logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

“SIGURADO KA BANG OKAY KA LANG D’YAN?”
Napangiti si Laila nang marinig ang nag-aalalang tinig ng nag-iisang kaibigan at co-teacher niyang si Annie sa kabilang linya. Tinawagan niya ang huli nang makarating siya sa nahanap na mauupahang bahay.
“Okay lang ako. Basta iyong bilin ko sa’yo ha?” aniya na nakatanaw sa labas mula sa bintana kung saan siya nakadungaw.
Mula sa Tarlac ay nakarating si Laila sa Cavite. Walang siguradong patutunguhan ang dalaga nang maglakad-lakad nang makababa sa sinakyang bus. Mula sa Tarlac ay sumakay siya ng bus pa-Maynila. At mula sa terminal ng Maynila ay sumakay siya pa-Cavite para makasigurong walang makakasunod sa kanya. Lakas ng loob at tapang lang ang mayroon siya nang umalis sa mansyon para sa kagustuhan niyang maiparating sa mga magulang na hindi na siya bata at kaya na niya ang sarili niya.
Nang makababa nga siya mula sa bus ay nagtanong-tanong siya sa mga taong nakikita at nakasasalubong niya kung may alam ba ang mga iyon na mauupahan. May mabuting-loob naman na matandang babae ang itinuro siya sa bahay na iyon.
Simple at hindi kalakihan ang bahay-paupahan na may katabi pang tatlong apartment na iisa lang ang may-ari. Ang pinakadulo ang kinuha niya para rentahan. Sa loob ng bahay ay may tatlong division─ may isang pinto para maging silid-tulugan at isang pinto para sa kusina kung saan makikita rin ang banyo. Ang unang parte naman ng bahay na mabubungaran ay ang maliit na sala na mayroon ng isang mesita at mahabang upuan na yari sa kahoy.
Napipinturahan ng kulay puti ang loob at labas ng buong kabahayan. Mayroon din iba pang kagamitan doon tulad ng lamesa at mga upuan na yari sa maganda at matibay na klase ng kahoy na nasa kusina at yari rin sa kahoy na hihigaan na nasa loob ng kuwarto at isang di kalakihan at lumang cabinet.
Ang kailangan na lang gawin ni Laila sa lugar ay linisin iyon dahil sa tingin niya ay matagal na nabakante ang isang iyon at dahil biglaan din naman ang paglipat niya ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataong maglinis kahit kaunti doon ang may-ari ng paupahan.
“Ano nang plano mong gawin ngayon?” tanong sa kanya ni Annie sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga naman muna ang dalaga bago sumagot. “Plano kong mamalengke at maglinis ngayon dito sa bago kong bahay.”
“Sigurado ka? Marunong ka?” gulat na gulat na tanong ng kaibigan.
Napakamot naman si Laila sa noo niya. “Marunong naman ako. I told you, I’m better with these stuff than to do socializing with rich people.”
“Pero,” may pag-aalangan pa rin sa boses ng kaibigan na halatang-halata niya. “Kailangan mo ng tulong?”
Natawa naman siya. “Annie, paano mo ako tutulungan kung nasa Tarlac ka at nasa Cavite ako? Kung hihintayin kitang dumating baka magdamag akong dilat at nangangalumata na sa sobrang antok. Hapon na kaya.”
Habang nakatayo at pinanunood ang mga bagong kapitbahay sa labas ng bintana ay nakikinikinita na ni Laila na napapangiwi ang kaibigan dahil sa sinabi niya. “Sige na, Annie. I have to go. Iyong bilin ko sa’yo ah? Ipasa mo na iyong resignation letter na ginawa ko at mag-iingat ka. Please, don’t tell anyone about my whereabouts now,” mahigpit na bilin niya.
“Sige. Basta mag-iingat ka rin ha. Iniba ko din ang pangalan mo dito sa phone ko para d’yan sa new number mo. Sapat ba ang pera mo para makapagsimula ng bagong buhay na malayo dito?” may pag-aalala pa ring habol na tanong nito.
“Okay lang ako, Annie. Salamat sa pag-aalala, sige na.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kaibigan dahil tiyak niyang mas hahaba pa ang usapan nila at hindi na sila matatapos pa sa pagpapaalaman na pinindot na niya ang end call button sa cellphone.
Nang mapatay na ang tawag ay minsan pang pinasadahan ni Laila nang tingin ang kabuuan ng apartment niya.
This is it pancit! aniya sa sarili saka kinuha ang maliit na sling bag na nagawa niya pang isiksik sa dalang duffel bag nang mag-impake siya, kumuha rin siya ng ilang lilibuhing pera sa backpack niya at ang wallet niya kung nasaan naroon ang mga I.D niya at inilagay iyon sa sling bag kasama ang bagong cellphone na gamit niya saka isinukbit sa balikat niya. Iniwan niya sa bus na sinakyan pa-Maynila ang dating cellphone para iligaw ang sinumang magtatangkang sundan o hanapin siya.
William Smith, her father is a very powerful man not just on business. She knew that her Daddy has the connections that she was very afraid of. Natatakot siyang dahil sa ginawa niya ay lalo siyang mapahamak at sa pagkakataong iyon ay mapagbuhatan na siya ng kamay ng ama.
Kaya sa pagdating pa lang sa lugar na iyon ay tiniyak na niyang hindi siya basta mahahanap. Lahat ng gadget niya ay iniwan niya sa kuwarto niya sa mansyon, ang cellphone niya ay iniwan niya sa bus sa Maynila at bumili lang ng bago nang makababa siya doon. Kailangan niyang gawin iyon para makatiyak na hindi basta malalaman ng ama kung nasaan siya. At kahit sa social media ay nagdeactivate na siya habang nasa byahe pa lang gamit ang lumang cellphone bago niya iniwan iyon. Ang bukod tanging dala lang niya ay ang kanyang laptop na hindi nahihiwalay sa kanya dahil naroon ang lahat ng files niya sa mga isinusulat na mga nobela.
Mabuti na lang rin dahil hindi siya mahilig gumamit ng credit card o kahit ng ATM. Mayroon kasi siyang safety box sa kuwarto niya at lahat ng kinikita niya sa pamamagitan ng pagsusulat at sa pagtuturo maging ang mga ipon niya noong nag-aaral pa ay doon niya lahat nilalagay. Pinapapalitan lang niya iyon noon kapag nagkakaroon ng pagbabago sa mga salaping papel. At ang lahat ng iyon ay dala niya. Nasa backpack niya. Kaya naman, alam niyang hindi siya ma-te-trace ng mga maghahanap sa kanya kung ang mga bagay na gaya niyon ang gagamitin. Wala ring kailangang i-hold na bank account ang Daddy niya para pilitin siyang umuwi kung sakali. Paminsan-minsan talaga napapa-wow na lang rin ang dalaga sa sarili niya. Ganoon siya ka-weird na hindi niya inakalang magagamit niya iyon sa ganoong klaseng pagkakataon.
Napailing na lang si Laila sa sarili saka kumuha ng papel at ballpen na nasa backpack rin niya. Hindi siya nawawalan niyon kahit saan siya magpunta. The perks of being a writer. Inilista ng dalaga ang lahat ng kakailanganin niya para mabuhay at malinis ang bahay na iyon.
“Kailangan ko ng walis, basahan, sabon, tabo, timba…” aniya habang nagsusulat, “Ano pa ba?” mayamaya ay tinapik-tapik na niya ang hawak na ballpen sa kanyang baba habang nag-iisip at ilang sandali pa ay natagpuan na lang niya ang sariling napapabuntong-hininga na naman. “This time you are all by yourself for real, Laila. Okay lang. Sanay ka naman na,” pagkausap niya sa sarili saka muling dumungaw sa bintana at tiningnan ang mga kapitbahay niya na masayang nagkukuwentuhan sa harap ng kani-kanilang mga bahay.
Sana magustuhan nila ako kahit kaunti lang. Sana.
“SALAMAT PO,” nahihiyang sambit ni Laila nang sa wakas ay maipasok na sa loob ng apartment ang lahat ng pinamili niya sa tulong ng driver ng tricycle na sinakyan. Alas-otso na ng gabi nang makabalik siya at mabuti na lang ay naisipan niya munang kumain nang lumabas siya bago mamili. “Magkano po?” tanong niya habang kumukuha ng pera sa wallet niya, naroon sila sa tapat ng pinto niya.
“Ikaw na ang bahala Miss,” ani ng driver. Sa palagay niya ay kasing-edad niya lang ito.
Napakagat-labi na lang si Laila dahil hindi niya alam kung magkano ba ang dapat ibigay lalo’t bukod sa madami siyang ikinarga sa tricycle nito ay ginawa rin niya itong kargador. Ilang sandali pa ay naglabas siya ng limang daang pisong papel at akmang ibibigay iyon sa driver nang umiling ito.
“Bakit po, kulang po ba?” may pag-aalalang tanong niya.
“Hindi ka taga-rito ano?” tanong ng lalaki na tipid na nakangiti sa kanya.
Hindi siya kumibo.
Mahina namang natawa ang driver. “Bakit pa ba ako nagtatanong, halata namang bagong lipat ka lang dito. Mula sa palengke hanggang dito beinte pesos lang ang bayad doble lang dahil marami kang ikinarga,” tuluy-tuloy na sabi nito.
Napatango-tango naman si Laila sa sinabi nito at ibinalik ang limang-daang piso sa pitaka niya at naglabas ng dalawang tig-iisang daang piso at iniabot iyon sa lalaki.
“Naku, sobra na naman,” sabi nito na kinuha ang isang daan at akmang susuklian pa siya nang ilagay rin niya sa kamay nito ang isa pang isang daang pisong papel na hawak.
“Dagdag bayad ko ‘yan para sa pagtulong sa aking magbuhat,” aniya.
“Naku, Miss sobra-sobra na itong bayad mo,” may halong pagtutol sa boses ng lalaki.
“Hindi. Salamat uli,” aniya na pumasok na sa bahay. Bago niya maisara ang pinto ay nginitian at tinanguan niya uli ang driver.
“Salamat din,” anito na masayang umalis na.
Nang makaalis ang lalaki ay isa-isang binuhat ni Laila ang mga pinamili sa kusina. Marami siyang pinamili at palagay niya marami rin siyang nagastos bagaman alam niyang kung tutuusin ay barya lang iyon sa kanya.
Bitbit ang bagong timbang may lamang kaunting tubig, bagong basahan at walis ay unang pumasok si Laila sa mgiging kuwarto niya. Madilim na sa labas at nakararamdam na rin siya ng pagod kung kaya iyon ang una niyang lilinisin. Halos maubo si Laila habang nagwawalis dahil sa kapal ng alikabok sa loob na lahat ay winalis niya palabas.
Pinagpapawisan na rin siya ngunit hindi pa siya puwedeng gumamit ng biniling electric fan hangga’t hindi siya tapos sa ginagawa. Mabuti na lamang dahil may tubig at kuryente na sa inupahan.
Nang matapos magwalis at linisin ang kama at cabinet maging ang bintana ay minsan pang pinunasan ni Laila ang mga iyon ng basang basahan saka bumalik sa banyo para kusutin iyon at itapon ang kulay itim ng tubig sa timba.
Agad na ipinasok ni Laila sa kuwarto ang duffel bag at backpack niya. Maging ang mga pinamiling unan, kumot, punda at kurtina at inayos ang mga iyon doon. Nang sa palagay ng dalaga ay maayos na sa paningin niya ang silid ay nakaramdam siya nang pagod. Gusto na niyang mahiga ngunit nanlalagkit ang buong katawan niya sanhi ng pawis at alikabok.
“Makaligo nga muna,” aniya sa sarili. Subalit nang makalabas ng silid ay nagbago kaagad ang isip niya nang makita ang walang kaayusang sala at kusina, pati ang banyo.
Napabuntong-hininga ang dalaga. “Ginusto mo ‘to Laila, panindigan mo,” aniya sa sarili na dinampot ang walis at inihanda ang sarili sa pagsabak niya sa makapal at tila walang katapusang alikabok.
Ilang oras pa ang lumipas at naririnig na ni Laila ang tilaok ng manok sa di kalayuan ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa paggawa. Nakatapos na siyang maglinis sa sala at kusina. Nakapaglagay na rin siya ng kurtina sa bintana sa sala at naiayos na niya ang mga kasangkapan sa kusina. Naroon naman siya sa banyo at nilinis iyon. At nang sa wakas ay matapos, pagod na naupo si Laila sa mahabang upuan na nasa sala niya at ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng bahay.
“Perfect,” mahina ngunit masayang sabi niya saka sumandal sa upuan. “Inaantok na ako,” usal niya pa bago tuluyang ipinikit ang mga mata at magpatangay sa antok sa kabila nang maingay na pagtilaok ng mga manok.

Book Comment (7)

  • avatar
    YuGabriel

    hi I love to read this coming Thursday ok lang

    18d

      0
  • avatar
    Rhydian Chan

    very noice

    06/11

      0
  • avatar
    EligarcoSetty

    very good

    05/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters