logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Two

Hays! Pangatlong araw ko pa lang papasok ay parang tinatamad na ako. Kung makakasalamuha ko lang din naman ang mga unggoy na 'yun? H'wag na lang.
Nakakainis talaga!
"Avs?" Wait?
Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin at lumingon sa pinanggalingan nito. Nanlaki ang aking mga mata nang makita at makumpirma kung sino ito.
"Oh my—Dylan!" Hindi ako nagdalawang-isip na tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya.
"I missed you, Avs," he said while we are still hugging each other.
Men! I really missed this guy.
"So, student ka na rin pala rito? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, na-tour man lang sana kita." Ibig sabihin matagal na pala siya nag-aaral dito? 
Napasimangot na lang ako tsaka binatukan siya. 
"Sira! Baka nakakalimutan mo na mula nang mag-migrate kayo sa States ay nawalan na rin tayo ng communication. Akala ko nga nakalimutan mo na ako." Bigla naman siyang natawa saka ako kinurot sa pisngi. Kainis 'to, nagsisimula na naman siya sa trip niyang paglapirot ng pisngi ko. 
"Me? How could I forget my piggy bestfriend, ha?" Men! Hindi niya pa rin talaga nakakalimutan ang bansag niya sa akin noon. 
Oo! This guy is my only boy bestfriend since childhood. Pinagkaiba lang namin ay mayaman siya habang ako ay isang hampaslupa lamang. 
"Aba't—for your information my uhugin na bestfriend, hindi na ako piggy 'no!" Ganito na kami mag-asaran since then kaya sanay na kaming dalawa. Sa sobrang pagka-miss namin sa isa't-isa ay puro lang kami asaran at sakitan habang nag lalakad. Hindi naman 'yung sakitan na seryosohan, biruan lang. 
Pero habang naglalakad kaming dalawa ni Dylan ay ramdam ko ang tinginan ng mga kababaihan. Pakiramdam ko nga, anytime mamamatay na ako sa mga tinginan nilang masama. 
"I really missed you, Avs. Sorry if I didn't reach out to you for a long time, si Dad kasi pinutol lahat nang mag-migrate kami sa States. I tried to reach you out when I came back, but seems like you already changed your number." Well, I'm aware about how strict Tito Dan is. Kahit si Tita Daisy ay hindi siya napapatiklop kapag nakapag-decide na siya sa isang bagay. Ganunpaman ay mabait naman si Tito Dan, may paninindigan lang talaga siya. 
Inakbayan ko siya saka ginulo ang buhok niya. Noon pa lang naman ayaw na nitong lalaking 'to na ginugulo ang buhok niya. 
"Avs! Ang tagal ko kayang inayos 'to, tapos ginugulo mo na naman. Gano'n ha? You want war? Fine!" Mas lumapit siya sa akin saka kinurot ang ilong ko. Kung siya ayaw nang ginugulo ang buhok,ako naman ayaw kong kinukurot ang ilong ko. Matagal kasing nawawala 'yung sakit tapos may pula pang maliit na naiiwan. 
Habang busy kami sa pag-aasaran ay may biglang sumingit.
"We didn't know that you have a close friend here, Bro. Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mo." Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses na 'yun. At tila naman kumulo ang dugo ko nang mapagtanto kung sino ang mga ito.
Oh Please!
"Ikaw?...wait, Bro! You know her?" Wow ha! Ang oa naman mag-react ng mayabang na unggoy na 'to.
Nilingon ako ni Dylan tapos muling bumaling sa lalaki habang napapatango pa.
"Of course, Bro. She's my bestfriend, the one I mentioned to you before. Wait...you already know her?"
Napabaling ang mata ko sa iba pa nitong kasama. Napasipol lang naman sila habang kunwari pang napapaiwas ng tingin.
Pero siyempre maliban kay Mr. Snobber.
"Basta labas kami riyan," parinig lang naman ng babaerong unggoy na katabi si Mr. Snobber.
"So, she's your bestfriend? Ang baba naman ng taste mo, Bro." Napaka-kapal ng unggoy na 'to.
Kung sipain ko kaya sa tadyang 'to.
"Bro, I know that you hate girls. You can insult or hurt any girls you want. But not Avs, okay?"
Kung titingnan mukhang close si Dylan sa mga ito. Totoo kaya ang naiisip ko? Dahil kung totoo?
Nalintikan na.
"Are they a friend of yours, Dy?" Tumango naman siya bilang tugon.
Okay tama nga ako.
"Nice. Sige na, Dy. I have to go, baka ma-late pa ako sa class ko."
Agad na akong tumalikod at naglakad paalis. Narinig ko pa ngang tawagin ako ni Dylan, pero tinaas ko lang ang kamay ko at winagayway ito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Ewan ko ba.
Nang malaman ko na kaibigan niya ang mga unggoy na 'yun ay tila may bumulong sa akin na dumistansya. Dylan naman kasi! Ang daming pwede maging kaibigan, ang mga mayayabang na Elites pang 'yun.
Hays.
"Avs." Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin. Si Dylan pala, kasama ang mga kaibigan niya. Lunch na kasi.
Ang bilis ng oras, 'no?
"Ikaw pala, Dylan. Palabas na rin si Mister Snobber. Sige una na ako." Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti saka tuluyan na siyang iniwan.
Sorry, Dy.
Nang makarating sa Cafeteria ay bumili na ako kaagad ng makakain. Sinigurado ko rin na walang stains o anumang nakakalat na kung ano sa sahig. Ayaw ko nang maulit pa ang nangyari kahapon.
Umupo na ako kaagad sa bakanteng pwesto na nahagilap ko bago pa man ako maunahan. At sana lang maging tahimik ang pagkain ko ngayon dito.
Habang tahimik na kumakain ay may naramdaman akong tao na nakatayo sa harap ko.
Utang na loob naman.
"Mga Bro! Dito na ako sa bestfriend ko pupuwesto," paalam ni Dylan sa mga kaibigan niya. Tinaas lang naman nang mayabang na unggoy ang kamay niya.
Yabang.
"Dito na rin ako! Nakakasawa na mga mukha niyo." Nakita ko pang nagtaas ng gitnang daliri ang mayabang na unggoy.
Napakasiga pa. Parang wala sa paaralan. Ganito ba talaga ang estudyante sa  prestigious school na 'to? Mga walang modo.
"Hello, Avy!" I just gave him a half smile.
Nagpaalam ito na bibili ng pagkain. Siya na rin nag-insist na bumili para kay Dylan. Kaya naman dalawa na lang kami ni Dylan dito sa table.
"Avs, why are you ignoring me? Is it because of Raven?" Raven pala ang pangalan ng unggoy na 'yun?
Hindi bagay sa kaniya.
"Alam mo, Avy, ganoon talaga 'yang si Raven." Kagulat naman nitong lalaking 'to. Parang ang bilis naman yata nito?
"Bakit ang bilis mo, Bro?" tanong ni Dylan na tanging kibit-balikat lang ang tinugon nito. At naintindihan ni Dylan kaagad ang pinaparating niya.
Wow ha!
"Woman hater kasi si Raven," dugtong pa nito sa sinabi niya kanina. Hindi pa pala siya tapos sa sinabi niya sa akin.
Woman hater? Ang unggoy na 'yun?
"Kung ayaw niya sa Girls, sana respect na lang. Hindi 'yung mang-iinsulto pa siya." Natawa naman si Dylan sa sinabi ko tapos bigla akong inakbayan.
Badtrip 'to! Inis na nga ang tao, tinatawanan pa.
"Si Avlyn ka pa rin nga! Napakabugnutin pa rin." Sige, Dylan, tawanan mo pa ako.
Inambahan kong guluhin ang buhok niya pero agad din siyang umiwas. Takot naman pala.
"Paano niyo ba naging kaibigan ang mayabang na unggoy na 'yun?" Natawa naman silang dalawa sa sinabi ko.
Bakit? Totoo naman ah.
"Raven, Bro! Mayabang na unggoy ka naman pala."
Diyos ko po! Ako ang nahihiya sa kalokohan nang mga 'to. Nakalimutan yatang nasa loob pa kami ng cafeteria.
Tumayo ang nasa kabilang table at lumapit sa amin.
"Sinong mayabang na unggoy? Ha?" Triggered much? I just rolled my eyes.
"Epal."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumutok na lang sa kinakain ko. Kawalang gana tuloy kumain.
"Si Dylan maiintindihan ko pa kung bakit ang bait sa babaeng 'yan. Pero itong si Gavin?" 'Yan na naman siya sa pang-iinsulto niya.
"Ano, Pre? Bumaba na rin ba ang taste mo—ARAY! Ano ba, Calvin!" So, Gavin pala ang name ni Mister Nice Guy?
At sino naman si Calvin? Hindi ko alam kung ano'ng ginawa nang Calvin sa kaniya. Sa pagkain lang kasi ako naka-focus.
Wala na. Tuluyan na talaga akong nawalan ng gana, pati pasensya ko nawawala na. Bwisit talaga ang unggoy na 'to!
Tumayo ako at kinuha ang tinidor saka itinutok ito sa kaniya. Kaya naman napaatras siya. Takot 'yan?
"H-hoy! Ano'ng...binab-balak mo? N-nababaliw ka na...ba?!" Lumabas ang ngisi sa labi ko, para mas lalo siyang matakot.
"Ikaw na unggoy ka, umpisahan mo nang manahimik. Kasi ang pasensya ko para sa'yo, ganito na lang." Pinakita ko sa kaniya ang free hand ko na naka-gesture na tila kaunti na lang.
Muli ko siyang tiningnan. Pero sa pagkakataong ito ay wala na ang ngisi at seryosong mukha ko na ang hinarap sa kaniya.
"At kapag hindi ka pa tumigil? Hahampasin na talaga kita ng espresso machine. Hindi ako natatakot sa'yo!"
Binaliktad ko ang tinidor at marahang nilapit sa kaniya. Akala pa niya ay sasaksakin ko siya, kaya mabilis niyang hinarang ang kamay niya. Dinikit ko ang tinidor sa kaniyang kamay. Tapos nag-iwan ng katagang...
"Tss wala ka naman pa lang binatbat, puro yabang lang." Tapos tuluyan na akong umalis.
Hindi pa nga ako nakakalabas nang tuluyan ay narinig ko na ang reklamo ng lalaking 'yun.
"Baliw ang bestfriend mo, Pre!" Childish ang putek!
Nang makalabas sa cafeteria ay may humarang sa akin na tatlong babae.
"Bakit?" mahinahon kong tanong sa kanila. Chill muna dahil wala pa naman silang sinasabi.
"Ba't ka ba lapit nang lapit sa kanila Raven? 'Di ba new student ka lang?"
Ano ba'ng mayroon sa limang 'yun? Pati ako ginagambala na ng mga babae nila. Kaya siguro gusto ng isip ko na dumistansya sa kanila dahil gugulo lang buhay ko dahil sa kanila.
"Sino ba ang lalaking 'yun para pag-aksayahan ko ng oras? Gosh!" Self, kalma.
"So, sinasabi mo bang si Raven ang lumalapit sa'yo? Napaka-ambisyosa mo naman, Girl!"
Bitch, please! I don't want to cause any kind of mess here.
"Sabihin na nating oo. Wala tayong magagawa kasi lapitin ako ng unggoy. Kaya pwede ba? Layuan niyo 'ko dahil hindi nakakatuwang makita ang pagmumukha niyo."
Mga bwisit gusto talaga akong sagarin. Baka sa kanila ko ma-ibunton ang poot ko sa mayabang na unggoy na 'yun.
"Argh! Ano?!"
Kaunti na lang talaga.
"Kung hindi kay Raven. Bakit sobrang lapit mo kay Dylan? Are you one of his girls?"
Gosh! These girls are getting into my nerves.
"First of all, ano ba kayo ng mga lalaking 'yun? Girlfriend? Kung makatanong kayo sa'kin kulang na lang sabihan niyo akong kabit." Oo imbyerna na ako.
"FYI ha?! Bestfriend ko si Dylan, hindi niyo pa siya kilala ay kilalang-kilala ko na siya. Nasagot ko na ba tanong n'yo? Kung hindi pa, then go! Puntahan niyo ang boys na 'yun at sila ang kumprontahin niyo. Mga bwisit!"
Mabait ako sa mabait, pero maldita ako sa maldita at walang modo.
Buti na lang hindi ko kaklase ang mayabang na 'yun. Pero ang isnaberong may golden brown na buhok ay kaklase ko, tapos katabi ko pa.
Imbyerna naman.
Dumating na ang professor namin sa Understanding the self. Wala namang ginawa maliban na lang sa nag-discuss siya ng kung ano-ano. Malamang! Alangan namang uupo lang siya.
"Everyone, pumunta kayo sa likod. Kapag tinawag ko kayo ay pupunta kayo sa ituturo kong seat." May activity kasi tapos partner pa. Pinag-partner ni Sir ang mga table at chair, ganito kasi ang seat namin literal na maliit na table at chair.
Isa-isa nang tinatawag ni Sir ang classmates namin.
"Miss Pilapil and Mister O'neil." Napalingon ako sa magiging ka-partner ko.
Totoo ba? Bakit parang ang malas ko ngayong araw? Putek naman talaga! Sa dinami-rami ng pwedeng i-partner sa akin, ang snob na lalaking 'to pa?
Oh come on, Sir! Is this a joke?
Umupo na lang kami a seat namin at naghintay ng intruction kay Sir. Hindi pa kasi tapos mag-grupo si Sir.
Medyo na-conscious ako sa nararamdaman kong titig, kaya naman lumingon ako sa partner kong nakatingin sa akin. Problema nito?
"Ano? Problema mo?" pagtataray ko sa  kaniya.
"Sungit."
Aba! Kahit bulong lang 'yun ay rinig na rinig ko  pa rin. Matapos niyang sabihin 'yun ay dumungo siya, kanina kasi naka-lean lang ang ulo niya sa braso niya tapos nakatingin sa akin. Tapos nang sungitan ko siya ay ayan dumungo agad matapos sabihin na ang sungit ko raw. 
Tumingin na lang ako kay Sir na ngayon ay nagsisimula nang magpaliwanag tungkol sa activity. 
"Gagawa kayo ng Portrait ng ka-partner niyo at sa portrait na 'yun i-indicate niyo ang pagiging collectivist at individualist ng partner niyo. For example, si Miss Dane and Mister Planillo, tatanungin nila ang isa't-isa tungkol sa kung paano nila nasasabing collectivist at individualist sila."
Kung titingnan ang ka-partner ko, obvious namang individualist 'to. Mukhang pati nga ako ay hindi kakausapin ng lalaking 'to. Snobber nga 'di ba? 
"Deadline will be next meeting dahil idi-discuss niyo ang gawa niyo sa harap. Any questions? Clarifications?" Gets ko naman na ang gagawin kaya lang ang problema ay itong ka-partner ko. 
Paano ko 'to kakausapin? 
"Since wala nang questions, I am going to give our remaining time for you to discuss this matter with your partners."
Pumuwesto na si Sir sa seat niya habang ang mga kaklase naman namin ay may kani-kaniya nang ginagawa. Binalingan ko ang ka-partner ko na ngayon ay nakadungo pa rin. Nakakainis!
"Hoy ano? Nga-nga tayo? Kung gusto mo bumagsak, please lang. H'wag mo 'ko idamay." Nakakainis parang walang naririnig. 
"Hoy." Mahina lang ang pag-approach ko sa kaniya para hindi maka-istorbo sa iba. Kinakalabit ko siya pero no response. 
Buhay pa ba ang snobber na 'to?
"Fine! Kung babagsak lang din naman ako dahil sa'yo, makikipagpalitan na lang ako. Tutal marami naman ang may gustong makipag-partner sa'yo rito." Akma na sana akong tatayo nang bigla niyang hablutin ang braso ko para pigilan ako. 
Tumingin naman ako sa kaniya. 
"Stay." Inikutan ko na lang siya ng mata tapos umupo na ulit. 
Bakit ba kasi ang mokong na 'to ang pinares sa akin?
"Ba't ba ang sungit mo sa'kin? Wala naman akong ginawa sa'yo." Wow ha? Makapagsalita naman siya ngayon ng masungit samantalang siya ang unang nang snob sa akin nang unang araw ko rito. 
Hugas-kamay?
"FYI, Mister Snobber, partner lang tayo sa activity pero hindi pa rin tayo friends." Nagulat ako nang bigla siyang nag-roll eye. 
Aba!
"Are you a gay?"Bigla naman siyang napasimangot sa sinabi ko. 
"Nag-roll eye lang gay na? Kapag ba sinapak mo 'ko, pwede kong sabihin na lesbian ka?" Marunong naman pala siyang magsalita. 
"Whatever." 
Mukha talagang wala kaming magagawa kung kami ang magka-partner. Mukha naman kasing walang interes itong ka-partner ko. 
"And it's Payton, not snobber."
Tinanong ko ba? Hay naku! Nakaalis na lang si Sir ay hindi pa rin kami nakakapag-usap ng maayos.
"Let's go." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Uwian na kasi at nag-aayos na kami ng gamit. I mean, ako lang pala dahil tapos na siya.
Pero ano ba'ng pinagsasasabi nitong lalaking 'to. Let's go? Saan?
"Doon tayo sa base namin gumawa nitong activity."
Kinuha ko ang bag ko saka ito sinukbit sa likod ko. Bago pa man umalis ay pumameywang ako sa harap niya.
"Mister Payton O'neil, kahit partner tayo it's still an individual activity. Besides, we can just ask each other through private messages. Sige alis na ako, may trabaho pa 'ko. Bye!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya.
May pa-base-base pa siyang nalalaman. Tsaka hindi niya ako mapapasama ro'n 'no! Makikita ko lang ang mga nakakabwisit na unggoy ro'n. Mag-iinit lang lalo ang dugo ko.
"Talaga ba, Bal? Doon din nag-aaral si Dylan?" Tumango ako bilang tugon sa tanong ni Karen.
Na-kwento ko kasi sa kaniya ang nangyari kanina.
"Yeah but unfortunately, kaibigan niya ang mayabang na 'yun."
"Seryoso? As in 'yong antipatikong mayabang at matapobreng lalaki na 'yon?" Muli naman akong tumango.
"What a small world."
Yeah sobrang liit talaga ng mundo.
"Sinabi mo pa. Dahil sa mayabang na 'yun, nadamay tuloy si Dylan." I should be sorry to Dylan.
Napareklamo ako nang tusukin ni Karen ng
daliri niya ang gilid ng noo ko. Problema ba nito?
"Ba't naman damay si Dylan, aber? Wait! Don't tell me..." Dahan-dahan akong tumango, kaya naman nakatanggap ako ng batok mula sa kaniya.
"Akala ko ba matalino kang babae ka? Isipin mo nga! Bestfriend mo si Dylan, at as long as he's still the Dylan you've known. At hindi na-brainwash ng mayabang na 'yun. Bakit kailangang madamay siya? Hay naku talaga, Avlyn!" Sorry na agad!
Tama naman siya. Avlyn naman kasi! Bakit hindi mo ginagamit utak mo? Na-guilty tuloy ako kay Dylan.
Napatingin ako sa pinto nang sikuhin ako ni Karen at nginuso ang pinto.
"Ginagawa mo rito?" walang gana kong tanong sa kakapasok lang.
"Napaalam na kita sa amo mo. So, let's go." Hindi pa rin pala siya tapos sa gusto niya? Kainis naman!
"Can't you see? I'm still working. Besides, I don't want to go with you sa base niyo. Gagawin ko ang akin sa bahay at ikaw naman gawin mo kung saan mo gusto. Send ko na lang ang infos ko sa'yo through private mesage, gano'n din ang gawin mo. Okay?"
Binati namin ni Karen si Madam Lily nang makapasok ito sa shop.
"Ikaw ba ang tumawag sa akin?" Ngumiti naman ito at tumango.
Binalingan ako ni Madam Lily. At mukhang alam ko na.
"Sige na, Avlyn. Gawin mo na muna ang school works mo, kami na muna ni Karen bahala rito." Argh! Payton O'neil, ba't ang kulit mo?

Ano pa ba magagawa ko? Kinuha ko na lang ang gamit ko at naunang lumabas
"Napakakulit mo talaga 'no? Kainis!" gigil kong sabi habang nag-d-drive siya.
"Ayaw mong bumagsak 'di ba? Ba't ka nagrereklamo r'yan? Ano ba talaga?" Hindi niya ba talaga ma-gets ang gusto ko i-point out?

Ayaw ko silang makasalamuha. Period!
"Si Raven ba ang reason? Don't worry, ako na nag-sasabi sa'yo na hindi ka niya guguluhin." Then he gave me an assurance smile.
Marunong din pala 'to ngumiti?
"Tss whatever." Ayaw ko nang magsalita pa. Bahala na nga!
****
"Ano ba! Ilabas niyo ko rit...argh you! H'wag mong subukang lumapit, susuntukin kita sa mukha. Puta naman, Calvin! Ang baboy mo! Palabasin niyo na 'ko rito!"
Napaka-ingay! Paano kami gagawa rito kung ang ingay-ingay niya?
"Hahayaan ka naming lumabas riyan, but you have to promise us that you will behave."
Oo, ito ang tinutukoy ni Payton kanina, na hindi raw ako guguluhin ang mayabang na 'yan.
"Oo na! Basta palabasin niyo na ako!" Nagtinginan ang tatlong lalaking kasama ko at nagtanguan saka ako binalingan.
Napataas naman ang kilay ko.

"Your choice, Avs. Palalabasin na ba namin?" Napailing-iling na lang ako at muling binaling ang tingin sa portrait na ginagawa ko.
"Palabasin niyo na. Napaka-ingay, ang hirap makapag-concentrate." Pero subukan niyang guluhin ako. Ako mismo magkukulong sa kaniya sa kwartong 'yan.
Narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto. Hindi na ako tumingin, maba-badtrip lang ako.
"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!" Bahala ka r'yan.

"Bro, gusto mo bumalik?"
"Oo na! Takte naman." 'Yan! Manahimik ka r'yan.
"Hoy, Calvin! Doon na kayo sa kabilang kwarto," rinig ko lang na sabi ni Gavin.
Rinig ko rin ang kalansing ng susi.
"There's no need, Bro. We're done." What a playboy.
Hay salamat naging tahimik na rin.
"Humanda ka bukas, babae ka." Mahina lang 'yun pero rinig ko.
"We heard you, Bro. Gusto mo talaga bumalik sa loob?" He just hissed then left the base.
As if I'm scared? Childish.
"Kailan kaya mag-ma-mature 'yang si Raven?" Mukhang malabo na 'yan, Dy.
"Kapag na-inlove, matik 'yan." Talaga ba, Mister Nice Guy?
"Bro, hanapan mo nga ng chicks 'yun." Natawa naman ito.
Sa inakto ng lalaking 'yun kanina? Mukhang kahit hanapan ng babae ay walang effect 'yun.
"Hayaan niyo na 'yon. Mahahanap din no'n ang katapat niya. Just wait and see."
Bahala nga sila r'yan. Dito na lang ako mag-f-focus sa ginagawa ko, nang makaalis na. Hindi ko naman gustong magtagal kasama ang mga mokong na 'to.

Book Comment (74)

  • avatar
    Romel Arquisola

    ♥️♥️♥️♥️♥️♥️

    10d

      0
  • avatar
    Josef Patryk Mandac

    good

    17/08

      0
  • avatar
    Lykamae Yu

    love the friend

    28/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters