logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Three

Thanks God it's Saturday!
Hindi ko makikita ang mga unggoy na 'yun. Kasalukuyan na akong naghahanda para pumasok sa trabaho. Napagdesisyunan kong mag-whole day sa shop ngayon pambawi lang sa hindi ko natapos last wednesday dahil sa epal na 'yun. Ayaw nga sana ni Madam Lily dahil baka raw hindi ko kayanin. Pero siyempre desidido na ako.
"Ma, alis na po ako." Nagmano na ako sa kaniya bago tuluyang lumabas at sumakay bike ko.
Oo bisikleta ang gamit ko sa pagpasok at siyempre pagpunta sa trabaho. Kagaya nga ng sabi ko, isa lamang akong hampaslupa.
Habang nagpe-pedal ay may siraulong sunod-sunod na bumusina sa likod ko.
Bwisit na 'yan! Ang sakit sa tenga. May lumitaw na sasakyan sa gilid ko. Dahan-dahang binuksan ng kung sino man na nasa loob ng sasakyan ang bintana ng Driver's seat. At literal na tumaas ang kilay ko nang malaman kung sino ang siraulong may-ari ng sasakyan.
Bwisit! Napakaganda ng araw ko, pero mukhang unti-unti na itong nasisira. Binilisan ko na lang pag-pedal, pero ang walang'ya ay nakasunod pa rin.
Tuloy lang ko sa pag-pedal pero habang tumatagal, parang humihirap. Unti-unti kasing tumitigas ang pedal niya. At unti-unti na rin akong naa-out of balance.
Hanggang sa...
"Shit!" Sumemplang ang bisikleta ko. Mabuti na lang at sa damuhan ako nasemplang. Pero ang sakit pa rin ng bagsak ko.
Tiningnan ko ang magkabilang braso ko na ginamit kong panangga para hindi matama sa bato ang likod ko.
"Ikaw! Malas ka talaga sa buhay ko! Ano?! Happy ka na?!" singhal ko sa lalaking kakababa lang ng sasakyan.
Pinilit kong tumayo pero ang hirap talaga dahil medyo malakas ang bagsak ng pwet ko.
"Tsk." Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumapit sa akin upang buhatin ako.
Napatingin ako sa mukha niyang seryoso lang habang buhat ako. Honestly speaking, gwapo naman talaga ang unggoy na 'to, halang lang talaga ang kaluluwa.
"Hoy! Saan mo 'ko dadalhin?!" Pero hindi niya ako pinansin, bagkus ay pinasok niya ako sa sasakyan niya.
"Ano ba! Ibaba mo na lang ako. Kaya ko naman sarili ko. Magkakautang na loob pa ako sa'yo." Again, hindi niya ako pinansin. Bagkus ay pinaandar na lang niya ang sasakyan.
Hindi ko rin naman mabuksan ang pinto dahil naka-lock.
"Pwede ba? Manahimik ka na lang, ang ingay-ingay mo." Bwisit!
May nakita akong empty bottle. Nakaisip naman ako trip. Since kasalanan mo kung bakit nangyari 'to...
Boom! Bulls eye.
"Aray! Ba't ka ba nangbabato r'yan?" Nag-maang-maangan naman ako at umarteng wala akong alam sa sinasabi niya.
"Ako? Paano ko magagawa 'yon? Injured kaya ako. Grabe ka manisi r'yan!"
OA mag-react na mokong na 'to. Empty bottle na maliit lang naman 'yon at manipis. Napaka-nipis naman ng balat niya.
"Sa café mo na lang ako ibaba. May trabaho pa ako."
"Baliw ka ba? Tawagan mo na lang ang amo mo na 'di ka papasok dahil naaksidente ka. Clumsy kasi." May sinabi pa siya sa dulo na kahit mahina ay narinig ko naman.
Ako? Clumsy?
"FYI lang ha! Kasalanan mo ang nangyari. Kung hindi ka nag-appear kanina ay malamang hindi ako nasemplang." He hissed.
"Masyado ka kasing naapektuhan sa kagwapuhan ko." Ang kapal!
Mayabang na, napaka-self proclaim pa.
"Saan banda? Kapal ha!" Inikutan ko na lang siya ng mata at sumandal na lang.
Tinawagan ko si Madam Lily at sinabing male-late ako dahil sa emergency.
Hininto niya ang sasakyan nang makapasok sa gate na awtomatikong bumukas. Bumaba siya at binuksan ang pinto kung nasaan ako tapos dahan-dahang lumapit sa akin.
"T-teka! Anong gagawin mo?! Binabalaan kita!" Hindi siya nagsalita kaya naman umatras lang ako habang palapit siya.
"Umayos ka! Sisipain talaga kita." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"
Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin muli kagaya ng kanina.
"Ibaba mo nga ako! Kaya ko naman maglakad." Masyado naman siyang natutuwa na buhatin ako.
Kainis.
"Tumahimik ka na lang, pwede?" Pumasok siya sa loob ng bahay at inupo ako mahabang sofa.
"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya habang napapatingin sa buong paligid.
Infairness, maganda at malinis.
"Sa bahay ko."
May tinawag siya na base sa pananamit nito, isa siyang house helper.
"Ikaw na ang bahala sa kaniya."
Matapos niya 'yun iutos ay iniwan na niya kami. Sinimulan naman nang babae ang paggamot sa sugat ko.
"Ate, bakit parang ang tahimik naman po rito? Nasaan po ang mga tao?" usisa ko sa kaniya. Wala naman, napansin ko kasing napakatahimik talaga sa malaking bahay na ito.
Sabi pa naman nila kapag daw hindi matitirhan ang bahay ay pinamumugaran ng mga multo.
"Bahay lang po ito ni Sir Raven. Ako lamang po ang nag-iisang kasambahay rito, pero minsan naman nagpapadala rito ng ibang kasambahay mula sa mansion upang maglinis. Tapos babalik din agad sa mansion pagtapos."
Mga mayayaman nga naman. Bakit kailangan nilang mag-spend ng milyon para sa isang malaking bahay, kung may bahay pa naman sila? Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga mayayaman.
Kung sana itinulong na lang nila sa mga nangangailangan. Nakagawa pa sila ng mabuti.
Tapos na si Ate na linisan ang sugat ko, sakto rin namang bumaba na si Yabang tapos lumapit sa amin.
"Sir, okay na po." Tumango ito tapos pinaalis na si Ate.
Kinuha ko na ang bag ko at dahan-dahang tumayo. Kumikirot pa rin naman ang injury ko pero medyo kaya na.
"Where do you think you're going?" Bahala ka r'yan!
Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad. Bakit ba ang layo ng pinto mula rito sa living area?
Hindi pa ako nakakalayo ay humarang siya sa daan ko.
"Ano?!" pagsusungit ko.
"Matapos kitang tulungan ay ikaw pa ang magsusungit? How ungrateful." Hindi ko naman hiningi ang tulong niya.
"Ikaw naman nag-insist. In fact, kasalanan mo naman kung bakit ako nasemplang," I said then rolled my eyes.
"Kung hindi kita tinulungan ay malamang nandoon ka pa rin at namimilipit sa sakit."
Fine! Baka sabihin naman nito ang sama ng ugali ko.
"Thank you. Pwede na ba akong umalis? Okay bye!" Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.
"Aray!" Agad naman niyang tinanggal ang kamay sa braso ko tapos nag-sorry. Wow! Bago 'yun sa pandinig ko.
Pero hindi pa rin kami goods.
"May kailangan ka p—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang bigla siyang magsalita.
"Be my girlfriend." Ha?
Tama ba ang narinig ko? Be his what? Girlfriend?
"Girlfriend? Naalog ba utak mo tsong?" Nagkibit-balikat lang siya tapos prenteng umupo sa pang-isahang couch.
Naka-dekwatro pa siya.
"Why not give a try? It's a one-time opportunity. Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa akin, ikaw lang ang inaya kong maging girlfriend. Maliban sa gwapo na ako, mayaman pa ako. Hindi ka na lugi."
Ano raw? Ako swerte? Ibang klase talaga ang yabang sa katawan ng mokong na 'to.
"Swerte ako? Sa'yo?" Hindi ko alam kung paano mag-re-react sa kabaliwan ng lalaking 'to.
"How can I call myself lucky, kung everytime na magku-krus ang landas natin minamalas ako? Tsaka ano naman kung mayaman ka? Hindi naman ako bagay na natatapatan lang ng pera. Kaya pwede ba? H'wag ako."
Masyado naman kasing bilib sa sarili 'to.
"Marami naman pa lang babae ang nagkakandarapa sa'yo, then sila na lang ang gawin mong girlfriend. Hays! I'm just wasting my time here."
Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay humarang siya sa harap ko. Bwisit naman kasing injury 'to. Ang hirap maglakad tuloy.
"Ano na naman?!" Kaunti na lang talaga tatama na ang kamao ko sa mukha ng unggoy na 'to.
"Fine! If you don't want to be my girlfriend. At least be my date on acquaintance party." Napapikit na lang ako dahil sa inis.
'Yung totoo? Ilang beses ba inire ito ng nanay niya?
"Teka nga! May gusto ka ba sa'kin?" Hindi ako nag-fi-feeling. Napakakulit naman kasi.
Makaasta akala mo goods kami.
"Of course not! Ni hindi nga kita type 'no. H'wag ka ngang assuming." Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya.
"Then the feeling is mutual, Mister Yabang. Kaya pwede bang tigilan mo na ako? Let me clear it to you, Mister. Ayaw kong maging girlfriend mo o kahit maging date mo sa party. Besides, hindi ako a-attend sa party na 'yun. Clear? Aalis na ako."
Ngayon ay tuluyan na akong umalis at gladly hindi na niya ako pinigilan pa. Akala ba ng Raven na 'yan ay madadala niya ako sa yaman niya?
In his dreams.
****
Pagkagaling ko sa bahay ni Raven kahapon ay dumiretso ako sa shop. Nalaman na rin ni Madam ang nangyari. Ayaw niya sana ako ipatrabaho pero nagpumilit na ako. Kaya naman tinulungan niya na lang ako.
"Avlyn! May bisita ka." Ha? Sino naman?
Bumangon na ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto.
"Dylan?" Ginagawa nito rito?
Kumaway siya sa akin habang nakangiti.
"Good Morrning, Avs!" bati niya pa sa'kin.
Grabe! Pabigla-bigla namang sulpot nitong lalaking 'to rito sa bahay.
"Grabe, Dylan! Parang huling kita namin sa'yo totoy ka pa. Pero ngayon ang laki mo na at napaka-gwapong bata." Napahawak na lang si Dylan sa batok niya. Napailing-iling na lang ako.
Hiyang-hiya 'yan, Dylan? Lumapit na ako sa kanila.
"Ma, nahihiya na si Dylan," sabi ko kay mama tapos tuluyan nang umupo sa tabi ni Dylan.
"Ba't ka naman mahihiya, Dylan? Totoo naman ang sinabi ko." Nahihiyang natatawa lang si Dylan sa sinabi ni Mama.
Napatingin kami kay Mama nang tumayo ito.
"Maiwan ko na muna kayo rito, gagawa lang ako ng meryenda." 'Yan ang gusto ko kapag may bisita, palaging may foods.
Nang makaalis si Mama ay bumaling ako kay Dylan.
"Ba't nga pala napagala ka rito sa bahay, Dy?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala naman. Na-miss lang kita." Agad ko naman siyang binatukan. Mema rin ang lalaking 'to.
"Ewan ko sa'yo, Cabrera." Natawa lang siya sa akin.
Mahina niyang hinawakan ang braso ko at tiningnan ang galos na naroon habang napapailing-iling pa.
"Alam mo na pala?" Tumango naman siya bilang tugon.
Kapag talaga naaalala ko ang nangyari kahapon ay naiinis ako.
"Raven told me what happened."
Lumapit si Mama sa amin na may dalang meryenda.
"Mamamalengke na muna ako ha? Kayo na bahala rito sa bahay," paalam ni Mama sa amin saka tuluyan nang umalis.
Hinintay lang namin na tuluyang makaalis si Mama para mapag-usapan ang nangyari kahapon.
"Nakwento na rin ba sa'yo niyang magaling mong kaibigan ang kabaliwang pinagsasasabi niya kahapon?" Bahagya naman siyang natawa.
Mukha ngang alam na niya.
"The girlfriend and acquaintance date thing?" I just rolled my eyes.
"Nireklamo niya 'yun sa akin kagabi." Sige lang, Dylan Cabrera! Tawa pa!
Tuwang-tuwa sa kabaliwan ng kaibigan.
"Pagpasensyahan mo na 'yang si Raven. Isip-bata at spoiled kasi kaya ganoon ang ugali." Yuck spoiled!
Baka naman bondying din 'yun?

"Paano mo ba naging kaibigan ang mayabang na 'yun?" tanong ko.
Curious lang naman kung paanong nagkaroon ng ganoong klase ng kaibigan itong si Dylan.
"To make the story short, our parents were high school bestfriends. As in, parents naming lima. Then we had a small gathering when we migrated to states." Kaya naman pala.
"Pero silang apat matagal nang magkakaibigan. Sa gathering ko lang sila nakilala. I was sitting alone in the garden, kasi nga hindi ako pinapagamit ni Dad ng gadgets. Then they approached me." Nice! Mukhang thankful pa rin ako kahit papaano sa kanila dahil hindi naging mag-isa ang bestfriend ko ro'n.
Pero muli sasabihin ko na hindi pa rin kami goods.
"As I said, pagpasensyahan mo na si Raven. Only child 'yun kaya lahat ng gusto nakukuha niya mula pagkabata. Lumaki siya na akala niya lahat nakukuha ng mabilisan gamit ang pera," kibit-balikat na sabi ni Dylan.
Bakit? Only child din naman ako. Pero sabagay, mayaman kasi siya.
"Ngayon, thankful pa rin ako na strikto si Tito Dan. Hindi ka lumaking spoiled brat." Natawa naman siya sa sinabi ko tapos ginulo pa ang buhok ko.
Seryoso kaya ako!
"Anyways, mukhang wala ka pa namang date sa Acquaintance. Ako na ang date mo." Aba! Desisyon? Hindi man lang patanong ang pagkakasabi niya.
Uminom ako ng juice tapos kumagat sa cupcake.
"You know me, Dy. I'm not fond of any kind of parties." Oo hindi talaga ako mahilig. Kahit nga prom nang highschool ay never kong pinatos.
Mas pipiliin ko pang matulog kaysa um-attend sa night parties.
"Attend ka na, Avs. Kawawa naman ang bestfriend mo. Walang ka-date sa acquaintance." Binatukan ko nga.
"Marami namang may gusto sa'yo sa school. Hindi ka mahihirapang maghanap ng date." Bigla naman siyang nag-pout kaya hinila ko ang nguso niya.
Aba! Akala ba niya madadaan niya ako sa pa-cute niya? Ano siya bata?
"Alam mo naman na hindi ako nag-aaya sa hindi ko close 'di ba? Kaya nga kapag may event noon na pupuntahan ang family ko, ikaw ang dinadala ko." Oo! Hindi ako fond ng parties pero na-experience ko na dahil sa lalaking 'to. Ginagamit pa niya ang magulang niya para lang mapapayag ako.
Naalala ko na naman tuloy.
"Hoy! Baka gamitin mo na naman sila Tita at Tito. Don't you dare, Dylan Cabrera!" Nagkibit-balikat naman siya tapos kinuha ang cellphone niya.
"You gave me an idea, Avs." Agad kong hinablot ang phone niya nang magtitipa na siya.
Napaka talaga nito!
"Fine! Guguluhin mo pa sila Tita. Sige na, papayag na 'ko." Ayan! Ngiting tagumpay na naman siya. Ayaw ko pa naman talagang pumunta. Pero ano pa nga ba magagawa ko? Besides, kasama ko naman na si Dylan.
Hindi ako maa-out of place.
Ilang oras pa nag-stay si Dylan dito sa bahay. Marami na rin kaming napag-usapan. Nakipag-video call pa nga kami sa magulang niya. Gladly, hindi matapobre ang magulang ni Dylan. Parang anak na rin nga ang turing nila sa akin. Naalala ko pa noon kung ilang beses nilang sinabi sa amin ni Dylan na bagay kami.
As in! Sinabi talaga nila na gusto raw nila akong maging manugang. Na-open nga ulit ang tungkol r'yan kanina sa video call.
Hindi ako choosy! Siguro kung hindi ko bestfriend si Dylan ay may chance. Sa personality ba naman ng bestfriend ko, imposibleng hindi magustuhan. Pero lumaki kasi kami na para bang magkapatid na ang turingan, knowing na only child ako at longing for an elder brother.
Honestly, Dylan is a boyfriend material. Lahat na nga yata ng gusto ko sa lalaki nasa kaniya na. Pero wala, hanggang bestfriend lang talaga.
Besides, ayaw ko muna sa commitment. Sakit lang sa ulo at puso 'yan. Dami ko pang dapat pagtuunan ng pansin.
Kaya, commitment is still a no-no for me.

Book Comment (74)

  • avatar
    Romel Arquisola

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

    10d

      0
  • avatar
    Josef Patryk Mandac

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Lykamae Yu

    love the friend

    28/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters