logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 5

Magda's POV
Bakit kaya muling sumalakay ang mga taga-tubig?
Sa pagkakatanda ko ay silyado ang daanan palabas ng kanilang gubat at hanggang doon lamang talaga sila.. Ngunit..
Huh?!
Oo nga pala!
Si Kadyo?!
Si Kadyo ang sumira ng selyong nagsisilbing pangharang sa kanila!
At nangyari ito nang bulabugin niya ang balon!
At sa akin ding pagkakatanda ay nagbitaw ng babala ang isa sa kanilang mga pinuno na oras na lumapag ang mga paa ng anak-anakan ng inay sa gubat ay muling matitibag ang lahat, at ito ang magiging hudyat nang kanilang paghihiganti sa mga natitira pang lahi ng inay Kanora!
Malaking problema ang aking kahaharapin.
Ako at ang aking nasasakupan.
Maging hanggang ngayon ay wala pa rin silang sapat na tapang upang lumaban sa mga mababangis na taga-tubig.
Kailangan ko silang pag-ingatan..
Lalo na ang pamilya ni Kadyo..
Hindi ko naman sila maaring palayasin at sigurado naman ako na hindi rin sila aalis.
Ngunit paano ko ipaliliwanag sa kanya ang lahat na siya ang sanhi nang pagkakaroon ng biglang digmaan?!
Hindi ko alam ang aking gagawin!
Nagugulo ang isip ko..
Sigurado akong mamayang gabi ay mauulit pa ang pagsalakay..
Kailangan kong magbantay sampu ng aking mga kasama..
Ngunit..
Sigurado akong walang sasama sa akin kahit isa..
Hindi ko ito kakayanin, lalo pa at matatanda na ang aking mga kasama..
Nasaan na nga kaya ang aking matatapang na mga tagasunod?
Iniwan na ba akong tuluyan ng aking mga kaaliyansa?
Na walang iba kung'di... Ang aking mga kababata..
***
Oras ng pananghalian.
Kasalukuyang naghahain si Emma ng mapansing may kulang sa mga inihahanda niya. "Aleli anak! Kumuha ka nga ng sili sa likod, nakalimutan ko kasi eh!"  utos nito sa anak.
Agad namang tumakbo papalabas si Aleli upang kumuha na.
"Alfie? Bakit ba nariyan ka pa rin sa higaan! Aba'y umalis ka na riyan at nang maibilot na ang banig! Masama ba ang pakiramdam mo bunso?" wika ni Emma nang mapansin na nakahiga pa ang anak. Nilapitan nito si Alfie at kinapa ang noo. "Naku anak! May lagnat ka nga!"
Nilalagnat pala si Alfie kaya at hindi pa bumabangon.
Samantalang si Aleli naman ay..
"Ay!" napasigaw ito nang lumusot ang isang paa sa isang malaking uka ng malambot na lupa. "Nakakatakot naman ito, baka may ahas!" sabi pa nito habang hinuhugot pa ang nakalubog na paa.
Ngunit may napansin din siya.
"Bakit --- bakit parang may tubig ang ilalim at --- at may mabahong amoy? Naku! Baka may patay na hayop na nakalibing dito at naapakan ko! Naku! Kawawa naman!"
Mabilis ang pagkilos nito. Pagkahugot ng kanyang paa ay agad tinabunan ang butas. Kinayod niyang pilit ang mga lupa sa paligid upang maitambak dito.
Ngunit..
"Parang malalim! Kinakain lang ang mga lupang inilalagay ko!" muli niya itong sinilip.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapansing gumagalaw ang lupa na tila humihigop ito pailalim.
"Huh?!"
Mas lalo pang bumilis ang paghigop.
"Ano kaya ito?"
Nang biglang..
"Aleli! Ano'ng ginagawa mo riyan at nakatuwad ka pa?!" Ang dating ng kanyang ama.
"Tay! May bu ---" hindi na ito nakapagsalita.
Inakay na ng ama. "Halika na at nang makakain! Mamaya may ahas pa riyan eh!"
Magsasalita pa sanang muli.. "Eh tatay! May butas nga po--"
Kinarga na ito ng ama upang mapabilis na sila.
Hindi pinansin ni Kadyo ang butas na sinasabi ng anak. Ang butas na patuloy pa rin pa paghigop pailalim.
Ang butas na magsisilbing lagusan ng papalapit na lagim.
Pagdating sa loob ay inabutan pa ng mag-ama si Emma na inaalo pa ang humihikbing si Alfie.
"O! Bakit?!"  tanong ni Kadyo.
"Nilalagnat eh! Ayaw umalis sa higaan!"  tugon naman ni Emma.
Lumapit si Kadyo upang kalungin ang anak. "Oo nga, medyo mataas ang lagnat nito..Kumuha ka ng tuwalya at basain mo.."
Agad na kinuha ni Emma ang labakarang ginamit niya pamunas kagabi kay Alfie at nagtungo na sa labas.
"Huh?! Wala na palang tubig!"
Nang makitang bakante na ang mga banga ay nagtungo ito sa kanilang kubeta.
At nagulat siya sa kanyang nakita.
"Bakit --- bakit kaya may butas dito??!"
May uka rin kasi ang lupa sa kanilang kubeta. Katulad din ng uka na nakita ni Aleli sa kanilang likod-bahay.
"Delikado kasi mukhang malalim!"
Marahan itong humakbang sa gilid ng butas upang maabot ang banga na nasa kubeta.
"Tapos nasa gitna pa!"
Habang nakatalikod ito at nag-aanlaw ng dalang bimpo ay hindi niya namamalayang unti-unting gumagalaw ang butas sa kanyang likuran at hinihigop ang lupa pailalim.
Habang nagtatagal siya sa kanyang ginagawa ay siya namang pagpupumilit na agad makalabas ng nilalang na nasa ilalim pa ng lupa.
Sandali pa at tila naramdaman niya na ang paggalaw ng lupa sa ilalim ng kanyang mga paa.
"Huh??!! Ang bilis naman lumalim nito! Kadyo!" Ang kanyang sigaw habang maingat na tinatawid muli ang gilid ng ukang lupa.
Nang makalampas na ay tiningnan niya pa itong muli.
"Hmp!"
Pagpasok niya ay sinabi niya na ring agad sa asawa ang butas na nakita. "Kadyo! May uka sa kubeta, tabunan mo mamaya at mukhang malalim!"
Sumagot naman ang Aleli. "Uka nay?! Sa lupa po?"
Tumango ang ina.
"Meron din po niyan sa likod, lumubog nga po ang paa ko eh..."  muling turan ni Aleli.
Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Emma.
"Talaga?! Hayaan mo at matabunan mamaya! Baka bahay ng ahas 'yon! Madawag kasi masyado diyan sa likod dahil malapit ang gubat.."
Wala silang ideya kung ano at bakit nagkaroon ng biglaang uka ang lupa. Ang akala nila ay gawa lang ng may ahas.
Hindi nila alam ang nakaambang panganib na sa kanila ay naghihintay.
Dahil nag-uumpisa na silang tawirin, ng mga taga-tubig.
***
Pagtapos mananghali at asikasuhin ang may lagnat na si Alfie ay lumabas na muna si Kadyo upang magtungo kay Magda.
Bitbit ang kanyang dalawang latang balde at palinga-linga sa bawat sulok na makita.
May napansin siya sa lugar habang kanya itong binabaybay.
"Bakit parang sarado ang lahat ng bahay at napakatahimik ng paligid? Nang una naming malapagan ang lugar na ito ay magigiliw ang mga tao ngunit bakit parang nakakubli sila ngayon?" nagtataka siya.
Ang mga bahay kasi na kanilang nadaanan dati ay saradong lahat ngayon, maging ang mga alagang hayop sa labas ng bakuran ay tila napabayaan dahil sa marurumi ang mga ito.
Nagpatuloy pa rin siya sa kabila ng kanyang kakaibang pakiramdam.
Lumakad nang lumakad hanggang sa makarating sa unang liko na patungo na sa kubo ni Magda.
"Wala pa ring tao? Sana ay narito si Magda, kailangan ko kasi ang tulong niya.." bulong ni Kadyo..
Tila may nakapagsabi naman agad kay Magda at..
"Bakit Kadyo? Bakit kailangan mo ang tulong ko?" biglang salita ni Magda mula sa likuran ni Kadyo.
"Ma -- Magda?! Mabuti at nakita kita!"  gulat na sambit nito.
Sadyang malakas ang pandinig ni Magda. Kanina niya pa rin pala sinusubaybayan si Kadyo at alam niyang ito ay patungo sa kanya.
"Magda, bakit tila walang katao-tao sa paligid?!"
Lumingon pa muna si Magda sa kanyang likuran bago sumagot. "Pagod ang mga iyan Kadyo!" 
Bigla namang may naalala si Kadyo. "Oo nga pala, tila may kasiyahan sila kagabi dahil nakita naming naglalakad silang pabalik-balik sa labas.."
Nagulat si Magda. Hindi niya inakalang nakita nila Kadyo ang mga kalahi niyang nagbibilad sa liwanag ng buwan.
At..
"Nakita n'yo sila Kadyo?!"
"Oo Magda! Natakot nga si Emma dahil nagkumpulan sila sa tapat ng bakod namin eh..at saka.." nag-isip muna siya. May nais sana siyang banggitin ngunit natitigilan siya sa pagsasalita.
At ito ay ang nakita niyang kapitbahay na nagtago sa kanilang silong kagabi.
Napansin ni Magda ang alinlangan sa kanyang mga mata. "Bakit Kadyo? May problema ba?"  tanong nito.
"Ah wala! Wala na talaga kasi kaming tubig sa bahay eh! Maari mo bang ituro ang iba pang igiban?"
"Oo Kadyo, doon tayo magpunta kay Ka Lino..May maliit siyang bukal doon.."  tugon ni Magda.
At lumakad na nga sila papunta sa lugar ni Ka Lino. Si Ka Lino ang lalaking bulag na kanilang nakita sa kubo at ang nangangalaga ng bahay ni Kanora.
Hindi naman gaano kalayo ang kubo ni Ka Lino ngunit nasa ilang bahay pa lamang ang pagitan nila ay nakitang agad nila ang nangyayaring umpukan.
"Bakit kaya ang daming tao? Ano kaya ang nangyari?!"  nagtatakang sabi ni Magda.
Tumakbo na ang dalawa.
Agad naman silang nakita ni Ka Lino.
At..
"Magda! Magda tingnan mo ang bukal ko!"  takot na sabing agad nito.
Umupo si Magda upang sumalok ng tubig.
Inamoy niya rin ito. "Ka Lino kailan pa ho ito?"
"Kanina ko lang nakita Magda, kahapon naman ay maayos pa iyan!"  tugon ni Ka Lino
Ang dati kasing bukal na may malinis na tubig ay kulay putik na ngayon. May hindi magandang amoy na rin ito.
"Bakit po nagkaganyan ang bukal n'yo?"  tanong din ni Kadyo na napasilip din.
"Hindi ko alam Kadyo..At kung bakit nagkaganyan ang tubig ay siguradong ---"
Biglang pinutol ni Magda ang pagsasalita ni Ka Lino. "Ah Ka Lino! Babalik ako at tutulungan kitang maglinis ng bukal!"  sabi nito kasabay ang isang makahulugang titig kay Ka Lino.
Na kaagad naman naintindihan ng matanda. "Si -- sige Magda, hihintayin na lang kita!"
Umalis na muna ito.
"Halika na Kadyo, samahan kita sa baryo Bukana.."  yaya ni Magda kay Kadyo.
Kinakabahan na si Magda.
Alam niyang kung ang bukal ni Ka Lino ay nagkaganoon, sigurado ring ang lahat ng may bukal sa paligid ay nagkakaganito rin.
Habang lumalakad ay lumulutang ang isip.
Maging si Kadyo ay tahimik din.
Patuloy lang sila sa paglalakad.
Hindi na rin siguro nakatiis pa si Kadyo at isiniwalat na talaga ang kanyang nais sabihin kanina pa.
"Ah! Magda...May itatanong sana ako.."
Agad namang lumakas ang kabog ng dibdib ng dalagang aswang nang marinig ang tinuran ni Kadyo.
"May narinig kasi akong kakaibang ingay kagabi at galing yata sa gubat 'yon..At isa pa ay..nakita ko ang isa sa ating mga kapitbahay na nagtatago sa ilalim ng aking silong, tapos.."
Tumigil si Magda sa paglalakad. "Tapos ano Kadyo?"  tanong nito.
"Tapos Magda kasabay nang paghatak sa kanya ay isang nakakatakot na hiyaw ng akala mo ay isang hayop.."
"Nakita mo ba ang itsura Kadyo?! Nang hayop na sinasabi mo?"
"Hindi eh, pero sigurado akong may gulo dahil nakita ko pa ang ilan sa mga kapitbahay na tumatakbo.."  saad ni Kadyo.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad.
"Wala 'yon Kadyo, basta huwag kayong lalabas ng kubo kapag may naririnig kayo, malapit kasi kayo sa gubat at maraming mababangis na hayop doon.."
Iniliko na naman ni Magda si Kadyo sa katotohanang abot kamay niya ng malalaman.
"Nga pala Magda, baka may halamang gamot ka para sa lagnat..may lagnat kasi si Alfie eh.." 
"May lagnat?!"
Alam na agad ni Magda ang dahilan. "Lumabas ba kayo ng bahay kagabi Kadyo?"  tanong nito.
"Oo Magda, tinanaw namin ang buwan.."  sagot ni Kadyo.
Napabuntong hininga na si Magda. Senyales na tila hindi niya na yata kakayanin pa ang pagtatago ng lahat. Nahihirapan na siya at alam niyang mas marami pang darating na mga kakaibang pangyayari na muling ipagtataka ni Kadyo.
"Nalamigan lang siguro si bunso Kadyo, hayaan mo't papasyalan ko siya mamaya at dadalhan ng gamot.."
Alam ni Magda na may nakita si Alfie na nakakatakot kagabi, kinagalitan niya pa kasi ang kanyang mga kalahing nagpunta sa loob ng bakuran nina Kadyo.
"Nandito na tayo Kadyo, hintayin mo na lang ako rito at titingnan ko ang bukal kung ayos lang..."
Pumasok na si Magda sa makipot na daan.
Iniwan niya si Kadyo at pinaupo muna sa hagdan ng kubong natapatan nila.
Pinagmasdan niyang muli ang paligid. Napansin niyang ang lahat pala talaga ng kubo rito ay may silong.
Ngunit..
"Huh?!"
Nadako ang kanyang paningin sa tapat ng kubo na kanyang kinalalagyan.
"Ano 'yong gumagalaw?"
May napansin kasi siyang paggalaw sa ilalim ng silong nito.
Nilingon niya muna ang paligid.
At mas lumakad pang papalapit sa kubo.
Dahan-dahang iniyuko ang kanyang ulo.
"May mga uka rin ang lupa.."
At halos mapaatras siya sa kanyang nakita.
"Huh?! Pa --- paa 'yon ah!!"
Napaiwas siyang bigla nang tingin at napasandal sa dingding ng kubo.
Kitang-kita niya kasi ang paglubog ng dalawang paa ng tao sa uka ng lupa na tila may buhay.
Muli niya itong sinilip.
Ngunit wala na ang pares ng  paa. Ngunit ang mga uka ay naroon pa.
Bumalik na lamang siya sa kubong kanina ay kanyang pinaghintayan kay Magda.
Mula sa kanyang kinatatayuan ay kita niya ang mga uka ng lupa na nasa silong. Tinitigan niya itong mabuti.
At..
"Ahaah!!"
Napasinghap ito sabay na pag-atras dahil nakita niyang gumalaw sabay-sabay ang mga uka ng lupa.
Mabilis nitong dinampot ang kanyang dalawang latang balde at..
"Kadyo!"
Nagkabanggaan pa sila ni Magda sa kanyang taranta.
"Bakit --- bakit namumutla ka?!"  tanong nito.
"Ah wala Magda! Na --- nagmamadali na kasi ako baka kailangan na ako sa bahay!" Ang pasinungaling nito.
Inilihim niya kay Magda ang kanyang nakagigimbal na nakita. Ang dalawang paang nilalamon ng lupa at ang sabay-sabay na paggalaw ng mga uka nito.
"Maayos ba ang bukal Magda? Puwede na ba akong mag-igib?" 
Butil na ang kanyang pawis at madalian na rin ang pagsasalita.
Ngunit..
"Hindi Kadyo, tulad na rin ng bukal ni Ka Lino ang bukal dito.."  malungkot na tugon ni Magda.
Napahawak na lamang si Kadyo sa kanyang batok. "Magda, uuwi na muna ako, baka kasi kung ano nang nangyayari sa mag-iina ko.."
Tumango naman si Magda.
Hindi na nagtagal pa ang usapan nila at umalis na ring agad si Kadyo.
Gulong-gulo ang kanyang isip sa mga nangyayari.
Wala silang tubig.
May sakit pa ang anak niya.
At ngayon ay, saksi pa siya sa malagim na sinapit ng isang di niya kilalang tao na inabutan niya pang kinakain ng lupa ang mga paa nito.
June_Thirteen

Book Comment (65)

  • avatar
    DecenaLyka

    na gosto han ko Yong kwento

    13d

      0
  • avatar
    Marlo Elle

    more

    15/08

      0
  • avatar
    Rhogie Ducusin

    hoho

    04/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters