logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER TWO

THE PRINCESS OF ASGARD
****
"Greetings your majesty." The three maids greeted with a bow when the door suddenly open.
Hindi ako lumingon at seryosong nakatingin lang sa itaas. Ganito ba talaga ang pakiramdam bilang bata? Naaliw kapag may nakikitang kumikinang. Tss
This is my third day in this body. Isa pa hindi lang pagiging bata ang pinoproblema ko. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Dahil una sa lahat sa dati kong buhay hindi uso ang mga personal maids–wait meron naman sa mga mayayaman kahit sa condo ko ay may katulong din ako.
Pero kakaibang katulong ang meron ako ngayon dahil ang ilan sakanila ay may nilalabas na apoy, tubig at yelo sa kamay. Nawindang nga ako nang makita ko iyun kaya nakagawa ako ng ingay. Akala nila natakot ako kaya ako umiyak.
Pangalawa, ang buong paligid ay napapalibutan ng ginto. Hindi ba nila narerealize? Kung nasa dating katawan ako wala na ang mga gamit dito.
Pangatlo, palagi nila akong tinatawag na prensesa. Na hindi ko maintindihan kung bakit? Even now, they greet my father with full of respect and fear. In my past life, my father is also scary and powerful to the point na nanginginig din ang mga agents kapag kaharap ito. Mataas din naman ang posisyon ko sa organization pero never nila akong tinawag na prinsesa. Dahil ang tawag nila saakin ay "demonyu"
Kaya naman in my conclusion. I was reincarnated in another world or like other dimension. Hindi ako naniniwala sa reincarnation mas lalo naman sa magics and power. Pero dahil nakita at nangyari pa mismo saakin ay naniniwala na ako. Kesa naman ipilit kong hindi ito totoo baka mabaliw lang ako, tch.
"That's good she's awake." seryoso at walang emosyon na sabi ng tatay ko.
Lumapit ito saakin at mahinang pinisil ang aking pisnge. Tatay ko ba talaga 'to?
"I forgot to name you. From now on, the people of Asgard Kingdom will call you Princess Saiph Setara Hera de Allastair. My daughter." Seryoso ngunit puno ng pagmamahal nitong sabi.
Magkaharap kami kaya kitang-kita ko ang paglabas ng ilang emosyon sa mga mata niya. Love and longing.
Ang creepy pero natouch ako. Kahit naman kasi may pagkacold sya ay mararamdaman mo parin ang pagiging caring father niya. He really reminds me of my father. Hindi ko alam pero nagsimulang lumabas ang mga luha ko.
"Waaaaahhh! Mmmweeeehhh!" iyak ko. Nakakainsulto nga eh, para akong pinutulan ng dila dahil sa bulol kong boses.
It should be "I miss my father!" Pero di ko masabi dahil bata nga ako tsk. Nakita kong nataranta ang tatay ko ngayon nawala rin ang seryoso nitong mukha at napalitan ng pag-aalala.
"What's happening? Bakit siya umiiyak?"
Nagsilapitan naman ang mga katulong na nag-aalaga saakin.
"Mukhang nagugutom na po ang prinsesa mahal na hari. Kailangan na po niyang–" hindi na ituloy ng babae ang sasabihin ng buhatin ako ng lalaki.
"What food should I fed her?" Natataranta nitong tanong.
Seriously? Tatay ko ba talaga 'to? Hindi niya alam kung ano ipapakain sakin? At teka nga hindi ako gutom! Mga walang-hiya!
Mas lalo akong gumalaw at nagwala. Gusto ko nang maglakad! Nakakabuang pala maging bata!
"Milk, your majesty. Pero dahil wala na si Queen Soleen–" napatigil ito sa pagsasalita ng masama siyang lingunin ni papa–daddy.. Ah basta ng tatay ko ngayon.
"You! How dare you mention her name!" Malakas na sigaw nito na ikinayuko ng nasa paligid.
Dahil din don ay napatigil ako sa pag-galaw at pagiyak. Pinagmasdan ko ito, ako lang ba o talagang nakikita ko ang iilang usok na nakapalibot sa katawan niya? Para siyang nagpipigil na saktan ang mga katulong, hindi lang iyun...nararamdaman ko rin ang galit niya.
Another realization! This father of mine is a King and my mother is a Queen.
I chuckled. Dapat noong una ko pa narealize, hindi ko manlang naisip na hari itong kaharap ko. Kaya pala naging prinsesa ako.
Biglang nawala ang mga usok na nakapalibot sa hari at dahan-dahan itong lumingon sa gawi ko. Naramdaman nya siguro ang aking pagtawa kaya napatingin siya. Pero hindi ko naman inaakalang magugulat ito.
He was stunned while looking at me with amused eyes. The three maids are also shocked at nakahinga pa ng maluwag.
What? Iniisip ba nilang matatakot ako?
The heck! Ako na marami nang dumanak na dugo sa kamay ko ay matatakot dahil isang siyang hari at may kapangyarihan? Of course hindi ako natatakot, why would I. Tatay ko ito at naniniwala akong hindi niya ako sasaktan.
Isa pa ilang beses na akong nasugatan at ilang bala na rin ang muntik ng makapatay saakin pero lecheng bomba 'yan, sya pala ang end game ko.
"Your not scared of me?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti lang ako dito. At bakit naman ako matatakot sayo? Tch. Hindi pa ako nakakaganti sa panlalait mo. Matapos mo akong tawaging pangit? Eh sayo lang naman ako galing.
"Adorable. But you're still ugly." Malamig nitong sabi at humarap ulit sa mga katulong.
Fuck! Ugly your face!
"Pakainin at alagaan niyo s'ya. Ayoko ring marinig pa ulit ang pangalan ng reyna. Maliwanag ba?" Ma-awtoridad nitong sabi. Mabilis na tumango at nagsi-yukuan naman ang tatlo.
Pagkatapos ay ibinalik nya ako sa kama. Isang mainit at mabilis na halik ang ginawad n'ya saking noo bago umalis. Pagkasarado ng pinto ay mabilis nagsikuhan ang tatlo.
"Ano ba iyan Clara. Pinapahamak mo kami! Kung hindi dahil sa prinsesa ay baka pinaglalamayan na tayo ng ating pamilya." Agarang sabi ng unang babae na nag-alaga saakin.
"Paumanhin. Hindi ko sinasadya, ako'y nag-aalala lamang para sa prinsesa. Alam mo naman na kapag sanggol pa lamang ang bata ay gatas ng ina ang hinahanap." mahabang lithaya ng babaeng nag ngangalang Clara.
Pagkarinig sa dahilan ni Clara ay sabay-sabay silang napabuntong-hininga. Ano bang meron sa reyna? Umalis ba ito para maka-iwas sa aakuin nya bilang nanay ko? Gosh, mukhang pati sa pangalawang buhay ay wala akong ina.
"Ako'y naawa rin para sa prinsesa. Hindi ko hagad na mangyayari ito. Kung sana napigilan ng punong sorcerer ang sumpa sana ay nabubuhay parin ang mahal na reyna." Naghihinayang naman na sabi ng isa. Sumulyap pa ito saakin at pagkakita ay mahinang napapa-iling.
Problema ng mga to? Anong scocerer pinagsasabi. I wiggle my two legs and stretch my hands.
'Hoy, mga babae. Tumigil na kayo kakachismis at paka-inin n'yo na lamang ako! Hindi ako nagugutom pero parang ganon na nga."
"Tama na ang pag-uusap. Kailangan na nating bigyan ng gatas ang mahal na prinsesa. Helen at Clara papuntahin nyo dito si Fina habang binabantayan ko siya." utos ng isa.
"Masusunod, Carmen." The two girls said in chorus.
Naiwan naman kaming dalawa ni Carmen. Mukhang mataas ang posisyon nito bilang katulong. If my guess is right. She is the assigned maid for me, habang ang dalawa ay kanang-kamay naman niya.
Napangisi ako, hindi ako makapag-intay pang lumaki. Mukhang may bago akong pagtitripan. Bagong kalaro ika nga nila. I smirked.
"Mukhang masaya po kayo mahal na prinsesa. Dahil po ba iyon sa bago nyong pangalan?" tanong nito saakin.
Hindi ako sumagot. Paano ako makakasagot eh bulol nga ako.
"Masaya akong paglikuran ka princess Soltice Hera. Habang buhay kitang pagsisilbihan at buong puso kong iaalay ang aking katapatan." Madamdamin nitong sabi sabay haplos ng aking pisnge. Akalain mo nga naman kahit sa pangalawang pagkakataon ay Hera parin ang pangalan ko.
Napangiti tuloy ako ng todo.
Aba! Masaya din ako! Siguraduhin mo lang na mapapantayan at magagawa mo ang trabaho bilang katulong ko. Masaya rin akong makilala ka, Carmen.

Book Comment (64)

  • avatar
    ValeJayvee chester

    thank you

    1d

      0
  • avatar
    Ce ELa Shi

    🤙🤙

    21d

      0
  • avatar
    Moncatar Jhayrun

    cool

    22/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters