logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

Bazi.
β€”
Agie's P.O.V
Noong uwian ay nauna ng umuwi sa akin sina Krystel, Caroline, Jasmine and Yansea. Ako naman ay nagpaiwan dahil hinihintay ko si mang Dencio.
Dumaan ang trenta minutos ay wala pa rin si mang Dencio pero isang pamilyar na sasakyan ang pumarada sa mismong tapat ng kinaroroonan kong waiting sheed ngayon.
Nang lumabas ang nagmamaneho ay nakompirma nga ang hinala ko.., si kyler. Pumunta ba siya rito para sunduin si Yansea?
Hindi ko alam kung anong sumapi sa utak ko at linapitan ko siya.
"Waiting for someone? Yansea? She left already."
Dire-diretsong sabi ko. Tinaasan lang ako ng kilay. Suplado! Parehas lang sila ni Yansea, bagay sila amp!
"Naihatid ko na siya sa kanila kanina pa, ikaw talaga ang sadya ko."
"Me?" Turo ko pa sa sarili ko. Oh so siya pala 'yon kanina, perong ibang sasakyan ang gamit. Pero teka sabi niya ako ang sadya niya.
"Yes. Mang Dencio asked me for a favor to fetch you here."
"I don't know what's going on, why you're the one who's fetching me right now and not mang Dencio but I believe he's our driver not you. So tell me why he's not here?"
"Don't give me that kind of demanding voice Arriane. I don't like it. Just get inside the car now."
"Oh yeah, who's being demanding now?"
Pero hindi naman na akong nag- inarte pa at agad ng pumasok sa kotse niya, uwing- uwi na ako at gusto ko ng matulog. Sa likod sana ako sasakay pero nakalock iyon, mukhang sinadya niya dahil noong sa tabi na ng driver seat ang buksan ko ay di nakalock. But wait, what? She called me Arianne. Who gave him my name?
"You called me Arianne," I told him noong nasa driver seat na siya at binuhay ang engine.
"It's your name." Pilosopong sagot niya. Inirapan ko nalang ito. Teka hindi pa pala niya sinasagot ang tanong ko.
"So mr., what's going on? Why mang Dencio ask you for a favor to fetch me?"
"First of all, call me Kuya Kyler not Mr., and for your question.."
Napatigil siya dahil sumulyap ito sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko. Napabuntong hininga siya saka dinugtungan ang sinasabi.
"It's because Bazi is now dead and nana Soledad needs him there."
Daig ko pa ang taong naging statue sa ilalim ng malamig na yelong dagat sa narinig.
"W-what did you say? Kuya Bazi is now dead? But what... Let's go the hospital now."
Nagsimula ng manginig ang boses ko at nagsimula na ring tumulo ang luha ko. No no no, he can't be die, he promise to m-m...me.
Kuya Bazi is like an elder brother to me. We're really close. Siya ang pumuno sa kagustuhan kong magkaroon ng kapatid dahil ayaw na ni mama at Papa na dagdagan ako, their reason is that they want to focus at me.
Sa nanlalabong paningin ay tuluyan na akong umiyak. Lalo na ng maaalala ko ang dahilan kung bakit na hospital si kuya Bazi and that is because of...m-me.
Flashback.
I really want to eat mango pero hindi ako makaakyat. Tsk! Tsk! Paano na 'to? Walang iniwan sina mommy at daddy sa akin na pera maski singkong duling kaya hindi ako makakabili.
Oh well, noong nag-iwan kasi sila sa akin ng pera ay lumabas ako ng bahay para bumili ng ice cream sa mall at di nagpaalam kahit sino sa mga tao sa bahay. That's 2 years ago, 8 years old palang ako noon.
Tanghali ako umalis at gabi na bumalik, eh sa nawili ako sa paglalaro sa Time Zone. Kaya ang mommy at daddy, pinaghahanap ako at umabot pa pala sa puntong nireport ako as missing sa police station.
Pag-uwi ko ay halos di na ako makahinga sa higpit ng yakap ni mommy. Nang tanungin ko sila kung ano ang nangyayari ay ang galit na boses ni papa ang sumunod kong narinig.
Ang sabi pa ni mommy, kailangan kong mag sorry sa mga tao sa bahay dahil napagbuntungan sila ng galit ni daddy sa pag-aalala sa biglaan kong pagkawala.
"Gusto mong kumain ng Manga?"
Napalingon ako sa nagsalita na siyang dahilan din at natigil ang pagbabalik tanaw ko sa dahilan kung bakit nasa sitwasyong ito ako ngayon. He is the grandson of nana Soledad and mang Dencio, he is kuya Bazi.
"Yeah, but hindi ako marunong umakyat maski sumungkit." Sabi ko at ipinakita pa sa kanya ang ginawa kong panungkit. Maya-maya pa ay walang pakundangan itong tumawa ng malakas.
"Hindi ka talaga makakasungkit niyan, eh kasing liit mo lang yata 'yang panungkit mo eh." Sabi nito saka tumawa ulit. I got irritated at him kaya itinulak ko siya pero di man lang siya natinang.
"I hate you! I hate you! You are evil! I hate you!" Sabi ko sa kanya saka siya tinutulak-tulak. Napaiyak na rin ako. Mamaya pa ay di ko na marinig ang tawa niya. Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at saka siya lumuhod para magpantay ang mga mukha namin.
Gamit ang hintuturo ay pinahid niya ang mga luha ko.
"I'm sorry, I'm sorry Agie. Hindi ko naman intensyon na paiyakin ka."
"I still hate you! Bad ka!"
"Okay sige ganito nalang. Ikukuha kita ng manga basta wag ka ng umiyak, ampanget mo kapag umiiyak ka eh." Sabi niya saka ngumisi.
"Takot ka lang isumbong kita kay mommy at daddy eh!"
"Ah di naman sa ganun, saka mas takot ako sa pamalo ng lola ko." Sabi niya saka tumawa.
"Oh ano, deal? Ikukuha kita ng manga basta don't cry na." Pagpapatuloy niya.
Tumingin ako sa kanya, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo.
"Hmn, sige but I want three mangoes!" I said then raised my left eyebrow at him.
"Kahit sampo pa 'yan." He confidently said.
Inalis niya na ang hawak sa balikat ko at tumayo. Lumapit ito sa punong manga namin at saka nagsimulang umakyat. Ako naman ay tuwang tuwa dahil sa wakas ay makakakain na ako ng manga.
"Bazi! Bazi! Bazi! Alla eh, nasaan ka namang bata ka?!"
Mamaya ay narinig kong sigaw ni nana Soledad. Palapit na ito sa kinaroroonan namin.
"Agie, don't tell her." Sabi niya sa akin at nagtago sa mga dahon. Nakatingala pa rin ako sa kinaroroonan niya.
"Agie, nakita mo ba si Bazi?"
Hindi ko siya sinagot. Basta nakatingala lang ako kay kuya Bazi sa taas ng manga. Mamaya pa ay ang galit na boses na ni nana Soledad ang narinig ko.
"Bazi! Ay bata ka! Bumaba ka riyan! Anong ginagawa mo dyan eh ni hindi ka nga marunong bumaba pag-akyat mo!"
"Agie naman, tignan mo tuloy nahuli niya ako." Sabi niya habang panay ang tawa at saka nagsimulang mamitas ng manga saka itinapon sa pool.
"I didn't say anything. Saka bakit mo tinatapon sa pool ang manga?!"
"Yeah, you didn't say anything pero nakatingala ka sa akin. Ayts! And for your question, itinatapon ko sa pool kasi I'm sure mabagal ang pagbagsak niyon pababa sa tiles ng pool kahit papaano at nang di malamog."
"Okay whatever. I'm gonna swim it there nalang." Sabi ko saka ako tumakbo papunta sa pool.
Huli na ng marealize ko na sa may malalim na part ng pool pala niya naitapon iyon at di sa nakasanayan kong lalim ng tubig sa kabilang pool. Nakainom ako ng maraming tubig at nagsisimula na akong malunod.
Paggising ko ay nasa hospital bed ako. Si mommy na nakayuko at tulog ang nasa tabi ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa room at nakita ko sa kabilang side ko ay si kuya Bazi, nakadextros din ito.
Sa pagkaka-aalala ko ako lang ang nalunod pero bakit siya nadextross?
Namalayan siguro ni mommy na gising na ako kaya nag-angat siya ng tingin sa akin. Agad na hinawakan ni mommy ang kamay ko.
"Oh gosh my baby. How's your feeling? Does something hurt? Tell me please, Agie."
"I'm fine mom, b-but why kuya Bazi is there?" Tumingin ako sa kung na saan ito nakahiga.
"According to nana Soledad, he's trying to save you from the pool but he failed kaya ayon pati siya nalunod. Eh hindi rin pala siya marunong lumangoy, buti nalang at kakauwi lang namin noon, ang nana mo ay pilit kayong inaabot pero di rin kaya."
"I'm trying to get the mangoes there."
"Mangoes? How is it possible to have mangoes in the pool?"
Pero hindi na ako sumagot ng matanto ang sinabi ko. I'm sure something bad will happen to kuya Bazi's grandparents if I tell her. So I choose to lie that I'm the one who throws it there and tries to get it. I don't know if she believed my alibi but she didn't ask anymore.
Since that day, kuya Bazi and I become close. Nagpasalamat nga siya sa akin dahil kung di dahil daw sa akin, dipa rin daw siya marunong umakyat kung di ako nag-iiyak iyak noon.
Kaya everytime na we have a free time, kinukuhanan niya ako ng manga, binabalatan at hinihiwa niya saka namin lalagyan ng tuyo at asukal. Ayon kasi ang pinakagusto ko sa lahat ng sawsawan na ginawa niya, I don't like bagoong kasi nangangati ako after, I also don't like asin na may sili, I also don't like suka na may sili o asin, maanghang, kaya sa tuyo ako na may asukal, matamis at maalat tama lang sa maasim na manga.
But one time na kumukuha siya ng manga ay bigla nalang siyang nahulog dahil may ahas daw. Napilayan siya, masama kasi ang pagkakabagsak.
Hindi ko na ulit siya pinaakyat. Iba nalang ang pinagkaabalaan namin. Tinuruan niya ako magpinta and natutunan ko naman agad 'yon. Kuya Bazi said that I already had the potential that's why madali ko lang siya natutunan.
Summer come. Umuwi kami ng probinsiya namin sa Isabela, sa private resort na pagmamay ari ng pamilya ng family friend namin na si Avah Sierra kami tumuloy.
May kasal kasi kaming pupuntahan mismo sa private resort at ninang and ninong sina mommy at daddy. Isinama rin namin sina mang Dencio na kasalitan ni daddy sa pag-drive at sina nana Soledad, kuya Bazi at ang bunsong kapatid nitong babae na si Breazy.
Lumipas ang dalawang araw ay nagsimula na akong maboring. Maganda ang resort, walang duda. Puting puti ang buhangin, malamig at sariwa ang hangin bukod sa maganda ang kulay ng dagat, may mga pools din dito, masasarap ang mga pagkain, may mga playground and many more pero wala akong kalaro. Si kuya Bazi kasi, lagi niya ng kasama si Breazy at nararamdaman ko namang ayaw sa akin nito kaya dumistansya ako.
It's one day before the wedding, maaga akong nagising ngayon dahil gusto kong mamasyal sa dagat. Pumunta ako sa may mga batuhan kung saan kitang kita ko ang malalakas na alon na humahampas sa dalampasigan.
Maingat akong umakyat sa batuhan at naupo. Natutuwa akong pagmasdan ang tila galit na paghampas ng alon. Parang sumasabay sa nararamdaman kong inis kina mommy at daddy.
I told them last night again to give me a little brother or little sister but they both refuse. Naiingit kasi ako kina kuya Bazi at Breazy na naglalaro, minsan sinasali nila ako kapag nakikita nila ako pero I want a real brother or sister! Saka nararamdaman ko naman na ayaw na talaga sa akin ni Breazy.
Sa inis ko ay di ko pinapansin sina mommy at daddy. Bakit ba ayaw nila? Tsk! Kainis!
Sa inis ko ay tumayo ako mula sa pagkakaupo ko pero agad ko ding pinagsisihan dahil nadulas ang paa ko at namalayan ko nalang na tinatangay na ako ng alon.
I regret all my actions back then because of what I did, kuya Bazi tried to save me again pero ang kinalabasan ay siya ulit ang napahamak ng higit.
According sa doctor na narinig ko ng nagkunwari akong tulog kasi di ko alam kung paano ko haharapin sina nana Soledad at mang Dancio ay nalaman kong nabagok ng pauli-ulit ang ulo ni kuya Bazi sa mga bato nang tangayin kami ng alon. He protected me under the water kaya siya ang tumatama sa mga bato kahit kasama niya ako. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sariwa sa alaala ko ang pangyayaring iyon.
Since that day, hindi na ulit siya nagising pa. Nalaman ko na lang na he's in comma.
"It's all my fault. It's all my fault."
Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko. Hindi umimik si Kyler, he just let me cry.
Nang makarating kami sa hospital ay dumeretso ako sa kung nasaan ang room ni kuya Bazi. Pero pagdating ko doon ay saktong may ilalabas doon na hospital bed sa pinto.
Nagtama ang tingin namin ni nana Soledad. Umiiyak itong umiling-iling sa akin at alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Napaiyak ako lalo.
Nanghihinang lumapit ako sa may hospital bed. Hindi, hindi ko kayang buksan. Nanginginig ako at umiiyak, di alam ang unang gagawin.
"Wag na wag mong hahawakan ang kuya ko! It's because of you why he died!!!"
The pain and anger at Breazy's voice makes me breakdown. She's right, it's all my fault why kuya Bazi Died.

Book Comment (13)

  • avatar
    Faye Audrey

    Ganda ng story

    10/07

    Β Β 0
  • avatar
    mendesgardenia

    muito 😍

    10/05

    Β Β 0
  • avatar
    ReyesAyamedel

    very nice

    06/05

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters