logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 90.

Thrizel’s POV
Kaninong kamay ang hahawakan ko?
Hindi ko alam kung saan ang aking pipiliin dahil nagtataka ako sa kilos nilang lima. Pinag-usapan ba nila ‘to? Pinagtitripan ba nila ako? Pero bakit seryoso naman ang kanilang mga mukha? Naguluhan din ako dahil imblis na si Ate Anissa ang yayain ni Thrale sumayaw, bakit ako? Anong pinapahiwatig na naman nito?
Napatingin ako kay Blue, pati siya ay gulat sa nakita. Kung gulat siya, hindi nga ito pinag-usapan. Kung pinag-usapan ‘to, sigurado akong kasali si Blue o kaya mang-aasar siya pero hindi, nagtataka rin siya sa nangyayari ngayon. Nananatili akong nakatayo, nakatingin sa kanilang mga kamay. Ilang minuto na silang ganiyan, hindi ba sila nangangalay?
“Hindi ba kayo magbababa ng kamay? Ipaubaya niyo na sa akin ‘to.” Naiinis na sabi ni Ryke sa kaniyang mga kaibigan. Tiningnan lang siya nitong mga ‘to, ayaw nilang magpatalo.
“This time, ako naman ang mananalo.” Seryoso ring sabi ni Elkhurt. Sigurado siyang kamay niya ang kukunin ko.
“Can I try again, Thrizel?” I rejected Gio, iyong nagkausap kaming dalawa. Susubukan niya na naman? Hindi ba ‘to nagpapatalo at ipaglalaban talaga ang feelings niya?
Napatingin ako kay Brooks, akala ko ay may sasabihin siya pero wala. Seryoso ang kaniyang mukha, hinihintay niya lang din kung kaninong kamay ang aking kukunin. Humarap ako kay Ate Anissa, tahimik lang itong nanonood sa amin. Magkapatid kami ni Thrale, alam niya iyon pero nahalata ko talagang nagseselos ang kaniyang mga mata kanina kahit hindi niya ipahalata.
Huminga ako nang malalim, inangat ko ang aking kamay papunta sa kamay ni Brooks. Hahawakan na sana niya iyon nang may humatak sa aking kamay at dire-diretsong dinala sa dance floor. Mas lalong nagulat ang kaniyang mga kaibigan sa nangyari, pati si Ate Anissa ay gulat sa nakita. Anong eksena mo ngayon, Thrale?
“Ano ba?! Si Kein ang gusto kong isayaw!” Pagbabawi ko ng kamay sa kaniya ngunit hindi siya nakinig. Hinawakan nalang ako nito sa baywang at kamay, wala akong ibang nagawa kun’di ang sumabay sa kaniya.
Napatingin ako sa table namin. Lahat sila ay nakatingin, pinagmamasdan ang nangyayari. Nakakunot ang kanilang mga noo, seryoso ang kanilang mga mukha at sinusuri nila itong kasayaw ko. Humarap ako kay Thrale, nakatitig lang siya sa akin. Ayaw niyang alisin iyon, nakakaramdam ako ng ilang.
“Bakit si Kein?” Mahina ang kaniyang pagtatanong pero rinig na rinig ko. Hindi ko maintindihin ang tono ng kaniyang boses. Nagmamakaawa? O nagsusumamo?
“E, ano naman? I want to dance with him.” Matabang kong sabi. Ayokong makipag-usap sa kaniya ng maayos. Wala akong balak makitungo kay Thrale ng maayos. Kapag nakikita ko siya, umiinit ang aking ulo. Kahit gano’n, lumalamang sa akin ang walang pakialam dito. Masarap matutunan na unahin ang sarili kaya ganito ang nangyayari sa akin.
“Thrizel, bakit si Kein?!” May halong inis na sa kaniyang pagtatanong. Hindi ako sumagot kaya mas lalo nitong hinigit ang aking baywang papalapit sa kaniya at muling nagtanong. “Bakit nga?!”
“Ano bang nangyayari sa ‘yo?! Huwag ka ngang umakto ng ganiyan! Isasayaw ko lahat ng gusto kong isayaw! Wala ka ng pakialam doon kung si Kein ang gusto ko! And we’re here, ikaw na ang kasama ko sa dance floor. Ano pang gusto mo?!” Halata sa aking mukha ang inis. Pansin kong lalapitan sana kami ni Brooks nang hawakan siya nila Gio, sinasabing hayaan kami.
“Umuwi ka na.” Paos ang kaniyang boses. May paglalambing. “Come back home, please?” Pumikit ang kaniyang mga mata. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. “Please, Thrizel. Umuwi ka na.”
Diretso akong sumagot. “Wala akong balak umuwi. Masaya ako sa buhay na mayroon ako. Alam mo dahilan ko kung bakit ako umalis. So ano pang rason para bumalik ako? Uuwi lang ako kapag umuwi na ang mga magulang natin. Huwag mo ring alisin ang paningin mo kay Arella, may atraso siya sa akin.”
Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako sa dance floor. Bumalik ako sa table naming sobrang tahimik. Bumalik na rin naman dito si Thrale, nakatingin sa kaniya ang lahat.
“Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!” Inis niyang harap sa kaniyang mga kaibigan pero wala pa ring nag-alis ng tingin sa kaniya. “Ano ba?! Para kayong mga tanga!”
“Anong bago sa atin, bro?” Si Elkhurt ang nagtanong. Tumayo ito at nilapitan si Thrale. Kinapa nito ang noo ni Thrale, sunod ang leeg at ang panghuli ay ang puso. Pinalo ni Thrale ang kaniyang kamay dahilan para matawa sila.
“Masama bang isayaw ang kapatid ko? Isang buwan siyang nawala sa bahay, malamang gusto ko ring makausap siya.” Sabay-sabay napahinga nang maluwag ang lahat. Muli na namang nainis si Thrale. “Ani bang iniisip niyo? Ts—”
“I’m sorry.” Hingi ng tawad ni Arella sa akin.
Hindi ko napansin na siya pala ang aking katabi. Kita ko ang wine na umaagos sa aking gown. Ang kulay asul kong suot ay nakakulay black. Kumuha agad siya ng panyo para punasan iyon pero mas lalong kumalat. Kinuha ko ang wine ni Blue saka sinaboy sa kaniyang mukha.
“Careless.” Mahina kong sabi at tumayo. Akala ko ay susundan ako ni Thrale dahil sa ginawa ko kay Arella pero hindi. Hindi sinadya o sinadya, wala akong pakialam.
Hinanap ko ang comfort room. Nagtanong ako sa isang waiter, agad niya namang tinuro. Sakto namang nakasalubong ko si Aevie, nilapitan niya ako. Sinuri ang aking kabuoan.
“What happened, Thrizel?”
“Natapunan ako ng wine.”
“Really? Magpapalit ka ba? I have dress, sa ‘yo nalang.”
“Thank you, pakihatid nalang sa comfort room. Nalalagkitan na ako sa katawan ko.” Tumango na ako sa kaniya. “By the way, my gift, I sent it to your bank account. Happy birthday, Aevie.” Saka na ako naglakad.
“What?” Pahabol niyang tanong.
“Yes, buy all you want.” Tinaas ko ang aking isang kamay saka winagayway sa kaniya.
Pumasok na akong comfort room. Salamat naman dahil walang tao. Naghugas ako ng aking mga kamay, hindi katagalan agad din namang dumating si Aevie at nag-abot ng dress sa akin. Hihintayin niya raw ako sa labas kaya tumango ako sa kaniya. Pumasok na ako sa isang cubicle, pinunasan ko muna ng wipes ang aking katawan kung saan natapunan saka sinuot ang damit. Pagkalabas ko, muli akong humarap sa salamin. Bagay naman sa akin.
“Careless.” Napatingin ako sa nagsalita. Nakita kong si Faru ito. Inaayos ang kaniyang make up, sirang-sira na yata ang mukha, charaught.
“Hmm?” Pagtatanong ko. Inayos ko muna ang aking sarili. Nilagay ko na rin sa aking bag ang mga ginamit ko.
“Kahit saan ka pumunta, hindi nawawala sa ‘yo ang ganiyan. Lapitin ka ba talaga ng disgrasya? My gosh.” Napairap ito ng kaniyang mga mata. Kahit kailan, maarte.
“Wala naman akong pakialam doon.” Nagpapag ako ng aking mga kamay. Humarap ako sa salamin para tingnan siya, nakita ko namang nakatingin din siya sa akin. “I care more about respect.” Nakangisi akong lumabas. Rinig ko pa ang kaniyang pagdabog, pft.
Muli akong sinalubong ni Aevie, ginaya niya ako sa lamesa kung saan ang table nila Nafe. Really? Wala akong naging reklamo, umupo nalang ako. Kaya ko namang makipagsabayan sa kanila kahit may tensyon sa amin. Kaya kong kapalan ang aking mukha, sila dapat ang mahiya sa amin. Pero ang galing, inbitado pala ang tatlong ‘to? Kung ako ang may debut, hindi ko sila aanyayahan.
Dumating na si Faru, kumpleto na kaming lima. Walang gustong magsalita, pare-parehas nakikiramdam. Tumawag ng waiter si Aevie para magdala ng wine sa amin. Agad ding naglapag sa mesa, akin ang pinakamarami, mismong waiter ang nagbigay sa akin. Hindi ko siya pinansin at ininom na ‘yon.
“So happy birthday, Aevie.” Matabang na bati ni Isla rito. “Kaya naman kitang i-greet then ayaw din naming magkaroon ng gulo rito so trying to be nice.”
“That’s good.” Tango-tangong sabi ni Aevie na seryosong nakatingin sa kanila. “Masaya akong magkakasama tayong lima sa iisang lames—”
“Ako, hindi.” Matigas kong sabi at uminom ng wine. “Para tayong mga plastik na nagkukumpulan.”
Biglang natawa si Nafe, napailing-iling ito. “Wala naman kaming pakialam sa ‘yo. Ang pinunta namin dito ay si Aevie, hindi ikaw.”
Kalmado akong sumagot. “Hindi talaga kayo tumatanggap ng katotohanan. Tama naman ang aking sinabi, alangan magpanggap ako ritong ayos lang sa akin na makisalamuha sa inyo, gawain niyo ‘yon. Stop acting na ayaw niyong magkagulo dahil kapag may nasabi akong isang salitang hindi niyo magugustuhan, what’s the next? You will mess up Aevie’s birthday party. Walang limitasyon ang talas ng dila ko, hindi rin ako natatakot sa inyo. What other cards do you have?” Natawa ako bigla dahil wala silang naging sagot sa aking sinabi. “Excuse me. Ayoko ring magkagulo.” Dala-dala ko ang wine na aking iniinom. Naglakad-lakad ako.
Nakita ko si Blue na papalapit sa akin, ang mga mata ko ay namumungay dala ng alak. Ngumiti ako sa kaniya at saka uminom.
“Hi, Blue.”
Nagulat ako nang daanan lang ako nito. Sinundan ko siya ng tingin, nakumpirma kong ibang tao pala. God, ganito na ba ako kalasing para pagkamalang si Blue ang lalaking ‘yon? Maingay naman ang party ni Aevie pero dinadalaw ako ng antok.
Thrale’s POV
Napansin kong tahimik si Anissa mula pa kanina. Ni hindi siya tumatayo sa kaniyang upuan. Hindi rin nagsasalita at hindi rin kumakain. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kaya nagtanong ako.
“What’s wrong, hon?” Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa noo.
“Wala naman. Sumakit lang ang tiyan ko sa pagkain kanina.” Ngiti nito sa akin.
“Gusto mo ba umuwi na tayo?”
“Tapusin muna natin ‘yong party ni Aevie.”
Tumango ako sa kaniyang sa kaniyang sagot. Hinanap ng mga mata ko si Arella kaya nagsalita muli ako. “Saan si Arella?”
“Maglilibot daw siya.”
Tumayo ako. “Hahanapin ko muna, dito ka lang.”
Tumango siya sa akin kaya nag-umpisa na akong maglakad. Napahinto ako nang biglang mamatay lahat ng ilaw, lahat ay napasigaw. Agad kong kinuha ko ang aking cellphone para sa flashlight. Hindi katagalan, nagbukas naman agad ngunit bigla na naman sumigaw ang iba nang may bigla nalang natumba, napahiga ito sa sa lapag. Tiningnan ko lang iyon dahil hindi ko naman kilala pero nagtaka ako dahil ang unang pumunta ay si Aevie.
Tumingin ako sa aming table, nakita ko naman si Anissa na nandodoon. Sunod kong nakitang lumapit ay sila Blue at Kein. Hindi na ako nagdalawang isip, pinuntahan ko na ang babaeng ‘yon. Nanigas ako nang makita ko si Thrizel. Umupo ako para suriin ang kaniyang katawan. Walang sugat, walang kahit ano.  Anong nangyari dito?
“WHO DID THIS TO HER?!” Buong lakas na sigaw ni Kein sa lahat ng tao. May napansin kaming isang lalaking tumakbo, nakajacket ito at nakamask. Hindi na nagsalita si Kein, agad niya itong hinabol.
“Thrizel! Thrizel! Anong nangyari sa ‘yo? Wake up!” Kahit anong gising ni Aevie sa aking kapatid, hindi pa rin magkaroon ng malay. Dala rin siguro ng pagkakabagsak niya sa sahig.
“Bantayan mo muna.” Utos ko kay Aevie na agad namang tumango.
Pumunta ako sa basag na baso, hahawakan ko na sana ang likido n’on nang may mauna sa akin. Tiningnan ko kung sino, si Dominic. Sinuri niya ang itsura nito at inamoy.
Napaharap siya sa akin, nagsalita. “Sleeping drugs.”
“Hindi mo ako kailangan pangunahan.” Naiinis kong sabi sa kaniya. Tumayo ako at sumigaw. “Sinong nagbigay ng drinks sa kapatid ko?!”
“Huwag kang pangunahan?” Pagsasalita ni Dominic sa aking gilid. “E, alam ko na nga kung sino nagbigay ng drinks sa kaniya.”
“Shut up.”
“Ikaw na nga ‘tong sinasalo, ikaw pa ang galit.” May pinaparating ang kaniyang sinasabi. Hindi ko iyon maintindihan. “Stop pretending.”
Magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Kein. Hingal na hingal ito at walang pasintabing kinuwelyuhan ang isang waiter. “Sinong nag-utos sa ‘yo magbigay ng wine kay Thrizel?”
Nanginginig ang waiter na nagsalita. “Siya!” Nagulat ako nang ituro ako nito. Wala akong naging reaksyon.
“Sinungaling!” Bigla itong sinuntok ni Kein dahilan para bumagsak ang lalaki. “Call the police.”
Agad akong pumigil. “Huwag.”
Lahat ay nagtaka sa akin, nagtatanong ang kanilang mga mata. Hindi ko sila pinansin, humarap ako kay Kein. “Nahuli mo ba ‘yong lalaki?”
“Hindi.” Nakayukom ang kamao nitong naglakad palapit sa akin. “Pero may iniwan siyang note.” Hinarap niya iyon sa mismong mukha ko. Binasa ko ang nakasulat.
‘Sleep well, Thrizel.’
— Mr. X
“Mr. X?” Biglang uminit ang aking ulo dahil kilala ko ang lalaking ‘to. “Anong kailangan niya kay Thrizel?”
“Kilala mo ‘tong lalaking ‘to?” Hindi ko pinansin ang pagtatanong ni Kein. Kinuha ko si Thrizel, binuhat ko ito.
“Hindi.” Simple kong sagot dahilan para bigla niya akong kwelyuhan. Hindi ako natakot, kalmado ang mukha.
“May gagawin ka na naman bang masama sa kapatid mo?!” Ang mga kapit niya ay sobrang higpit. Galit na galit. “Kaya ba ayaw mong tumawag ng police dahik kasabwat ka rito?!”
“Hindi siya kasabwat.” Pagsasalita ni Dominic. Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin sa amin. “Hindi siya kasabwat, kilala niya lang ‘yang taong ‘yan. Hindi si Mr. X ang may kagagawan, isang ordinaryong tao lang.”
“Sino?” Si Kein.
“Naintindihan ko na kung anong pakay niya.” Tumitig siya sa akin. “Baliw siguro ‘tong taong ‘to. Actually nandidito siya ngayon.” Huminga siya nang malalim. “Sa sobrang obsessed niya, gusto niya lahat ibunyag lahat ng tungkol kay Thrizel.” Humarap ito kay Kein. “Kumagat ka sa pain niya, hindi ba, Brooks?” Nagulat ako sa sinabi ni Dominic pati si Kein ay hindi nakapagsalita. “Bakit hindi mo tingnan ang mga kaibigan mo, Brooks? Iwasan mo si Thrale, tanga e. Takang-taka na sila. Mas nag-aalala ka pa kay Thrizel samantalang si Thrale na kuya ay kalmado. Akala ko ba... hindi kayo malapit sa isa’t isa ni Thrizel? Bakit kung mag-alala ka? Sumobra sa linya.” Natawa si Dominic dahil walang naging reaksyon ni Kein. “Parang katulad lang nito ‘yong sa birthday ni Amira. Someone gave Thrizel sex drugs para umami—”
“Shut up!” Agad kong sigaw para maputol ang kaniyang sasabihin. Alam kong sa oras na ‘to, nakikinig si Anissa.
“Parang katulad sa kaarawan ni Amira, may naglagay ng sex drugs sa inumin ni Thrizel para masabi ang dapat masabi. Inulit lang ang pangyayari ngayon, si Brooks ang kasama ni Thrizel sa isang buwan, siya ang tumulong. Lahat ng sikreto ni Thrizel, nilalabas niya. Para siyang hindi ordinaryo dahil lahat ng sikreto ay kaya niyang palabasin. Hindi siya makilala ngayon kahit ilang beses pa siyang dumaan sa harap mo. Umaasa siyang may ibang sikretong lalabas kay Thrizel, lahat ginagawa niya hanggang makuha ang gusto niyang malaman. Hindi ba, Phryx Recas?” Napatingin kaming lahat kay Phryx na nakaformal suit. Nilinawan ko pa ang aking paningin para makumpirmang siya nga iyon dahil new look siya ngayon. Ang walang ayos na Phryx dati ay maaliwalas tingnan ngayon.
“Nagkakamali ka, iniisip mong si Thrizel ang girlfriend mo. Alam mong may amnesia siya, kamukhang-kamukha niya si Redelyn Gauniria. Iniisip mong kaya nagka-amnesia si Thrizel dahil nagkasunog sa building ng school, hindi ba? Kahit alam mong wala kang ebidensya, umaasa ka pa ring siya. Baliw ka ba? Nababaliw ka dahil sa girlfriend mo. Your girlfriend has been dead for a long time because due to the school fire. Why don’t you accept? They just look alike and have the same personality but they are not one.”
“Baka may insomia lang si Thrizel kaya binigyan siya ng sleeping drugs.” Napatingin lahat kay Blue. Sinamaan siya ng tingin ni Dominic, nagpeace signed naman ito.
“Shut up, swimming pool boy.” Inis na sabi ni Dominic dito.
“That’s true, nice.” Tango-tangong sabi ni Phryx.
“Nice? Kahit sino mahahalata ang pakay mo. Tanga-tanga lang ‘tong isa kaya hindi alam ang nangyayari sa paligid niya.” Tiningnan ako ng seryoso ni Dominic. “Hindi ba? Bakit hindi ka pa umalis at itanong si Mr. X kung bakit niya kilala si Phryx?”
“Hindi ko siya kilala.” Diretsong sabi ni Phryx.
“Kilala mo siya.” Paggigitgit ni Dominic dito. Hindi na umangal si Phryx, dire-diretso na itong naglakad palabas.
“I need to go.” Mahina kong sabi. Buhat-buhat ko ang aking kapatid. Maglalakad na sana ako nang marinig kong nagsalita si Kein.
“Saan mo dadalhin iyan? Sa akin siya uuwi.”
Humarap ako sa kaniya. “Tumulong ka lang, ako ang kuya. Ako ang may karapatan dito. Wala kang pakialam kung saan ko siya dadalhin. Kung tinulungan mo, salamat.” Tumalikod na ako pero muli na namang napahinto dahil nagsalita na naman siya.
“Ayaw niya sa ‘yo, Thrale.”
Napangisi ako sa kaniya. “Itong babaeng tulog ay kaya bang pumiglas ngayon? Hindi.” Matigas kong sabi at tuluyan na siyang iniwan.
Itutuloy...

Book Comment (37)

  • avatar
    Thresia_writes

    i really love the story tells,ang ganda nya grabe May halong kilig,tawa, lungkot,iyak,the way threzil and thrale love each other mapapa sana all Kana lang talaga,5 stars for you author mwuahhh

    15d

      0
  • avatar
    BermasKathlyn

    :< ...

    02/06

      1
  • avatar
    NERZARECHELLE

    ❤️❤️❤️

    30/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters