logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Chapter 5: Bakasyunista
NATAPOS ang palaro na nasa Barangay Tagum ang huling alas. Nanalo sila, kaunti lang ang lamang.
Pababa pa lang kami sa bleacher ay abot-abot na ang kantiyaw sa akin nang mga pinsan ko.
“Ano 'yon Eulabeiah, hah?” Nakangising ani Luna.
“May hindi ba kami nalalaman?” Turan naman ni Amaris.
Hindi ko sila pinansin. Nauna akong lumabas ng court, nakasunod sila. Nahihiya ako. Bakit ba naman kasi ginawa iyon ng lalaking iyon, hindi naman kami close.
“Woi, Eula, sandali. Nagtatanong pa kami e,” sigaw ni Luna.
Alam ko manunukso lamang na naman ang mga pinsan ko.
Naabutan nila ako sa tabing kalsada. Madilim na kasi. Ayaw kong maglakad sa gitna ng dilim na mag-isa dahil sa takot ako sa dilim at natatakot ako na baka may bigla na lang lumitaw na multo.
I know that’s so childish pero talagang takot ako sa multo kahit na hindi na ako bata.
Napaigtad ako nang may kumublit sa likuran ko. Nanlalaki ang mata kong binalingan iyon at nakita ko ang mga pinsan ko na nagpipigil ng tawa.
Alam kasi nila na takor ako sa dilim.
“Uwi na tayo?” tanong ko. Hindi ipinahalata na anxious ako na baka magtanong na naman sila at tuksuhin ako.
Aaminin ko may kakaibang epekto sa akin ang ginawa kanina ni Mark. Parang may tumadyak sa dibdib ko at may pumigil sa paghinga ko. Ewan ko, kasabay ng pamumula ng pisngi ko ay ang pakiramdam na hindi ako makahinga dahil sa kalabog ng dibdib ko.
Hindi sila matigil sa kakadaldal habang naglalakad kami pauwi.
“Sumakit ang lalamunan ko,” reklamo ni Selena.
“Sa’kin din. Nakakagutom tuloy,” sabi ni Luna saka bumaling sa kapatid sa likod. “Les, bili mo nga ako ng oreo du'n.”
May madadaanan kasi kaming maliit na tindahan na bukas pa.
Mabilis naman na tumalima si Lester matapos pukulin ng masamang tingin ang kapatid.
“Saka tubig!” sigaw ni Levy.
“Yan, kakasigaw niyo. Kita na pati ngala-ngala niyo kaka-nganga, napapala niyo!” paninisi ni Amaris.
My eyes widened, “wow! Nagsalita ang hindi kita ang tonsil kakasigaw kanina.”
“Wow! Nagsalita ang hindi kita ang esophagus kakasigaw kanina,” balik niya.
Huminto kami sa tapat ng maliit na tindahan dahil hindi pa rin nakakabili si Lester. Wala atang tao kaya abot na dito sa kabilang kalsada ang pagsigaw niya para magtawag ng tindera.
Pinagtawanan tuloy namin si Lester na naka-simangot na. Nilingon niya kami, “kung kayo kaya dito?”
“Bahala ka diyan,” saad nang natatawang si Aerol.
“Bilis na. Nagugutom na ako e,” usig ni Luna sa nakasimangot nang kapatid.
Habang hinihingal namin si Lester na ngayon ay nakikipag-bolahan naman sa dalagang tindera. Kung makasimangot siya kaninang walang lumalabas na tindera, ngayon naman ay abot hanggang tainga ang ngiti.
“Oy, mayaman daw iyon.”
Napakunot-noo ako dahil sa biglang hirit ni Cynthia sa likuran ko. Abala sa pagngatngat ng kuko.
“Ano?”
“Si Mark, mayaman.”
Sumingit si Denmark na tahimik na nakahawak sa dulo ng shirt ni Amaris. “Oo, 'yung mansion sa kabilang kanto, sa kanila iyon.”
Naagaw namin ang atensiyon nang iba pa naming kasama. Mataman na rin silang nakikinig.
“Uh…”
Kaya pala kahit na moreno siya ay halata na may kaya siya sa buhay. Nakaka-angat rin siya sa mga ka-barkada niya.
“Ang alam ko nagba-bakasyon lamang din iyon dito katulad natin pero hindi every summer, kapag naiisipan lang, ganoon.” Paliwanag ni Luna. “Saka Mark lang ang pagka-kilala namin sa kaniya—”
“E hindi naman kasi tayo curious at interesado sa kaniya noon. Maging ito ngang si Eula, kung maka-irap noon sa mga lalaking nakikipagkilala e.” tawa ni Amaris.
“Tapos malalaman naming close pala kayo ni Mark. May kaway at kindat pa sa'yo?” panunukso na naman ni Levy. “Kailan pa? Last summer naman wala pang ganiyang nagaganap.”
Natawa ako. “Ewan ko sa inyo,”
“Pabebe ka pa!” sikmat ni Selena, hinablot pa ang buhok ko. “Ano nga?”
Bago pa ako makasagot ay lumapit na si Lester dala ang pinabili ni Luna. Malawak ang ngiti niyang nakipag-apir kay Aerol at Denmark.
“Nakuha mo number?” salubong ni Aerol.
Mayabang na iwinagayway ni Lester ang cell phone. “Ako pa ba!”
Hinablot ni Luna ang oreo na pinabili niya. “Ang tagal mo. Alam na nagugutom na ako e, nambabae ka pa!”
Nagtawanan lamang ang mga lalaki saka nagpatiuna ng maglakad.
Iniabot sa amin ni Luna ang oreo. Isang pack na ang binili ni Lester kaya binigyan kami ni Luna nang tig-iisa. Hindi niya inabutan ang mga lalaki sa unahan kaya nakasimangot na kaniya-kaniya sila ng dukot sa pack.
Isang malaking mineral water lamang ang binili ni Lester na nauna na niyang buksan at inuman. Matapos ay hinablot na ito ni Levy.
Maingay na naglalakad ang tatlong lalaki sa unahan namin habang kami namang mga girls sa likod ay tahimik na kumakain ng oreo.
Malayo-layo pa ang lalakarin namin pero okay lang dahil may mga street lights naman saka marami pa naman kaming nakakasalubong na naglalakad din.
“Next summer pala hindi ko alam kung makakasama pa akong magbakasyon,” himutok ni Cynthia.
Na sinundan ni Levy, “ako rin.”
Napanguso ako. Paano nga iyon? Hindi na kami kumpleto. Kapag college na kasi hanggang May may pasok sila. Mabuti na lang ako, mag-gi-grade eleven pa lang. Parehas sa Junior ang summer vacation.
“E di tayo-tayo na muna 'wag na muna sila.” Sabi ni Luna na nagpasimangot sa dalawa.
“Napakasama. Hindi pwede!” tutol ni Cynthia na tinawanan lamang namin.
“Hindi rin kami magba-bakasyon, ganoon?” I ask.
“Yes.” Mabilis na sagot ng dalawa na puno ang bibig dahil sa biscuit na kinakain.
Papasok na kami sa gate ng bahay ni Lola may sumigaw sa hindi kalayuan. Tinatawag ang pangalan ko.
Naka kunot-noo kong nilingon ang tumatawag. Nakita ko si Mark na kumakaway.
Ipinagtulakan ako ng mga pinsan ko na salubungin ang lalaki na malawak ang ngiti.
“Hi!” bati niya ng makalapit.
Lumingon ako sa mga pinsan ko na malawak ang ngiti habang pinapanuod ako.
Itinuon ko ang atensiyon kay Mark. “B-bakit?”
Shit! I hate myself for stuttering.
“Ahm… may kasiyahan bukas ng hapon sa bahay nila James.” Aniya, kumamot sa batok saka lumingon sa mga kasama tapos ay bumaling ulit sa akin. “Sama ka, ah.”
Narinig ko ang hiyawan ng mga kasama niya.
“I mean—kayo,” iminwestra niya ang kamay sa mga pinsan ko na nakikinig, “kayo nang mga pinsan mo.”
“Anong oras ba?”
“Mga three, pero susunduin ko kayo.” Nakangiting aniya.
Kitang-kita ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Pwede na ngang gawing modelo ng toothpaste e.
“Okay,”
“Aasahan ko iyang okay na 'yan,”
“Yeah,”
Kumaway siya bago tuluyang tumalikod. Bago tuluyang makalayo ay kumaway pa ulit siya saka sumigaw. “See you tomorrow, gorgeous!”

Book Comment (119)

  • avatar
    Maravic Petilla

    ganda

    26/05

      0
  • avatar
    Irish Mustera

    ganda ah

    16/05

      0
  • avatar
    Lyn Fuerzas

    maganda ang kuwinto i like it

    28/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters