logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1: Finding That Someone

Geo's POV
4 years earlier. Year 2016.
Nakaupo ako sa isang mahabang bench sa ilalim ng isang matandang puno habang hawak ang sketch pad ko at isang lapis. Tanaw mula rito ang buong paligid at ang mga taong dumadaan. Payapa ang paligid at tanging hangin, mga ibon, at mga taong nag-uusap lang ang maririnig.
Napabuntong hininga ako dahil kahit na gano'n ay wala akong maisip na iguhit. Dito ako nagpupunta para magdrawing para tahimik pero parang lalo akong hindi makakuha ng inspirasyon. Para bang may hinahanap ang mga kamay ko na hindi ko malaman kung ano.
Itinaas ko ang kaliwa kong kamay na siyang may hawak no'ng lapis saka 'yon tinitigan.
"Ano bang problema mo? Bakit hindi ka makapag-drawing ng kahit ano? Naubusan ka na ba ng talent ha?" Pagkausap ko sa sarili kong kamay.
Siguro nababaliw na 'ko dahil kinakausap ko na ang kamay ko. Pero desperado na kasi akong makaguhit ulit. Isang buwan na rin yata akong hindi nakakapag-drawing ng maayos. Hindi ko nga alam kung ano'ng nangyayari sa'kin eh. Naubusan na ba 'ko ng talent sa pagguhit?
Napatingin ako sa mga taong naglalakad sa harapan ko at lahat sila ay tinitignan ako ng may pagtataka. Yung iba ay bumubulong pa sa mga kasama nila. Malamang naweirduhan sila dahil sa pagkausap ko sa kamay ko.
Nginitian ko na lamang sila saka ko binaba ang kamay ko at yumuko sa sketch pad. Nagpanggap akong nagdadrawing do'n at nang makaalis na sila ay saka ko lang itinigil ang ginagawa ko.
Muli akong napabuga ng hangin. "Ano bang dapat kong gawin para magbalik-loob sa pagguhit?"
Napatingin ako sa babaeng naupo sa kabilang bench 'di kalayuan mula sa'kin. Mahaba ang buhok niya at may bangs din siya. Nakayuko siya noong una pero maya-maya lang ay tumunghay siya at tumingin sa kawalan.
Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang katawan ko. Bahagya kong ipinaling ang katawan ko sa direksyon niya. Itinaas ko rin ng bahagya ang sketch pad ko at nagsimulang iguhit yung babaeng nakaupo.
Side view lang niya ang naiguguhit ko mula sa anggulo ko pero napapangiti ako. Para bang siya na yung matagal nang hinahanap ng kamay ko para iguhit.
Iginuhit ko ng maayos ang buhok niya. Nang tumunghay ulit ako ay nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi ko na siya makita. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero hindi ko na siya makita pa. Bigla na lang siyang nawala nang hindi ko pa natatapos ang dinodrawing ko.
Nang tignan ko ang sketch pad ko ay muli akong napabuntong hininga. Ulo lang niya hanggang balikat ang naiguhit ko.
"Sayang, hindi ko natapos." Bulong ko. "Sana makita ko ulit siya."
Muli kong tinignan yung bench kung saan siya nakaupo kanina at napangiti na lamang.
•••••••
3 years after. Year 2019.
"Hello?"
["GEO, NASA'N KA BA!?"]
Nailayo ko sa tenga ko yung cellphone ko sa lakas ng sigaw na 'yon sa'kin ni Mama.
"Ang lakas talaga lagi ng boses niya." Tatawa-tawa kong bulong saka muling itinapat yung phone sa tenga ko. "High blood ka na naman. Hindi ba sabi ko sa inyo, 'wag kayong masyadong magagalit at sisigaw? Tumataas ang BP niyo, nakakatanda 'yan."
["Nakukuha mo pa talaga 'kong bolahin!? Umuwi ka na, ngayon na!"]
"Love you, Ma!" Sigaw ko pa sa kaniya bago niya ibinaba yung tawag. "Mahal na mahal talaga niya 'ko." Nakangiti kong sabi habang nakatingin sa cellphone ko.
"Mukhang galit na ang nanay mo, iho."
Napatingin ako sa rear view mirror ng taxi na sinasakyan ko nang magsalita yung driver. Nakatingin siya sa'kin doon sa salamin habang nakangiti. Sa tingin ko mga nasa 50's na siya.
Nginitian ko naman siya pabalik. "Sanay na po ako sa kaniya, Manong. Gano'n naman po yata lahat ng mga nanay eh."
Tumawa siya. "Sinabi mo pa. Yung asawa ko ganiyan na ganiyan eh."
Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Naiisip ko kapag nagsama-sama siguro ang mga nanay sa buong mundo baka magkaroon na ng giyera.
"Bibilisan ko na ang pagpapatakbo kasi mukhang galit na galit na talaga siya." Pahabol pa niyang sabi.
Tumawa lang ako at hindi na umimik. Dumungaw na lang ako sa bintana at tinignan ang labas.
Kakagraduate ko lang kahapon ng college sa kursong Bachelor of Fine Arts. Matapos ang ilang taong paghihirap ko ay natapos na rin ako. Kaya nga pinagmamadali ako ni Mama na makauwi ay dahil ngayon ang celebration daw ng graduation ko. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang magcelebrate. Para sa mga bata lang naman 'yon. Pero dahil mapilit si Mama at ayoko siyang magtampo ay pinagbigyan ko na rin siya sa gusto niya.
Tumakas lang talaga ako sa'min kaninang umaga para bumalik sa lugar na 'yon. 3 years ago ay nagpunta na 'ko ro'n para humanap ng inspirasyon, and I found it.
I found her.
Simula no'ng araw na 'yon, hindi na siya maalis sa isip ko. Gusto ko ulit siyang makita. Gusto ko siyang makilala at malaman ang pangalan niya. Pero nabigo na naman akong makita siya.
Simula noong araw na 'yon, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na siya bumalik pa ro'n. Hindi ko nga alam kung taga rito nga ba siya o dayo lang siya eh. Pero umaasa pa rin ako na makikita ko siya kaya patuloy pa rin akong bumabalik do'n kahit napakaliit ng posibilidad na makita ko ulit siya.
Nang makarating ako sa'min ay katakot-takot na sermon ang nakuha ko kay Mama. Pero siyempre, katulad ng palaging nangyayari, sinasalo ako ng kapatid kong si Gin. Thanks to him.
Kakaunti lang ang bisita namin dahil hindi naman masyadong marami ang inimbita ni Mama. Ayaw niya rin daw kasing mag-imbita ng marami at masyadong malaki ang gagastusin niya kung gano'n. Dapat kasi hindi na lang talaga siya naghanda.
Matapos kong makipagkwentuhan at makipagkamustahan sa mga bisita namin ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nilock ko 'yon para siguradong walang ibang makakapasok. Nagpalit ako ng damit ko saka pabagsak na nahiga sa kama. Bumaling ang tingin ko sa sketch pad na nakapatong sa study table ko.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka kinuha 'yon at muling naupo sa kama ko. Hinanap ko ang drawing ko ng babaeng 'yon. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap at gustong makita.
Bahagya kong hinaplos ang parteng pisngi niya. "Tignan mo nga naman. Hindi ko napansing maganda ka pala." Nakangiti kong sambit. "Kailan kaya kita matatapos? Magpakita ka na kasi sa'kin para matapos ko na 'to."
"Kuya, hinahanap ka ni Mama!?"
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko dahil sa pagsigaw ni Gin mula sa labas.
"Ikaw na ang bahala. Sabihin mo tulog ako!"
"Pero Kuya—
"Salamat, Ginver!"
Narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hangin kaya naman napangiti ako. Salamat na lang talaga ako at may kapatid akong kagaya ni Gin. Kung wala siya, hindi ko alam ang gagawin ko.
Muli kong tinignan yung sketch ng babaeng 'yon at napangiti.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil na rin sa malakas na sigaw ni Mama kay Gin. Ang alam ko ay pasukan nila ngayon. June kasi ang graduation ng mga college rito sa'min. Ang bakasyon namin ay hindi sabay sa summer vacation nila. Kaya bakasyon ng college ay pasukan naman nila.
Grade 12 na ang kapatid kong si Gin ngayong school year na 'to. Malapit na rin siyang magcollege kaya pinag-iipunan na ni Mama ang tuition niya. Gusto kasing magdoktor ng tukmol kaya medyo malaki-laki ang gastusin. Syempre tutulungan ko naman si Mama sa gastusing 'yon. Kailangan ko lang ng pahinga sa ngayon.
Pumunta ako sa kusina dahil hindi na rin naman ako makakatulog pa ulit. Naabutan ko na si Mama na naghahanda ng pagkain sa lamesa.
"Wow! Ang sarap naman ng mga 'to!" Naupo ako sa upuan.
Si Mama naman ay gulat na napatingin sa'kin. "O bakit ang aga mo naman nagising? Binangungot ka?"
Napataas ang dalawa kong kilay sa tanong ni Mama. "Binangungot talaga, Ma?"
"Hindi ba?" Umiling ako. "Eh bakit ang aga mo nagising?"
"Eh baka po akala ni Kuya may pasok pa siya."
Napalingon ako sa nagsalitang si Gin na kakagaling lang sa kwarto niya bitbit ang bag niya. Naupo siya sa tabihan ko habang binobutones ang uniform na suot niya.
"Alam kong graduate na 'ko, 'no?" Sagot ko naman sa kaniya. "Ikaw kasi nagpapagising ka pa lagi kay Mama, eh alam mo namang ang lakas-lakas ng boses niya. Pwede namang gumising ka na lang mag-isa! Pati tuloy ako nadadamay sa maagang paggising eh! Tsk!"
Pareho kaming napaigtad ni Gin sa gulat nang pabagsak na inilapag ni Mama ang mangkok na may lamang kanin sa lamesa. Masama ang tingin niya sa'ming dalawa kaya sabay kaming napalunok.
"Ano kamo? Nalalakasan kayo sa boses ko?" Mahinahon pero alam naming galit na siya.
"Ma! Gusto niyong kape? Ipagtitimpla ko po kayo."
Kaagad na tumayo si Gin at nilapitan si Mama. Pinaupo niya ito saka ako pasimpleng tinignan ng masama dahil sa sinabi ko.
Hay! Mukhang lumalaki na ang utang ko sa kapatid ko ah.
Nginitian ko na lamang siya pati na rin si Mama saka sumandok ng kanin at ulam. Pinagsandok ko na rin si Mama pambawi. Hehe!
"Isang buwan? Isang buwan kang magpapahinga?" Tanong ni Mama sa kalagitnaan ng pagkain namin at pagkwekwentuhan.
Tinanong kasi ni Mama kung ano na raw ang plano ko ngayong nakagraduate na 'ko. Sinabi ko sa kaniyang gusto ko munang magpahinga at magliwaliw bago humarap sa responsibilities ko.
"Kung ayaw niyo po pwede namang—"
"Sige lang." Pagputol niya sa'kin. "Kung ano ang gusto mo, sige lang."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Salamat, Ma."
Tumango lang siya at ngumiti saka nagpatuloy sa pagkain niya.
"Sa loob ng isang buwan..." Napatingin ako sa katabi kong si Gin nang magsalita siya. "...hahanapin mo ba yung babaeng 'yon na nasa sketch pad mo? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ulit siya nakikita?" Umiling lang ako. "Hay! Hindi kaya multo lang siya? O kaya naman imagination mo lang! Hindi ka pa kasi nagkaka-girlfriend kaya kung anu-anong—"
Dinampot ko yung hotdog sa plato niya saka sinubo sa bibig niya para matigil siya sa pagsasalita.
"Kainin mo 'yan! Saka bilisan mong kumain diyan! Late ka na sa klase mo! Tukmol!"
Matapos ang almusal na 'yon ay naligo na 'ko at nagpaalam muna kay Mama na maglilibot-libot lang. Bitbit ko ang sketch pad ko at ang isang lapis.
Sumakay ako ng bus dahil dito sa Southvill ay walang jeep. Mga bus, taxi, at tricycle ang pampasaherong sasakyan namin dito. Ewan ko ba? Siguro kung wala kaming tricycle, iisipin kong nasa ibang bansa kami dahil wala kaming jeep. Hindi yata nausuhan.
Naupo ako sa likurang upuan nitong bus. Paborito ko ritong umupo dahil hilig kong i-drawing ang mga taong sumasakay rito sa bus. Binuksan ko ang sketch pad ko saka nagsimulang magdrawing. Pinagmamasdan ko ang lahat ng mga taong nakasakay rito sa bus saka titingin sa sketch pad ko at iguguhit lahat ng mga nakita ko.
Dahil abala sa ginagawa ko ay hindi ko napansing nandito na pala ako sa pupuntahan ko kung hindi pa tumigil itong bus sa may tapat ng bus stop.
Inayos ko na ang sketch pad ko at tatayo na sana nang maunahan akong tumayo ng babaeng katabi ko sa upuan. Nadanggil niya 'ko kaya nalaglag yung sketch pad ko sa sahig.
"Sorry." Aniya.
Ibinigay niya sa'kin yung sketch pad na nalaglag ko. Nang tumunghay ako ay nakatalikod na agad siya sa'kin at paalis na. Nakahood siya na kulay pink. Pinagmasdan ko na lamang siya hanggang makababa siya ng bus.
Tatayo na sana ako nang mapansin ko ang panyong kulay pink sa sahig. Kinuha ko 'yon at napansin kong may nakaburdang pangalan do'n.
"Belinda." Pagbasa ko ng mahina ro'n sa pangalan.
Sa babaeng 'yon siguro 'to.
Mabilis akong napatingin sa unahan nang maramdaman kong umaandar na yung bus.
"Kuya, sandali! Bababa pa po ako!" Sigaw ko saka mabilis na tumayo at bumaba ng bus.
Pagkababa ko ng bus ay hindi ko na naabutan pa yung babae na malamang na may-ari nitong panyo. Napabuga na lang ako ng hangin saka inilagay sa bulsa ko yung panyo. Nagtuloy na lang ako sa pagpunta sa lugar na 'yon. Ang lugar na palagi kong binabalikan.
Uupo sana ako sa dati kong inuupuan palagi pero may ibang nakaupo ro'n. Mukhang magjowa silang dalawa kasi grabe sila kung maglampungan. Naupo na lamang ako sa upuang inupuan noon ng babaeng 'yon 3 years ago. Nagpasya na lang akong iguhit yung dalawang 'yon habang magkahalikan silang dalawa.
Natigil lang ang pagguhit ko sa kanilang dalawa nang maramdaman kong may umupo sa may tabihan ko. Marahan kong nilingon kung sino 'yon. Nakita kong yung babaeng nakapink na hood 'yon. Kakausapin ko na sana siya nang tinanggal niya ang hood na nakasuot sa ulo niya.
Para bang bumagal ang pagkilos ng lahat hanggang sa tuluyan na niya yung matanggal. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino siya.
Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya nilingon na niya 'ko. Doon ko lang nakita ng tuluyan ang buo niyang mukha.
I found you.

Book Comment (128)

  • avatar
    ObiasRosemarie

    thats kinda great

    2d

      0
  • avatar
    Arc Hie

    need money

    28/07

      0
  • avatar
    Mi Les

    ilove it

    25/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters