logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Meeting Her

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko magawang makapagsalita.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha niya. Maamo pala ang kaniyang mukha. Parang sa isang anghel. Napansin ko rin na wala na siyang bangs. Yung mahaba niyang buhok ay hanggang balikat na lang niya. Kahit side view lang niya ang nakita ko noon ay masasabi ko pa ring walang pinagbago ang kaniyang mukha bukod sa buhok niya.
"Excuse me? Bakit mo 'ko tinititigan ng ganiyan?"
Noon lang ako parang bumalik sa sarili ko nang magsalita siya. Inayos ko ang sarili ko dahil sa pagkapahiya.
"I-I'm sorry."
"Kung tignan mo 'ko kanina...para kang nakakita ng multo. Do I know you?" Tanong niya muli sa'kin. "Pasensya ka na. My brain doesn't function well. May mga bagay akong nakakalimutan. Magpakilala ka sa'kin kung kilala kita."
"H-Ha?"
Teka, ano bang sinasabi niya? What does she mean that her brain doesn't function well?
Kumunot ang noo niya. "Sabihin mo nga, kilala ba talaga kita?" Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa tanong niyang 'yon. "Hindi kita kilala, 'no?"
"A-Ah—"
"Kung gano'n, sino ka? Ba't mo 'ko tinitignan ng gano'n kanina na parang nakakita ka ng multo? Stalker ba kita at hindi mo inaasahang mahuli kita kaya gano'n na lang ang gulat mo kanina?"
Nakita ko ang takot at galit sa mga mata niya. Iniisip niya ba talagang stalker niya 'ko? Ako? Itong mukhang 'to mukhang stalker? Hah! Ang swerte niya kung gano'n.
"Teka, miss! Nagkakamali ka ng iniisip, okay? Hindi ako stalker." Pagpapakalma ko sa kaniya.
Nawala ang takot sa mukha niya pero nando'n pa rin ang pagdududa. "Eh sino ka? Bakit gulat na gulat ka kanina nang makita mo 'ko?"
"Kasi..."
"Kasi? Ano?"
Napabuga ako ng hangin saka binuklat ang sketch pad ko at ipinakita sa kaniya yung sketch ko ng mukha niya 3 years ago. Kinuha niya 'yon sa'kin at pinakatitigan. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.
Muli niya 'kong tinignan. "P-Paanong..." Muli niyang tinignan yung sketch pad na may mukha niya na hindi makapaniwala. "A-Ako 'to?"
Nang tignan niya 'ko ay saka lang ako tumango. "Yes, that's you. That's you 3 years ago."
Napanganga siya sa isinagot ko. Bahagya siyang lumayo sa'kin kaya napabuntong hininga naman ako.
Assuming naman pala 'tong babaeng 'to eh.
"Stalker!" Malakas na sigaw niya saka ipinakita sa'kin yung mukha niya na ginuhit ko. "Itatanggi mo pang stalker kita, eh ano 'to? Gaano katagal mo na 'kong sinusundan ha? Psychopath ka ba!?"
Takot na takot ang mukha niya pero ako naman ay nagsisimula nang mainis. Masyado siyang assuming ha?
Psychopath!?
"Miss, I know it's not right to drew you like that without your permission. And I'm sorry about that." Sambit ko saka huminga ng malalim bago magsimulang magpaliwanag. "3 years ago...nagpunta ako rito para makahanap ng inspirasyon. Isang buwan na kasi akong hindi makapag-drawing ng maayos eh. Pero nang magpunta ako rito no'ng araw na 'yon...hindi rin nagana yung kamay ko. Walang gana yung kamay kong gumuhit ng kahit ano...o sino." Tinignan ko yung ginuhit kong mukha niya sa sketch pad. "But then...I saw you." Nang tignan ko ulit siya ay nawala na ang lahat ng pag-aalala at takot sa mukha niya. "Nakaupo ako sa kabilang upuan. While you were sitting here. The next thing I new...ginuguhit ka na ng kamay ko."
Ilang minutong binalot kami ng katahimikan. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa'kin o hindi.
Muli niyang tinignan yung sketch ko ng mukha niya. "Eh bakit hindi 'to tapos?"
"Nawala ka agad eh." Napatingin siyang muli sa'kin sa sagot ko. "Ayon na yung una at huli kitang nakita. Until...I met you again today."
"Why?" Tinignan ko siya ng may nagtatanong na mga mata. "Bakit ako? Bakit ako yung ginuhit mo?"
Napaisip ako bigla sa itinanong niyang 'yon sa'kin. Bakit nga ba? Bakit nga ba siya ang iginuhit ko no'ng mga panahong 'yon?
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam eh. Noong araw na 'yon...I lost my inspiration. But when I saw you that day...my left hand can't stop from what it's doing. Para bang ikaw lang yung iniintay niyang makita no'ng araw na 'yon para makaguhit ulit."
Natahimik siya sa sinabi ko. Ibinalik na rin niya sa'kin yung sketch pad ko.
"K-Kung ayaw mo pwede ko namang—"
"Hindi, 'wag!" Pagputol niya sa'kin. "Ahh...s-sabi mo, 'di ba? Inspirasyon mo 'yan sa pagguhit. Baka kapag tinapon mo 'yan...hindi ka na naman ulit makapag-drawing ng maayos."
Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya.
"Ahh...wala naman akong balak na itapon 'to."
Gulat siyang napatingin sa'kin. "H-Ha?"
Bahagya akong napatawa. "A-Ang ibig ko kasing sabihin kanina...kung ayaw mo...pwede ko namang 'wag na lang 'tong tapusin."
"Tatapusin? Tatapusin mo 'yan?"
Naiilang akong tumango. "Ahh...o-oo? Kapag gumuhit kasi ako ng isang bagay o tao, gusto ko tinatapos ko. Hindi ako mapakali kapag hindi ko 'yon natatapos." Umiwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa hiya. Napahawak din ako sa batok ko. "A-Ang totoo nga niyan...hinanap kita."
"H-Hinanap mo 'ko? B-Bakit?"
"Dahil gusto ko sana 'tong tapusin. Araw-araw akong bumabalik dito simula no'ng araw na 'yon...nagbabakasakaling makikita ulit kita." Ngumiti ako habang nanatili pa ring iwas ang tingin ko sa kaniya. "I didn't lose hope. Kahit pa naiisip ko na baka hindi ka taga rito...o baka...baka imagination lang talaga kita kagaya ng palaging sinasabi ng kapatid ko." Bahagya akong natawa dahil do'n.
Muli ko siyang tinignan dahil hindi ulit siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa baba na parang may malalim na iniisip.
"I-Iniisip mo pa rin bang stalker ako dahil sa sinabi ko?" Tanong ko sa kaniya.
Tumingin siyang muli sa'kin saka umiling. "No! No. A-Ahm, ano lang...medyo nagulat lang ako. Pero alam ko na ngayon na hindi ka stalker."
Nginitian niya 'ko. Ngiting ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Ngiting nakapagpangiti rin sa'kin.
Hindi ko nga namalayang nakatitig na pala kami sa mga mata ng isa't-isa habang nakangiti. Natigil lang 'yon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niyang kinuha 'yon sa bulsa ng jacket niya.
Tinignan niya yung cellphone niya habang patuloy ito sa pagtunog. Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatitig siya ro'n. Hindi niya 'yon sinasagot at nanatiling nakatitig lang. Nang tumigil na yung phone niya sa pagtunog ay saka niya lang ako tinignan at ngumiti. Pero hindi 'yon umabot sa mga mata niya. There's something in her eyes that's telling me she's in deep sadness.
"Ahh...h-hinahanap na pala 'ko sa'min. I need to go home." Tumayo na siya. "It was nice meeting you."
Magsasalita pa sana ako nang mabilis na siyang nagtatakbo paalis. Naiwan akong nakatitig lang sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Naalala ko naman yung panyo niya at kaagad ko yung kinapa. Nang tignan ko yung kalsadang dinaanan niya kanina ay napabuga na lamang ulit ako ng hangin. Pero maya-maya lang ay unti-unti ring gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Umuwi ako ng araw na 'yon na masaya at may ngiti sa labi ko. Nagkulong ako sa kwarto ko at naisipang magpinta. Inilabas ko mula sa pinagtataguan ko ang mga gamit kong pangpinta.
Nakangiti kong inimagine ang mga nangyari noong unang beses ko siyang makita. Yung reaksyon ko noon habang iginuguhit ko siya.
Sa sobrang abala ko sa ginagawa ko ay hindi ko namalayang gabi na pala. Nagpunta na ako ng kusina nang tawagin na ako ni Gin para kumain.
"Mukhang masaya ka yata?" Napaangat ang tingin ko kay Mama nang magsalita siya. May pagtataka sa mukha niya. "Saka mukhang abala ka sa kwarto mo kanina pa. Nagpipinta ka na ulit?"
Nagulat naman ako sa tanong ni Mama. "Paano niyo po nalaman?"
Itinuro ni Mama ang kaliwa kong kamay na may bahid pa ng pinta. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko saka nagpunta ng lababo para maghugas ng kamay.
"Kuya, akala ko ba itinigil mo na ang pagpipinta mo simula no'ng umalis si Papa?"
Napatigil ako sa ginagawa kong paghuhugas ng kamay sa sinabing 'yon ni Gin. Narinig ko naman ang ginawang pagsaway ni Mama kay Gin.
Itinuloy ko na lang ulit ang paghuhugas ko saka nagpunas ng kamay. Bumalik ako sa upuan ko na parang wala akong narinig.
Nginitian ko ang katabi kong si Gin. "I found her."
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Ako naman ay nanatiling nakangiti saka muling ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Hindi nga? Nahanap mo siya, Kuya?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Gin.
"Mh-hm." Tugon ko habang patuloy ang pagsubo ko ng pagkain ko.
"Nakita mo ulit siya sa Southvill Park?" Tanong naman ni Mama.
Nilingon ko si Mama saglit saka tumango. Muli ko ulit ipinagpatuloy ang pagkain ko. Natigil lang 'yon nang tampalin ni Mama ang kamay kong kumukuha ng ulam.
"Kain ka nang kain! Magkwento ka muna!" Sigaw sa'kin ni Mama.
Napakamot naman ako sa ulo ko sa inis. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ko siya sagutin.
"Ma, kumakain ako! Sabi niyo bawal magsalita habang puno ang bibig?"
Pinagtaasan niya 'ko ng isang kilay. "Hindi na puno ang bibig mo, hindi ba?"
Napabuntong hininga ako. "Nakasakay ko lang siya sa bus tapos nagkita kami ulit do'n sa park kung saan ko siya unang nakita. Ipinakita ko sa kaniya yung sketch ko tapos ayon na 'yon."
"AYON NA 'YON!?" Sabay nilang tanong sa'kin.
"Ano bang inaasahan niyong mangyayari?" Inis na tanong ko sa kanila. "Gusto ko lang naman siyang makita para matapos ko yung sketch ko sa kaniya eh." Bigla akong nakaramdam ng lungkot. "Kaya lang mukhang ayaw niya."
"Sinabi niyang ayaw niya?" Tanong muli sa'kin ni Gin.
"Hindi." Sagot ko. "Hindi niya direktang sinabing ayaw niya. Pero base sa reaksyon niya, gano'n na rin 'yon!"
"Sayang naman." Malungkot na komento ni Mama.
Napatingin kami pareho ni Mama kay Gin nang malakas niyang hinampas yung lamesa at seryoso akong tinignan.
"Ang hina mo naman, Kuya! Nahanap mo na siya tapos gano'n lang ang ginawa mo? Lalaki ka ba talaga?" May inis sa boses niya nang sabihin niya 'yon.
Ano namang ikinaiinis nitong lalaking 'to?
"Ano bang problema mo?"
Humarap siya sa'kin saka ako tinignan ng seryoso sa mga mata ko.
"Kuya, kapag gano'n, wala ka na dapat papalagpasing pagkakataon." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko 'yon nagets. "Dapat sunggab agad! Halik agad, gano'n!" Nabatukan ko siya ng malakas dahil sa sinabi niya. "Aray!"
"G*go! Masabihan pa 'kong rapist, makulong pa 'ko!"
"Nag-aadvice lang naman eh." Sagot pa niya sa'kin.
"Ginver, kumain ka na nga lang! Puro ka kalokohan!" Saway sa kaniya ni Mama.
Wala siyang nagawa kundi ang humarap na ulit sa lamesa at muling ipinagpatuloy ang pagkain niya.
"H'wag mo 'kong igaya sa'yo na chick boy." Pahabol ko pang sabi sa kaniya.
Sinimangutan naman niya 'ko. "Kasalanan ko bang pinanganak akong gwapo? Si Mama ang sisihin mo, 'wag ako!"
Kaagad siyang umiwas sa'kin nang lokohin ko siyang hahampasin ko siya. Syempre hindi ko naman 'yon itutuloy.
"Tama na nga 'yan!" Saway sa'ming dalawa ni Mama. "Kumain na kayong dalawa. Ikaw, Gin, 'wag mo nang guluhin ang Kuya mo. Kumain ka na diyan. Puro ka talaga kabulastugan!"
Tatawa-tawa ko namang tinignan si Gin na ngayon ay pasimple akong tinitignan ng masama.
Matapos naming kumain ay pinaakyat na 'ko ni Mama ng kwarto ko para raw ituloy ko na ang ginagawa ko. Alam ni Mama na kapag nagsimula akong mainspire ulit ay sunud-sunod akong nakakaisip ng ideas para ipinta.
Plano ko kasing gawan ng kwento ang mga paintings ko. Kumbaga, isa siyang cycle. I want to create a story through paintings. Para kapag natupad ko na yung pangarap kong art exhibit ay magandang tignan. Sunud-sunod na nakadikit sa pader ang bawat pangyayaring ipininta ko. At 'yon ay ang kwento kung paano ko nakilala yung babaeng 'yon.
Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipinta nang may maalala ako.
"I forgot to ask her name!"
Napabuga ako ng hangin. Binitawan ko rin yung paint brush ko at kinapa ang panyong nasa bulsa ko. Tinignan ko ang pangalang nakaburda ro'n.
Belinda.
"Belinda? Ito ba ang pangalan mo?"
Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ko. Pero nawala rin 'yon agad nang maalala ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingin do'n sa cellphone niya kanina.
Naigilid ko ang paningin ko nang pumasok sa isip ko yung sketch ko ng mukha niya. Kinuha ko yung sketch pad ko na nakapatong sa study table ko. Hinanap ko ro'n ang sketch ko sa kaniya at nang makita ay tinitigan ko ang mga mata niya ro'n. Doon ko lang napansin na may lungkot sa mga mata niya no'ng araw na 'yon.
The same sadness that I saw in her eyes awhile ago.
Isa lang ang tumatak sa isip ko. Gusto ko ulit siyang makita. Gusto kong malaman ang kwento niya.

Book Comment (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters