logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Chapter 3: Basketball
NAPAGALITAN ako ni Lola pagbalik ko dahil ang tagal ko daw bumili sa tindahan. Pinagtawanan pa ako ng mga pinsan ko dahil doon.
Tulad ng nkasanayan noon, matapos kumain kaniya-kaniya kaming kuha ng mga tools sa paglilinis. Walis tambo, walis tingting, dustpan, basahan at kung anu-ano pang mga panlinis. Maglilinis kami, tutulungan si Lola.
Na-assign ako sa bakuran dahil walis tingting ang nakuha ko. Kasama ko si Levy, Selena, Aerol at Amaris.
Tawang-tawa ako dahil malakas ang hangin e bumabalik ang mga dahon na winawalis namin dahil sa malakas na hangin. Galit na galit tuloy si Amaris tapos nagsisi-sigaw pa siya.
“Para kang sira, Amaris. Pag napagalitan ka ni Lola.” Saway ni Aerol.
“Nanggigigil ako sa hangin na 'yan e,” patuloy na palatak nang babae.
Tawa ako ng tawa dahil sa kakulitan niya. Masaya talaga kapag magkakasama kami.
Ilang oras ang ginugol namin bago matapos ang paglilinis sa labas. Pawisan kaming pumasok sa loob ng bahay. Naabutan namin doon ang iba na nagpapahinga na rin, tapos na.
Ipinaghanda kami ni Lola Liah ng miryenda. “Magmiryenda na kayo. Pagtapos mamahinga maligo na at bahala na kayo kung anong plano niyo sa maghapon.”
Agad na pumalakpak si Luna. “Ay Lola, may liga sa barangay mamaya. Gusto sana naming manuod po,”
“Anong oras?”
“Ala una po,”
Tumango si Lola Liah. “Kayo ang bahala. Basta ang bilin ko hah, 'wag magpapagabi.”
Agad kaming nagtayuan at kaniya-kaniyang unahan sa banyo.
“Ako muna!”
“Nauna ako!”
Nag-tatalo na si Lester at Denmark kung sino ang gagamit ng banyo. Kaming mga babae naman pwede kaming magsabay-sabay na maligo. Pwede rin naman sila, aarte lang.
Habang nagbibihis ako ay napatingin ako sa phone ko na nasa side table. “Maaga pa ah, bakit aalis na tayo?”
Alas dies pa lang kasi.
Si Selena ang sumagot. “Gala muna tayo.”
“Sa karinderya ulit tayo kakain?” tanong ni Amaris.
Ganoon kasi kami dati. Kapag inabutan ng tanghalian sa galaan, hahanap na lang ng makakainan at doon na kakain. Tapos sa hapon na kami babalik kay Lola.
Ayos lang naman iyon sa matanda. Saka wala naman siyang ginagawa sa bahay, gumagala din siya at nakikipagkwentuhan sa malayong kapitbahay. Iyon ang libangan niya.
Umuuwi sa pamilya iyong kasambahay ni Lola kapag summer dahil buong bakasyon ay nandito naman kami.
Mabili kaming naligo at nagbihis. Hinagilap ko ang maliit kong bag pack at saka inilagay ko ang phone, wallet at ilang towel and panyo. Iyong ibang laman ng bag ay itinabi ko sa cabinet kasama ang mga damit ko.
Nagsuot ako ng black leggings, pink crop top saka iyong flip-flops na hinugot ko pa sa kailaliman ng maleta ko.
“I’m ready!” sigaw ko para marinig nang mga kasama ko. Nasa cr pa kasi, ang tagal maligo. Si Amaris naman nasa baba na dahil nagtawag na kanina ang mga boys. “Baba na ako, ah. I'll wait na lang doon.”
“Ge,”
Bitbit ang bag bumaba ako sa living room, naabutan ko doon sina Aerol, Denmark at Amaris na nakasalampak sa couch.
“Nasaan si Les?”
Nagbikit-balikat si Aerol. “Nasa likod. Nagpapaalam kay Lola para makaalis daw agad pagbaba niyo.”
“Nasa’n pa 'yung dalawa? Ang tagal naman.” Reklamo ni Den. Ipinatong pa niya ang paa sa hita ni Amaris sa paahan niya.
Agad na nagreklamo si Amaris saka pinalo-palo ang paa nang lalaki. “Ang bigat ng paa mo, Denmark!”
Pero hindi naman siya pinansin ng lalaki kaya kinurot niya na rin na nagpaigtad sa pinsan namin. “Ang sakit, ah!”
“Eh, ang bigat kasi ng paa mo. Ang laki-laki mo tapos ipapatanong mo sa akin iyang paa mo!”
“Paa ko pa lamang iyon mabigat na sa'yo, paano pa kaya kung ako na ang pumatong sa'yo e di baka hindi ka na makahinga?” balewalang ani Denmark. Umayos siya ng upo saka inakbayan na lamang ang nakasimangot na si Amaris.
That’s sound off. Iyong sinabi ni Den pero parang wala lang naman iyon kay Aerol na tumawa pa. So, hindi ko na rin pinansin baka isa lamang na naman sa mga walang prenong salita nang lalaki.
ELEVEN thirty na rin kami nakaalis ng bahay. Ayos lang naman na maglakad dahil hindi mainit ang araw. Namumuo ang mga ulap sa kalangitan.
Tamang-tama sa mga naglalakad patungo sa covered court upang manuod ng liga. Malapit na rin ang piyesta kaya maraming banderitas na nakasabit sa mga puno at maraming palamuti sa mga bahay na nadaraanan namin.
“Ang saya ng piyesta, may libreng pagkain.” Luna beamed beside me.
Natawa si Lester na nasa hulihan naka-akbay kay Selena. “Sa’n naman ang target natin?”
Target ang tawag namin sa bahay na pupuntahan tuwing piyesta. Well, hindi naman kami pumupunta kapag hindi invited, nakakahiya kaya 'yon.
“Kain na muna tayo ng lunch, nagugutom na ako.” Yaya ko sa kanila ng madaanan ang isang karinderya.
Malapit na rin naman kami sa court na paglalaruan ng liga kaya hindi na namin kailangan magmadali mamaya pag nagsimula na.
Maraming tao sa kainan mabuti na lamang ay may dalawa pang lamesa, pinagdikit na lamang namin para salo-salo kami.
Ako ang pumila sa counter para bumili kasama ko si Selena at Denmark. Nagkakagulo naman ang iba sa mesa kung sino ang itatabi.
“Anong masarap?” tanong ko kay Den habang nagtitingin ako, nasa hulihan ko siya. “Adobo, ginisang gulay, nilaga o—”
“Ako?”
“Huh?” lumingon ako sa hukihan ko just to see the guys I meet yesterday. Naka-jershey uniform siya na kulay blue. Siguro kasali siya sa liga.
Nasaan ang dalawang kasama ko?
Napairap ako ng makita silang dalawa sa dulo ng counter kung nasaan ang refrigerator ng soft drinks.
“Nagtatanong ka, wala ka namang kausap kaya sinagot ko na para ka kasing baliw.” Aniyang nakangisi.
“Hindi ba pwedeng kinakausap ko ang sarili ko?”
“Pwede naman. But you'll sound, you know,” pinaikot niya ang hintuturo sa tapat ng sentido saka lumapit at bumulong sa tainga ko, “crazy.”
Nagpatuloy ako sa pagpili. Pinili ko ang ginisang gulay at nilagang karne saka um-order ng siyam na lagay ng kanin.
Saka hinarap ang lalaki na ni hindi ko man lang alam ang pangalan. “Alam mo kasi, maganda rin minsan na kinakausap ang sarili to console. At para na din matanong mo man lang ba ang sarili mo kung okay lang ba, ayos lang ba o kaya naman to ask if you can still survive the cruel world.”
Kumamot ang binata sa kaliwang kilay saka pinabutog ang pisngi. “Oo na lang. Ang aakit mo sa utak kausap.”
Natatawa ko siyang tinalikuran. Sinisenyasan na kasi ako nila Cynthia na lumapit na. Bago ako tuluyang makalayo ay nilingon ko ang lalaking kausap.
Pumipili na ito ng pagkain habang nakikipag-tawanan sa tindera.
Reverente. Iyon ang nakatatak sa likod ng kaniyang jershey.

Book Comment (119)

  • avatar
    Maravic Petilla

    ganda

    26/05

      0
  • avatar
    Irish Mustera

    ganda ah

    16/05

      0
  • avatar
    Lyn Fuerzas

    maganda ang kuwinto i like it

    28/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters