniyang kapangyarihan. I can feel his enormous mana flowing inside him, he's strong. My father is strong, oh well~ he wouldn't be the king if he's not powerful.
"Stay back! Alfredo come out, call the knights to find who's behind this attack." My father said sternly.
Biglang sumulpot ang isang lalaking may dilaw na buhok at mata. Unlike Shaji na nakasuot ng cloak itong lalaki ay naka-suot ng armor outfit. Woah, pano ko ba mararanasan ang teleportation na ginagawa nila in an open space?
"Yes, your majesty!" After that he vanished. Humarap naman si daddy saakin at pinagmasdan ako ng mabuti.
"Are you hurt?" Umiling ako.
"No, but look daddy, I dodge the arrows! I am cool." Proud kong bulalas habang tinuturo ang palasong nakadikit sa dingding.
"That's good. Mabuti nalang at binisita kita.. dahil kung hindi baka..." hindi niya naituloy ang sasabihin at huminga ng malalim. "For now, you can use my chamber, your safe there."
"Why daddy?" Kunyareng nagtataka kong tanong.
"Manghuhuli lang ako ng daga." Diterminadong sagot nito sabay haplos sa buhok ko.
I pouted. Gusto ko din manghuli! Nakakainis lang at hindi pa kaya ng katawan ko sa extreme na galawan. Hindi ko rin naman hahayaang makatakas ang taong gusto akong patayin. Kakaibyerna siya! Anong karapatan niya para puntiryahin ako gamit ang pana?
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok dito ang nag-aalalang si Carmen kasunod ang dalawa. Yumuko mona ang mga ito para batiin ang hari bago ako sinulyapan.
"Y-your majesty."
"Dalhin niyo si Hera sa aking silid. Walang lalabas hangga't di ko sinasabi." Ma-awtoridad at malamig nitong utos sa tatlo.
"Yes, your highness."
Humarap ang tatlo saakin. Tinulak naman ako ng hari kaya mabilis akong lumapit sa tatlo. Ayoko pa sanang umalis kasi naiintriga ako kung pa'no nila huhuliin iyong intruder kaso mabilis na akong hinila nila Clara.
Hindi ko tuloy alam ang sumunod na nangyari. Pagkarating naman sa kwarto ni dad ay pinatulog kaagad ako ni Carmen. Pero ramdam ko ang madaming prisensya na nasa labas. Mukhang nagkaroon ako ng maraming knights upang magbantay for my safety. Gosh, kapag siguro nandito sina Luigi at papa tapos nalaman nilang madami akong bantay. Baka mapuno ng insulto at tawa ang matangap ko, kahihiyan kaya ito bilang agent! Ako na kinakatakutan at matinik sa trabaho ay may bantay? Pambihira.
Pero ano bang magagawa ko?
I'm a princess and worst I'm inside a seven year old body! This is unfair, kailangan ko nang bilisan ang paglaki. I badly want to grow and build a name in this kingdom.
"Helen! I want more milk!" Out of the blue kong utos at mabilis na bumangon.
"Prinsesa, bakit muli kayong bumangon?" Tanong ni Clara
"Gusto ko pa ng gatas!" Nagkatinginan naman ang dalawa.
"Ngunit prinsesa kakainom mo pa lamang nito." Helen
"I don't care! I want milk! Milk! Milk!" Pamimilit ko sabay galaw ng aking katawan.
"Prinsesa Hera, huwag kang magalaw. Oo na, kukuha na ako. Huwag ka lamang sumigaw." Magalang na sabi ni Carmen sabay lalakad papalabas.
Napasimangot ako. Masyado ba akong naging harsh sa babaeng to? Fine!
"Sandali, Carmen!" Pagpigil ko sakaniya. Huminto ito at napatingin saakin. Naging malikot ang aking mga mata at napabuntong-hininga.
"Mag-iingat ka sa labas! Especially, bad guys!"
Paalala ko sakaniya. Mabuti nang sigurado, kahit naman may kapangyarihan siya baka mapahamak parin ito. Malay natin sobrang lakas ng mga 'yon, ayoko namang matigok siya.
Dumaan sa mukha nito ng pagkagulat at napalitan din kaagad ng saya. Yumuko ito sabay sabing–
"Masusunod, prinsesa."

Book Comment (64)

  • avatar
    ValeJayvee chester

    thank you

    21h

      0
  • avatar
    Ce ELa Shi

    🤙🤙

    20d

      0
  • avatar
    Moncatar Jhayrun

    cool

    22/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters